KAHIT na nga saan at kahit na sino ay nakakapagbigay na ng mga parangal sa mga artista at mga taga-showbiz.
Tingnan na lamang ang University of Mindanao sa Davao City kung saan idaraos bukas ang Gawad Suri Students’ Choice Award.
O, laban kayo?
Kaya kahit na ang iba pang paaralan sa buong bansa o sa alinmang bahagi ng daigdig ay makapaghahandog na ng award o kahit na sino—magbabasura, tindera, abugado, doktor at iba pa na may interest ay puwede ring magbigay ng award ala-Star Awards ng Philippine Movie Press Club, Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino, Famas, Golden Screen Awards ng Enpress o Entertainment Press Society, Inc., Luna Awards ng Film Academy of the Philippines, Pasado, Gawad Tanglaw, Young Critics Circle, Catholic Mass Media Awards at iba pa.
Sa UM bukas, ang pararangalan ay si Vilma Santos bilang Best Actress, John Lloyd Cruz bilang Best Actor, Lucky Manzano bilang Best Supporting Actor, Dimples Romana bilang Best Supporting Actress at Olivia Lamasan bilang Best Director mula sa Best Film na “In My Life” ng Star Cinema.
At si Maria Isabel Lopez naman ay ka-tie ni Dimples para sa Best Supporting Actress para sa “Kinatay (The Execution of P)” ng Centerstage Productions at Swift Productions.
***
Sinabi ng peryodistang pampelikula at masugid na tagahanga ni Vilma na si Willie Fernandez na ang mga pumili sa mga nanalo ay mga estudyante ng College of Arts and Sciences Education.
Tuwang-tuwa naman si Santos na kapoproklama lang na gobernadora muli ng Lalawigan ng Batangas kahit na nasa malayo pang siyudad ng Batangas ang aktres.
Si Willie rin ang tatanggap ang parangal ng kanyang idolo pero si Maria Isabel ay nag-iisip kung mamamasahe siya patungong Davao para lang kunin ang kanyang tropeyo.
Sa AVR ng eskuwelahan gaganapin ang parangal at magmumula pa sa General Santos City si Fernandez para tanggapin ang karangalan para kay Baby Vi.
Si Dr. Gerlieta Ruiz ang dekana ng College of Arts and Sciences Education.
***
Naisnab sa parangal Jhong Hilario na isa sa mga bituin ng “Kinatay (The Execution of P)” pero kampanta lang siya.
Maligaya naman siya dahil sa isang banda, sa kabila ng kanyang pagpupunyagi at sakripisyo ay nanalo ang kanyang amang si Virgilio Hilario—no, hindi po ito ‘yong Filipino na unang mister ng kauna-unahang Miss Universe na taga-Finland na si Armi Kuusela.
Nagwagi si Virgilio sa pagkakonsehal ng Makati City at kaya nawala sumandali sa showbiz si Jhong ay sama siya nang sama sa kanyang tatay sa kampanya.
Pati mga shooting, taping at dance concert ng Streetboys ay nanapalyahan ni Jhong nang dahil sa ama pero ngayon ay nagsasaya naman siya.
***
Marami ring sakripisyo si Monsour del Rosario para sa kanyang showbiz career dahil nang siya ay tumakbong konsehal ng Makati ay nagkalat ang kanyang proyekto pero hindi siya nagpapigil na mamulitika.
Ngayon, pagkatapos ng tatlong eleksyon ng kanyang pagkakandidato ay nakalusot na ang tae kwon do champion at action star.
Kasama nina Monsour at Jhong sa tagumpay si Romulo “Kid” Peña na nagwaging bise-alkalde.
Tinalo ni Peña sina Rico J. Puno at Jobelle Salvador.
Ang nais lang ngayon nina Monsour, Jhong at Kid at iba pang taga-showbiz ay makipagtrabaho nang husto sa mga Binay.
Star Patrol (for Saksi, May 20, 2010)
Boy Villasanta
Pangatlong Best Actress award ni Vilma Santos, sa Davao City niya kukunin bukas
NGAYONG taong ito ay makakatatlong award bilang Pinakamahusay na Aktres ang Star for all Seasona na si Vilma Santos.
Bukas ay tatanggapin niya sa Davao City ang kanyang pinakahuling parangal na Best Actress.
Bakit naman sa Davao City pa?
Dahil sa mga panahong ito, kahit na sino at kahit na saan ay maaaring magbigay ng award sa kahit sino at kahit ano.
Ganyan na ang pag-inog ng mundo.
Kaya kahit kayo rin—anuman ang ginagawa ninyo sa buhay—maestro, maestra, basurero, inhenhiyero, doktor, masahista at iba pa puwedeng magbigay ng award sa mga taga-showbiz bastat kayang ipaglaban ang mga pinili.
***
Ang University of Mindanao College of Arts and Sciences Education sa Davao City ay hindi napupuwera at malayang makapagbibigay ng award sa sinuman o alinmang pagkakatanya nito ay mahuhusay.
Kaya nga Best Actress mga estudyante nito si Vilma para sa “In My Life” ng Star Cinema.
Best Actor naman si John Lloyd Cruz, Best Supporting Actor si Lucky Manzano, Best Supporting Actress si Dimples Romana, Best Director si Olivia Lamasan mula sa “In My Life” na siya ring Best Film.
Kaya lang ay napasingit si Maria Isabel Lopez bilang Best Supporting Actress para sa obrang “Kinatay (The Execution of P)” ng Centerstage Productions at Swift Productions.
Kahit na gobernadora si Vilma ng Lalawigan ng Batangas sa Luzon ay kinikilala naman sa Mindanao ang kanyang kakayahan.
Kahit nga sa Amerika ay nagbibigay rin ng parangal para sa mga taga-showbiz sa Pilipinas, di ba?
O, di ba, katatanggap lang ni Nora Aunor ng parangal sa Los Angeles, California bilang International Best Actress?
Ang mga ganitong pagpaparangal sa mga talentong Filipino ay nagpapakita na hindi talaga mawawala ang pagtutunggali sa kasikatan at kapangyarihan nina Vilma at Nora.
***
Dahil abala naman si Santos sa kanyang pamamahala sa Batangas ay ang kanyang masugid na tagahangang si Willie Fernandez ang tatanggap ng award ng aktres bukas.
Gaganapin ang awarding sa AVR ng University of Mindanao at dadaluhan ng mga estudyante at guro ng pamantasan.
Ang isa pang pang-akademikong asosasyon na nakapagbigay ng best actress award kay Baby Vi ay ang Gawad Tanglaw o Gawad Tagapuring mga Akademisyan ng Aninong Gumagalaw para rin sa “In My Life.”
Samantala, nakamtan din ni Ate Vi ang parangal sa Star Awards ng Philippine Movie Press Club kamakailan.
Ang mga mag-aaral ng UM ang pumili sa mga nagwagi.
Ewan lang kung mamamasahe si Maria Isabel papuntang Davao City para lang makuha ang kanyang parangal.
Si Dr. Gerlieta Ruiz ang dekana ng College of Arts and Sciences Education.
***
Mula sa General Santos City ay magbibiyahe pa si Willie para lang tanggapin ang tropeyo para sa kanyang idolo.
Bale-wala it okay Fernandez na isa ring aktibong peryodistang pampelikula noon pero nang magkasakit ay namalagi na lang sa GenSan para makamtan ang kinakailangang pamamahinga.
Pero tagapagtanggol pa rin ni Vilma si Willie sa abot ng kanyang makakaya.
Maligaya rin siya dahil nanalo si Daniel Fernando bilang bise-gobernador ng Lalawigan ng Bulacan.
Matagal na naglingkod si Fernandez kay Daniel.
Ikinakalat niya ang lahat ng kanyang impluwensiya sa showbiz sa Davao City at sa bayan ni Manny Pacquiao.
***
Marami ring artista, kabilang si Vilma sa nakikiramay sa pagyao ni Raffy Nantes, ang gobernador ng Lalawigan ng Quezon.
Marami kasing kaibigang bituin si Raffy kabilang sina Gary Estrada, Jinggoy Estrada, Bong Revilla, ang nasirang si Rudy Fernandez, Herbert Bautisa, Jestoni Alarcon, Lorna Tolentino at napakarami pa kaya naman nang siya ay masawi sa pagbagsak ng kanyang helicopter na sinasakyan ay naulila ang showbiz sa kanyang pagpanaw.
Madalas maimbitahan ni Nantes ang mga taga-showbiz na mamasyal sa Quezon at sa katunayan, nakakabili pa nga ang mga artista at iba pang tauhan ng lokal na showbiz ng mga ari-arian sa probinsiyang ito.
No comments:
Post a Comment