Wednesday, March 3, 2010

Vilma Santos, dumalo sa 8th Gawad Tanglaw sa JRU





MAHIGPIT ang trapiko sa Shaw Boulevard, lalo na sa tapat ng Jose Rizal Uiversity dahil sa award ceremonies ng ika-8 Gawad Tanglaw o ang Gawad ng Tagapuring Akademisyan sa Aninong Gumagalaw.

Ito ay dahil sa pagdating ni Vilma Santos sa okasyon sa kanyang pagtanggap ng Pinakamahusay na Aktres para sa pelikulang “In My Life” ng Star Cinema.

Nagtipun-tipon din ang mga Vilmanians ilang oras bago ang pagtitipon para ipakita muli ang kanilang walang sawang suporta sa kanilang idolo na nanggaling para sa Batangas City para tanggapin ang kanyang parangal.

Malaki rin ang pinuhunan ng Gawad Tanglaw para makarating ang Star for All Seasons sa pagdiriwang na ito.

Hindi lang sina Dr. Flaviano Lirio at Terry Cagayat-Bagalso ang nag-asikaso ng pagdatal ni Vilma kundi maging ang mga pangunahing tagasuporta ng aktres na sina Jojo Lim at Willie Fernandez kaya nagkagulo sa JRU sa pagdating ng aktres.

***

Nasa oras din ang pagdating ng pamosong peryodistang pampelikula na si Ricky F. Lo na nagwagi namang Best Entertainment Columnist mula sa pahayagang Philippine Star.

Kailangang magmadali si Ricky sa kanyang pagpunta dahil tulad ng iba pang patnugot, nagsasara rin siya ng mga pahina ng mga pang-aliwang seksyon ng kanyang pahayagan.

Hindi nakarating ang Best Screenplay Awardee na si Lynda Casimiro para sa pelikulang “Lola” ng Centestage Productions at Swift Production.

Marami ring ginagawa si Lynda kabilang ang monitoring ng mga soap opera sa ABS-CBN kung saan isa siya sa mga namumuno ng pag-aanalisa sa mga ipinalalabas na drama sa Channel 2 o kaya ay sa GMA Network.

***

Samantala, ang Best Supporting Actress sa Gawad Tanglaw na si Maria Isabel Lopez ay mangiyak-ngiyak sa kanyang pagtanggap ng parangal dahil kambal ang kanyang natanggap na tropeyo para sa mga pelikulang “Kinatay (The Execution of P)” ng Centerstage Productions at Swift Productions at “Tulak” ng Exogain Productions.

“Talagang masayang-masaya ako dahil napatunayan ko muli na may mangyayari sa aking career kahit na nag-start ako sa mga bold movies. Sa palagay ko, na-vindicate ako sa mga pang-aapi sa akin.

“Marami akong naranasan na masasakit sa showbiz at ang ganitong award ay nagbibigay ng magandang pag-mo-move on. Maraming salamat sa lahat,” pahayag ni Maria Isabel sa isang eksklusibong panayam.

***

Nominado na naman si Maria Isabel at sa pagkakataong ito ay sa ika-33 taon ng Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino na binubuo ng mga kredibol na mga kritiko sa loob at labas ng showbiz.

Sa pagkakataong ito, nominasyon pa lang para kay Maribel pero ipinagmamalaki na niya ito.

“Hindi ko talaga alam kung saan ko ipagpapasalamat lahat ito. I'm sure sa Panginoong Diyos,” sabi ni Lopez.

Maraming araw bago ang paggagawad sa kanya ng karangalan ay pinaghandaan na talaga ito ni Maribel.

***

Patuloy ang pagdami ng mga estudyante ni Michelle sa kanyang Musikgarten sa Paragon Palaza sa may EDSA sa Mandaluyong.

Sinong Michelle?

Siyempre'y si Michelle na nagpasikat muli ng kantang “Ocean Deep” na kanyang ini-revive kamakailan.

Si Michelle Junia na naging bahagi ng 14K ni Ryan Cayabyab.

Ang konsepto ng Musikgarten ay ang pag-aaral ng musika kahit na ng mga paslit kasisilang pa lang na sanggol.

May linsensiya si Michelle ng konseptong ito na kinuha pa niya sa US.


Star Patrol (for Saksi, March 6, 2010)

Boy Villasanta


Galing pa sa Batangas City, sumugod si Vilma Santos sa JRU para sa 8th Gawad Tanglaw


BIBILIB ka talaga kay Vilma Santos dahil kahit na El NiƱo at ang init-init sa kapaligiran ay hindi niya binigo ang mga miyembro at opisyal ng Gawad Tanglaw o ng Gawad Tagapuring mga Akademisyon ng Aninong Gumagalaw na pinangunguluhan ngayon ni Terry Cagayat-Bagalso, isang book editor at dating peryodistang pampelikula at patnugot ng isang fan magazine.

Nagtungo siya sa Jose Rizal University para dumalo sa ika-8 taon ng Gawad Tanglaw at upang tanggapin ang kanyang karangalan bilang Best Actress sa pelikulang “In My Life” ng Star Cinema.

Maaga pa ay nag-abang na ang buong kaestudyantehan ng JRU sa pagdating ng aktres.

Halos isara ang Shaw Boulevard sa padatal ng gobernadora ng Batangas.

***

Hindi biro ang pag-iimbita sa isang Vilma Santos na talagang minu-minuto ng kanyang buhay ay abala sa pamamalakad ng kanyang pagkaartista at pagkapulitiko.

Kahit na sina Dr. Flaviano Lirio, ang tagapagtatag ng Gawad Tanglaw ay hindi nadalian sa pag-iimbita sa bituin.

Nakatulong niya sa paanyaya ang masugid na tagahanga ni Vi na si Jojo Lim at ang peryodistang pampelikula na Vilmanian na si Willie Fernandez.

Nagtipun-tipon ang mga Vilmanians upang saksihan ang makasaysayang pagtanggap ni Santos ng kanyang tropeyo karangalan.

***

Samantala, magandang-maganda ang nagwaging Best Supporting Actress na si Maria Isabel Lopez na nanalo sa kanyang kakaibang pagganap sa mga pelikulang “Kinatay (The Execution of P)” ng Centerstage Productions at Swift Production bilang putang kinatay ng mga militar nang dahil sa kanyang utang sa sindikato ng bawal na gamot. Napagwagihan din ni Maria Isabel sa pareho ring kategorya ang pelikulang “Tulak” ng Exogain Productions kung saan naman binigyang-buhay niya ang papel ng isang nalokang ina ng drug addict at ginawa siyang tagapagtulak ng droga.

***

“Talagang masayang-masaya ako dahil napatunayan ko muli na may mangyayari sa aking career kahit na nag-start ako sa mga bold movies. Sa palagay ko, na-vindicate ako sa mga pang-aapi sa akin.

“Marami akong naranasan na masasakit sa showbiz at ang ganitong award ay nagbibigay ng magandang pag-mo-move on. Maraming salamat sa lahat,” pahayag ni Maria Isabel sa isang eksklusibong panayam.

***

Nominado na naman si Maria Isabel at sa pagkakataong ito ay sa ika-33 taon ng Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino na binubuo ng mga kredibol na mga kritiko sa loob at labas ng showbiz.

Sa pagkakataong ito, nominasyon pa lang para kay Maribel pero ipinagmamalaki na niya ito.

“Hindi ko talaga alam kung saan ko ipagpapasalamat lahat ito. I'm sure sa Panginoong Diyos,” sabi ni Lopez.

Maraming araw bago ang paggagawad sa kanya ng karangalan ay pinaghandaan na talaga ito ni Maribel.

***

Patuloy ang pagdami ng mga estudyante ni Michelle sa kanyang Musikgarten sa Paragon Palaza sa may EDSA sa Mandaluyong.

Sinong Michelle?

Siyempre'y si Michelle na nagpasikat muli ng kantang “Ocean Deep” na kanyang ini-revive kamakailan.

Si Michelle Junia na naging bahagi ng 14K ni Ryan Cayabyab.

Ang konsepto ng Musikgarten ay ang pag-aaral ng musika kahit na ng mga paslit kasisilang pa lang na sanggol.

May linsensiya si Michelle ng konseptong ito na kinuha pa niya sa US.


1 comment:

  1. Congrats to the Philippines' one and only Queenstar Vilma Santos. Minsan pa muli, pinatunayan niya na siya ang longest reigning superstar and box office queen, and with In My Life, naipakita niya kung SINO ang tunay na nakapag move-in at move-up na kung antas lang ng pag-arte ang paguusapan. Vi is BEST ACTRESS.

    ReplyDelete