ANG isang tiyak na nami-miss na ngayon pa lang ang kontrobersyal na manghuhula at tinaguriang Nostradamus of Asia na si Jojo V. Acuin ay walang iba kung hindi ang editor ng pahayagang hawak-hawak ninyo ngayon na Bomba Balita na si Art Tapalla.
Malalim at malawak ang pinagsamahan nina Art at Jojo sa showbiz at sa lahat ng ginagawa ng psychic.
Sa loob ng anim na araw na burol ni Acuin sa kanyang tahanan sa Doña Eusebia Sibdvision sa Bukid Garden sa San Pablo City sa Lalawigan ng Laguna, nais ni Art na masilayan na agad ang mga huling labi ng kanyang kaibigan at bukal ng mga istorya pero maraming mga sagabal.
Una ay ang pagsakit ng kanyang mga ngipin.
Namaga ang mga gilagid ni Tapalla noong Sabado at Linggo kaya hindi siya nakapunta sa ikalawang gabi ng lamay kay Jojo.
***
Nang mga sumunod na araw naman ay inasikaso niya ang kasal ng kanyang pamangkin dahil siya ang tumatayong panganay at tatay sa Maynila ng kanyang mga kaanak.
At kailangan niyang gampanan ng mahusay at propesyunal ang kanyang pagiging patnugot ng diyaryong ito kaya nakapako ang kanyang atensyon sa pag-i-edit sa araw-araw na ginawa ng Diyos.
Kaya noong Martes na lang ng hatinggabi nakapunta si Art sa San Pablo City pagkatapos maisara ang Bomba Balita at Saksi sa Balita tabloids.
Sumagsag sa kalaliman ng gabi si Art patungong Laguna at alas dos na ng umaga, sa katunayan ay Miyerkules na, nang siya ay makarating sa burol.
***
“May peace of mind si Jojo nang makita ko siya sa kabaong. Mabuti naman at gano’n,” pahayag ni Art.
Wala pa nga siyang katulug-tulog dahil sa maghapon at magdamag na pag-aasikaso sa buhay at bahay.
“Marami kaming pinagsamahan ni Jojo kaya hindi ko siya makakalimutan. Napakabait niya sa akin kahit na minsan, binibiro niya ako pero alam kong parang birong kapatid lang ‘yon,” sabi ni Tapalla.
Inumaga si Art sa San Pablo City at dumiretso na naman siya sa upisina para magsara ng mga diyaryo.
***
Ang hindi rin nagdamot ng kanyang panahon para makapiling sa kanyang mga huling sandali sa mundo ay ang isa sa mga peryodistang pampelikula sa ABS-CBN na si Obette Serrano.
Naku, napakahaba at napakarami na ring pinagsamahan nina Jojo at Obette.
Panahon pa noon ng 1980s at close na close na sina Obette at Jojo.
Kaya nga nang mamatay ang huli ay isa si Serrano sa nagtungo roon upang kunan para sa “Star News” ng “TV Patrol” ang manghuhula.
At ang kasa-kasama lagi ni Jojo na si Roland Lerum ay namanglaw sa pagpanaw ng kanyang kaibigang matalik at tagasuporta sa maraming bagay.
Sa katunayan, si Roland ang nagbalita sa amin na sumakabilang-buhay na nga si Acuin.
“Miss na miss ko na si Jojo. Kasi, magbi-birthday na ‘yon dapat sa May 30 pero wala na. Di bale, ipagdarasal ko na lang siya,” pahayag ni Lerum na taga-Lopez, Quezon.
Ang naabutan din namin sa burol noong Sabado ay si Ohgie Ignacio na isang matalik na kaibigan din at peryodistang pampelikula ni Jojo.
Kahit na gabing-gabi na ay sumagsag sa San Pablo City si Ohgie para makapiling kahit na sa mga huling sandali ang kanyang kaibigan.
Maraming hindi makakalimutang sandali si Ignacio kay Acuin.
Sa mga naulila ni Jojo, nakikiramay kami!
Star Patrol (for Saksi, May 7, 2010)
Boy Villasanta
Obette Serrano ng ABS-CBN, Roland Lerum ng Enpress at Ohgie Ignacio ng PMPC, miss na miss na si Jojo V. Acuin
INIHATID na sa huling hantungan noong Miyerkules ng ala una ng hapon ang kontrobersyal na manghuhula na si Jojo V. Acuin, kilala rin sa tawag na Nostradamus ng Asya.
Sa San Pablo City Memorial Park inilagak ang mga labi ni Jojo at nakiisa ang showbiz sa kanyang pagpanaw.
Nangunguna sa mga nakipagburol si Obette Serrano, ang isa sa mga peryodistang pampelikula ni Mario V. Dumaual ng “Star News” ng “TV Patrol” ng ABS-CBN.
Unang gabi pa lang ng burol ay nagtungo na si Obette sa San Pablo City para makipiling man lang sa huling mga sandali ang mga labi ng kanyang kaibigan at tagasuporta.
Ginaygay ni Serrano ang San Pablo City para lang sa huling sandali ay maipagdasal ang kanyang itinuturing na pangunahing barkada sa showbiz.
***
Nagdala pa si Obette ng TV crew para makunan ang kamatayan ni Jojo at nang maipalabas sa kanyang mga programang pantelebisyon tulad na nga sa ‘Star News” at sa “Umagang Kay Ganda.”
Nang mga 1980s ay nagkilala sina Serrano at Acuin dahil kaibigan at alaga rin ni Obette si Alma Moreno na isa sa mga unang nagpahula sa psychic.
Alaga rin ni Nene Riego si Alma at si Obette naman ay nagsisimula pa lang mag-peryodistang pampelikula noon kaya nadadala-dala siya ni Nene kay Jojo.
Gayunman, barkada rin ni Obette ang namayapa na ring si Gil E. Villasana na malapit din kay kay Jojo kaya doble ang panig ng pagpapakilala kay Serrano kay Acuin.
“Marami kaming pinagsamahan ni Jojo kaya hindi ko siya makakalimutan,” sabi ni Serrano.
Pero dahil lang sa kaabalahan sa trabaho ay hindi na nakabalik sa burol si Obette pero panay ang dalangin niyang sana’y maligaya sa dako pa roon ang kaibigan.
***
Ang isang tiyak pang nami-miss na ngayon si Jojo ay walang iba kung hindi ang editor ng pahayagang hawak-hawak ninyo ngayon na Bomba Balita na si Art Tapalla.
Malalim at malawak ang pinagsamahan nina Art at Jojo sa showbiz at sa lahat ng ginagawa ng psychic.
Sa loob ng anim na araw na burol ni Acuin sa kanyang tahanan sa Doña Eusebia Sibdvision sa Bukid Garden sa San Pablo City sa Lalawigan ng Laguna, nais ni Art na masilayan na agad ang mga huling labi ng kanyang kaibigan at bukal ng mga istorya pero maraming mga sagabal.
Una ay ang pagsakit ng kanyang mga ngipin.
Namaga ang mga gilagid ni Tapalla noong Sabado at Linggo kaya hindi siya nakapunta sa ikalawang gabi ng lamay kay Jojo.
***
Nang mga sumunod na araw naman ay inasikaso niya ang kasal ng kanyang pamangkin dahil siya ang tumatayong panganay at tatay sa Maynila ng kanyang mga kaanak.
At kailangan niyang gampanan ng mahusay at propesyunal ang kanyang pagiging patnugot ng diyaryong ito kaya nakapako ang kanyang atensyon sa pag-i-edit sa araw-araw na ginawa ng Diyos.
Kaya noong Martes na lang ng hatinggabi nakapunta si Art sa San Pablo City pagkatapos maisara ang Bomba Balita at Saksi sa Balita tabloids.
Sumagsag sa kalaliman ng gabi si Art patungong Laguna at alas dos na ng umaga, sa katunayan ay Miyerkules na, nang siya ay makarating sa burol.
***
“May peace of mind si Jojo nang makita ko siya sa kabaong. Mabuti naman at gano’n,” pahayag ni Art.
Wala pa nga siyang katulug-tulog dahil sa maghapon at magdamag na pag-aasikaso sa buhay at bahay.
“Marami kaming pinagsamahan ni Jojo kaya hindi ko siya makakalimutan. Napakabait niya sa akin kahit na minsan, binibiro niya ako pero alam kong parang birong kapatid lang ‘yon,” sabi ni Tapalla.
Inumaga si Art sa San Pablo City at dumiretso na naman siya sa upisina para magsara ng mga diyaryo.
***
Hindi rin maitatatwa na maraming pinagsamahan sina Roland Lerum, isa sa mga aktibong kasapi ng Entertainment Press Society, Inc. o Enpress.
Nakakalungkot lang ngang isipin na sa araw ng libing ni Jojo ay may awards night ang Enpress, ang 7thGolden Screen Awards sa Teatrino sa Greenhills kaya abala sina Roland sa paghahanda.
Pero dahil malapit si Lerum kay Acuin ay dasal na lang muna ang inihahandog niya sa kaligtasan ng kaluluaw ng kaibigan.
Hindi maitatatwa ang kabuluhan ng pagkatao ni Jojo sa pagsulong ng buhay ni Roland sa maraming aspeto ng eksistensiya ng perydodistang pampelikula.
Madalas magsama noon sa mga lakad sina Jojo at Roland lalo na nang may radyo noon ang manghuhula sa Angel Radyo ni Manny V. Pangilinan.
Bawat araw ay kasama ni Acuin si Roland sa istasyon dahil live noon ang announcer-psychic sa radio booth.
***
Ang naabutan din namin sa burol noong Sabado ay si Ohgie Ignacio na isang matalik na kaibigan din at peryodistang pampelikula ni Jojo.
Aktibong kasapi ng Philippine Movie Press Club o PMPC si Ohgie na isa sa mga mapagkakatiwalaang peryodista ni Jojo.
Kahit na gabing-gabi na ay sumagsag sa San Pablo City si Ohgie para makapiling kahit na sa mga huling sandali ang kanyang kaibigan.
Maraming hindi makakalimutang sandali si Ignacio kay Acuin.
Sa mga naulila ni Jojo, nakikiramay kami!
No comments:
Post a Comment