NGAYONG araw na ito ay manunumpa sa Quirino Granstand bilang ika-15 presidente ng Pilipinas.
At showbiz na showbiz ito hindi dahil sa hindi siniseryoso ng mga tao ang showbiz kundi dahil madrama, makahulugan, malalim, malawak, makulay, madula, matunggali at marami pang pang-uri na katangian ng showbiz.
Showbiz na showbiz din ang kamatayan ni Conrad Poe noong Sabado sa Meycauayan, Bulacan.
Si Conrad Poe na kapatid sa ama ni Fernando Poe, Jr.
Dahil ang ama ni FPJ, si Fernando Poe, Sr. ay madalas makapareha si Patricia Mijares kaya umusbong ang pag-iibigan sa kanilang pagitan at si Conrad ang naging bunga nito.
Si Conrad Poe na parang cowboy kung magbihis at pumorma kaya naman ang tingin ng mga tao ay parang kakatwa at malayung-malayo siya sa kanyang kuya kaya inihahanay siya sa mga tulad nina Rey Roldan, Pablo Vituoso, Danny Riel at iba pang kawangis nila.
***
Noong Sabado ay nasa Nueva Ecija si Zeny Poe, ang itinuturing na misis ng aktor.
“Nag-anak kasi ako sa kasal sa Nueva Ecija. We were supposed to go there together dahil siya naman talaga ang ninong at hindi ako. No’ng early Friday morning, pinuntahan ko siya sa FPJ Studios sa Del Monte Avenue sa may Sienna College para itanong kung talagang hindi siya makakasama.
“Basta ang sabi lang niya ay ako na lang ang mag-anak sa kasal. Pero ang ipinagtataka ko, yakap siya nang yakap sa akin. Halik nang halik. Sabi, ‘heart, ingat ka. Take care of yourself.’ Tapos, hahalik na naman siya sa akin. Tapos, yayakap siya nang mahigpit akin.
“Bawat minuto, bago ako umalis, yakap siya nang yakap. Balik siya nang balik sa akin bago ako sumakay sa kotse bago kami tumuloy sa Nueva Ecija,” walang kagatul-gatol na pahayag ni Zeny.
Habang inaalala ito ng dating aktres na ito, may sumagimsim na katotohanan sa kanyang imahinasyon. “‘Yon pala, huli na naming pagsasama ‘yon. Kung alam ko lang, hindi na ako tumuloy sa Nueva Ecija,” wika ni Zeny.
***
Si Conrad naman ay nasa kanyang kuwarto habang nakikipagsaya si Zeny sa kasalan.
Pero kinabukasan, ala una ng hapon ay hindi pa ani Zeny nagigising si Conrad.
“Nagtaka ‘yong isang kasama niya sa bahay. Kaya ang ginawa, tiningnan niya sa kuwarto pero nakahiga pa rin. Kaya para masigurong gising na si Conrad, iblinag niya nang malakas ‘yong pinto.
“Aba, hindi na raw nag-react si Conrad kaya ang ginawa ng kasama niya, tiningnan niya nang malapitan si Conrad at hinipo pero matigas na raw si Conrad.
“Tapos, wala nang pulso. ‘Yon, wala na talaga siya,” salaysay ni Zeny.
***
Nalaman anya niya ani Zeny na namatay na ang kanyang mahal nang tumawag sa kanya ang character actor na si Rey Roldan.
Si Rey Roldan na kapatid ni Roland Ledesma.
Si Rey Roldan na madalas magdamit na parang cowboy at kung minsan, nagtatanghal na para siyang tunay na cowboy, may baril sa tagiliran at nakasombrero ng malapad.
“Na-shock ako. E, ang lakas-lakas pa ng asawa ko nang umalis ako. Hindi ako agad nakapagsalita. Tapos, para akong nauupos na kandila. Buti at hindi ako hinimatay. Kung nandito ako, magagamot ko pa siya,” wika ni Zeny na hilam na hilam na sa luha.
Nakaratay ngayon ang mga labi ni Conrad sa Arlington Memorial Chapels.
Siya ay 62 taong gulang sa mga sandaling ito.
Star Patrol (for Saksi, June 30, 2010)
Boy Villasanta
Ang panunumpa ni Noynoy Aquino ngayong araw na ito habang pinaglalamayan si Conrad Poe
ISANG Poe na naman ang nalagas sa tangkay ng family tree ng mga Poe.
Pagkatapos sumakabilang-buhay si Fernando Poe, Jr. noong 2004 ay ang kanyang kapatid naman sa ama na si Conrad Poe ang pumanaw noong Sabado sa Meycauayan, Bulacan.
Si Conrad Poe na anak ni Fernando Poe, Sr. kay Patricia Mijares.
Madalas maging katambal ni Fernando si Patricia kaya naman umusbong ang pag-iibigan sa kanilang pagitan at naging bunga nga si Conrad.
Nang mamatay si Senior ay kusang ipinatawag ni Bessie Kelly Poe, asawang tunay at legal ni Senior si Conrad at pinatira sa kanilang bahay kasama ang kanyang mga anak at itinuring na totoong supling ang kasasampang bata.
***
Mag-isa lang noong Sabado sa Meycauayan si Conrad kasama ang kanyang ilang kasambahay.
Nasa Nueva Ecija kasi ang kanyang esposang si Zeny Poe.
“Nag-anak kasi ako sa kasal sa Nueva Ecija. We were supposed to go there together dahil siya naman talaga ang ninong at hindi ako. No’ng early Friday morning, pinuntahan ko siya sa FPJ Studios sa Del Monte Avenue sa may Sienna College para itanong kung talagang hindi siya makakasama.
“Basta ang sabi lang niya ay ako na lang ang mag-anak sa kasal. Pero ang ipinagtataka ko, yakap siya nang yakap sa akin. Halik nang halik. Sabi, ‘heart, ingat ka. Take care of yourself.’ Tapos, hahalik na naman siya sa akin. Tapos, yayakap siya nang mahigpit akin.
“Bawat minuto, bago ako umalis, yakap siya nang yakap. Balik siya nang balik sa akin bago ako sumakay sa kotse bago kami tumuloy sa Nueva Ecija,” walang kagatul-gatol na pahayag ni Zeny.
Habang inaalala ito ng dating aktres na ito, may sumagimsim na katotohanan sa kanyang imahinasyon. “‘Yon pala, huli na naming pagsasama ‘yon. Kung alam ko lang, hindi na ako tumuloy sa Nueva Ecija,” wika ni Zeny.
***
“Kung nasa bahay lang ako no’n, hindi mamamatay si Conrad. Mabibigyan ko siya ng gamot. Maaalagaan ko siya. Matitingnan ko siya. Nakakalungkot ang nangyari.
“Sana ay hindi na ako pumunta ng Nueva Ecija kaya lang, commitment namin ‘yon. Kasama ko pa nga ang isa kong kaibigan pero siya rin, na-shock.
“Ang sama-sama ng loob ko ngayon. Sana ay may makausap ako ngayon na maraming tao para mawala itong kalungkutan ko. Kailangan ko ang mga kaibigan ko ngayon.
“Sana ay nandito na lahat ang mga kaibigan namin. Ganyan talaga ang buhay pero hanggang kailan? Sana ay maganda at maayos na ang buhay ng lahat kaya lang ay hindi talaga mawawala ang ganitong kalagayan ng tao,” pahayag ni Zeny.
***
Parang showbiz ang kamatayan ni Conrad.
Showbiz hindi dahil sa pangkaraniwang kahulugan ng mga tao sa salitang showbiz na paimbabaw at plastic kundi showbiz na showbiz dahil makulay, matunggali, malalim, malawak, makahulugan, madrama, madula at iba pang mga pang-uri na nagsasalamin sa buhay.
Ganito ang kuwento ni Zeny:
“Nasa kanyang kuwarto si habang nasa kasalan ko.
“Mag-isa siyang natulog. Kinabukasan ng hapon ay ala una na ay hindi pa nagigising si Conrad.
“Nagtaka ‘yong isang kasama niya sa bahay. Kaya ang ginawa, tiningnan niya sa kuwarto pero nakahiga pa rin. Kaya para masigurong gising na si Conrad, iblinag niya nang malakas ‘yong pinto.
“Aba, hindi na raw nag-react si Conrad kaya ang ginawa ng kasama niya, tiningnan niya nang malapitan si Conrad at hinipo pero matigas na raw si Conrad.
“Tapos, wala nang pulso. ‘Yon, wala na talaga siya,” salaysay ni Zeny.
***
Nalaman anya niya ani Zeny na namatay na ang kanyang mahal nang tumawag sa kanya ang character actor na si Rey Roldan.
Si Rey Roldan na kapatid ni Roland Ledesma.
Si Rey Roldan na madalas magdamit na parang cowboy at kung minsan, nagtatanghal na para siyang tunay na cowboy, may baril sa tagiliran at nakasombrero ng malapad.
“Na-shock ako. E, ang lakas-lakas pa ng asawa ko nang umalis ako. Hindi ako agad nakapagsalita. Tapos, para akong nauupos na kandila. Buti at hindi ako hinimatay. Kung nandito ako, magagamot ko pa siya,” wika ni Zeny na hilam na hilam na sa luha.
Nakaratay ngayon ang mga labi ni Conrad sa Arlington Memorial Chapels.
Siya ay 62 taong gulang sa mga sandaling ito.
No comments:
Post a Comment