ELEKSYON ngayong araw na ito.
At ang showbiz ay isa sa may pakialam dito.
Una na ay ang mga taga-showbiz ay pulitikal na tao rin.
Hindi lamang ito applicable sa mga artistang kumakandidato kundi talagang ang mga taga-showbiz ay bahagi ng eleksyon, isang ehersisyong pulitikal dahil mamamayan ng Pilipinas ang mga artista, direktor, prodyuser, manunulat, make-up artist at iba pang manggagawa rito na nakarehistro at bumuboto.
Siyempre, may mangangatwiran na sila ay hindi nakarehistro sa pagboto at wala silang pakialam sa pulitikal pero ang lohikang ito ay kalokahan at nakakatawa dahil pagbali-baligtarin mo man ang isang taga-showbiz ay pulitikal siya kahit saanman daanin dahil ang buhay sa pangkalahatan ay isang nagdudumilat na pulitika.
Ang sabi nga ng kolumnistang si Conrado de Quiros, ang isang taong hindi namumulitika ay inaari o tahasang patay na.
Ang isa sa mga makapangyarihan at impluwensiyal na aparatu ng pulitika sa showbiz ay ang telebisyon.
Aminin man o hindi, ang telebisyon bilang makina ay pulitikal at kultural din.
Ito ay isang lagusan ng impormasyon at dibersyon.
Ang isa sa mga elemento ng telebisyon ay ang pambalitaang sangay nito o sa mas alam ng mga tao na TV news.
***
Napakalaki ng impluwensiya ng balita sa TV sa publiko dahil ito na lang ang pangunahing pinagkukunan ng impormasyon ng mga tao dahil bukod sa aktuwal na nasisilayan ng mga manonood, kumikilos ang mga kasangkot sa balita ay murang-mura pa ito, libre pa nga kung tutuusin kaysa bumili pa ng diyaryo o magasin para sa mga ulat.
Sa pamamagitan ng balita sa TV, nakikipag-ugnayan tayo sa iba pang tao sa lipunan at nauunawaan natin ang papel ng bawat isa sa atin sa pag-unlad ng buhay.
Dahil ang pambalitaan sa TV ay may tahasang ulat o news report, pagtatampok o feature, editoryal o kuru-kuro o kuntil-butil na mga opinyon sa mga isyu at balita.
Pero ang nakakalungkot, imbes na mas luminaw ang mga katotohanan ng buhay ay lalo pang lumalabo sa pamamagitan ng ibang elemento ng pambalitaan sa TV.
***
Itinuturing na ang telebisyon ay lagusan ng aliw kaya mas madalas kaysa hindi, ang mga newscaster o public affairs hosts o reporters ay ikinakategorya sa entertainment section o culture ng mga pahayagan kung sila ay isinusulat o ibinabalita.
Kaya nga showbiz din ang mga newscaster o TV host o reporter at iba pang tauhan ng isang news organization dahil ang lagusan o instrument nila ay ang midyum ng telebisyon.
Pero walang masama rito dahil wala naman talagang masama kung tawagin ang isang tao na showbiz.
Sumasama lang ang tingin ng mga tao sa showbiz dahil sa sinaunan at kinagisnang ikinulapol sa larangang ito na panay lang tsismis at intriga o kaya ay walang kapararakang mga gawain na hindi naman totoo dahil makatuturan din ang showbiz kung pag-aaralang mabuti.
***
Noong Araw ng Paggawa o Labor Day ay napanood namin sa QTV Channel 11 ang pag-uulat ni Bernadette Reyes sa “Balitanghali” nina Pia Arcangel at Raffy Tima.
Napailing na lang kami sa paglalarawan at paglikha ng ulat na voice-over report o kaya naman ay standupper ni Bernadette.
Inilalarawan ni Reyes na hinaluan daw ng pulitika ang selebrasyon ng Labor Day nang magkalat ang mga kandidato sa halalan ng mga polyito at iba pang materyales na pang-eleksyon sa pagdiriwang ng okasyon sa mga rally at pagtitipon.
Matay man naming isipin, alam kaya ni Bernadette ang kanyang pinaggagawa o sinasabi.
Alam kaya niya na ang Labor Day bilang isang pagdiriwang ay namumutiktik din sa pulitika?
Sa aming palagay ay panahon na para palalimin pa natin ang ating pananaw tungkol sa pulitika.
Na ang pulitika ay nagaganap kahit na saan at kahit na kailan.
Na ang pulitika ay hindi lang tungkol sa mga lingkod-bayan o pulitiko o kandidato o nasa gobyerno.
Na ang pulitika ay malalim, malawak, makulay, matunggali, masalimuot, matayog, komplikado tulad ng buhay dahil ang buhay nga ay isang bagay na pulitikal.
Na ang pulitika ay tungkol sa ating mga tao sa lipunang ito, nasa showbiz man o wala, nasa newsroom man o wala, nasa telebisyon man o wala.
***
Malaki ang naihahatid sa kamalayan ng mamamayan ang mga sinasabi at ipinapakita ng media sa ating mga manonood.
E, hindi lang sa TV may pambalitaan kundi sa radyo rin at sa makabagong panahon ng telekomunikasyon, may webcast na ngayon sa Internet na nagbabalita rin.
Ang multimedia ay hitik na hitik na sa balita at pag ang pag-uulat ay malabo at may mga bagay na mali o kaya ay sulimpat at distorted, namamana o makukuha ito nang walang kalaban-laban ng mga nanonood.
Kailangan marahil na mag-aral pa nang abante ang mga reporter sa TV at matutunan ang mga bagay na politically correct at mas modernong edukasyon dahil ang mga tao ang nagiging kawawa at naaapektuhan ng katangahan.
Star Patrol (for Saksi, May 10, 2010)
Boy Villasanta
Dapat bang mag-seminar o patuloy na mag-aral ang mga TV reporter?
NGAYONG araw na ito ay eleksyon.
Makikibahagi tayong lahat sa halalang ito.
Ang mga taga-showbiz ay isa sa maraming mga tao na makikilahok sa gawaing ito.
Pero marami pang bagay na kailangang malaman ang mga taga-showbiz sa partisipasyon nila sa eleksyong ito.
At ang mga tao ay kailangan ding patuloy na mag-aral sa pulitika bilang isang malawak na larangan ng buhay.
Aminin man o hindi, ang eleksyon ay kakambal din ng showbiz hindi lamang sa may mga artista, direktor o manunulat na kumakandidato kundi ang eleksyon ay may direktang kaugnayan sa showbiz.
Ang mga mambabatas na ihahalal natin ay makakalikha ng mga batas o alituntunin na makakatulong o makakapagpabagsak pa sa showbiz kaya kailangang tutukan natin ang eleksyong ito nang buong puso at buong utak.
***
Ang mga taga-showbiz ay pulitikal na tao rin.
Hindi lamang ito applicable sa mga artistang kumakandidato kundi talagang ang mga taga-showbiz ay bahagi ng eleksyon, isang ehersisyong pulitikal dahil mamamayan ng Pilipinas ang mga artista, direktor, prodyuser, manunulat, make-up artist at iba pang manggagawa rito na nakarehistro at bumuboto.
Siyempre, may mangangatwiran na sila ay hindi nakarehistro sa pagboto at wala silang pakialam sa pulitikal pero ang lohikang ito ay kalokahan at nakakatawa dahil pagbali-baligtarin mo man ang isang taga-showbiz ay pulitikal siya kahit saanman daanin dahil ang buhay sa pangkalahatan ay isang nagdudumilat na pulitika.
Ang sabi nga ng kolumnistang si Conrado de Quiros, ang isang taong hindi namumulitika ay inaari o tahasang patay na.
Ang isa sa mga makapangyarihan at impluwensiyal na aparatu ng pulitika sa showbiz ay ang telebisyon.
Aminin man o hindi, ang telebisyon bilang makina ay pulitikal at kultural din.
Ito ay isang lagusan ng impormasyon at dibersyon.
Ang isa sa mga elemento ng telebisyon ay ang pambalitaang sangay nito o sa mas alam ng mga tao na TV news.
***
Napakalaki ng impluwensiya ng balita sa TV sa publiko dahil ito na lang ang pangunahing pinagkukunan ng impormasyon ng mga tao dahil bukod sa aktuwal na nasisilayan ng mga manonood, kumikilos ang mga kasangkot sa balita ay murang-mura pa ito, libre pa nga kung tutuusin kaysa bumili pa ng diyaryo o magasin para sa mga ulat.
Sa pamamagitan ng balita sa TV, nakikipag-ugnayan tayo sa iba pang tao sa lipunan at nauunawaan natin ang papel ng bawat isa sa atin sa pag-unlad ng buhay.
Dahil ang pambalitaan sa TV ay may tahasang ulat o news report, pagtatampok o feature, editoryal o kuru-kuro o kuntil-butil na mga opinyon sa mga isyu at balita.
Pero ang nakakalungkot, imbes na mas luminaw ang mga katotohanan ng buhay ay lalo pang lumalabo sa pamamagitan ng ibang elemento ng pambalitaan sa TV.
***
Itinuturing na ang telebisyon ay lagusan ng aliw kaya mas madalas kaysa hindi, ang mga newscaster o public affairs hosts o reporters ay ikinakategorya sa entertainment section o culture ng mga pahayagan kung sila ay isinusulat o ibinabalita.
Kaya nga showbiz din ang mga newscaster o TV host o reporter at iba pang tauhan ng isang news organization dahil ang lagusan o instrument nila ay ang midyum ng telebisyon.
Pero walang masama rito dahil wala naman talagang masama kung tawagin ang isang tao na showbiz.
Sumasama lang ang tingin ng mga tao sa showbiz dahil sa sinaunan at kinagisnang ikinulapol sa larangang ito na panay lang tsismis at intriga o kaya ay walang kapararakang mga gawain na hindi naman totoo dahil makatuturan din ang showbiz kung pag-aaralang mabuti.
***
Noong Araw ng Paggawa o Labor Day ay napanood namin sa QTV Channel 11 ang pag-uulat ni Bernadette Reyes sa “Balitanghali” nina Pia Arcangel at Raffy Tima.
Napailing na lang kami sa paglalarawan at paglikha ng ulat na voice-over report o kaya naman ay standupper ni Bernadette.
Inilalarawan ni Reyes na hinaluan daw ng pulitika ang selebrasyon ng Labor Day nang magkalat ang mga kandidato sa halalan ng mga polyito at iba pang materyales na pang-eleksyon sa pagdiriwang ng okasyon sa mga rally at pagtitipon.
Matay man naming isipin, alam kaya ni Bernadette ang kanyang pinaggagawa o sinasabi.
Alam kaya niya na ang Labor Day bilang isang pagdiriwang ay namumutiktik din sa pulitika?
Sa aming palagay ay panahon na para palalimin pa natin ang ating pananaw tungkol sa pulitika.
Na ang pulitika ay nagaganap kahit na saan at kahit na kailan.
Na ang pulitika ay hindi lang tungkol sa mga lingkod-bayan o pulitiko o kandidato o nasa gobyerno.
Na ang pulitika ay malalim, malawak, makulay, matunggali, masalimuot, matayog, komplikado tulad ng buhay dahil ang buhay nga ay isang bagay na pulitikal.
Na ang pulitika ay tungkol sa ating mga tao sa lipunang ito, nasa showbiz man o wala, nasa newsroom man o wala, nasa telebisyon man o wala.
***
Malaki ang naihahatid sa kamalayan ng mamamayan ang mga sinasabi at ipinapakita ng media sa ating mga manonood.
E, hindi lang sa TV may pambalitaan kundi sa radyo rin at sa makabagong panahon ng telekomunikasyon, may webcast na ngayon sa Internet na nagbabalita rin.
Ang multimedia ay hitik na hitik na sa balita at pag ang pag-uulat ay malabo at may mga bagay na mali o kaya ay sulimpat at distorted, namamana o makukuha ito nang walang kalaban-laban ng mga nanonood.
Kailangan marahil na mag-aral pa nang abante ang mga reporter sa TV at matutunan ang mga bagay na politically correct at mas modernong edukasyon dahil ang mga tao ang nagiging kawawa at naaapektuhan ng katangahan.
No comments:
Post a Comment