Thursday, June 24, 2010

Pagsaksi ni Brillante Mendoza sa digmaan sa Gaza at iba pang kuwento sa “artists as artists part 3” nina Cesar Montano

MATAGUMPAY ang pagdaraos ng “artists as artists part 3” ng The Film Artist Group sa Sining Kamalig Gallery sa Gateway kamakailan.

Sangkatutak na bituin ang dumalo sa pagdiriwang na ito at hindi lang basta-basta artista at mga alagad ng sining kundi mga bating na disipulo ng pag-arte at arte.

Kasama ni Cesar Montano, na nagdispley ng kanyang dalawang canvass, ang kanyang dalawang anak, isang babae at isang lalaki. Kamukhang-kamukha ni Cesar ang kanyang anak na lalaki na parang pumalit sa puwestong kinalalagyan ni Angelo Manhilot, ang kanyang anak sa unang asawa na nagpakamatay noong bago mag-eleksyon.

Kawangis na kawangis naman ni Sunshine Cruz ang babaing anak ni Montano.

Nagmamadali lang ang mag-aama kaya hindi siya natagalan sa art exhibit.

“Manonood kami ng ‘Toy Story.’ Gusto ko sanang kausapin si Manny Huang pero nagmamadali itong anak kong babae,” paliwanag ni Buboy, palayaw ni Cesar.

Si Manny Huang ay isa sa mga on cam talent ng “Philippine Draw Lotto” ng Nation Broadcasting Network ng Channel 4 na matagal nang kaibigan at tumutulong kay Montano sa mga kapus-palad na dumudulog sa Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.

***

Nagkita sa all-star painting sina Cesar at Brillante Mendoza at siyempre, binati ng aktor ang premyadong direktor.

“Mag-uusap daw kami tungkol sa project,” pahayag ni Brillante na kadarating lang mula sa Israel para sa South Asian International Film Festival.

Gustong magpadirek ni Montano kay Brillante.

“Titingnan ko kung ano ang puwedeng mangyari sa miting namin ni Cesar,” sabi ni Mendoza na excited na excited pang nagkuwento tungkol sa kanyang karanasan sa Tel Aviv.

“Naku, grabe ang reception ng mga Israelites sa mga pelikula ko lalo na sa ‘Lola.’ At saka, ang mga government officials, ‘yong prime minister nila, grabe ang pagtanggap sa akin. Pati ‘yong mga sheiks, naku, gustung-gusto nila ‘yong mga pelikula,” kuwento ng 2009 Palm d’Or Best Director sa Cannes International Film Festival.

***

Ipinasyal din anya siya sa Gaza Strip ng mga awtoridad.

“Grabe sa Gaza. Wala namang bombing pinasasabog nang nando’n ako pero isinama nila ako sa mga bahay na may malalapad na takip sa palibot. Kasi, proteksyon ito ng mga tao pag may naghahagis ng bomba. May underground passage rin ang bawat bahay,” salaysay ni Brillante, kilala rin bilang Dante Mendoza.

“Dalawang bus na mga Filipino ang nanood ng ‘Lola.’ Nakaka-touch. Ngayon lang nangyari ito sa akin. Nagkakaroon na ng consciousness ang mga kababayan natin sa mga pelikulang Tagalog kasama ‘yong sa akin. Grabe ang reaksyon nila sa ‘Lola.’ Parang ang tagal ko sa Israel kahit na halos tatlong araw lang ako ro’n,” wika ni Mendoza.

Dagli siyang bumalik sa Pilipinas para makadalo sa paanyaya ni Maria Isabel Lopez sa all-star painting exhibit.

Ipininta ni Maria Isabel ang premyadong likhang-sining ni Dante na “Kinatay (The Execution of P)” na pinagbidahan ni Lopez at nagpalanalo sa direktor sa Cannes.

Nagwawagi pa rin si Maribel ng mga karangalan sa mga award-giving bodies sa Pilipinas.

***

Bagamat hindi na bumabata si Carmi Martin ay ang ganda-ganda pa rin niya.

Kaswal na kaswal ang kanyang baro nang dumating pero lutang na lutang pa rin ang kanyang kagandahan.

Wala pa siyang idinidispley na mga likhang-sining dahil ipapadala pa lang niya bago mag-a tres ng Hulyo, ang huling araw ng art exhibit.

Nakatabi ni Carmi si Chavit Singson na may kasamang ibang babae na hinuhinuha ng lahat na kasalukuyan niyang kasintahan.

Hindi rin nawala si Celso Ad Castillo na kahit pumayat at mahusay pa ring magpinta gadyundin si Ernie Garcia na nagpaunlak pa ng kanta.

Si Victor Wood ay ang suot pa rin sa National Commission for Culture and the Arts sa presscon ng “artists as artists part 3” na pulang long-sleeved at kumanta siya ng “Sweet Caroline.”

Si Evangeline Pascual ang isa sa mga emcee at nagkuwento siyang abala siya sa P-Cana ng Ateneo de Manila University sa pagpapayo sa mga ikakasal.

Hindi nawala ang one-eyed soprano na si Josephine Gomez na gustong magpadirek kay Brillante.

Pagkatapos ng maraming taon ay nagpakita sa publiko si Mike Austria, ang mahusay na aktor na anak ng painter na si Tam Austria.

Star Patrol (for Saksi, June 24, 2010)

Boy Villasanta

Nangilabot si Brillante Mendoza sa giyera sa Gaza at ang pagdalo niya sa “artists as artists part 3” nina Cesar Montano

KAARAWAN ngayong araw na ito ng Maynila at ng San Juan.

At sining pa rin sa Maynila at San Juan ang isa sa mga bida sa pagkakataong ito.

Kulturang Pilipino ang ibinabando ng dalawang okasyon na laging may laang mga bituin sa pagdiriwang.

Bago ang pista sa Maynila at San Juan ay nagbukas ng pagsaludo sa arte ng pagpinta ang showbiz sa pagdaraos ng “artists as artists part 3” ng The Film Artist Group sa Sining Kamalig Gallery ng Gateway kamakailan.

Tulad ng dapat asahan, star-studded ang okasyon na dinaluhan ng malalaki at nagniningning na mga bituin sa pinilakang tabing.

***

Hindi nawala si Cesar Montano kasama ang kanyang dalawang anak, isang lalaki at isang babae.

Kamukhang-kamukha niya ang lalaki samantalang parang pinagbiyak na bunga ang babae at ang asawa ni Cesar na si Sunshine Cruz.

Gayunman, marami ang nanghinayang at nagmamadali sina Cesar samantalang nagkakaingay pa sa selebrasyon ng pagtatanghal ng mga piyesang pinta ng mga bituin.

“Manonood pa kasi kami ng ‘Toy Story.’ Nagyayaya na itong anak kong babae,” pahayag ni Montano.

Kaya kahit na si Manny Huang, ang isa sa mga nag-o-on cam sa “Philipine Lotto Draw” ng Nation Broadcasting Network Channel 4 ay hindi na niya nakausap sa telepono.

Madalas magkita sina Manny at Cesar lalo na pag humihingi ng suporta ang aktor sa Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO kaugnay sa mga pinansiyal o medikal na tulong ng ahensiya sa mga kababayan ni Montano sa Bohol.

***

Nagkita sa all-star painting sina Cesar at Brillante Mendoza at siyempre, binati ng aktor ang premyadong direktor.

“Mag-uusap daw kami tungkol sa project,” pahayag ni Brillante na kadarating lang mula sa Israel para sa South Asian International Film Festival.

Gustong magpadirek ni Montano kay Brillante.

“Titingnan ko kung ano ang puwedeng mangyari sa miting namin ni Cesar,” sabi ni Mendoza na excited na excited pang nagkuwento tungkol sa kanyang karanasan sa Tel Aviv.

“Naku, grabe ang reception ng mga Israelites sa mga pelikula ko lalo na sa ‘Lola.’ At saka, ang mga government officials, ‘yong prime minister nila, grabe ang pagtanggap sa akin. Pati ‘yong mga sheiks, naku, gustung-gusto nila ‘yong mga pelikula,” kuwento ng 2009 Palm d’Or Best Director sa Cannes International Film Festival.

***

Ipinasyal din anya siya sa Gaza Strip ng mga awtoridad.

“Grabe sa Gaza. Wala namang bombing pinasasabog nang nando’n ako pero isinama nila ako sa mga bahay na may malalapad na takip sa palibot. Kasi, proteksyon ito ng mga tao pag may naghahagis ng bomba. May underground passage rin ang bawat bahay,” salaysay ni Brillante, kilala rin bilang Dante Mendoza.

“Dalawang bus na mga Filipino ang nanood ng ‘Lola.’ Nakaka-touch. Ngayon lang nangyari ito sa akin. Nagkakaroon na ng consciousness ang mga kababayan natin sa mga pelikulang Tagalog kasama ‘yong sa akin. Grabe ang reaksyon nila sa ‘Lola.’ Parang ang tagal ko sa Israel kahit na halos tatlong araw lang ako ro’n,” wika ni Mendoza.

Dagli siyang bumalik sa Pilipinas para makadalo sa paanyaya ni Maria Isabel Lopez sa all-star painting exhibit.

Ipininta ni Maria Isabel ang premyadong likhang-sining ni Dante na “Kinatay (The Execution of P)” na pinagbidahan ni Lopez at nagpalanalo sa direktor sa Cannes.

Nagwawagi pa rin si Maribel ng mga karangalan sa mga award-giving bodies sa Pilipinas.

***

Bagamat hindi na bumabata si Carmi Martin ay ang ganda-ganda pa rin niya.

Kaswal na kaswal ang kanyang baro nang dumating pero lutang na lutang pa rin ang kanyang kagandahan.

Wala pa siyang idinidispley na mga likhang-sining dahil ipapadala pa lang niya bago mag-a tres ng Hulyo, ang huling araw ng art exhibit.

Nakatabi ni Carmi si Chavit Singson na may kasamang ibang babae na hinuhinuha ng lahat na kasalukuyan niyang kasintahan.

Hindi rin nawala si Celso Ad Castillo na kahit pumayat at mahusay pa ring magpinta gadyundin si Ernie Garcia na nagpaunlak pa ng kanta.

Si Victor Wood ay ang suot pa rin sa National Commission for Culture and the Arts sa presscon ng “artists as artists part 3” na pulang long-sleeved at kumanta siya ng “Sweet Caroline.”

Si Evangeline Pascual ang isa sa mga emcee at nagkuwento siyang abala siya sa P-Cana ng Ateneo de Manila University sa pagpapayo sa mga ikakasal.

Hindi nawala ang one-eyed soprano na si Josephine Gomez na gustong magpadirek kay Brillante.

Pagkatapos ng maraming taon ay nagpakita sa publiko si Mike Austria, ang mahusay na aktor na anak ng painter na si Tam Austria.

2 comments:

  1. Sana ma direct din ni Brillantre Mendoza si Ms. Nora Aunor

    ReplyDelete
  2. Don sa pelikula ni Cesar Montano to be directed by Brillante Mendoza

    ReplyDelete