WALA na ngang hihirit pa sa magandang resulta ng pagsasapelikula ng “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio” ng Cinemalaya.
Ito ang opisyal na lahok ng premyadong manlilikhang-pampelikula na si Mario O’Hara sa Open Category ng pestibal na ngayong taon lang na ito binuksan.
Ang Open Category ay itinatag ng Cinemalaya Independent Film Festival ng Cultural Center of the Philippines upang bigyang-laya ang mga talento ng mga beteranong direktor na puwedeng makaakma sa paggawa ng mga independent o indie films na ang kahulugan din ay mura pero maipagkakapuring mga pelikula.
Kung ang isang direktor ay nakagawa na ng tatlong pelikula at naipalabas na ang mga ito sa mga komersyal na sinehan, puwede nang magpadala ng mga lahok sa Cinemalaya at ito nga ang ginawa ni O’Hara.
***
Ayon kay Mario, tinawagan siya ng isa sa mga utak sa likod ng Cinemalaya na si Laurice Guillen at sinabihan siyang sumali sa bagong dibisyon dahil kuwalipikado siya sa mga alituntunin nito.
Kaya inihanda ni O’Hara ang lahat at nagsumite sa Cinemalaya.
Ganito rin ang ginawa ng iba pang filmmaker tulad nina Gil M. Portes, Joel Lamangan, Joel Lamangan, Mark Meily at Joselito Altarejos.
Marami pang mga batikan at bating na direktor ang sumali pero sa kasamaang-palad ay hindi sila nagkapalad.
Kabilang sa kanila ang peryodistang pampelikula na si Cesar Evangelista.
Pero ang nagkapalad nga ay sina O’Hara para sa “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio,” Gil para sa “Two Funerals,” Joel para sa “Sigwa,” Mark para sa “Donor” at Joselito o Jay para sa “Pink Halo-Halo.”
***
Kaya lang nagkaproblema si Mario sa pagsisimula ng kanyang produksyon dahil umatras ang kanyang unang co-producer kaya tinulungan siyang maghanap ni Laurice at ni Robbie Tan ng Seiko Films.
Kasyang-kasyang alaga ni Boy Abunda si Laurice kaya kinumbinsi ng direktora ang kanyang talent manager na siya nang magpatuloy ng produksyon na wala namang reklamo ang TV host na PR-Manager.
Nang mapanood niya ang obra, walang masabing masama si Boy.
“Ganyan ang dapat na iprodyus natin sa local film industry. Mahalaga ang history, something we can look back to. Kaya nga ipinagmamalaki ko ang ‘Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio.’ I am proud of being part of this,” pahayag ni Abunda.
***
Sinabi ni Boy na hindi nasayang ang kanyang paglalagak ng kuwarta sa pelikula kabilang ang mga co-producer niyang sina Mike Sicat at Boy So.
Sa naunang ulat natin ay Mike Miclat ang naipahayag natin pero kinorek tayo ni Dennis Adobas, ang peryodistang pampelikula na may kaugnayan sa produksyon.
“Mike Sicat ‘yon,” pagtutuwid ni Dennis.
Kaya nga Mike Sicat kung Mike Sicat.
At nagmiting na rin sina Abunda, Sicat at So sa paraan ng pagtitinda ng obra ni Mario.
Nais nina Boy na makatulong sa paglago ng independent filmmaking sa bansa kaya naman sila ay nakalaang makipagtuwang sa mga filmmaker lalo na at pinaniniwalaan nila ang mga proyekto.
***
Mahalaga rin ang papel na ginagampanan ni Nora Aunor sa pagpayag ni Boy na makipagsosyo kay Mario at sa Cinemalaya.
Nang malaman ni Abunda na si O’Hara ang direktor at may pasimuno ng proyekto, umoo agad siya dahil si Mario anya ang nagbigay ng kauna-unahang award ng Superstar, ang Urian Award ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino para sa “Tatlong Taong Walang Diyos” ng NV Productions.
“I never asked for anything. I didn’t even read the script. Basta I believe in Mario. Ni hindi nga kami nag-usap ni Mario before, during and after the movie is done,” pagtatapat ni O’Hara.
Ngayon lang na ibibenta na sa mga manonood upang panoorin ang pelikula at saka lang nagkaharap ang dalawa.
Star Patrol (for saksi, July 11, 2010)
Boy Villasanta
Nang dahil kay Nora Aunor, napapayag si Boy Abunda na makipagsosyo kay Mario O’Hara sa “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio”
KUNG hindi pa kay Nora Aunor ay hindi dadali ang negosasyon sa pagsisimula ng paggiling ng kamera para sa pelikulang “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio,” isa sa mga obrang nagkamit ng paghanga ng mga namili sa mga lumahok sa Open Category ng ika-6 na Cinemalaya Independent Film Festival ng Cultural Center of the Philippines.
Nakapasa na’t lahat ang pelikula sa dibisyong ito at handa na si Mario O’Hara sa paggawa nito ay saka naman nagbitiw ang kanyang unang kausap na counterpart producer para sa Cultural Center of the Philippines, ang ahensiya ng pamahalaan na nag-organisa ng Cinemalaya.
Kasi nga’y nagkaproblema si Mario sa kawalan ng nais sumugal sa pelikula na magastos dahil ito ay isang period movie, isang historical drama na kailangang malaki ang kapital.
Mabuti na lang at alaga ni Boy Abunda ang isa sa mga utak sa likod ng Cinemalaya na si Laurice Guillen.
Kagyat na kinausap ni Laurice si Boy, ang kanyang talent manager na kailangan ang pantustos sa produksyon ni O’Hara.
***
Hindi nagdalawang salita si Guillen dahil sa pagkakinig lang ni Abunda sa pangalang Mario O’Hara ay umoo agad ang kanyang partisipasyon.
Hangang-hanga kasi si Boy kay Mario dahil ang direktor ang nagbigay ng kauna-unahang parangal kay Nora Aunor sa showbiz, sa “Tatlong Taong Walang Diyos” ng NV Productions.
Alam naman nating lahat na malaki ang paghanga ni Abunda kay Nora at malaki rin ang kanyang utang na loob dito.
Alam ba ninyo na si Boy ay naging talent manager din ni La Aunor kasama ang isa pang talent manager na si Vivian Recio?
Kaya nga may pinagsamahan na sina O’Hara, Guy at Boy kaya naman walang kagatul-gatol na sumang-ayon ang TV host sa paglalagak ng pera sa produksyon.
***
Pero tatlo sina Abunda sa paglalabas ng pera sa pelikulang ito at maliban sa kanya ay sina Mike Sicat at Boy So rin ang kanyang katuwang sa paggastos.
Sa naunang ulat natin ay Mike Miclat ang naipahayag natin pero kinorek tayo ni Dennis Adobas, ang peryodistang pampelikula na may kaugnayan sa produksyon.
“Mike Sicat ‘yon,” pagtutuwid ni Dennis.
Kaya nga Mike Sicat kung Mike Sicat.
At nagmiting na rin sina Abunda, Sicat at So sa paraan ng pagtitinda ng obra ni Mario.
Nais nina Boy na makatulong sa paglago ng independent filmmaking sa bansa kaya naman sila ay nakalaang makipagtuwang sa mga filmmaker lalo na at pinaniniwalaan nila ang mga proyekto.
***
Wala na ngang hihirit pa sa magandang resulta ng pagsasapelikula ng “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio” ng Cinemalaya.
Ito ang opisyal na lahok ng premyadong manlilikhang-pampelikula na si O’Hara sa Open Category ng pestibal na ngayong taon lang na ito binuksan.
Ang Open Category ay itinatag ng Cinemalaya Independent Film Festival ng Cultural Center of the Philippines upang bigyang-laya ang mga talento ng mga beteranong direktor na puwedeng makaakma sa paggawa ng mga independent o indie films na ang kahulugan din ay mura pero maipagkakapuring mga pelikula.
Kung ang isang direktor ay nakagawa na ng tatlong pelikula at naipalabas na ang mga ito sa mga komersyal na sinehan, puwede nang magpadala ng mga lahok sa Cinemalaya at ito nga ang ginawa ni O’Hara.
***
Ayon kay Mario, tinawagan siya ng isa sa mga utak sa likod ng Cinemalaya na si Laurice Guillen at sinabihan siyang sumali sa bagong dibisyon dahil kuwalipikado siya sa mga alituntunin nito.
Kaya inihanda ni O’Hara ang lahat at nagsumite sa Cinemalaya.
Ganito rin ang ginawa ng iba pang filmmaker tulad nina Gil M. Portes, Joel Lamangan, Joel Lamangan, Mark Meily at Joselito Altarejos.
Marami pang mga batikan at bating na direktor ang sumali pero sa kasamaang-palad ay hindi sila nagkapalad.
Kabilang sa kanila ang peryodistang pampelikula na si Cesar Evangelista.
Pero ang nagkapalad nga ay sina O’Hara para sa “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio,” Gil para sa “Two Funerals,” Joel para sa “Sigwa,” Mark para sa “Donor” at Joselito o Jay para sa “Pink Halo-Halo.”
No comments:
Post a Comment