Thursday, July 1, 2010

Mga lihim ni Conrad, ibinibunyag


NAMATAY at namatay si Conrad Poe pero ang dam-dami nating mga bagay na hindi nalaman sa kanya.

Dahil nga nahirati tayo sa mga istorya tungkol kay Fernando Poe, Jr. na siyang mas sikat kaysa sa kanya.

Pero artista rin naman si Conrad, di ba?

Kapareho rin siya ni FPJ dangan nga lang at mas maraming tagahanga ang tinaguriang Hari ng Pelikulang Pilipino.

E, ang dami ring masasaganang kuwento tungkol sa kanya na sukat na kasingganda at kasing-intriga rin ng mga anekdota tungkol kay FPJ.

At karapatan din ng publiko na malaman kung ano at sino talaga si Conrad, di ba?

***

Tulad na lang ng mga paratang sa kanya na kesyo suplado.

Na kesyo, mahirap lapitan.

Na kesyo hindi nakikisama.

Kahit nga ang beteranang peryodistang pampelikula na tulad ni Alice Vergara ay nagsasabing may mga akusasyon laban kay Conrad na hanggang sa mga sandaling ito ay hindi napabulaanan.

Dahil hindi papayag si Zeny Poe, ang kasalukuyang minamahal ni Conrad na sabihing suplado at walang pakialam si Conrad.

Kung sa pananaw ng iba ay malayo at mahirap lapitan si Conrad, para kay Zeny ay malapit at madaling lapitan ang kanyang esposo.

***

Ang akala lang kasi natin ay pa-cowboy-cowboy lang si Conrad—naka-leather jacket at nakasombrero ng sa cowboy kahit na katanghaliang-tapat samantalang si FPJ ay hindi naman natin nakikita na nagli-leather jacket at nakasombrero ng sa cowboy lalo na at wala naman siya sa shooting o sa pelikula at pangkaraniwang araw lang.

Natatawa kasi tayo sa mga taong nagli-leather jacket, naka-boots na mataas ang taking at nakasombrero g cowboy dahil wala naman tayo sa Texas o sa iba pang estado o bayan sa katimugang bahagi ng Amerika.

Tulad na lang ni Rey Roldan na nakamaong, naka-leather jacket rin, naka-boots na mataas ang taking at nakasombrero ng comboy.

Hindi ma-take ng karamihang Filipino ang ganitong hitsura ng isang tao.

***

Pero wala tayong kaalam-alam na si Conrad ay nagtapos ng kolehiyo.

Nag-graduate siya sa San Juan de Letran.

O, di ba, hindi naman maraming Filipino, lalo na noong una, ang nakakapag-aral sa Letran?

Isang Dominikanong eskuwelahan ang Letran na sangay o kapatid na paaralan ng University of Santo Tomas.

Kaya namang magbayad nina Conrad ng tuition fee sa Letran.

Ang akala lang natin ay paganyan-ganyan si Conrad pero sa totoo lang, titulado ‘yan.

Hindi lang nga siya high profile o mapapel sa media pero mahusay magsalita si Conrad.

***

Si Conrad ay anak ni Fernando Poe, Sr. sa aktres na si Patricia Mijares na ngayon ay walumpu’t anim na taong gulang na.

Naka-wheelchair si Patricia dahil naaksidente siya, nadulas sa banyo noong Marso kaya ‘yan, nagtitiis sa wheelchair.

Pero inatake rin siya sa puso noong 1995 pero gumaling na siya.

“Mabuti nga at hindi ako nangiwi,” pahayag ng beteranang aktres na maraming pelikula.

‘Yan pa ang isa.

Dapat ay kilala natin si Patricia dahil mahalagang bahagi rin siya showbiz pero dahil nga wala namang masyadong nagsusulat at nagbabalita sa kanya, karampot lang ang alam natin sa kanya.

Gabi-gabi ay nasa burol ni Conrad si Mijares kahit na hindi siya makalakad ngayon.

Masyado pang malinaw ang takbo ng utak ni Patricia, Pilar Castro sa tunay na buhay at daig pa ang isang tin-edyer sa daming alam sa buhay.

Star Patrol (for Saksi, July 1, 2010)

Boy Villasanta

Mga sekreto ni Conrad Poe, ibinubunyag

ANG problema sa media ay hindi naipapahayag ang mga bagay na dapat malaman sa isang taong low profile samantalang mahalaga ring malaman sa kaliwanagan ng publiko para sa wastong pagpapasya sa mga bagay-bagay.

Halimbawa na lang ay ang sitwasyon ng kamamatay lang na si Conrad Poe.

Ang dami-dami nating hindi alam sa kanya samantalang sikat din naman siya at kapatid pa ni Fernando Poe, Jr.

Kahit na nga ba kapatid sa ama o madalas nating sabihin na kapatid lang naman sa ama, mahalaga rin ang mga impormasyon tungkol sa kanya dahil bahagi rin siya n gating kamalayan.

***

Aba, mahalaga si Conrad sa panahon na aktibung-aktibo si FPJ sa kanyang paggawa ng pelikula.

Tumutulong si Conrad sa produksyon kahit na nga ba wala naman siyang papel sa harap ng kamera sa mga obra ni FPJ.

Nang mamatay nga si Fernando Poe, Sr. ay talagang ipinahanap pa ni Conrad ng tunay na asawa ni Senior na si Bessie Kelly Poe.

Minahal at itinuring na tunay na anak ni Bessie si Conrad.

Ang ina ni Conrad ay si Patricia Mijares, ang aktres na madalas makatambal ni Senior noon.

Ayon kay Patricia, walang problema sa kanya at kay Bessie dahil magkaibigan sila.

Kaya nga inari ring kapamilyang totoo ng mga Poe si Conrad.

***

Alam ba ninyo na ang kapatid na babae nina FPJ na si Elizabeth Poe, umalis sa Pilipinas noong Huwebes, ika-24 ng Hunyo, 2010?

Pero nang mamatay si Conrad noong ika-25 ng Hunyo, 2010, umuwu agad mula sa Estados Unidos si Elizabeth at dumating noong Lunes, ika-28 ng Hunyo, 2010.

Hindi ba’t isang malinaw na batayan ‘yan na mahal na mahal ng mga tunay na anak ni Senior ang isang kapatid nila sa labas?

Kahit si Susan Roces, mahal na mahal din niya si Dinky, palayaw ni Conrad.

***

Namatay at namatay si Conrad pero ang dam-dami nating mga bagay na hindi nalaman sa kanya.

Dahil nga nahirati tayo sa mga istorya tungkol kay FPJ na siyang mas sikat kaysa sa kanya.

Pero artista rin naman si Conrad, di ba?

Kapareho rin siya ni FPJ dangan nga lang at mas maraming tagahanga ang tinaguriang Hari ng Pelikulang Pilipino.

E, ang dami ring masasaganang kuwento tungkol sa kanya na sukat na kasingganda at kasing-intriga rin ng mga anekdota tungkol kay FPJ.

At karapatan din ng publiko na malaman kung ano at sino talaga si Conrad, di ba?

***

Tulad na lang ng mga paratang sa kanya na kesyo suplado.

Na kesyo, mahirap lapitan.

Na kesyo hindi nakikisama.

Kahit nga ang beteranang peryodistang pampelikula na tulad ni Alice Vergara ay nagsasabing may mga akusasyon laban kay Conrad na hanggang sa mga sandaling ito ay hindi napabulaanan.

Dahil hindi papayag si Zeny Poe, ang kasalukuyang minamahal ni Conrad na sabihing suplado at walang pakialam si Conrad.

Kung sa pananaw ng iba ay malayo at mahirap lapitan si Conrad, para kay Zeny ay malapit at madaling lapitan ang kanyang esposo.

***

Ang akala lang kasi natin ay pa-cowboy-cowboy lang si Conrad—naka-leather jacket at nakasombrero ng sa cowboy kahit na katanghaliang-tapat samantalang si FPJ ay hindi naman natin nakikita na nagli-leather jacket at nakasombrero ng sa cowboy lalo na at wala naman siya sa shooting o sa pelikula at pangkaraniwang araw lang.

Natatawa kasi tayo sa mga taong nagli-leather jacket, naka-boots na mataas ang taking at nakasombrero g cowboy dahil wala naman tayo sa Texas o sa iba pang estado o bayan sa katimugang bahagi ng Amerika.

Tulad na lang ni Rey Roldan na nakamaong, naka-leather jacket rin, naka-boots na mataas ang taking at nakasombrero ng comboy.

Hindi ma-take ng karamihang Filipino ang ganitong hitsura ng isang tao.

***

Pero wala tayong kaalam-alam na si Conrad ay nagtapos ng kolehiyo.

Nag-graduate siya sa San Juan de Letran.

O, di ba, hindi naman maraming Filipino, lalo na noong una, ang nakakapag-aral sa Letran?

Isang Dominikanong eskuwelahan ang Letran na sangay o kapatid na paaralan ng University of Santo Tomas.

Kaya namang magbayad nina Conrad ng tuition fee sa Letran.

Ang akala lang natin ay paganyan-ganyan si Conrad pero sa totoo lang, titulado ‘yan.

Hindi lang nga siya high profile o mapapel sa media pero mahusay magsalita si Conrad.

***

Si Conrad ay anak ni Fernando Poe, Sr. sa aktres na si Patricia Mijares na ngayon ay walumpu’t anim na taong gulang na.

Naka-wheelchair si Patricia dahil naaksidente siya, nadulas sa banyo noong Marso kaya ‘yan, nagtitiis sa wheelchair.

Pero inatake rin siya sa puso noong 1995 pero gumaling na siya.

“Mabuti nga at hindi ako nangiwi,” pahayag ng beteranang aktres na maraming pelikula.

‘Yan pa ang isa.

Dapat ay kilala natin si Patricia dahil mahalagang bahagi rin siya showbiz pero dahil nga wala namang masyadong nagsusulat at nagbabalita sa kanya, karampot lang ang alam natin sa kanya.

Gabi-gabi ay nasa burol ni Conrad si Mijares kahit na hindi siya makalakad ngayon.

Masyado pang malinaw ang takbo ng utak ni Patricia, Pilar Castro sa tunay na buhay at daig pa ang isang tin-edyer sa daming alam sa buhay.


No comments:

Post a Comment