KAARAWAN ngayon ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor at kahit nasa Estados Unidos ang bituin ay naaalala siya ng kanyang milyun-milyon pa ring tagahanga na nais makibahagi sa kanyang kumpleanyo.
Ang isa sa masusugid na Noranian na filmmaker ay walang iba kundi si Mario O'Hara na naghahanda na ng mga putaheng pelikula sa pagbabalik ni Nora sa Pilipinas sa Hunyo.
Nais ni O'Hara na gampanan ni Aunor ang papel ng isang laos na singer na nabulid sa droga o kaya ay ang la loba negra na matagal nang nakalaan sa aktres mula pa nang mabalitang babalik na ito sa bansa noong isang taon at maging ngayong 2010.
Tanging si Mario ang isa sa mga direktor na pinagkakatiwalaan ni Guy sa kanyang propesyon bilang aktres.
Sa katunayan, ang isa sa mga taong natatawagan ni Ate Guy mula sa US ay si O'Hara.
Kaya nga ang mga Noranians ay nakikipagtalastasan din kay O'Hara para makibalita sa kanilang idolo o kaya ay malaman ang mga gagawi ni Mario kay La Aunor.
***
Samantala, patuloy ang pagsu-shooting ni O'Hara ng “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio” na nakapasa sa maselang pamantayan ng ika-6 na Cinemalaya Independent Film Festival ng Cultural Center of the Philippines.
Nagustuhan ng mga hurado ang konsepto at iskrip ng proyekto ni Mario sa Open Category ng timpalak kaya naman nanguna ito sa paligsahan sa hanay ng mga beteranong direktor.
Nakapag-shooting na muli si Mario ng kanyang lahok kahapon pagkatapos na kunan ang moro-moro at komedya na mga tagpo ni Andres Bonifacio bilang aktor sa tanghalan noong 1890s.
Matunog ang pangalan ni Andres bilang bituin sa entablado dahil naisasatinig niya ang kanyang pagkontra sa pamahalaan ng Espanya at ang pang-aapi nito sa mga Filipino.
At alam ba ninyong kasama pa ni Bonifacio ang kanyang misis na si Gregoria de Jesus sa pag-arte sa teatro?
At hindi lang 'yan.
Kasama rin niya si Emilio Aguinaldo sa mga palabas na ito kaya masasabing ang mga pulitiko ay noon pang panahon ng mga Kastila gamay ang kapanyarihan ng showbiz o media para mailako ang kanilang mga sarili at mga plataporma o kaya naman ay mga adhika at simulain sa pulitika at iba pang larangan ng buhay.
***
Nakunan sa Dongalo sa San Dionisio, Parañaque City ang mga eksena ng moro-moro at komedya na tinampukan ni Alfred Vargas bilang Bonifacio.
Katatapos lang maiproklama ni Alfred bilang isa sa mga nanalong konsehal ng Ikalawang Distrito ng Lunsod ng Quezon at kinabukasan ay nag-shooting na ang bituin sa Parañaque.
Hindi ipinabaklas ni O'Hara ang mga props na ginamit ng mga taga-Dongalo sa pagtatanghal nila ng moro-moro at komedya noong pista ng bayan at sa pagdakila sa Mahal na Araw kung saan kilala sa pagpapalabas ng mga moro-moro, komedya at senakulo sa pagkilala sa kadakilaan ni Hesukristo.
Inspiradung-inspirado si Vargas sa kanyang papel dahil idolo niya si Bonifacio bilang pulitiko kaya inaasahan ng kanyang mga mamamayan sa Quezon City na magiging mala-Andres Bonifacio rin ang kanyang pamamahala sa kanila para sa kaunlaran.
***
Samantala, pinalitan na ni Lance Raymundo si Coco Martin sa papel na Emilio Aguinaldo sa pelikula.
Tinatalakay ng obra ni O'Hara ang intrigahan sa pagitan nina Aguinaldo at Bonifacio sa paggogobyerno sa rebolusyunaryong pamahalaan ni Emilio kung saan kinasuhan ng huli ng treason si Andres.
Maintriga at kontrobersyal ang pelikulang ito na kumukuwestyon sa kapangyarihan ni Emilio na maging marahas sa kakompitensiya niyang lider sa pamamahala ng lipunang Filipino.
Hindi na kaya ni Coco na gampanan pa ang karakter dahil sa dami ng kanyang ginagawa bagamat gustung-gusto niya ang papel sapul nang ialok sa kanya at tanggapin ito nang hindi pa umaatras ang unang katuwang na prodyuser ng Cinemalaya at CCP na si Ellen Ilagan na kaibigan ni Alfred.
Nang si Boy Abunda na ang katuwang na prodyuser ay wala nang panahon si Martin sa paggawa nito kaya naghanap sina Mario at Dennis Adobas, ang peryodistang pampelikula na katulong ni O'Hara sa produksyon ng kapalit ni Coco.
Una'y si Dennis Trillo ang nais nina Mario at Dennis pero hindi rin puwede ang aktor kaya napilitan silang maghanap muli ng bago at si Lance nga ang pumuwede kaya ang bituin ngayon ang naghahari sa katauhan ni Aguinaldo.
Samantala, ang isa sa mga Binibining Pilipinas 2009 na si Danielle Castaño ang gaganap na Ka Oryang.
Star Patrol (for Saksi, May 21, 2010)
Boy Villasanta
Coco Martin, pinalitan ni Lance Raymundo bilang Emilio Aguinaldo; Nora Aunor, binabati ni Mario O'Hara sa kaarawan ngayon
IPINADIRIWANG ni Nora Aunor ang kanyang ikalimampu't pitong tagmais ngayong araw na ito.
Parang kung kailan lang nang bonggang-bongga ang mga pagdiriwang ng kumpleanyo ni Nora sa Pilipinas.
Pero ngayong nasa Estados Unidos pa siya ay nais naman niyang hindi mawala ang diwa ng kanyang kapanganakan kaya magdiriwang siya kahit na simple ng kanyang birthday.
Ang isa sa mga bumabati sa kanyang kaarawan ay walang iba kundi si Mario O'Hara, ang isa sa mga paboritong direktor ni Guy.
Matatandaan na si Mario ang nagbigay ng unang parangal ng Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino ng Pinakamahusay na Pangunahing Aktres kay Nora noong 1976 sa pamamagitan ng kanyang walang kamatayang pagganap sa pelikulang “Tatlong Taong Walang Diyos” ng NV Productions.
Kaya nga nang kunin ni Boy Abunda ang ikalawang pagpaplano na maituloy ang pelikulang “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio” ng ika-6 na Cinemalaya Independent Film Festival ay naalala niya at kumbinsido siyang mahusay si Mario nang dahil sa pagdidirek kay Nora kaya walang katanung-tanong na inoohan ni Boy ang pagiging katuwang na prodyuser ng obra para sa Cinemalaya.
***
Ngayong araw na ito ay naaalala ni O'Hara ang mga pinagsamahan nila ni Nora.
Sa katunayan, ang isa sa mga laging tinatawagan ni Guy ng long distance mula sa US ay si Mario.
Nagtitiwala ang aktres sa kakayahan ng filmmaker kaya nasa isip din niya na kung siya ay magbabalik-showbiz at pag-arte ay si O'Hara ang dapat na humawak muli sa kanya.
Nang mabalitaan nga ni Mario na babalik na ang aktres sa Pilipinas noon pang isang taon ay binalak na niyang isapelikula ang buihay ng isang laos na singer na nagumon sa droga at alak at si Ate Guy ang nasa isip ng alagad ng sining na ipinagmamalaki ng industriya ng pelikulang Filipino.
Nais din ni O'Hara na isapelikula ang “La Loba Negra” na si La Aunor ang bida pero naghihintay ng tamang panahon at magandang kapalaran ang direktor upang mapunta kay Nora ang proyekto.
***
Samantala, tuloy-tuloy na ang pagsasapelikula ni Mario ng “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio” para sa Cinemalaya at kay Boy.
Kahapon ay nagpatuloy ang shooting bagamat isang araw pagkatapos ng pambansang eleksyon ay isinagawa ang kauna-unahang araw ng kalendaryo ng pagsasapelikula ng obra.
Noong ika-11 ng Mayo ay tinapos ni Mario ang mga eksena ng pagganap ni Alfred Vargas bilang Bonifacio sa pagiging aktor ng moro-moro at komedya sa panahon ng mga Kastila.
Sikat na sikat noon ang teatro ng moro-moro at komedya at ang mga pulitikong sina Andres at Emilio Aguinaldo ay madalas umapir sa mga pagtatanghal na ito.
Sikat na sikat silang aktor ng tanghalan kaya ang mga adhika at simulain nila sa pamamahala sa gobyerno at paglaban sa mga Kastila ay nagkakaroon ng katuparan.
Kaya hindi lang ngayon sinasakyan ng mga pulitiko at lingkod-bayan ang pagsasadaloy ng kanilang mga motibo sa pulitika at iba pang sangay ng buhay sa lipunang Filipino kundi noon pang rebolusyon ng Pilipinas laban sa Espanya.
Hindi kataka-takang hanggang ngayon ay nananatili at buhay na buhay ito sa ating kapaligiran.
Pati ang asawa ni Andres na si Gregoria de Jesus, kilala rin bilang Ka Oryang ay aktres sa entablado ng moro-moro at komedya.
***
Samantala, pinalitan na ni Lance Raymundo si Coco Martin sa papel na Emilio Aguinaldo sa pelikula.
Tinatalakay ng obra ni O'Hara ang intrigahan sa pagitan nina Aguinaldo at Bonifacio sa paggogobyerno sa rebolusyunaryong pamahalaan ni Emilio kung saan kinasuhan ng huli ng treason si Andres.
Maintriga at kontrobersyal ang pelikulang ito na kumukuwestyon sa kapangyarihan ni Emilio na maging marahas sa kakompitensiya niyang lider sa pamamahala ng lipunang Filipino.
Hindi na kaya ni Coco na gampanan pa ang karakter dahil sa dami ng kanyang ginagawa bagamat gustung-gusto niya ang papel sapul nang ialok sa kanya at tanggapin ito nang hindi pa umaatras ang unang katuwang na prodyuser ng Cinemalaya at CCP na si Ellen Ilagan na kaibigan ni Alfred.
Nang si Boy Abunda na ang katuwang na prodyuser ay wala nang panahon si Martin sa paggawa nito kaya naghanap sina Mario at Dennis Adobas, ang peryodistang pampelikula na katulong ni O'Hara sa produksyon ng kapalit ni Coco.
Una'y si Dennis Trillo ang nais nina Mario at Dennis pero hindi rin puwede ang aktor kaya napilitan silang maghanap muli ng bago at si Lance nga ang pumuwede kaya ang bituin ngayon ang naghahari sa katauhan ni Aguinaldo.
No comments:
Post a Comment