Tuesday, May 11, 2010

Iza Calzado, Eugene Domingo at Maria Isabel Lopez, best actresses sa ik-7 Golden Screen Awards

HUMAHATAW na naman si Maria Isabel Lopez.

At talagang hindi lang isa o dalawa kundi marami na siyang inaaning tagumpay sa pag-arte.

Hindi basta-basta ang mga pagwawagi at nominasyon niya sa iba’t ibang award-giving bodies.

Una na’y nagwagi siya ng dalawang karangalan sa ika-8 Gawad Tanglaw o Gawad Tagapuring mga Akademisyan ng Aninong Gumagalaw kung saan dalawang Best Supporting Actress award ang kanyang nakamtan para sa mga pelikulang “Kinatay (The Execution of P)” ng Centerstage Productions at Swift Productions at sa “Tulak” ng Exogain Productions.

Bagamat siya ay nominado bilang Pinakamahusay na Pangalawang Aktres sa Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino para sa “Kinatay,” hindi man siya nanalo ay napakaprestihiyoso naman ng pagkakatalaga sa kanya bilang nominado.

***

Sa katatapos na ika-7 ng Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society, Inc. o Enpress, si Maria Isabel din ang nagwaging Best Supporting Actress para sa “Kinatay” at ito ay kanyang niyayakap ng mahigpit.

Kaya nga siya ay nagpapasalamat kay Brillante Mendoza sa pagkakakuha sa kanya bilang aktres sa pelikulang una niyang tinanggihan dahil sa paghuhubad.

Pero nang dahil sa kanyang paghuhubad muli ay nakapunta siya sa Cannes International Film Festival at ipinagsasaya niya ito.

***

Samantala, nanalo naming Best Actress in a Leading Role sa Drama si Iza Calzado para sa obrang “Dukot” ng ATD Entertainment na idinirek ni Joel Lamangan.

Bilang Best Actress in a Leading Role sa Musical o Comedy si Eugen Domingo para sa pelikulang “Kimmy Dora (Kambal sa Kiyeme)” na iprinodyus ni Piolo Pascual.

Best Actor naman in a Leading Role sa Drama si Coco Martin para sa “Kinatay” at Best Actor naman in a Leading Role sa Musical o Comedy si Roderick Paulate para sa “Ded na si Lolo” ng APT Entertainment.

Samantala, Best Motion Picture sa Drama ang “Kinatay (The Execution of P)” at Best Motion Picture naman sa Musical o Comedy ang “Ded na si Lolo.”

***

Napanalunan naman ni Brillante ang Best Director pero nasolo niya ito at walang kahating best director sa drama o sa musical o comedy.

Si Soxie Topacio naman ang nanalong Best Screenplay para sa “Ded na si Lolo” at natalo niya ang premyado at mahusay ring mandudulang pampelikula na si Lynda Casimiro.

Dumalo si Lynda kasama ang kanyang mga kapatid na babae at masaya siya kahit hindi niya naiuwi ang karangalan.

Nandoon din si Rustica Carpio na nominado sa Best Actress in a Leading Role sa Drama para sa “Lola” ng Centerstage Productions at Swift Productions.

Hindi nakarating si Anita Linda na nominado rin sa kategorya.

Gayundin, si Vilma Santos ay absent sa kanyang nominasyon bilang Best Actress in a Leading Role sa Drama sa “In My Life” ng Star Cinema.

Wala rin siya para tanggapin ang espesyal na pagkilala bilang Lino Brocka Lifetime Achievement Awardee ng Enpress at ang kanyang anak na lang kay Ralph Recto na si Ryan Christian Recto ang tumanggap ng pagkilala.

Dumating din ang seksing aktres na si Lara Morena gayundin si Snooky Serna.

Star Patrol (for Saksi, May 11, 2010)

Boy Villasanta

Maria Isabel Lopez, Eugene Domingo at Iza Calzado, nagpagandahan sa best actress award ng Enpress

HINDI maitatanggi na mahuhusay na aktres ang inaalagaan ng pelikulang Tagalog at kahit na ang karamihan sa pelikula ngayon ay digital, napapatunayan ng mga bituing ito na nangingibabaw pa rin sila kahit na anong pormat ng paggawa ng pelikula.

Tingnan na lang si Maria Isabel Lopez na kahit na anong pamamaraan ng paggawa ng pelikula ay lagi niyang tinantanggap—digital man o 35mm.

Tulad na lang ng “Kinatay (The Execution of P)” ng Centerstage Productions at Swift Productions na pinaghalong celluloid o 35mm at digital.

Walang pakialam si Maria Isabel kung pinaghalo man ng direktor niyang si Brillante Mendoza ang pormat ng paggiling ng kamera.

Bastat ang mahalaga ay tinanggap niya ang alok ni Brillante at nanalo pa siya ng award mula sa iba’t ibang award-giving body sa Pilipinas.

***

Una nang napanalunan ni Maribel ang Best Supporting Actress para sa pelikula sa Gawad Tanglaw o Gawad Tagapuring mga Akademisyan ng Aninong Gumagalaw para sa papel niyang puta sa pelikula ni Mendoza.

Bilib na bilib ang peryodistang pampelikula at patnugot ng mga aklat sa Atlas Publishing House na si Terry Cagayat-Bagalso kay Lopez sampu ng kanyang mga kasama sa Gawad Tanglaw kaya hindi lang isa kundi dalawang tropeyo ng karangalan ang ipinagkaloob kay Maria Isabel.

Sa pelikulang “Tulak” ng Exogain Productions ni Neal “Buboy” Tan ay tumanggap din ng karangalang Best Supporting Actress si Maribel para sa kanyang papel na lukaret nang dahil sa pagkasugapa sa shabu.

***

Kahit na sa Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino ay hindi nasungkit ni Maribel ang karangalang Pinakamahusay na Pangalawang Aktres para sa “Kinatay,” masaya naman siya at siya’y nominado sa isa sa mga pinakaprestihiyosong organisasyong namimigay ng mga parangal sa pinakamagagaling sa showbiz.

Nandoon nga siya sa University of the Philippines Film Institute Cine Adarna para makibahagi sa marangal at maringal na pagtitipon ng mga Manunuri.

Kahit na wala siyang nakamtang parangal ay nakataas naman ang noo ni Maribel dahil napatunayan niyang may ibubuga siya sa pag-akting mula sa pagiging beauty queen at bold star.

***

Nagpabonggahan din sa pag-arte sina Eugene Domingo at Iza Calzado para naman sa pagpili ng Entertainment Press, Inc. o Enpress na naghahatag ng mga parangal sa Golden Screen Awards.

Nominado sa magkahiwalay na kategorya sina Eugene at Iza.

Si Domingo ang nagwagi sa Best Actress in a Leading Role sa Musical o Comedy para sa pelikulang “Kimmy Dora (Kambal sa Kiyeme)” iprinodyus ni Piolo Pascual samantalang si Calzado ang nanalo sa Best Actress in a Leading Role sa Drama para sa obrang “Dukot” ng ATD Entertainment sa direksyon ni Joel Lamangan.

At si Maribel naman ang solong Best Supporting Actress para sa “Kinatay”

Biruin naman ninyo ang pagkilalang ito kay Maria Isabel.

***

Best Actor naman in a Leading Role sa Drama si Coco Martin para sa “Kinatay” at Best Actor naman in a Leading Role sa Musical o Comedy si Roderick Paulate para sa “Ded na si Lolo” ng APT Entertainment.

Samantala, Best Motion Picture sa Drama ang “Kinatay (The Execution of P)” at Best Motion Picture naman sa Musical o Comedy ang “Ded na si Lolo.”

Napanalunan naman ni Brillante ang Best Director pero nasolo niya ito at walang kahating best director sa drama o sa musical o comedy.

Si Soxie Topacio naman ang nanalong Best Screenplay para sa “Ded na si Lolo” at natalo niya ang premyado at mahusay ring mandudulang pampelikula na si Lynda Casimiro.

Dumalo si Lynda kasama ang kanyang mga kapatid na babae at masaya siya kahit hindi niya naiuwi ang karangalan.

Nandoon din si Rustica Carpio na nominado sa Best Actress in a Leading Role sa Drama para sa “Lola” ng Centerstage Productions at Swift Productions.

Hindi nakarating si Anita Linda na nominado rin sa kategorya.

Gayundin, si Vilma Santos ay absent sa kanyang nominasyon bilang Best Actress in a Leading Role sa Drama sa “In My Life” ng Star Cinema.

Wala rin siya para tanggapin ang espesyal na pagkilala bilang Lino Brocka Lifetime Achievement Awardee ng Enpress at ang kanyang anak na lang kay Ralph Recto na si Ryan Christian Recto ang tumanggap ng pagkilala.

Dumating din ang seksing aktres na si Lara Morena gayundin si Snooky Serna.

No comments:

Post a Comment