IPINAGMAMALAKI ni Mark Gil ang kanyang anak na si Andi Eigenmann, ang nag-iisa nilang anak ni Jaclyn Jose.
Parang kung kailan lang nang namumuhay bilang mag-asawa sina Mark at Jaclyn sa tapat ng ABS-CBN noong panahon ng administrasyon ni Cory Aquino.
Ilang hakbang na lang ay ABS-CBN na mula sa bahay nina Gil at Jose.
Kapitbahay pa noon ng “live-in partner” si Lino Brocka.
Madalas nga kaming magpunta sa compound nina Mark, Jaclyn at Lino kasama ang kontrobersyal at sikat na sikat na PR-Manager, TV host at manunulat na si Boy C. de Guia.
Magkakasama kami nina Lhar Santiago, Danny T. Vibas, Pilar Mateo, Ronald Mendoza, Rino Fernan Silverio, Carol Matias, Josie Mañago at Andy Garcia pag binibisita namin si Brocka at makikita namin—pag nasa labas ng kanilang tahanan—sina Mark at Jaclyn.
Larawan ang magkasintahan ng isang perpektong pamilya lalo na at kaaanak pa lang noon si Andi—isang sanggol na parang manyika.
***
Ngayon ay dalagang-dalaga na si Eigenmann at popular na popular nang aktres ng ABS-CBN.
Wala na sa compound na ‘yon sina Jose at Andi kundi nasa may La Vista na sa may Katipunan Avenue.
At matagal nang hiwalay sina Jane Guck, tunay na pangalan ni Jaclyn at Ralph Eigenmann, tunay na pangalan ni Mark.
Ngayon ay may sarili nang mundo si Jaclyn gayundin si Andi.
May iba na ring pamilya si Mark.
Humahakot ng mga manonood at maraming advertisers ang “Agua Bendita”ni Andi at sina Mark at Jaclyn ay patuloy na namumukadkad ang mga propesyon sa pag-arte.
***
Nang magkita kami ni Gil kamakailan, kinumusta namin si Andi.
“’Yon, she’s already rich,” pahayag ni Mark.
Binabahaginan ba naman siya ng kayamanan ng anak?
“No. Para sa kanya ‘yon. She deserves it. Para sa kanyang future ‘yon at hindi kami umaasa sa kanya,” sabi ni Mark.
Maganda rin ang pagsasamahan ng mga anak ni Gil sa ibang babae—tulad nina Gabby Eigenmann, anak niya kay Irene Celebre at Sid Lucero, anak niya kay Bing Pimentel.
“I am a very contended dad to my children,” pagmamalaki ni Mark na kahit hindi na bumabata ay talagang bakas pa rin ang kamachuhan at kaguwapuhan.
***
Samantala, ang isa pang bakas ang kagandahan kahit hindi na rin bumabata ay si Gina Pareño.
At lola na ring tumataginting ang mahusay na aktres.
Kasi nga’y ang kanyang anak na si Raquel Tajonera ay may supling na rin.
Kaya nga generational na rin ang pamilya ni Gina.
Si Raquel ay naging artista rin nang sumali siya sa “StarBrighters” ni Boy de Guia pero sandali lang ‘yon at naging pribado na ang buhay ni Tajonera.
May anak na rin si Raquel, si Candice na tapos na rin ng kolehiyo.
Organizational Communications ang tinapos na kurso ni Candice.
Ano kamo ang organizational communication?
Ano pa, e, isang sangay ng mass communication kung saan ang mga estudyante ay nagpapakadalubhasa sa Public Relations of PR o kaya ay mga gawaing may kaugnayan sa maramihang pakikipag-ugnayan kabilang na rin ang pag-oorganisa ng mga presscon, events, convention, seminar at iba pang pagtitipun-tipon na may lagusan ng mga impormasyon.
Star Patrol (for Saksi, June 29, 2010)
Boy Villasanta
Andi “Agua Bendita” Eigenmann, mayaman na raw sabi ni Mark Gil
ANG buhay nga naman.
Hindi natin masasabi ang kapalaran ng bawat isa sa atin bagamat mahihinuha natin ang landas na puwedeng tahakin ng isa’t isa batay sa mga kasalukuyang mithiin at gawain.
Masasabi ba nating heto na si Andi Eigenmann, ang dating parang manikang anak nina Mark Gil at Jaclyn Jose.
Nang paslit pa si Andi, kilalang gumaganap bilang “Agua” at “Bendita” sa sikat na sikat na “Agua Bendita” ng ABS-CBN, talagang ang sarap niyang laruin.
Para siyang hindi tao kundi isang laruan at anghel sa kanyang tahanan at pamilya.
***
Noon ay sa may tapat lang ng ABS-CBN nakatira si Andi kasama ang kanyang mga magulang na sina Jaclyn at Mark.
May larawan pa nga kami ni Andi nang siya ay isang taong gulang pa lang na ibinigay sa amin ni Jane Guck, ang tunay na pangalan ni Jose.
Lagi kaming kausap noon ni Ralph Eigenmann, ang tunay na pangalan ni Mark at ama ni Andi.
Gayunman, naging masalimuot ang pagsasama nina Jane at Ralph sa pribado nilang buhay at sila ay naghiwalay kinalaunan.
Nakakita ng bagong pag-ibig si Mark at ngayon ay namumuhay ng isan tahimik na personal na pakikipagrelasyon samantalang nag-iisa pa rin sa buhay si Jaclyn bagamat may mga manliligaw.
At daalgang-dalaga na si Andi at popular na popular na.
***
Nang huli naming puntahan si Jaclyn sa kanyang bahay sa may La Vista sa may Katipunan Avenue sa Quezon City, malaking bulas na si Andi at artistang-artista na kung kumilos.
Nang makita naman namin si Ralph ay tinanong namin sa kanya si Andi.
“’Yon, she’s already rich,” pahayag ni Mark.
Binabahaginan ba naman siya ng kayamanan ng anak?
“No. Para sa kanya ‘yon. She deserves it. Para sa kanyang future ‘yon at hindi kami umaasa sa kanya,” sabi ni Mark.
Maganda rin ang pagsasamahan ng mga anak ni Gil sa ibang babae—tulad nina Gabby Eigenmann, anak niya kay Irene Celebre at Sid Lucero, anak niya kay Bing Pimentel.
“I am a very contended dad to my children,” pagmamalaki ni Mark na kahit hindi na bumabata ay talagang bakas pa rin ang kamachuhan at kaguwapuhan.
***
Si Gina Pareño naman ay larawan din ng isang kontentong ina at lola.
Aba’y three generation na rin sina Gina, ang kanyang anak na si Raquel Tajonera at ang anak nitong si Candice.
Inianak ni Gina si Raquel nang panahong tumigil siya sa pag-aartista at naglagi sa Pulilan, Bulacan sa piling ng ama ng kanyang anak.
Pero hindi rin natagalan ay nagbalik-eksena si Pareño at nagbigay ito sa kanya ng marami pang pagkakataon na maipakita ang kanyang talento sa pag-arte.
Kaya nga nais ding magmana ni Raquel ng propesyon ng kanyang ina.
Nang hawak pa si Gina ni Boy C. de Guia ay pinag-“StarBrighters” ng popular na TV host, PR-Manager at manunulat si Raquel pero hindi naman natagalan ang dalagita dahil nag-aral at nagpunta na sa ibang bansa.
Ngayon ay nakapagparal na si Tajonera at may diploma na si Candice.
Nagtapos na ang apo ni Pareño ng tinatawag na Organizational Communication na ang ibig sabihin ay kursong nagpapatungkol sa pakikipag-ugnayan sa mas nakararaming mamamayan, parang isang sangay ng mass communication.
Kabilang sa mga trabahong puwedeng pasukan ng Org Comm ay Public Relations o kaya ay pag-oorganisa ng mga kumbensyon, palihan, events at iba pang maramihang pakikipagtalastasan.
No comments:
Post a Comment