Wednesday, March 3, 2010

Sino sina Ralston Jover, Arnel Mordoquio, Alvin Yapan, Veronica Velasco, Pepe Diokno, Stefan Ballesteros atbp. para maging nominado sa 33rd Urian Awar



MAKAKATATLUMPU’T tatlong taon na pala ang Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino sa pagbibigay ng mga natatanging parangal sa mahuhusay sa showbiz.

Parang kailan lang nang magsama-sama sina Nestor U. Torre, Jr., Nicanor G. Tiongson, Bienvenido Lumbera, Mario A. Hernando, Petronilo BN. Daroy, Jr., Manny Pichel, Clodualdo del Mundo, Jr., Ricardo Lee, Pio de Castro III at Behn Cervantes para magbuo ng isang samahan ng mga kritiko ng mga pelikula at magbigay ng pagkilala sa umakma sa kanilang panlasa na ang obra ng aninong gumagalaw ay kailangang nagpapakita ng katotohanan ng buhay sa lipunan ng higit na nakararami at kung paano ito magtutulay sa pagitan ng produkto at mamimili sa pamamagitan ng masinop na pagsasanib ng nilalaman at pamamaraan ng sining na ito.

Bagamat nabago na—may nawala at may naidagdag—ang komposisyon ng MPP, buhay na buhay pa rin ang mga simulain at adhikain nito.

Ngayong taong ito ay naglabas na ang samahan ng mga natatanging nominasyon sa iba’t ibang kategorya ng mga pelikulang ipinalabas noong nakaraang taon at silipin o kaya’y namnamin natin ang kahulugan ng mga ito.

***

Karamihan sa mga nominadong pelikula at mga direktor kabilang ang ilang artista ay hindi mga popular o walang masyadong nagsusulat o naglalahad sa media dahil marahil sa bago o walang sumusuporta sa publisidad.

May kumukuwestyon nga sa listahan ng mga nominasyon ng Gawad Urian ngayong ito dahil sa dinami-dami anila ng mga nakatala ay may mga karapat-dapat ding mapasok sa nominasyon.

Gayunman, may sariling pamantayan at pilosopiya ang mga Manunuri kaya ganito ang resulta ng kanilang nominasyon.

Sa hanay ng mga nominado sa Pinakamahusay na Pelikula, pawang mga hindi popular sa publiko o kahit na sa showbiz mismo ang nakahalayhay tulad ng “Hospital Boat” at “The Arrival” at bagamat may pamilyarisasyon ang balana sa mga obrang gaya ng “Ang Panggagahasa kay Fe,” “Engkuwentro,” “Last Supper No. 3,” “Baseco Bakal Boys” at “Colorum,” ito ay dahil sa mga opisyal na lahok ito sa 2005 Cinemalaya Independent Film Festival at may mga promotion ito kahit na paano.

Gayundin, ang “Himpapawid” ay kasama sa mga film festival sa Pilipinas at sa ibang bansa kaya nasusulat lalo na sa mga Ingles na diyaryo.

At ang “Kinatay (The Execution of P)” at “Lola” ay mula naman sa 2009 Cannes Best Director na si Brillante Mendoza kaya naman kilala na ng mga tao.

***

Pero ang mga direktor ng mga nauna nang binanggit na pelikula ay hindi pa lubusang kilala ng madla kaya ipapakilala natin sila.

Sino Ralston Jover na direktor ng “Baseco Bakal Boys”?

Si Ralston ay naisusulat na natin sa pitak na ito at siya ay bihasang manunulat ng mga soap opera na napanood at napapanood natin sa ABS-CBN at GMA Network kaya bahagi siya ng buhay nating lahat bagamat kung nailalagay lang sa screen ng TV ang kanyang pangalan ay sandali lang at hindi natin namamalayan. Nanalo na siya ng parangal sa Thessalonica, Greece at Torino, Italy nang dahil sa “Bakal Boys.”

Sino Pepe Diokno na direktor ng “Engkuwentro”?

Si Pepe ay apo ni Jose W. Diokno na kilala at makabayang senador noong 1960s, 1970s at 1980s.

Nagtapos siya ng kursong Film sa UP at nanalo na sa Venice International Film Festival ang kanyang “Engkuwentro.”

Sino si Stefan Ballesteros na direktor ng “Colorum”?

Taga-showbiz din si Stefan at marami nang nagawang pelikula kundi man direktor ay manunulat.

Premyado siyang alagad ng sining sa buhay na ito.

Sino si Veronica Velasco na direktora ng “Last Supper No. 3”?

Si Veronica ay siya ring isa sa mga nagdirek ng “Inang Yaya” ni Maricel Soriano para sa Unitel Pictures at premyado ring filmmaker.

Sino si Alvin Yapan na direktor ng “Ang Panggagahasa kay Fe”?

Si Alvin ay manunulat at artista rin ng bayan na marami nang nagawa para sa industriya kaya lang ay ngayon lang nabigyan ng pagkakataon na makapagdirek.

Sino naman si GB Sampedro na nagdirek ng “Astig”?

Si GB po, mga kaibigan, ay isang direktor sa ABS-CBN at syota ni Candy Pangilinan.

Kahit kami ay ngayon lang namin narinig ang pangalang Arnel Mordoquio, ang direktor ng “Hospital Boat” kaya ipinapakilala namin siya sa inyo ngayon.

***

Siyempre’y kilala na natin si Raymond Red na siyang direktor ng “Himpapawid” dahil marami na siyang nagawang pelikula kabilang ang “Sakay” ni Julio Diaz.

Nanalo na rin siya sa Cannes International Film Festival para sa kanyang “Anino” ni Eddie Garcia.

Bagamat pamilyar na sa atin si Erik Matti na direktor ng “The Arrival” ay parang wala tayong narinig tungkol sa pelikulang ito.

Si Erik ay dating kasama at alagang direktor nina Peque Gallaga at Lore Reyes at ngayon ay nagsosolo na sa kanyang paggawa ng obra.

Sana naman ay huwag isnabin ng showbiz ang mga ito at bigyan pa ng pagkakataon na makagawa ng maraming likhang-sining ng pelikula.

Star Patrol (for Saksi, for March 5, 2010)

Boy Villasanta

Kilalanin sina Ralston Jover, Arnel Mordoquio, Alvin Yapan, Veronica Velasco, Pepe Diokno, Stefan Ballesteros atbp. na nominadong Best Director sa 33rd Urian Awards?

HINDI matatawaran ang kredibilidad ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino na taunang naghahatag ng Gawad Urian sa mahuhusay sa sining ng pelikulang Tagalog.

Makakatatalumpu’t tatlong taon na pala silang nagbibigay ng mga pagkilala sa magagaling na filmmaker at mga kasama nito sa paggawa ng pelikula.

1976 nang itatag ang Manunuri ng Pelikulang Pilipino at ang mga naunang tagapagtatag na kasapi nito ay sina Mario A. Hernando, Bienvenido Lumbera, Nicanor G. Tiongson, Petronilo BN. Daroy, Jr., Pio de Castro, Behn Cervantes, Manny Pichel, Ricardo Lee, Nestor U. Torre, Jr. at Clodualdo del Mundo, Jr.

Bagamat ngayon ay may nawala na at nadagdag nang miyembro ang grupo, nananatili ang pagpapahalaga ng samahan sa mga layunin at adhikain nito kabilang ang pagiging tulay sa pagitan ng prodyuser na tagagawa ng pelikula at ng pelikula bilang produkto sa merkado.

Noon pa ‘yon sinasabi nina Lumbera na ang pelikula o sine ay parang sabon o kaya naman ay parang ulam na kailangang suriin kung ito ay nakakatulong sa gumagamit o kumakaian.

Produkto ang pelikula sa isang kapitalistang sistema kaya naman malawak at malalim ang talakayan sa pagsipat at pagkilatis dito.

***

Para sa mga Manunuri, ang pelikula ay dapat na nagpapakita o repleksyon ng katotohanan na nagaganap o naganap sa lipunan ng mga tao at ito ay kailangang kumikiling sa mas nakararaming tao kung pagbabatayan ang maselang pagpili sa mga nagtutunggaling pelikula.

Mahusay ang pelikula para sa MPP kung ito ay gumagamit ng pinagsanib na nilalaman at pamamaraan na nagpapakita ng reyalidad at lohika.

Kaya naman mula pa noon hanggang ngayon, ang pagpili ng Manunuri ay talagang inaabangan.

Bagamat ngayong taong ito ay may kumukuwestyon sa listahan ng mga nominasyon ng samahan.

Bakit anila sa hinaba-haba ng talaan ng mga nominado ay may mga pelikula o artista na hindi man lang kasama sa pagpipilian samantalang sa kanilang pananaw ay karapat-dapat.

Gayunman, may sariling pamantayan ang Gawad Urian na talagang pinagbalitaktakan ng mga kasapi ayon sa kanilang mga personal na paniniwala at sa kinalaunan ay sa kolektibong pilosopiya na nagbibigkis sa mga tunguhin at layunin ng organisasyon.

***

Sinu-sino nga ba ang mga hindi popular—bagamat nasa showbiz na rin—na nakapasok sa nominasyon ng ika-33 Gawad Urian na gaganapin sa Abril?

Sa hanay ng mga pelikula sa kategoryang Pinakamahusay na Pelikula ay marahil magugulat ang marami dahil parang hindi naman nila nabasa o napanood sa TV o napakinggan sa radyo o nakita sa web gayundin sa hanay ng mga direktor na karamihan ay hindi sikat pero sa paningin ng mga Manunuri ay mahuhusay at may ibubuga kaya makakatulong sa pag-usad at pag-unlad ng industriya ng lokal na pelikula.

Nominado sa Pinakamahusay na Pelikula ang “Hospital Boat” at “The Arrival” na parang ngayon lang natin narinig.

Bagamat ang “Baseco Bakal Boys,” “Colorum,” “Ang Panggagahasa kay Fe,” “Last Supper No. 3” ay “Engkuwentro may konti nang dating sa ating lahat, ito ay dahil sa makinarya ng Cinemalaya Independent Film Festival na mga opisyal na lahok sa Cinemalaya Cinco.

At hindi na ipagtatanong naman ang “Kinatay (The Execution of P)” at “Lola” na gawa ni Brillante Mendoza at kapwa naipalabas sa Cannes International Film Festival sa Cannes, France.

Nagbigay pa kay Brillante ng Palm d’Or Best Director ang “Kinatay” sa Cannes.

Nominado rin ang “Himpapawid” na bahagya rin ang kamalayan ng mga Filipino sa obrang ito.

***

Sino Ralston Jover na direktor ng “Baseco Bakal Boys”?

Si Ralston ay naisusulat na natin sa pitak na ito at siya ay bihasang manunulat ng mga soap opera na napanood at napapanood natin sa ABS-CBN at GMA Network kaya bahagi siya ng buhay nating lahat bagamat kung nailalagay lang sa screen ng TV ang kanyang pangalan ay sandali lang at hindi natin namamalayan. Nanalo na siya ng parangal sa Thessalonica, Greece at Torino, Italy nang dahil sa “Bakal Boys.”

Sino Pepe Diokno na direktor ng “Engkuwentro”?

Si Pepe ay apo ni Jose W. Diokno na kilala at makabayang senador noong 1960s, 1970s at 1980s.

Nagtapos siya ng kursong Film sa UP at nanalo na sa Venice International Film Festival ang kanyang “Engkuwentro.”

Sino si Stefan Ballesteros na direktor ng “Colorum”?

Taga-showbiz din si Stefan at marami nang nagawang pelikula kundi man direktor ay manunulat.

Premyado siyang alagad ng sining sa buhay na ito.

Sino si Veronica Velasco na direktora ng “Last Supper No. 3”?

Si Veronica ay siya ring isa sa mga nagdirek ng “Inang Yaya” ni Maricel Soriano para sa Unitel Pictures at premyado ring filmmaker.

Sino si Alvin Yapan na direktor ng “Ang Panggagahasa kay Fe”?

Si Alvin ay manunulat at artista rin ng bayan na marami nang nagawa para sa industriya kaya lang ay ngayon lang nabigyan ng pagkakataon na makapagdirek.

Sino naman si GB Sampedro na nagdirek ng “Astig”?

Si GB po, mga kaibigan, ay isang direktor sa ABS-CBN at syota ni Candy Pangilinan.

Kahit kami ay ngayon lang namin narinig ang pangalang Arnel Mordoquio, ang direktor ng “Hospital Boat” kaya ipinapakilala namin siya sa inyo ngayon.

***

Siyempre’y kilala na natin si Raymond Red na siyang direktor ng “Himpapawid” dahil marami na siyang nagawang pelikula kabilang ang “Sakay” ni Julio Diaz.

Nanalo na rin siya sa Cannes International Film Festival para sa kanyang “Anino” ni Eddie Garcia.

Bagamat pamilyar na sa atin si Erik Matti na direktor ng “The Arrival” ay parang wala tayong narinig tungkol sa pelikulang ito.

Si Erik ay dating kasama at alagang direktor nina Peque Gallaga at Lore Reyes at ngayon ay nagsosolo na sa kanyang paggawa ng obra.

Sana naman ay huwag isnabin ng showbiz ang mga ito at bigyan pa ng pagkakataon na makagawa ng maraming likhang-sining ng pelikula.

No comments:

Post a Comment