HINDI na napigilan ng kontrobersyal na direktor na si Jowee Morel ng mga klasiko nang “Mga Paru-Parong Rosas (Pink Butterflies),” “Moma,” “Ec2luv,” “When A Gay Man Loves,” “Latak,” “HiStory,” “Moving Dreams” at “Strictly Confidential” ang pagtataray nang mabasa na naman niya ang mga kontrobesyang kinasasangkutan ng mga taga-industriya ng pelikulang Filipino at telebisyon.
Ito ay kaugnay ng pagpapataw ng Movie and Television Review and Classification Board ng X rating sa pelikulang “Ganito Tayo Ngayon, Paano Tayo Bukas” na isang shorts na pelikulang likha ni Jeffrey Jeturian para sa proyektong “AmBisyon” ng ABS-CBN News Channel.
Ang obra ay tumatalakay sa ekonomiya ng pelikula at ang ayon kay Jeffrey ay huwad na pagpapamarali ng gobyerno ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa mga ganansiyang pang-ekonomiya nito.
Isang pedestrian ang bida ni Jeturian na bumili ng diyaryo at binuklat ang mga pahina nito.
Natambad sa kanyang paningin ang pahina na advertisement ng gobyerno na nagyayabang na tumaas ang ekonomiya ng pamahalaan pero sa pagbiyahe ng jeep na sinakyan ng mamang pedestrian at pasahero ay natambad sa kanya ang mga kabalintunaan ng nakalagay sa pahayagan at sa katotohanan na kanyang nakikita sa paligid tulad ng mga pulubi, mataas na presyo ng mga bilihin, kawalan ng hanapbuhay, katiwalian at iba pang mukha ng kahirapan.
***
Binigyan ng MTRCB ang pelikula ng klasipikasyong X o hindi puwedeng ipalabas sa madla.
Ayon sa tagapangulo ng MTRCB na si Ma. Consoliza Laguardia, malisyoso ang pagkakagawa, ang paglalahad ni JJ ng kanyang likhang-sining na dokyumentaryo.
Ito ani Laguardia ay nangmamaliit sa kakayahan ng gobyerno at iniimpluwensiyahan ang taumbayan na hindi paniwalaan ang pamahalaan.
Nag-isyu na ng kanyang pahayag si Jeffrey at sinabi niyang hindi siya magra-rally nang dahil sa nakamtang grado mula sa sensura.
Bastat anya’y ang kanyang pagpapahalaga ng kanyang pulitikal na pananaw ay nakasaad sa kanyang pagpapahatid ng mensahe sa madlang-pipol at pagsasatinig ng kanyang mga ideya at sentimiyento.
Nagpahayag na rin ang Concerned Artists of the Philippines ng pagtutol sa ginawang pagtrato ng MRTCB sa pelikula at sinabing ito ay paglabag sa karapatang pantao ng isang alagad ng sining.
Nagbigay rin ng kanyang opisyal na pahayag si Liza Maza na isa sa mga boses ng Gabriela. Kinondena rin ni Liza nag MTRCB.
Inis na inis na si Jowee sa ganitong sistema.
Ayon sa kanyang ipinadalang mensahe sa inyong lingkod mula sa London kung saan siya ay nag-aaral ng filmmaking, wala nang benesa ang mga statement na tulad nito.
***
“Been reading about that MTRCB thing again, you know what? It's not MTRCB's fault...It's OURS... How can we let this bunch of narrow minded people decide for the whole nation when it comes to what is suitable and what is not... Iilan lang naman yan sila tapos pinapayagan natin silang gawin yan... I am so bored na with the issue... hindi na years eto, decades na...,” unang pasakalye sa pahayag ni Morel.
Naungkat pa ni Jowee ang mga karanasan niya sa ilalim ng MTRCB kung kailan ay dalawang beses na pinutol ang kanyang mga pelikula lalo na ang “Mga Paru-Parong Rosas (Pink Butterflies)” samantalang aniya’y wala namang masamang ibig sabihin ang kanyang mga eksena na sukat ikasira ng moralidad ng lipunan.
Masyado anyang arbitrary ang desisyon ng ahensiya ng pamahalaan sa kanyang pelikula samantalang may kalayaan naman siyang magpahayag ng para sa kanya ay lohikal at may katuturan sa kabuuan ng pelikula.
Pinakahuli ang balak na pagdedemanda at pagtawag ng pansin kay Morel sa kanyang pelikulang “Strictly Confidential” dahil ipinalabas ito nang walang permiso ng ahensiya sa UP Viedotheque.
Sinabi ni Morel na masyado na siya nadungisan sa kasong ito sa maraming paraan.
“Remember last year nung nasummon kami? How much money did I spend for lawyers? Di ba? Ang problema ay puro lang tayo salita!!! Kulang sa power... nagpapagandahan lang ang mga filmmakers and ang mga artists... statement, statement? What can that statement do??? Aber??? What I noticed masyadong segregated ang mga artist... They are so full of themselves... Payabangan, pataasan ng buhok and pasosyalan... Do we really give a damn kung ano ang mga kinakain ng mga tao sa squatters? We only scream when we are affected!!! Pero pag ang nanalo sa eleksyon ay si pinsan, si kaibigan at si kapatid at malapit tayo sa sandok, sa atin ang langit at pakialam natin sa kahirapan... This is the attitude we have to change!!! The Attitude within!!!”
***
Sinabi ni Jowee na kailangang magbago ang mga filmmaker at ang sambayanang Filipino.
“Ang pagiging kanya kanya, na kung tayo yung binibiyayaan ng grasya ok lang kung gumapang sa hirap ang iba... Ano ang hahantungan ng BAYAN NATIN in few years time??? Is Philippines really a hopeless case na?... Sinasampal-sampal na tayo ng mga idiotang nakaupo hanggang bunganga lang tayo!!! They have balls, we haven't... It's about time na talagang umaray na tayo!!! Let's not forget that they are illegal according to the HUMAN RIGHTS ACT of 1998... And I have been telling you guys that sa meeting natin dati... nagsawa na lang ako... kaya eto....”
Ang winiwikang miting ni Morel ay nang makipagpulong
siya sa CAP nang pag-initan siya ng MTRCB.
Star Patrol (for Saksi, April 7, 2010)
Boy Villasanta
Kontrobersyal na direktor na si Jowee Morel, tinarayan ang Concerned Artists of the Philippines at iba pang alagad ng sining
NAGAGALIT na ang kontrobersyal na direktor na si Jowee Morel, ang filmmaker na lumikha ng mga pelikulang “Mga Paru-Parong Rosas (Pink Butterflies),” “Moma,” “Ec2luv,” “When A Gay Man Loves,” “Latak,” “HiStory,” “Moving Dreams” at “Strictly Confidential.”
Bihira lang magsalita nang maaanghang ang filmmaker na ito pero hindi na niya napigilan ang pagdakdak kaugnay sa pinakahuling bayangan ngayon ng mga alagad ng sining ng pelikula at telebisyon at ng Movie and Television Review and Classification Board.
Kaugnay ito sa pagpapataw ng MTRCB ng klasipikasyong X sa pelikulang “Ganito Tayo Ngayon, Paano Tayo Bukas?” ni Jeffrey Jeturian.
Ang pelikula o ang shorts na pelikula na maaaring tawaging dokyumentaryo ay bahagi ng omnibus na documentary film ng ABS-CBN News Channel na “AmBisyon” kung saan dalawampung Filipino filmmaker ang lumikha ng tigdadawalampung minuto ring obra tungkol sa iba’t ibang larangan ng buhay sa lipunang ito o sa bansang ito ng Pilipinas.
Pinili ni Jeffrey na talakayin ang eronimoya dahil anya’y bahagi ito ang lahat ng sangay ng buhay sa lipunan.
***
Ang pangunahing tauhan sa pelikula ay isang pedestrian o pasahero na naglalakad sa mataong lugar at nakita ang tinadahan ng mag diyaryo.
Bumili siya ng isang peryodiko at binuklat ito.
Natambad sa kanya ang pahina ng patalastas ng gobyerno tungkol sa pang-ekonomikong nakamtan at grasya nito ngayon.
Ayon sa government ad, tumaas ang ekonomiya ng pamahalaan at ipinagmamalaki ito ng mga kapanalig ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Nang pasakay na sa sasakyan ang pedestrian ay natambad sa kanya ang maraming mukha ng kahirapan kabilang ang mga pulubi, mataas na presyo ng mga bilihin, kawalan ng trabaho, kawalan ng pakialaman, katiwalian at iba pang mga larawan ng karukhaan na hindi nagpapatibay ng pagmamalaki ng gobyerno.
Lalo pang dumami ang obserbasyon ng kahirapan sa pananaw ng pasahero nang nakasakay na siya sa sasakyan at umandar na ito.
Inis at pundi na si Jeturian sa kasinungalingan ng pamahalaan kaya naman naengganyo siyang talakayin ang ekonomiya sa kanyang obra.
Binigyan ito ng X rating at ayon kay Ma. Consoliza Laguardia, malisyoso at pinabababa ang tingin ng mga tao sa pamahalaan.
Sinabi naman ni JJ na nagpapahayag lang siya ng kanyang pananaw at ito ang kanyang pulitikal na paniniwala.
Hindi anya siya magra-rally at tama na ang ganitong paglalahad.
Nag-isyu naman ng statement ang Concerned Artists of the Philippines at kinokondena ang pasyang ito ng MTRCB dahil pagsikil anito ito sa kalayaan sa pamamahayag na ginagarantiyahan ng Saligang-Batas.
Nagpahayag din ng pagkadismaya si Liza Maza ng Gabriela.
Naiinis na rin si Jowee sa mga kasong ito.
***
Mula sa kanyang pahayag na sa amin sa overseas na usapan, ipinadala ni Morel ang kanyang pananalig sa isyung ito kahit siya ay nasa London at kumukuha ng filmmaking.
“Been reading about that MTRCB thing again, you know what? It's not MTRCB's fault...It's OURS... How can we let this bunch of narrow minded people decide for the whole nation when it comes to what is suitable and what is not... Iilan lang naman yan sila tapos pinapayagan natin silang gawin yan... I am so bored na with the issue... hindi na years eto, decades na...,” unang pasakalye sa pahayag ni Morel.
Naungkat pa ni Jowee ang mga karanasan niya sa ilalim ng MTRCB kung kailan ay dalawang beses na pinutol ang kanyang mga pelikula lalo na ang “Mga Paru-Parong Rosas (Pink Butterflies)” samantalang aniya’y wala namang masamang ibig sabihin ang kanyang mga eksena na sukat ikasira ng moralidad ng lipunan.
Masyado anyang arbitrary ang desisyon ng ahensiya ng pamahalaan sa kanyang pelikula samantalang may kalayaan naman siyang magpahayag ng para sa kanya ay lohikal at may katuturan sa kabuuan ng pelikula.
Pinakahuli ang balak na pagdedemanda at pagtawag ng pansin kay Morel sa kanyang pelikulang “Strictly Confidential” dahil ipinalabas ito nang walang permiso ng ahensiya sa UP Viedotheque.
Sinabi ni Morel na masyado na siya nadungisan sa kasong ito sa maraming paraan.
“Remember last year nung nasummon kami? How much money did I spend for lawyers? Di ba? Ang problema ay puro lang tayo salita!!! Kulang sa power... nagpapagandahan lang ang mga filmmakers and ang mga artists... statement, statement? What can that statement do??? Aber??? What I noticed masyadong segregated ang mga artist... They are so full of themselves... Payabangan, pataasan ng buhok and pasosyalan... Do we really give a damn kung ano ang mga kinakain ng mga tao sa squatters? We only scream when we are affected!!! Pero pag ang nanalo sa eleksyon ay si pinsan, si kaibigan at si kapatid at malapit tayo sa sandok, sa atin ang langit at pakialam natin sa kahirapan... This is the attitude we have to change!!! The Attitude within!!!”
***
Sinabi ni Jowee na kailangang magbago ang mga filmmaker at ang sambayanang Filipino.
“Ang pagiging kanya kanya, na kung tayo yung binibiyayaan ng grasya ok lang kung gumapang sa hirap ang iba... Ano ang hahantungan ng BAYAN NATIN in few years time??? Is Philippines really a hopeless case na?... Sinasampal-sampal na tayo ng mga idiotang nakaupo hanggang bunganga lang tayo!!! They have balls, we haven't... It's about time na talagang umaray na tayo!!! Let's not forget that they are illegal according to the HUMAN RIGHTS ACT of 1998... And I have been telling you guys that sa meeting natin dati... nagsawa na lang ako... kaya eto....”
Ang winiwikang miting ni Morel ay nang makipagpulong
siya sa CAP nang pag-initan siya ng MTRCB.
No comments:
Post a Comment