Saturday, June 26, 2010

Angel Locsin, makabayan at anak-pawis; Luis Manzano, tumanggap ng award

ANG isa sa dapat hangaan ng sambayanan ay ang pagkamakabayan ni Angel Locsin.

Sa mga hindi pa nakakaalam, si Angel ay nagmula sa isang angkan na talagang nasyunalista mula sa kanyang ama hanggang sa kanyang kapatid na si Angela Colmenares.

Colmenares ang tunay na apelyido ni Locsin na pamangkin ng isa sa mga kongresista sa Bayan Muna party-list na si Neri Colmenares.

Kaya nga ba’t hindi nawawala si Angel sa mga pagtitipon ng mga progresibong grupo tulad ng Gabriela, Kabataan, Anak-pawis at iba pang makamasang organisasyon.

Namumukod-tangi si Angel sa kanyang mga kasamahan sa showbiz dahil siya ay may kamalayan ng paghihirap ng mga dukha at kung paano at saan nanggagaling ang kahirapan ng mga ito.

***

Kahit na kapitalista rin si Angel ay nasa kanya ang pag-aaruga, sa abot ng kanyang makakaya, sa mga manggagawa.

Halimbawa nito ang mga trabahador sa kanyang Fuel Up Bar sa may Commonwealth Avenue na talaga namang pansosyal at pambagets pero ang kanyang pagmamahal sa mga manggagawa ay hanggang doon na lamang.

Nakikihalubilo si Angel sa kanyang mga kasama sa negosyo para lang mapatunayan niya sa kanyang sarili na nagmamahal siya sa kanyang kapwa anak-pawis.

Kaya huwag tayong mabibigla kung isa sa mga araw na ito ay lalahok sa malawakang protesta si Angel laban sa pang-aapi sa lipunang ito.

***

Dumating na ang Star for All Seasons na si Vilma Santos mula sa kanyang dalawang linggong bakasyon sa Los Angeles, California.

Kasama niyang dumating ang kanyang asawang si Ralph Recto at ang kanilang anak na si Ryan Christian.

Gayundin, kasama sa bakasyon sina Emelyn Santos, ang panganay na kapatid ni Vilma at Aida Fandialan, ang kawaksi ni Santos sa maraming gawain sa buhay.

Gayunman, hindi nakarating si Vi sa ika-41 Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Entertainment Awards na ginanap sa Carlos P. Romulo Auditorium sa RCBC Plaza sa Ayala Avenue sa panulukan ng Buendia Avenue.

Best Actress si Baby Vi para sa kanyang mahusay na pagganap sa “In My Life” ng Star Cinema samantalang Best Actor naman si Luis Manzano katuwang si John Lloyd Cruz para sa “In My Life” din.

Si Luis ang tumanggap ng parangal para sa kanyang ina.

***

Si Marco Sison ang nais makasama ng singer na si Arminda Zuñiga sa kanyang concert na tentative na gagawin sa susunod na buwan.

“Bilib na bilib po ako kay Marco. At saka, tamang-tama siya sa age ng mga kliyente namin,” pahayag ni Arminda na siyang soloista ng Nonoy Lopez and His Orchestra.

Ballroom dancing ang kasunod ng maikling konsiyerto ni Armie dahil mahiligin talaga sa pagsayaw ang mga panauhin ng mang-aawit.

Pero balak din niyang gawing front act ang bagitong singer na si Dexter Encarnado.

***

Kung inyong natatandaan, si Zuñiga ang batambatang inilunsad natin noon sa isang pagtatanghal na tribute kina Dulce at Rey Valera sa Philamlife Auditorium noong 1989.

Kabilang sa mga nakasama ni Arminda sa pagkanta ng mga awit nina Dulce at Rey ay sina Michael Laygo, Maan Dionisio na gumanap na Kim sa “Miss Saigon” sa Australia at iba pang StarBrighters ni Boy C. de Guia.

Sumuporta pa nga sa amin noon si Boy Abunda at si Mario Dumaual na noon pa man ay matulungin na sa mga kasamahan sa peryodismo.

Nagdiwag kamakailan ng kanyang kaarawan si Armie sa Makati Sports Club kung saan siya kumakanta sa mga ballroom dancers sa saliw ni Nonoy.

Pag kumanta na si Zuñiga ng mga musika nina Didith Reyes, Pilita Corrales, Britney Spears, Lady Gaga, Beyonce Knowles at iba pang mang-aawit, talagang matatalbugan niya ang maraming nagkukunwaring manganganta.

Maligayang kaarawan, Arminda.

Star Patrol (for Saksi, June 26, 2010)

Boy Villasanta

Angel Locsin, ipinagmamalaki ang mga kaanak sa makamasang gawain; Luis Manzano, tumanggap ng award

HIGIT kaninuman, isa si Angel Locsin sa kakaunting taga-showbiz na nag-aalay ng kanilang buhay para sa kapakanan ng mga anak-pawis at masa.

Hindi naman sa pagpapakamatay o pagbawi sa buhay para lang makaligtas ang isang tao kundi sa kaparaanang pakikibahagi sa proseso ng pagbabago para sa mas maalwang buhay.

Hindi lingid sa karamihan na kapatid ni Angel si Angela Colmenares, isa sa mga pangunahing persona sa Kabataan, isang organisasyon ng mga kabataang makabayan.

Nang dahil dito ay nahawahan na si Locsin ng pagiging progresibo ng kanyang ate.

Kaya pagmasdang mabuti na nakakaangat si Angel sa kanyang kamalayang panlipunan sa showbiz dahil lipunan din naman ang larangang ito pero nauunawaan ng aktres ang historikal na proseso ng kaayusang ito.

Kaya sa pagganap ni Locsin sa kanyang mga papel sa telebisyon at pelikulay ay may dimensyon ng paglaya ng isang indibidwal sa pagsasamantala kahit na hindi pilit at simboliko lamang.

***

Ipinagmamalaki rin ni Angel na tiyuhin niya si Rep. Neri Colmenares ng Bayan Muna party-list.

Si Angel at si Neri ay magkamag-anak at ang mga simulain at adhika ni Congressman Colmenares ay mga pakikibaka rin ni Angel.

Kahit na isa ring kapitalista si Angel sa kanyang pagmamay-ari ng Fuel Up Bar sa may Commonwealth Avenue ay nasa kanya pa ring puso ang pagkalinga sa mga manggagawa.

Kahit na abala sa kanyang trabaho, may panahon si Locsin na pumasyal at personal na asikasuhin ang mga bagay sa kanyang restoran.

Kahit na ito ay pansosyal o kaya naman ay pambagets, kailangang may nilalaman ito ng pagmamahal sa kapwa sa tunay na kahulugan ng mga salitang ito.

Hindi sa pakikisabay lang sa agos na pagmamahal sa kapwa kundi sa pag-ayon sa lohika at katwiran.

Dahil hindi naman ibig sabihin na mahirap o manggagawa ay tama lagi ang mga pansariling gawain kaya dapat ilagay lang sa tamang konteksto ang paghuhusga sa mahirap.

***

Dumating na ang Star for All Seasons na si Vilma Santos mula sa kanyang dalawang linggong bakasyon sa Los Angeles, California.

Kasama niyang dumating ang kanyang asawang si Ralph Recto at ang kanilang anak na si Ryan Christian.

Gayundin, kasama sa bakasyon sina Emelyn Santos, ang panganay na kapatid ni Vilma at Aida Fandialan, ang kawaksi ni Santos sa maraming gawain sa buhay.

Gayunman, hindi nakarating si Vi sa ika-41 Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Entertainment Awards na ginanap sa Carlos P. Romulo Auditorium sa RCBC Plaza sa Ayala Avenue sa panulukan ng Buendia Avenue.

Best Actress si Baby Vi para sa kanyang mahusay na pagganap sa “In My Life” ng Star Cinema samantalang Best Actor naman si Luis Manzano katuwang si John Lloyd Cruz para sa “In My Life” din.

Si Luis ang tumanggap ng parangal para sa kanyang ina.

***

Si Marco Sison ang nais makasama ng singer na si Arminda Zuñiga sa kanyang concert na tentative na gagawin sa susunod na buwan.

“Bilib na bilib po ako kay Marco. At saka, tamang-tama siya sa age ng mga kliyente namin,” pahayag ni Arminda na siyang soloista ng Nonoy Lopez and His Orchestra.

Ballroom dancing ang kasunod ng maikling konsiyerto ni Armie dahil mahiligin talaga sa pagsayaw ang mga panauhin ng mang-aawit.

Pero balak din niyang gawing front act ang bagitong singer na si Dexter Encarnado.

***

Kung inyong natatandaan, si Zuñiga ang batambatang inilunsad natin noon sa isang pagtatanghal na tribute kina Dulce at Rey Valera sa Philamlife Auditorium noong 1989.

Kabilang sa mga nakasama ni Arminda sa pagkanta ng mga awit nina Dulce at Rey ay sina Michael Laygo, Maan Dionisio na gumanap na Kim sa “Miss Saigon” sa Australia at iba pang StarBrighters ni Boy C. de Guia.

Sumuporta pa nga sa amin noon si Boy Abunda at si Mario Dumaual na noon pa man ay matulungin na sa mga kasamahan sa peryodismo.

Nagdiwag kamakailan ng kanyang kaarawan si Armie sa Makati Sports Club kung saan siya kumakanta sa mga ballroom dancers sa saliw ni Nonoy.

Pag kumanta na si Zuñiga ng mga musika nina Didith Reyes, Pilita Corrales, Britney Spears, Lady Gaga, Beyonce Knowles at iba pang mang-aawit, talagang matatalbugan niya ang maraming nagkukunwaring manganganta.

Maligayang kaarawan, Arminda.

No comments:

Post a Comment