Boy Villasanta (for Bomba, May 18, 2010)
63rd Cannes International Film Festival, inisnab ni Brillante Mendoza
KUNG sino pa ang naging Palm d’Or Best Director sa Cannes International Film Festival sa Cannes, France noong isang taon ay siya pang nang-isnab ngayong 2010 Cannes.
Kasalukuyang ginaganap ang 63rd Cannes Filmfest at talagang pabonggahan na naman ang mga kalahok at mga pelikulang itinatanghal doon ngayon hanggang sa ika-23 ng Mayo, 2010.
Pero walang panahon si Brillante Mendoza na maging bahagi ngayong taong ito ng pestibal.
Noon kasi’y kinuha si Brillante na maging hurado sa pagdaraos ng kompetisyon sa mga opisyal na kalahok sa okasyon.
Pinag-usapan ang pagkuha ng Cannes kay Mendoza dahil bihira nga ang Filipino na ginagawang hurado o wala pa nga yatang Filipino na iniimbitahang mag-judge sa isa sa mga pinakaprestihiyosong film event sa mundo.
Ang sabi ng marami ay malayo na talaga ang narating ni Dante Mendoza dahil pahura-hurado na siya sa pinagpipitaganang international film festival na ito.
***
Pero kamukat-mukat mo ay tinanggihan pala ni Dante ang paghuhukom sa pinakamahuhusay na pelikula sa buong mundo.
“Imagine, sampung araw ako dapat na nando’n. E, ang dami kong ginagawa rito sa Pilipinas kaya I begged off sa mga organizers. Sabi ko, saka na lang pag marami na akong tima,” sabi ni Mendoza nang walang kagatul-gatol.
Bongga si Brillante dahil nakakatanggi siya sa imbitasyon ng isang marangal at maringal na pagdiriwang.
“Kasi, ilang pelikula ang panonoorin mo sa Cannes. Nakakaloka,” pahayag ni Mendoza.
Hindi naman siya pinilit ng mga taga-Cannes bagkos ay inunawa ng mga ito ang kalagayan ng direktor.
***
Marami kasing inihahandang proyekto si Brillante na kailangang tutukan nang todo kaya hindi siya maaaring magpabagal-bagal at magpaunat-unat.
“Sobra ang trabaho sa Pilipinas. Nakakaloka. Kung ‘yong iba, nagrereklamo na walang trabaho, ako naman ay talagang lagpas-tao sa trabaho. Kasi, iba ang creative work,” wika ni Dante.
May niluluto siyang isang natatanging putahe para ihain sa mga manonood na mga Filipino kahit na siya ay hindi naman pinapanood ng mas nakararaming Filipino.
Gayunman, mahal na mahal pa rin siya ang mga Filipino kahit iniisnab siya at nakabaling lang ang atensyon sa mga palabas telebisyon at mga pelikula na ibinibenta nang popular.
***
Sa unang linggo ng Hunyo ay nakatakdang magtungo si Dante sa Sidney, Australia para sa pagpapalabas ng kanyang “Lola” roon, ang isa sa mga pinakahihintay na lugar na pagpapalabasan ng kontrobersyal niyang pelikula na pinagbibidahan nina Anita Linda at Rustica Carpio.
Mula sa Centerstage Productions at Swift Productions, ang “Lola” ay umiikot na sa iba’t ibang bansa bilang hiwalay na pelikula sa iba pang obra ni Brillante at sa mga palighasan sa maraming lunan sa mundo.
Palabas ang “Lola” ngayon sa Paris, France kaya ma-imagine natin ang kailangan nating pagmamalaki na ang isang obra maestro mula sa Pilipinas ay itinatanghal sa mga komersyal na sinehan sa Europa.
Sa Sidney International Film Festival ay makikipagtunggali ang “Lola” sa iba pang pelikula mula sa maraming panig ng daigdig kaya umaasam si Mendoza na mauulit ang mga tagumpay nito noong mga nakaraang araw sa Dubai International Film Festival, Miami International Film Festival at Venice International Film Festival.
Star Patrol (for Saksi, May 18, 2010)
Boy Villasanta
Pagdyu-jury sa 63rd Cannes International Film Festival, tinanggihan ni Brillante Mendoza
ANO?
Ang pinakaprestihiyosong international film festival sa mundo na Cannes ay inisnab ni Brillante Mendoza?
Ang Cannes International Film Festival sa Cannes, France kung saan nagwagi si Brillante ng Palm d’Or Best Director para sa ika-62 Cannes International Film Festival para sa pelikulang “Kinatay (The Execution of P)” ng Centerstage Productions at Swift Productions, ay inayawan ng direktor?
Paano nangyari ‘yon?
Ganito ang kuwento.
Hindi pa natatagalan ay naibalita na sa lahat ng mga komunikasyon sa mundo na inanyayahan ng Cannes filmfest si Brillante na maging bahagi ng jury sa paligsahan sa bahaging ‘yon ng France.
Akalain ba naman ninyong inayawan ng magaling nating kababayan?
Ano ang nangyari?
Aba’y sinuyu-suyo pa si Mendoza pero hindi siya talaga nakapagkumpirma ng pagdalo.
***
Samantalang bilib na bilib sa kanya ang Cannes.
Sa hanay ng mga manlilikhang-pampelikula na sumali noon sa Cannes ay tanging siya ang nagkamit ng karangalan sa kanilang lahat sa daigdig.
Natalo pa nga niya sina Quintin Tarantino, Jane Campion, Ang Lee at iba pang bigating filmmaker sa Hollywood.
O, laban ka talaga sa katarayan ni Dante Mendoza?
“Ang dami kasing ginagawa sa Pilipinas,” pahayag ni Brillante.
“Imagine, sampung araw ako dapat sa Cannes para manood ng mga pelikulang kasali sa festival. Ano ang magagawa ko no’n sa Pilipinas samantalang ang dami-dami kong ginagawa rito,” sabi pa ngpremyadong direktor.
Naunawaan naman anya siya ng mga organizer ng Cannes at hindi na siya pinilit.
Kahit na malaking karangalan para sa Pilipinas ang paghuhurado man lang ay hindi na ito nagawa pa ni Dante.
***
Nangako naman siya sa mga taga-Cannes na pag bakante na siya sa susunod na mga filmfest nito ay maaari na siyang maghurado pero sa ngayon ay nakatutok siya sa kanyang mga trabaho.
May inihahanda siyang isang malaking proyekto na talagang sisindak sa buong mundo.
Wala rin anya siyang plano nitong taon na ito na gumawa ng isang obra maestra na magpapaangat muli sa imahen ng ating bansa sa ibang komunidad ng mga nasyon.
Marami anya siyang mga ideya at konsepto pero ang pagbuo ng tiyak na obra ay hindi na niya itinuloy.
Tutal naman ay natatak na at nakaukit sa kasaysayan ng Cannes na si Brillante ay Best Director sa isang napakagandang pelikula.
***
Sa unang linggo ng Hunyo ay nakatakdang magtungo si Dante sa Sidney, Australia para sa pagpapalabas ng kanyang “Lola” roon, ang isa sa mga pinakahihintay na lugar na pagpapalabasan ng kontrobersyal niyang pelikula na pinagbibidahan nina Anita Linda at Rustica Carpio.
Mula sa Centerstage Productions at Swift Productions, ang “Lola” ay umiikot na sa iba’t ibang bansa bilang hiwalay na pelikula sa iba pang obra ni Brillante at sa mga palighasan sa maraming lunan sa mundo.
Palabas ang “Lola” ngayon sa Paris, France kaya ma-imagine natin ang kailangan nating pagmamalaki na ang isang obra maestro mula sa Pilipinas ay itinatanghal sa mga komersyal na sinehan sa Europa.
Sa Sidney International Film Festival ay makikipagtunggali ang “Lola” sa iba pang pelikula mula sa maraming panig ng daigdig kaya umaasam si Mendoza na mauulit ang mga tagumpay nito noong mga nakaraang araw sa Dubai International Film Festival, Miami International Film Festival at Venice International Film Festival.
Boy Villasanta (for Bomba, May 19, 2010)
Naudlot na naman ang dating ni Nora Aunor sa Pilipinas
SA makalawa ay kaarawan na naman ng ating mahal na aktres na si Nora Aunor.
Isa na namang makasaysayang kabanata ito sa buhay ng bituin na bagamat nasa ibang bansa ay mananatiling buhay na buhay sa isip at puso ng kanyang mga kababayan.
Isang simpleng pagdiriwang ng kanyang kaarawan ang idaraos ni Nora sa Amerika.
Ayon sa mga Noranians, sa Internet at sa cellphone na lang nila makakausap ang kanilang idolo.
Gayunman, laging may puwang si Aunor sa pakikipagkomunikasyon sa kanyang mga tagahanga.
***
Mauudlot din ang balik ni Guy sa Pilipinas.
Kung noon ay ipinahayag ng malalapit sa kanya na Abril ang dating ng Superstar sa bansa para magsabog muli ng saya sa kanyang mga tagasubaybay, ngayon ay sa Hunyo na ang takdang pagdatal niya.
Si Lotlot de Leon mismo ang nagpahayag ng iskedyul na ito.
Pero alam ba ninyo na isang bongga at mahabang motorcade ang ipiniprepara ng mga Noranians sa pagyapak muli ni La Aunor sa lupa ng Pilipinas?
Samantala, bukod sa balita kay Nora ay ibinalita rin ni Lotlot na nagkita na sila ng kanyang biological father sa US at madalas na silang nag-uusap ngayon kabilang sa Internet at Facebook.
***
Itinatawa lang naman ni Terry Cagayat-Bagalso ang intrigang pinararatangan ang kanyang Gawad Tanglaw o Gawad Tagapuring mga Akademisyan ng Aninong Gumagalaw na maka-Vilma Santos ang kanilang organisasyon dahil lagi anang mga intrigera at intrigero na binibigyan ng Gawad Tanglaw ng parangal ang aktres.
“Matagal na ‘yang intrigang ‘yan. Hayaan mo sila. Magsasawa rin sila sa kaiintriga. Hindi naman totoo ‘yan. Kasi, nagkataon lang na Best Actress siya ngayong taong ito sa amin,” pahayag ni Terry.
Best Actress sa Gawad Tanglaw sa pelikulang “In My Life” ng Star Cinema.
Sinabi naman ng isang masugid na Vilmanian at dating peryodistang pampelikula na si Willie Fernandez na wala namang award si Santos sa Gawad Tanglaw noong isang taon.
“Kailan lang ba nabigyan ng award ng Gawad Tanglaw si Vi? Ang tagal na kaya walang katotohanan na ang Gawad Tanglaw ay Gawad Vilma,” sabi ni Fernandez.
***
Ang Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro o Pasado naman umano ay Pasadong Nora Aunor Award.
Ito ay dahil kabibigay lang kay Ate Guy ng parangal kamakailan at noong isang taon ay nahatagan din ang Superstar ng isa pang parangal.
Si Manny Gonzales, ang presidente ng Pasado ay Noranian naman umano, isang bagay na binale-wala ng grupo.
Galit na galit ang mga Vilmanian sa mga peryodistang pampelikula na tira nang tira sa kanilang idolo.
***
Nasa Matabungkay, Lian, Batangas na pala ang kontrobersyal na direktor na si Rolly Bernardo na filmmaker ng mga pelikula noon nina Ynez Veneracion at Ramona Revilla.
Namamahala na si Rolly ng isang beach resort at ayaw na muna niyang gumawa ng pelikulang Filipino.
Enjoy na enjoy si Bernardo s Matabungkay dahil parang pagdidirek din anya ang pamamahala ng isang beach resort.
Sa kanyang lugar nagpupunta ang mga direktor na sina William Mayo at Neal “Buboy” Tan pag kailangan nilang magpalihan sa ikauunlad ng kanilang mga propesyon sa pagdidirek ng pelikula.
***
Umaangkada naman ang pelikulang “Emir” ng Film Development Council of the Philippines at ng Cultural Center of the Philippines na pinangungunahan ni Francisca Farr, ang nanalo sa singing contest ng GMA Network.
Ayon kay Chito Rono, ang direktor ng obra, napakagaling ni Francisca at malayo ang mararating ng babaing ito.
Alam ba ninyo na sa Morocco kinunan ang malaking bahagi ng pelikula dahil sa anyo at kapaligiran ng lugar para magmukhang Dubai at Saudi Arabia.
Hindi kasi mahirap kumuha ng mga permiso sa Morocco para makunan ang mahahalagang bahagi ng pelikula.
Tampok din sa musicale sina Dulce, Jhong Hilario, Beverly Salviejo at marami pang iba.
Star Patrol (for Saksi, May 19, 2010)
Boy Villasanta
Tinitiyak ni Lotlot de Leon, sa June na ang dating ni Nora Aunor sa Pilipinas
MARAMI na ang nag-aabang sa pagbabalik ni Nora Aunor sa Pilipinas at sa showbiz dahil hinahanap-hanap na nila ang tatak-Norang pagganap at pagkanta.
Kaya lang ay naunsiyami na naman ang mga tagatangkilik ni Nora dahil sa kung noon ay inabangan nilang sa Abril nitong taong ito darating ang aktres pero hindi natuloy.
Pero sa Hunyo ay tiyak nang masisilayan natin ang Superstar na phenomenal at kakaiba.
Ito ang tiniyak ni Lotlot de Leon sa ating lahat.
“Sa June po ang talagang dating ni Mommy,” pahayag ni Lotlot.
Hindi na nga mapigilan pa ng mga Noranians ang magsaya sa muli at bagong iskedyul ng bituin.
Ayon kay Lito Sibonga, isang maringal at makulay na pagsalubong ang inihahanda nila para sa kanilang idolo.
Mahaba anya ang motorcade na sasalubong kay Aunor mula sa Ninoy Aquino International Airport papunta sa kanyang bahay.
***
Samantala, kaarawan na sa makalawa ni La Aunor at kahit sa Pilipinas ay naghahanda na ang kanyang mga tagahanga sa pagpapa-birthday sa aktres.
Kahit sa cellphone lang o sa Internet ay kasya na sa mga Noranians ang pakikipagtalamitam sa Superstar.
Isa ring simple pero makabuluhang birthday party ang inihahanda ng mga Noranians sa Amerika para sa aktres.
May nauna nang pasalubong at pa-birthday ang Cinema One ni Ronald Arguelles kay Nora sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga pelikula ni Guy sa kanyang cable channel.
Maligayang Kaarawan, Nora!
***
Itinatawa lang naman ni Terry Cagayat-Bagalso ang intrigang pinararatangan ang kanyang Gawad Tanglaw o Gawad Tagapuring mga Akademisyan ng Aninong Gumagalaw na maka-Vilma Santos ang kanilang organisasyon dahil lagi anang mga intrigera at intrigero na binibigyan ng Gawad Tanglaw ng parangal ang aktres.
“Matagal na ‘yang intrigang ‘yan. Hayaan mo sila. Magsasawa rin sila sa kaiintriga. Hindi naman totoo ‘yan. Kasi, nagkataon lang na Best Actress siya ngayong taong ito sa amin,” pahayag ni Terry.
Best Actress sa Gawad Tanglaw sa pelikulang “In My Life” ng Star Cinema.
Sinabi naman ng isang masugid na Vilmanian at dating peryodistang pampelikula na si Willie Fernandez na wala namang award si Santos sa Gawad Tanglaw noong isang taon.
“Kailan lang ba nabigyan ng award ng Gawad Tanglaw si Vi? Ang tagal na kaya walang katotohanan na ang Gawad Tanglaw ay Gawad Vilma,” sabi ni Fernandez.
***
Ang Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro o Pasado naman umano ay Pasadong Nora Aunor Award.
Ito ay dahil kabibigay lang kay Ate Guy ng parangal kamakailan at noong isang taon ay nahatagan din ang Superstar ng isa pang parangal.
Si Manny Gonzales, ang presidente ng Pasado ay Noranian naman umano, isang bagay na binale-wala ng grupo.
Galit na galit ang mga Vilmanian sa mga peryodistang pampelikula na tira nang tira sa kanilang idolo.
***
Nasa Matabungkay, Lian, Batangas na pala ang kontrobersyal na direktor na si Rolly Bernardo na filmmaker ng mga pelikula noon nina Ynez Veneracion at Ramona Revilla.
Namamahala na si Rolly ng isang beach resort at ayaw na muna niyang gumawa ng pelikulang Filipino.
Enjoy na enjoy si Bernardo s Matabungkay dahil parang pagdidirek din anya ang pamamahala ng isang beach resort.
Sa kanyang lugar nagpupunta ang mga direktor na sina William Mayo at Neal “Buboy” Tan pag kailangan nilang magpalihan sa ikauunlad ng kanilang mga propesyon sa pagdidirek ng pelikula.
***
Umaangkada naman ang pelikulang “Emir” ng Film Development Council of the Philippines at ng Cultural Center of the Philippines na pinangungunahan ni Francisca Farr, ang nanalo sa singing contest ng GMA Network.
Ayon kay Chito Rono, ang direktor ng obra, napakagaling ni Francisca at malayo ang mararating ng babaing ito.
Alam ba ninyo na sa Morocco kinunan ang malaking bahagi ng pelikula dahil sa anyo at kapaligiran ng lugar para magmukhang Dubai at Saudi Arabia.
Hindi kasi mahirap kumuha ng mga permiso sa Morocco para makunan ang mahahalagang bahagi ng pelikula.
Tampok din sa musicale sina Dulce, Jhong Hilario, Beverly Salviejo at marami pang iba.
No comments:
Post a Comment