Sunday, April 4, 2010

Jeffrey Jeturian, naninindigan sa X-rating ng MTRCB sa kanyang pelikula para sa ANC

BAGAMAT inalis na ng Movie and Television Review and Classification Board ang klasipikasyong X o hindi karapat-dapat mapanood ng publiko sa pelikulang shorts na “Ayos Ka” ni Brillante Mendoza para sa ABS-CBN News Channel na “AmBisyon,” ang X rating para sa obra ni Jeffrey Jeturian na “Ganito Tayo Ngayon, Paano Tayo Bukas?” para rin sa proyektong ito ng ANC.

Hindi man lubusang ipinagmamalaki ni Brillante na ang kanyang likhang-sining ay aaprubahan na, para sa kanya ay malinaw ang kanyang pagpapakita ng kahirapan sa Pilipinas sa ilalim ng pangasiwaan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Pero ipinaglalaban din niya ang mga karapatan lalo na mga pansining sa panig ni Jeffrey na hindi lang kaibigang matalik ni Mendoza kundi kasama pa sa industriya at pinaniniwalaan din nila kapwa ang mga karapatan ng mga alagad ng sining na tulad nila.

Nagkasama pa sa bahay noon sina Jeturian at Mendoza nang nagsisimula pa sila sa showbiz noong mga unang taon ng 1980s.

***

Pinaninindigan ni Dante Mendoza na laging liberal at malaya dapat ang isang artista sa paggawa ng kanyang mga obra para sa kaliwanagan at kapakanan ng mga tao at hindi ng iilan na humahawak ng kapangyarihan.

Naninindigan din si Jeffrey sa kanyang mga kilos at desisyon.

Ayon kay Jeturian, nang ialok sa kanya ng ANC ang proyekto ay noong isang taon at pinapili siya ng paksang kanyang gustong talakayin.

Pinili niya ang ekonomoya. “Kasi, ang lahat ay tungkol sa ekonomiya. Ang lahat ng bagay ay may ekonomikong implikasyon kaya pinili ko ito,” pahayag ni JJ, palayaw ni Jeffery.

Sinabi ng mahusay at premyadong direktor na nang magpasya siyang ekonomiya ang talakayin ay si Rody Vera agad ang kanyang naisip na mandudulang pampelikula.

***

Si Rody Vera ay isang bihasang scriptwriter at bituin sa pelikula, radyo, telebisyon at entablado.

“Marami kasing claims ang Arroyo administration sa economic gains. Isang araw, nabasa ko sa diyaryo ‘yong full page ad ng administration tungkol sa economic gains kaya nagka-interest ko na ‘yon ang premise ng kuwento namin,” kuwento ni JJ.

“Ganito Tayo Noon, Ano Tayo Ngayon?” ang pamagat ng patalastas sa pahayagan ng pagtaas ng economic gains sa pananaw ng kasalukuyang pangasiwaan.

Kaya dito umikot ang pelikula ni Jeturian.

Dalawampung minuto lang ang kabuuang takbo ng kuwento ni Jeffrey at ayon sa kanya, isang pangkaraniwang manggagawa na pedestrian ang kanyang bida na bumili ng diyaryo na may government ad.

Sumakay sa isang sasakyan ang manggagawa pero habang binabasa niya ang pahayagan ay natatambad sa kanya ang kabaligtaran ng sitwasyon sa kanyang kapaligiran—mga namamalimos, naghihirap na mga Filipino, nanggigitatang paligid at marami pang mukha ng karukhaan.

Nang bumaba ang lalaki sa sasakyan ay nakaapak siya ng tae at ang kanyang ipinagpunas ay ang diyaryo sa pahina mismo ng government ad.

***

Ayon kay Ma. Consoliza Laguardia, malisyoso at nag-uudyok ang pelikula na maliitin ng publiko ang pamahalaan.

“I will stand by my political views. Gano’n talaga ang nangyayari and enough is enough,” pahayag ni JJ.

Kaya nga wala siyang pakialam kung na-X man ang kanyang pelikula.

Ang ipinapakita niya anya ay ang katotohanan na nagaganap sa lipunan kaya siya ay may responsibilidad na maglahad ng mga kaganapan gaano man ito karahas at kahiya-hiya.

Mamayang gabi, sa ganap na alas otso ng gabi ay patutunayan niya ni Jeturian ang kanyang sinasabi sa isang special preview sa Cultural Center of the Philippines ng “AmBisyon” na walang putol dahil CCP naman ito.

Nag-aanyaya si Jeffrey na kilatisin kung talagang ka-ekis-ekis ang kanyang obra.

Star Patrol (for Saksi, April 6, 2010)

Boy Villasanta

X rating sa pelikula ni Jeffrey Jeturian para sa ANC, di pa inaalis ng MTRCB

MAHALAGA din ang ganitong mga kuwento sa showbiz.

Katulad rin ito ng halaga ng mga gusto ninyong tsismis at intriga sa mga taga-showbiz dahil napakakulay ng larangang ito.

Ang mga ganitong istorya ng pag-i-X ng Movie and Television Review and Classification Board sa mga mambabasa na tulad ninyo at natin ay kasinghulugan din ng mga nakakagulantang na balita.

Huwag nating isiping hindi naman nakakaaliw ang mga ganitong kuwento ng pagputol o pag-ekis ng MTRCB sa mga pelikula.

No, no, no.

Kailangang maging bahagi rin ito ng mga pambalitaang ulat ng larangan ng aliw.

Kaya heto at ibinabalita namin sa inyong hindi pa natatanggal ng MTRCB ang klasipikasyong X sa pelikula ni Jeffrey Jeturian na “Ganito Tayo Ngayon, Paano Tayo Bukas?” ng ABS-CBN News Channel bilang bahagi ng malaking proyektong “AmBisyon” na dokyumentaryo ng mga premyadong filmmaker sa Pilipinas.

Tigda-dalawampung minuto ang bawat direktor at maluwalhating natapos ang mga ito sabay sa pagtatanghal ngayong Abril.

***

Ang pelikulang “Ayos Ka” ni Brillante Mendoza na kasama rin sa “AmBisyon” ay ginawaran din ng gradong X ng MTRCB pero binawi naman kapagdaka tatlong araw pagkatapos na markahan ito ng gano’ng klasipikasyon.

Nakalusot na si Brillante pero nakikiramay siya sa kapalaran ni Jeffrey dahil nararamdaman at ipinaglalaban din ni Mendoza ang kalayaan sa pamamahayag na siya ring bisyon ni Jeturian.

Magkaibigan pa namang matalik sina JJ at Dante Mendoza dahil nagkasama pa sila sa bahay noon nang sila’y kapwa nagsisimula pa sa showbiz.

Marami nang pinagsamahan ang dalawa sa propesyunal at personal na mga pakikipagsaparan kaya naman nakikiis pa rin si Dante sa paglaban sa sensura sa bansa.

***

Pinaninindigan ni Dante na laging liberal at malaya dapat ang isang artista sa paggawa ng kanyang mga obra para sa kaliwanagan at kapakanan ng mga tao at hindi ng iilan na humahawak ng kapangyarihan.

Naninindigan din si Jeffrey sa kanyang mga kilos at desisyon.

Ayon kay Jeturian, nang ialok sa kanya ng ANC ang proyekto ay noong isang taon at pinapili siya ng paksang kanyang gustong talakayin.

Pinili niya ang ekonomoya. “Kasi, ang lahat ay tungkol sa ekonomiya. Ang lahat ng bagay ay may ekonomikong implikasyon kaya pinili ko ito,” pahayag ni JJ, palayaw ni Jeffery.

Sinabi ng mahusay at premyadong direktor na nang magpasya siyang ekonomiya ang talakayin ay si Rody Vera agad ang kanyang naisip na mandudulang pampelikula.

***

Si Rody Vera ay isang bihasang scriptwriter at bituin sa pelikula, radyo, telebisyon at entablado.

“Marami kasing claims ang Arroyo administration sa economic gains. Isang araw, nabasa ko sa diyaryo ‘yong full page ad ng administration tungkol sa economic gains kaya nagka-interest ko na ‘yon ang premise ng kuwento namin,” kuwento ni JJ.

“Ganito Tayo Noon, Ano Tayo Ngayon?” ang pamagat ng patalastas sa pahayagan ng pagtaas ng economic gains sa pananaw ng kasalukuyang pangasiwaan.

Kaya dito umikot ang pelikula ni Jeturian.

Dalawampung minuto lang ang kabuuang takbo ng kuwento ni Jeffrey at ayon sa kanya, isang pangkaraniwang manggagawa na pedestrian ang kanyang bida na bumili ng diyaryo na may government ad.

Sumakay sa isang sasakyan ang manggagawa pero habang binabasa niya ang pahayagan ay natatambad sa kanya ang kabaligtaran ng sitwasyon sa kanyang kapaligiran—mga namamalimos, naghihirap na mga Filipino, nanggigitatang paligid at marami pang mukha ng karukhaan.

Nang bumaba ang lalaki sa sasakyan ay nakaapak siya ng tae at ang kanyang ipinagpunas ay ang diyaryo sa pahina mismo ng government ad.

***

Ayon kay Ma. Consoliza Laguardia, malisyoso at nag-uudyok ang pelikula na maliitin ng publiko ang pamahalaan.

“I will stand by my political views. Gano’n talaga ang nangyayari and enough is enough,” pahayag ni JJ.

Kaya nga wala siyang pakialam kung na-X man ang kanyang pelikula.

Ang ipinapakita niya anya ay ang katotohanan na nagaganap sa lipunan kaya siya ay may responsibilidad na maglahad ng mga kaganapan gaano man ito karahas at kahiya-hiya.

Mamayang gabi, sa ganap na alas otso ng gabi ay patutunayan niya ni Jeturian ang kanyang sinasabi sa isang special preview sa Cultural Center of the Philippines ng “AmBisyon” na walang putol dahil CCP naman ito.

Nag-aanyaya si Jeffrey na kilatisin kung talagang ka-ekis-ekis ang kanyang obra.


No comments:

Post a Comment