Thursday, May 6, 2010

Madam Suzette Arandela, nabigla at nalungkot sa pagkamatay ni Jojo V. Acuin

MAY kakaiba at kakatwang pagsasamahan ang mga manghuhula sa Pilipinas.

Bagamat walang pormal na samahan ang mga ito, may emosyunal na pagkandili ang bawat isa sa mga nagaganap sa kanila lalo na pa gang sumasapit ay hindi magagandang bagay.

Pero ang hindi magagandang bagay na ito ang nakapagbibigay ng misteryo sa mga manghuhula.

Kung sila ay nakapaghuhula ng mga bagay na hindi magaganda—halimbawa’y lindol, sunog, pagbagsak ng mga eroplano, kamatayan, bagyo, sakuna, pagsasalpukan ng mga barko, digmaan, kudeta at iba pang mga delubyo—bakit ang sariling kapahamakan ay hindi nakikita o nahuhulaan o sadyang hindi ito ipinakikita o hinuhulaan o kung ipinakikita man o hinuhulaan ay hindi na ipinamamarali.

***

Itinanong ng mahusay na manunulat na si Lynda Casimiro na nagwagi ng Pinakamahusay na Dulang Pampelikula sa katatapos na ika-33 ng Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino kung nahulaan ba ni Jojo V. Acuin ang kanyang kamatayan.

Ito ay ang kanyang unang reaksyon nang ibalita namin sa kanya ang pagpanaw ni Jojo, tinagurian ding Nostradamus ng Asya.

“Hindi ba niya nahulaan?” matalinhagang tanong ni Lynda.

Pero siya man ay nabigla sa masamang trahedyang naganap kay Acuin.

Madalas niyang nababasa at nababalitaan ang nagaganap kay Jojo sa alinmang lagusan ng balita—telebisyon, radyo, pahayagan, magasin, webcast at iba pang mga daluyan ng komunikasyon.

Nalulungkot si Casimiro sa maagang pagyao ni Jojo.

***

Natigagal din si Madam Suzette Arandela sa pagkamatay ng kanyang kasamahan sa trabaho.

Magkakilala sila, oo, pero hindi naman sila malapit sa isa’t isa hindi dahil isnabera at isnabero sila kapwa kundi walang panahon at pagkakataon na sila ay magkasama.

“Nang ibalita sa akin ng isa kong anak na babae na namatay na si Jojo, may naramdaman akong kaiba,” pahayag ni Madam Suzette.

‘Yon ay pareho ang kanilang naranasan sa pagtahak sa landas ng panghuhula.

Pareho rin silang taga-Katimugang Tagalog.

Taga-Gumaca, Quezon si Arandela samantalang taga-San Pablo City sa Lalawigan ng Laguna ipinanganak at lumaki, nagkaisip at naging binata at may edad si Jojo.

Pagkatapos nito ay lumuwas na siya ng Maynila para pag-ibayuhin ang kanyang prediksyon sa mga bagay-bagay.

***

“Hindi man kami madalas magkita ni Jojo, nasa kanya ang aking simpatya sa aming mga manghuhula,” pagtatapat ni Madam Suzette.

Samantala, inamin ni Arandela na wala pang opisyal na samahan ang mga manghuhula sa bansa para ipaglaban at itaguyod ang mga layunin at adhikain ng mga manghuhula.

“Sana, magkaroon na kami ng grupo para maipaglaban ang para sa amin,” sambit ni Arandela.

Marami kasi ang nanlalait at nangmamata sa mga manghuhula.

May mga kritiko na nangongontra sa mga sinasabi ng mga manghuhula kaya imbiyernang-imbiyerna si Madam sa mga walang magawang mga kababayan.

“Sana, sa pagkamatay ni Jojo, maunawaan kami ng mas nakararaming Filipino. Na maganda ang hangarin namin sa mga tao,” sabi ni Arandela na isa ring manghuhula ng mga artista.

Star Patrol (for Saksi, May 6, 2010)

Boy Villasanta

Psychic for the stars Madam Suzette Arandela, nabigla at nalungkot sa kamatayan ni Jojo V. Acuin

ANG showbiz ay isa lang sa maraming ahensiya ng lipunan at ang larangang ito ay kaugnay ng iba pang aspeto ng buhay.

Kaya nga ba’t nang mamatay si Jojo V. Acuin, kinilala ring Nostradamus ng Asia, lalo pang lumutang ang pagkakaugnay ng showbiz sa lahat ng sangay ng buhay.

Na iisa lang ang hininga at dighay ng lahat ng larangan ng buhay sa lipunang ito.

Ang buhay ay showbiz, ang showbiz ay buhay.

Hindi nga ba’t si Jojo ay Psychic for the Stars din?

Kahit itanong mo pa kina Joseph Estrada, Vina Morales, Alma Moreno, Herbert Bautista, Lani Mercado at marami pang iba na may pagkakataong naging konektado sila sa isa’t isa.

***

Naging bahagi rin ng aliwan at impormasyon ng telebisyon si Jojo nang maging co-host siya nina Lolit Solis, ng namayapang si Oskee Salazar at Mario A. Hernando sa “Stars & Spies” sa Intercontinental Broadcasting Corporation o Channel 13 na prinodyus ng Regal Baby na si Macoy Symaco.

Mahal na mahal ni Macoy si Jojo.

Sa kasamaang-palad, maysakit pa rin si Symaco bagamat sa diwa ay nakikisimpatya siya sa trahedyang dumapo sa pamilya ni Acuin.

Bago mag-TV si Jojo ay nagradyo siya sa mga istasyong DWBL at DZME bilang tagapanghula sa mga tagapakinig at nakatulong ito sa paglago ng pangalan ni Acuin.

Nang siya ay nagkapangalan pa nang malaki, kinuha siya ni Manny V. Pangilinan para sa Angel Radyo kasama sina Edu Manzano at Angelique Lazo.

Kasa-kasama pa nga ni Jojo noon kahit na saan magpunta ang peryodistang pampelikulang si Roland Lerum.

***

Tungtungan din ng mga manghuhula ang showbiz para lalo pang makilala.

‘Yan din ang tinahak ni Jojo.

Nang makilala niya si Andy Garcia ay nagtuluy-tuloy na ang pakikipag-ugnayan ng manghuhula sa mga taga-showbiz sa pakikipagkilala sa namayapa na ring peryodistang pampelikula na si Gil E. Villasana, Vic P. Sabado, Lerum, Obette Serrano, JC Nigado, Oghie Ignacio, Rico Miranda, Lito MaƱago, Art Tapalla, Dennis Adobas at marami pang iba.

Ang babaing manghuhula na si Madam Suzette Arandela ay tumahak din ng landas ng showbiz para makadagdag sa pagningning ng kanyang pangalan tulad ni Jojo.

Kaya nga may mga pinagsasamahan ang mga ito.

Kung halos residenteng manghuhula na ng GMA Network si Madam Suzette, naging bahagi rin siya ng Radio Philippines Network o Channel 9 at Channel 13 din naman.

Gayundin, lumalabas din siya sa Channel 11.

Kaya nga nang mabalitaan ni Arandela na sumakabilang-buhay na si Jojo ay naiyak siya at natigagal.

***

Magkakilala sila, oo, pero hindi naman sila malapit sa isa’t isa hindi dahil isnabera at isnabero sila kapwa kundi walang panahon at pagkakataon na sila ay magkasama.

“Nang ibalita sa akin ng isa kong anak na babae na namatay na si Jojo, may naramdaman akong kaiba,” pahayag ni Madam Suzette.

‘Yon ay pareho ang kanilang naranasan sa pagtahak sa landas ng panghuhula.

Pareho rin silang taga-Katimugang Tagalog.

Taga-Gumaca, Quezon si Arandela samantalang taga-San Pablo City sa Lalawigan ng Laguna ipinanganak at lumaki, nagkaisip at naging binata at may edad si Jojo.

Pagkatapos nito ay lumuwas na siya ng Maynila para pag-ibayuhin ang kanyang prediksyon sa mga bagay-bagay.

***

“Hindi man kami madalas magkita ni Jojo, nasa kanya ang aking simpatya sa aming mga manghuhula,” pagtatapat ni Madam Suzette.

Samantala, inamin ni Arandela na wala pang opisyal na samahan ang mga manghuhula sa bansa para ipaglaban at itaguyod ang mga layunin at adhikain ng mga manghuhula.

“Sana, magkaroon na kami ng grupo para maipaglaban ang para sa amin,” sambit ni Arandela.

Marami kasi ang nanlalait at nangmamata sa mga manghuhula.

May mga kritiko na nangongontra sa mga sinasabi ng mga manghuhula kaya imbiyernang-imbiyerna si Madam sa mga walang magawang mga kababayan.

“Sana, sa pagkamatay ni Jojo, maunawaan kami ng mas nakararaming Filipino. Na maganda ang hangarin namin sa mga tao,” sabi ni Arandela na isa ring manghuhula ng mga artista.

No comments:

Post a Comment