Friday, June 25, 2010

Jowee Morel, buwisit na buwisit sa Hong Kong actor na nais makaisa kay Chanel Latorre

KAHIT nasa London ngayon ang kontrobersyal na direktor na si Jowee Morel na gumawa ng mga pelikulang “Mga Paru-Parong Rosas (Pink Butterflies),” “Moma,” “Ec2luv,” “Mona, Singapore Escort,” “When A Gay Man Loves,” “Latak,” “HiStory” “Moving Dreams” at “Strictly Confidential,” alam na alam niya ang nagaganap sa Pilipinas, sa mundo ng pelikula at sa iba pang panig ng daigdig.

Nag-aaral sa kasalukuyan si Morel ng filmmaking sa London.

Sa pag-usad ng telekomunikasyon at iba pang lagusan ng impormasyon, laging updated si Jowee sa mga pangyayari sa paligid.

Tulad na lang nang tangkang panghahalay sa aktres na si Chanel Latorre sa Hong Kong ng isang aktor at modelo na tagaroon na katambal niya sa pelikulang “Wan Chai Baby” na ginawa niya roon kamakailan.

Nang mabasa ni Jowee ang kuwento ay asar na asar siya sa Tsinong modelo ng McDonalds sa Hong Kong.

***

“Kailangang maparusahan ‘yang Aaron Palermo na ‘yan. Kapatid ba ‘yan ni Juliana Palermo?” tanong ni Morel, isang bagay na madalas ding tuklasin ng iba pang taga-showbz at maging ng mga tagalabas.

“Kailangang isuplong ‘yang Aaron Palermo na ‘yan para hindi na maulit pa ‘yang pangyayaring ‘yan. There’s got to be a fight against people like him,” pagmumulat ni Morel.

Mahal na mahal ni Jowee si Chanel dahil bukod sa kapitbahay niya dati ang aktres sa Merville Park Subdivision sa Parañaque City ay bida pa niya ito sa “Latak” kasama sina Mercedes Cabral, Marc Jacob, Tia Pusit, Dan Alvaro, Pia Millado, Geraldine Tan at iba pa.

“Kung sinuman ang gumalaw kay Chanel, yari sa akin. Kasi, mabait na bata si Chanel. Madali siyang makapalagayan ng loob kaya nang malaman ko ‘yang incident kay Aaron Palermo na ‘yan, tumaas ang dugo ko sa galit,” pahayag ni Jowee na nanggagalaiti.

***

Hindi na nag-isip pa si Latorre na magsuplong sa may kapangyarihan dahil napigil naman anya ang pagnanasa si Palermo.

“At naging magkaibigan naman kami after that kaya lang, may lamat na. Alam mo po ‘yon, hindi na ako madaling magtiwala sa kanya. Isang kibot lang niya, pinag-iisipan ko na kung ano ang ibig sabihin. Hindi ‘yong pagiging negative. Gusto ko lang makasiguro sa laban ko,” sabi ni Chanel.

Ngayon ay mapayapa na ang bituin at nag-aaral ng martial arts dahil may lumapit sa kanyang talent coordinator na isang British at nagsabing irerekomenda siya sa isang prodyuser sa Hong Kong na gagawa ng martial arts movie at kailangan ang babaing artista.

***

Samantala, nais ng dati’y matabang-matabang peryodistang pampelikula na si Lolo Buenaobra na bulabugin ang kanyang tinulungan noon at itinuturing na kaibigang si Mikey Macapagal-Arroyo.

Kasi nga’y nangangailangan siya ng tulong ngayon sa pagpapagamot ng kanyang paa na namamaga.

Hindi na makalakad si Lolo kaya hindi na siya madalas makita sa mga sosyalang-panshowbiz dahil sa kanyang kondisyon—sakit sa puso at ngayon ay arthritis.

“Tinulungan ko naman ‘yang mag-inang ‘yan. Nang senador pa lang si President Gloria Macapagal-Arroyo, tinulungan ko ‘yan. Nang mag-bise presidente, tinulungan ko rin. Kahit no’ng mag-presidente, tinulungan ko rin.

“Tapos, ngayon, na may sakit ako, parang hindi ko sila mahagilap lalo na si Mikey. Halos ibigay ko ang buhay k okay Mikey pero ano ang kanyang ginawa? Wala,” nagtatampong wika ni Buenaobra.

***

Nang magkasakit anya siya noon ani Lolo ay isang libong piso lang ang ibinigay sa kanya ng batang Macapagal-Arroyo.

“Alam naman niyang mahirap ang sakit ko pero magkano lang ‘yon? Para akong bata na binigyan ng kendi para lang hindi umiyak. Ano ba ‘yon? Mas gusto ko na mas malaking tulong para sa sakit ko. Hindi na ako makapagtrabaho kaya wala akong pampagamot.

“Sana naman ay matauhan si Mikey sa akin dahil alam ko naman na may means siya para maipagamot ako. Kailangan ko ng pera para sa aking pang-araw-araw na pangangailangan, hindi man lang niya maibigay sa akin. Gano’n lang naman ‘yon. Nakakagastos nga siya sa maraming bagay, sa akin pa kaya na nagpakahirap sa kanya?” tanong ni Lolo na nabawasan na ng timbang at kabibohan.

Star Patrol (for Saksi, June 25, 2010)

Boy Villasanta

Controversial director Jowee Morel, galit na galit sa Hong Kong model na gustong humalay kay Chanel Latorre

TIGMAK ng maraming drama ang ating pang-araw-araw na buhay sa loob at labas ng showbiz.

Dahil ang buhay nga ay showbiz at ang showbiz ay buhay.

Maraming maiintriga, makukulay, malalalim, malalawak, madadrama, madudula, matutunggali at magigilas na karanasan at tagpo ang buhay na parang nangyayari sa telebisyon at pelikula kaya showbiz na showbiz ang buhay nating lahat.

Tulad na lang ng nararanasan ngayon ng kontrobersyal na direktor ng pelikula na si Jowee Morel.

Si Jowee Morel na nakilala sa mga obrang “Mga Paru-Parong Rosas (Pink Butterflies),” “Moma,” “Moving Dreams,” “Ec2luv,” “Mona, Singapore Escort,” “When A Gay Man Loves,” “Latak,” “HiStory” at “Strictly Confidential.”

Kahit nasa London sa United Kingdom siya ay nakakarating sa kanya ang mga pinakahuling kaganapan sa showbiz at sa labas man nito.

***

Ang isang mataginting na halimbawa ay ang nabalitaan niyang muntik nang magahasa ang kanyang kaibigan, alaga, artista at dating kapitbahay sa Merville Park Subdivision na si Chanel Latorre.

Si Chanel Latorre na isa sa kanyang mga bida sa “Latak” ng Outline Films kasama sina Tia Pusit, Marc Jacob, Mercedes Cabral, Pia Millado, Geraldine Tan, Chito Alcid at iba pa.

Nakarating na kay Jowee na muntik nang magahasa si Latorre ng isang aktor at modelo sa Hong Kong na nag-i-endorso ngayon ng McDonalds sa HK.

Ang pangalan ng lalaking ito ay Aaron Palermo.

“Sikat na sikat po si Aaron sa buong Hong Kong pero nang gawin niya sa akin ‘yon, ano naman ang halaga ng sikat kung ganyan naman ang ugali niya,” pahayag ni Chanel.

***

“Kailangang maparusahan ‘yang Aaron Palermo na ‘yan. Kapatid ba ‘yan ni Juliana Palermo?” tanong ni Morel, isang bagay na madalas ding tuklasin ng iba pang taga-showbz at maging ng mga tagalabas.

“Kailangang isuplong ‘yang Aaron Palermo na ‘yan para hindi na maulit pa ‘yang pangyayaring ‘yan. There’s got to be a fight against people like him,” pagmumulat ni Morel.

“Kung sinuman ang gumalaw kay Chanel, yari sa akin. Kasi, mabait na bata si Chanel. Madali siyang makapalagayan ng loob kaya nang malaman ko ‘yang incident kay Aaron Palermo na ‘yan, tumaas ang dugo ko sa galit,” pahayag ni Jowee na nanggagalaiti.

***

Hindi na nag-isip pa si Latorre na magsuplong sa may kapangyarihan dahil napigil naman anya ang pagnanasa si Palermo.

“At naging magkaibigan naman kami after that kaya lang, may lamat na. Alam mo po ‘yon, hindi na ako madaling magtiwala sa kanya. Isang kibot lang niya, pinag-iisipan ko na kung ano ang ibig sabihin. Hindi ‘yong pagiging negative. Gusto ko lang makasiguro sa laban ko,” sabi ni Chanel.

Ngayon ay mapayapa na ang bituin at nag-aaral ng martial arts dahil may lumapit sa kanyang talent coordinator na isang British at nagsabing irerekomenda siya sa isang prodyuser sa Hong Kong na gagawa ng martial arts movie at kailangan ang babaing artista.

***

Samantala, nais ng dati’y matabang-matabang peryodistang pampelikula na si Lolo Buenaobra na bulabugin ang kanyang tinulungan noon at itinuturing na kaibigang si Mikey Macapagal-Arroyo.

Kasi nga’y nangangailangan siya ng tulong ngayon sa pagpapagamot ng kanyang paa na namamaga.

Hindi na makalakad si Lolo kaya hindi na siya madalas makita sa mga sosyalang-panshowbiz dahil sa kanyang kondisyon—sakit sa puso at ngayon ay arthritis.

“Tinulungan ko naman ‘yang mag-inang ‘yan. Nang senador pa lang si President Gloria Macapagal-Arroyo, tinulungan ko ‘yan. Nang mag-bise presidente, tinulungan ko rin. Kahit no’ng mag-presidente, tinulungan ko rin.

“Tapos, ngayon, na may sakit ako, parang hindi ko sila mahagilap lalo na si Mikey. Halos ibigay ko ang buhay k okay Mikey pero ano ang kanyang ginawa? Wala,” nagtatampong wika ni Buenaobra.

***

Nang magkasakit anya siya noon ani Lolo ay isang libong piso lang ang ibinigay sa kanya ng batang Macapagal-Arroyo.

“Alam naman niyang mahirap ang sakit ko pero magkano lang ‘yon? Para akong bata na binigyan ng kendi para lang hindi umiyak. Ano ba ‘yon? Mas gusto ko na mas malaking tulong para sa sakit ko. Hindi na ako makapagtrabaho kaya wala akong pampagamot.

“Sana naman ay matauhan si Mikey sa akin dahil alam ko naman na may means siya para maipagamot ako. Kailangan ko ng pera para sa aking pang-araw-araw na pangangailangan, hindi man lang niya maibigay sa akin. Gano’n lang naman ‘yon. Nakakagastos nga siya sa maraming bagay, sa akin pa kaya na nagpakahirap sa kanya?” tanong ni Lolo na nabawasan na ng timbang at kabibohan.


No comments:

Post a Comment