At inabangan nga ang “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio” ni Mario O’Hara pero sa gitna ng preparasyon ay nagkaaberya ang produksyon dahil nagbitiw ang prodyuser nito na si Ellen Ilagan dahil ayon sa peryodistang pampelikula na si Dennis Adobas ay hindi nagustuhan ni Ellen ang kontrata ng Cinemalaya Independent Film Festival ng Cultural Center of the Philippines.
Nawalan ng pag-asa si Mario pero hindi siya sumuko dahil gusto niyang kahit anong oras ay may kakatok sa kanyang pinto at tutulong sa kanyang maituloy ang obra, isang materyal na matagal niyang inalagaan.
Isang araw nga ay nabalitaan ni O’Hara na si Boy Abunda na ang prodyuser ng kanyang pelikula.
Noong una ay ayaw pang maniwala ni Mario dahil siya pa anya ang huling nakaalam sa pinakahuling ulat samantalang siya ang may-ari ng karapatan sa pagsasapelikula ng kanyang iskrip at istorya.
***
Hanggang sa naplantsa nga ang mga gusot at nagkausap na ang dalawa ni Boy.
Payag na payag na si O’Hara na si Abunda ang kanyang karagdagang mamumuhunan sa kanyang proyekto.
Ito ay sa tulong nina Robbie Tan ng Seiko Films at Laurice Guillen, ang utak sa likod ng Cinemalaya.
Naghanap din sina Robbie at Laurice ng makakapagpatuloy sa produksyon ng inaasam-asam na proyekto ng taon.
Hindi nag-atubili si Abunda na tulungan ang mga taga-Cinemalaya lalo na at alam niyang may magandang patutunguhan ang obra maestrang ito ni O’Hara.
***
Kaya nagmiting na sina Abunda at Mario at natuwa ang direktor sa intensyon ni Boy.
Mutual admiration society naman ang naganap sa dalawa dahil kapwa naman sila may magagandang layunin sa larangan ng showbiz kaya hindi kataka-takang pag magkasama sila ay may patutunguhan ang kanilang mga layon at nahahayon.
Ayon kay Dennis, hindi lang limandaang libong piso ang ilalagak ni Abunda sa pagsasapelikula ng buhay at kasaysayan si Andres Bonifacio na inintriga ni Emilio Aguinaldo, ayon pa rin sa dulang pampelikula na sinulat ng pamangkin ni Mario na si Janice O’Hara.
“Thrice sa presyo na kailangan sa isang period movie ni Mario,” nananabik na pahayag ni Adobas na laging kausap ni O’Hara.
“Ang sarap-sarap ng pakiramdam na makasama ako sa isang pelikula na tulad nito,” sabi ni Dennis na siyang magsisilbing katuwang ni Mario sa produksyon.
***
Pagkatapos ng eleksyon sa ika-10 ng Mayo, 2010, kinabukasan, ika-11 ng Mayo, Martes ay magus-shooting na sina Mario.
Sa araw na ito naman ay pupunta sila sa Dongalo sa Parañaque City upang tingnan ang mga props na ginamit ng dulaan sa lugar na ‘yon kaugnay sa moro-morong ipinalabas nitong nakaraang mga araw kaugnay sa Semana Santa at paggunita sa pormang ito ng dula sa Dongalo.
Alam ba ninyo na mga moro-morong artista sina Bonifacio, Aguinaldo at Gregoria de Jesus noong kanilang kapanahunan?
Kaya ang pakikipagkasal ng showbiz sa pulitika ay noon pa at hindi lang ngayong mga panahong ito.
Ipapamalas nina Andres, Emilio at Gregoria ang kanilang pagmamahal sa sining ng aliwan habang sila ay nakikipagrebolusyon sa paninikil ng mga Kastila at sa intrigahan din sa kanilang hanay.
Star Patrol (for Saksi, May 5, 2010)
Boy Villasanta
Pelikula ni Mario O’Hara tungkol kay Andres Bonifacio, tuloy na
BAGAMAT maraming nabago sa mga orihinal na plano ng pagsasapelikula ng “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio,” sa wakas ay tuloy na tuloy na ito sa buwang ito.
At nagsasaya na ang maraming Filipino kabilang ang mga tagahanga ni Andres Bonifacio at ni Mario O’Hara na siyang magdidirek ng pelikula.
Ipinasok ni Mario ang kanyang obrang pinamagatan nga ng ganito sa ika-6 na Cinemalaya Independent Film Festival ng Cultural Center of the Philippines sa bagong kategorya nitong Open Category na kinabibilangan ng mga beteranong direktor sa showbiz.
Nanguna si O’Hara sa kanyang mga kasamahan sa pagdidirek na sina Joel Lamangan, Gil Portes, Mark Meily at Joselito Altarejos sa pagpasa sa dibisyong ito.
***
Pero hindi pa man nagsisimula ang shooting ng pelikula tungkol sa intrigahan nina Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo ay nagkaproblema na ito.
Hindi nga ba’t may gantimpala ang proyekto na P500,000.00 sa pagsasapelikula at karagdagang P100,000.00 halaga para sa post-production nito?
Kaya lang ay kailangan pang may karagdagang budget na nakalaan para sa isang period movie na tulad nito at ang gaya ni Mario ay mabusisi bagamat matipid pero ang mga kasuotan at props kasama ang iba pang kagastusan ay kailangang maraming pagkukunan kundi man ay isang maglalaan at maglalagak ng puhunan.
May napasagot sina Mario na isang prodyuser, isang babae na kaibigan umano ni Alfred Vargas na siyang gaganap na Bonifacio, na ang pangalan ay Ellen Ilagan.
Pero hindi nagustuhan ni Ellen ang pagkakalaman ng kontrata na kanyang pipirmahan kaya umurong siya sa pagtulong sa proyekto.
Parang nagsalpukan ang langit at lupa sa katauhan ni Mario.
Una’y nasabi niyang hindi na matutuloy ang obra at ilalaan na lang niya sa ibang petsa ang paggawa nito.
***
Hindi naman nag-aksya ang mga tao sa Cinemalaya tulad nina Robbie Tan ng Seiko Films at Laurice Guillen at sila mismo ay naghanap ng makakapalit ni Ilagan.
Nakausap nina Robbie at Laurice si Boy Abunda at payag na payag naman ang TV host.
Pero hindi agad nakarating kay Mario ang balita at sa iba pang tao niya nabalitaan na si Boy na ang kapalit ni Ellen.
Hindi agad pinansin ni O’Hara ang ulat pero nang lumaon ay kinausap siya nina Guillen at Tan para sa intensyon ni Abunda kaya naman walang problema ay tumalima na si Direk sa kagustuhan ng mga namamahala ng Cinemalaya.
***
Pagkatapos ng eleksyon sa ika-10 ng Mayo, 2010, kinabukasan, ika-11 ng Mayo, Martes ay magus-shooting na sina Mario.
Sa araw na ito naman ay pupunta sila sa Dongalo sa Parañaque City upang tingnan ang mga props na ginamit ng dulaan sa lugar na ‘yon kaugnay sa moro-morong ipinalabas nitong nakaraang mga araw kaugnay sa Semana Santa at paggunita sa pormang ito ng dula sa Dongalo.
Alam ba ninyo na mga moro-morong artista sina Bonifacio, Aguinaldo at Gregoria de Jesus noong kanilang kapanahunan?
Kaya ang pakikipagkasal ng showbiz sa pulitika ay noon pa at hindi lang ngayong mga panahong ito.
Ipapamalas nina Andres, Emilio at Gregoria ang kanilang pagmamahal sa sining ng aliwan habang sila ay nakikipagrebolusyon sa paninikil ng mga Kastila at sa intrigahan din sa kanilang hanay.
No comments:
Post a Comment