Monday, June 28, 2010

Gerald Anderson at Kim Chiu, Prince and Princess of Philippine Movies

KUNG may King and Queen of Philippine Movies tulad nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo sa ngalan ng Box-Office, may Prince and Princess din ng Philippine Cinema sa katauhan nina Gerald Anderson at Kim Chiu.

Sina Gerald at Kim na ang siguradong may hawak ng korona sa opisyal na paggagawad sa kanila ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. Kamakailan.

Hindi lang ito gawa-gawa ng makinarya ng publisidad kundi talagang mula sa isang organisasyon na matagal nang nagbibigay ng ganitong parangal.

Tinanggap kamakailan sina Anderson at Chiu ang parangal tulad rin ng pagtanggap nina John Lloyd, bagamat wala si Sarah, sa kanilang tropeyo ng karangalan.

***

Hindi parang propesyunal na mga artistang magkatambal sina Gerald at Kim dahil talaga namang nagnanaknak ang kanilang karomantikuhan sa isa’t isa at kung paniniwalaan ang kanilang mga kilos sa bawat isa, aba’y nagmamahal ngang tuna yang dalawa.

Nang nagsasalita pa si Kim sa harap ng mikropono at nagpapasalamat sa pagbibigay sa kanya ng GMMSF ng gawad, matamang naghihintay lang si Gerald sa ibaba ng entabaldo at hinihintay lang matapos magtalumpati ang kapareha at nang matapos na nga ang pananalita ng batang aktres ay inalalayan pa ito ng batang aktor pagbaba sa tanghalan.

Pero pagkatapos na ihatid ni Gerald sa upuan si Kim ay parang na-conscious ang binata sa kanyang pagbibigay-pansin sa dalaga.

Gayunman, mula sa pagdating nila nang sabay, pag-upo nang magkatabi sa isang hanay ng mga upuan, pag-uusap nang masinsinan, pagpapakuha ng mga larawan nang magkadikit ang mga pisngi at magkarugtong ang mga ngiti, magkasabay ring umalis ang dalawa.

Tunay ngang magkatambal sa loob at labas ng showbiz sina Kimerald.

***

Ang isa pang gumapi sa kamalayan ng mga tao sa bulwagan ay ang kasimpatikuhan ni Jericho Rosales.

Siya ang binansagang Most Promising Singer.

Hindi kumukupas ang panghalina ni Jericho sa madla lalo na ang kanyang mga ngiti at magalang na pakikipagkapwa kaya naman malayo pa ang mararating ng batang aktor na ito.

Nang kumanta siya ay lalo pang umigting ang paghanga ng mga tao sa kanya.

Ayon kay Echo, may nagpasaring pa sa kanya nang siya ay nagsisimulang umawit.

Na para bang sinasabing anong karapatan niya sa pagkanta.

Kahit nga sa Genesis Entertainment nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan ay nag-audition pa ang isa sa mga kinilalang Hunks noon kasama si Piolo Pascual, Bernard Palanca, Carlos Agassi at Diether Ocampo.

Ngayon ay pinapatunayan ni Rosales na kahit saan, kahit kailan, kahit sino at kahit siya nag-iisa ay papatok at aariba siya.

***

Hindi naman naitsa-puwera ang GMA Network sa pagpili ng GMMSF sa magagaling at may mga tagasubaybay na mga bituin sa radyo, telebisyon, musika at pelikula.

Hindi ibig sabihin na sina Cruz at Geronimo, Anderson at Chiu ay taga-ABS-CBN ay hindi na mabibigyan ng atensyon ang mga taga-Channel 7.

No, no, no, no.

Kaya nga hinirang na Love Team of the Year sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Hindi nga lang ibig sabihin nito ay nanguna sila sa takilya kundi sa batayang kolektibo ng mga miyembro ng grupo ng Guillermo dahil kahit na nga sino at kahit na alin ay puwede nang magbigay ng mga parangal sa panahong ito.

Ultimong magbobote o magtitinda ng gulay ay puwede nang maghatag ng parangal.

Nanalo ring Most Promising Female Singer si Frencheska Farr, ang bituing nanalo sa “Who Will Be the Next Big Star?” ng GMA Network kamakailan at ipinakilala sa musical na “Emir” ng Film Development Academy of the Philippines at Cultural Center of the Philippines.

Kaya kahit na taga-ABS-CBN pa, Intercontinental Broadcasting Corporation pa o Regal Entertainment o QTV Channel 11, Viva Films o Star Cinema, bastat nangunguna sa pagtangkilik ng masa, hala at bibigay ng pagkilala ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.

***

Si Pokwang ang nawagi sa Bert “Tawa” Marcelo Award bilang pagkilala sa kakayahan ng aktres sa pagpapatawa.

May maganda at nakakintrigang kuwento si Pokwang kaugnay sa kanyang pagiging dating mahirap.

“Noon, pag nanonood kami ng TV sa kapitbahay, pinagsasarhan kami ng bintana. Tapos, lilipat kami sa kabilang bintana. Tapos, pagsasarhan na naman kami. Tapos, gano’n din sa kabila. Hanggang natatapos ko ang panonood pero sa iba’t ibang binata,” pahayag ni Pokwang na umani ng halakhak sa mga manonoood.

Si Ai Ai de la Alas naman ang nagwagi sa Best Comedy at nakakapagtaka kung bakit pagkaalis ni Pokwang ay saka naman dumating si Ai Ai sa bulwagan.

Ayaw ba nilang magkasama sila sa isang lugar o sadyang nahuli lang si de las Alas dahil sa may pinuntahan pa siya?

Star Patrol (for Saksi, June 28, 2010)

Boy Villasanta

Gerald Anderson at Kim Chiu, matamis ang titig sa isa’t isa

KUNG nandoon lang kayo sa loob sa Carlos P. Romulo Auditorium sa ikaapat na papapag ng RCBC Plaza sa Ayala Avenue at panulukan ng Buendia Avenue, tiyak na kikiligin kayo sa katamisan ng mga ngiti sa isa’t isa nina Gerald Anderson at Kim Chiu.

Para ngang babaha ng matamis na bao sa bulwagan habang ang dalawa ay magkasama.

Mula pa sa pagpasok ay talagang larawan na ng magiting na magkasintahan kahit man lang sa pinilakang tabing sina Kim at Gerald.

Nang iluwa sila ng elevator ay simula na ng paghiyaw at pagtili ng mga tao sa kanila.

Panay ang klik ng mga kamera at pagtutok ng mga telebisyon sa kanilang pagdating.

Nakaalalay si Anderson kay Chiu samantalang parang prinsesa si Kim sa kanyang pag-abresiyete sa binata.

***

Sila nga ang Prince and Princess of Philippine Movies sa departamento ng pagkita sa takilya ng kanilang pelikula at paramihan ng manonood ng kanilang mga TV show at pagtatanghal sa anumang midyum.

Kung sina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz ang Queen and King of Philippine Movie sa Box-Office na usapin, ang dalawang bagets ang siyang prinsipe at prinsesa ng patalbugan sa kitaan sa takliya papunta sa lukbutan ng mga kapitalista.

Sina Gerald at Kim na ang siguradong may hawak ng korona sa opisyal na paggagawad sa kanila ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. Kamakailan.

Hindi lang ito gawa-gawa ng makinarya ng publisidad kundi talagang mula sa isang organisasyon na matagal nang nagbibigay ng ganitong parangal.

Tinanggap kamakailan sina Anderson at Chiu ang parangal tulad rin ng pagtanggap nina John Lloyd, bagamat wala si Sarah, sa kanilang tropeyo ng karangalan.

***

Hindi parang propesyunal na mga artistang magkatambal sina Gerald at Kim dahil talaga namang nagnanaknak ang kanilang karomantikuhan sa isa’t isa at kung paniniwalaan ang kanilang mga kilos sa bawat isa, aba’y nagmamahal ngang tuna yang dalawa.

Nang nagsasalita pa si Kim sa harap ng mikropono at nagpapasalamat sa pagbibigay sa kanya ng GMMSF ng gawad, matamang naghihintay lang si Gerald sa ibaba ng entabaldo at hinihintay lang matapos magtalumpati ang kapareha at nang matapos na nga ang pananalita ng batang aktres ay inalalayan pa ito ng batang aktor pagbaba sa tanghalan.

Pero pagkatapos na ihatid ni Gerald sa upuan si Kim ay parang na-conscious ang binata sa kanyang pagbibigay-pansin sa dalaga.

Gayunman, mula sa pagdating nila nang sabay, pag-upo nang magkatabi sa isang hanay ng mga upuan, pag-uusap nang masinsinan, pagpapakuha ng mga larawan nang magkadikit ang mga pisngi at magkarugtong ang mga ngiti, magkasabay ring umalis ang dalawa.

Tunay ngang magkatambal sa loob at labas ng showbiz sina Kimerald.

***

Ang isa pang gumapi sa kamalayan ng mga tao sa bulwagan ay ang kasimpatikuhan ni Jericho Rosales.

Siya ang binansagang Most Promising Singer.

Hindi kumukupas ang panghalina ni Jericho sa madla lalo na ang kanyang mga ngiti at magalang na pakikipagkapwa kaya naman malayo pa ang mararating ng batang aktor na ito.

Nang kumanta siya ay lalo pang umigting ang paghanga ng mga tao sa kanya.

Ayon kay Echo, may nagpasaring pa sa kanya nang siya ay nagsisimulang umawit.

Na para bang sinasabing anong karapatan niya sa pagkanta.

Kahit nga sa Genesis Entertainment nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan ay nag-audition pa ang isa sa mga kinilalang Hunks noon kasama si Piolo Pascual, Bernard Palanca, Carlos Agassi at Diether Ocampo.

Ngayon ay pinapatunayan ni Rosales na kahit saan, kahit kailan, kahit sino at kahit siya nag-iisa ay papatok at aariba siya.

***

Hindi naman naitsa-puwera ang GMA Network sa pagpili ng GMMSF sa magagaling at may mga tagasubaybay na mga bituin sa radyo, telebisyon, musika at pelikula.

Hindi ibig sabihin na sina Cruz at Geronimo, Anderson at Chiu ay taga-ABS-CBN ay hindi na mabibigyan ng atensyon ang mga taga-Channel 7.

No, no, no, no.

Kaya nga hinirang na Love Team of the Year sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Hindi nga lang ibig sabihin nito ay nanguna sila sa takilya kundi sa batayang kolektibo ng mga miyembro ng grupo ng Guillermo dahil kahit na nga sino at kahit na alin ay puwede nang magbigay ng mga parangal sa panahong ito.

Ultimong magbobote o magtitinda ng gulay ay puwede nang maghatag ng parangal.

Nanalo ring Most Promising Female Singer si Frencheska Farr, ang bituing nanalo sa “Who Will Be the Next Big Star?” ng GMA Network kamakailan at ipinakilala sa musical na “Emir” ng Film Development Academy of the Philippines at Cultural Center of the Philippines.

Kaya kahit na taga-ABS-CBN pa, Intercontinental Broadcasting Corporation pa o Regal Entertainment o QTV Channel 11, Viva Films o Star Cinema, bastat nangunguna sa pagtangkilik ng masa, hala at bibigay ng pagkilala ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.

***

Si Pokwang ang nawagi sa Bert “Tawa” Marcelo Award bilang pagkilala sa kakayahan ng aktres sa pagpapatawa.

May maganda at nakakintrigang kuwento si Pokwang kaugnay sa kanyang pagiging dating mahirap.

“Noon, pag nanonood kami ng TV sa kapitbahay, pinagsasarhan kami ng bintana. Tapos, lilipat kami sa kabilang bintana. Tapos, pagsasarhan na naman kami. Tapos, gano’n din sa kabila. Hanggang natatapos ko ang panonood pero sa iba’t ibang binata,” pahayag ni Pokwang na umani ng halakhak sa mga manonoood.

Si Ai Ai de la Alas naman ang nagwagi sa Best Comedy at nakakapagtaka kung bakit pagkaalis ni Pokwang ay saka naman dumating si Ai Ai sa bulwagan.

Ayaw ba nilang magkasama sila sa isang lugar o sadyang nahuli lang si de las Alas dahil sa may pinuntahan pa siya?

No comments:

Post a Comment