NGAYONG araw na ito ay ginugunita ng sangkakristiyanuhan ang pagdalaw, pagpasok ni Hesukristo sa Hardin ng Getsemane kaya sinalubong Siya doon ng sa Kanya’y mga nagmamahal.
Ngayon ang simula ng Mahal na Araw, ang simula ng walang katapusan sa buhay ni Hesus at ang mga Kristiyano sa Pilipinas at sa buong mundo, sa loob at labas ng showbiz ay nakikiisa sa mahalagang pangyayaring ito sa kanyang buhay.
Sa pamamagitan ng palaspas, sinalubong mga tao si Hesus sa hardin at inalayan ng pag-awit at pagsinta.
Kabilang ang mga bituing sina Sergio Galang, Earl Gatdula at Alvin Geda sa mga taimtim na nananalangin na sana ay makatulong ang ganitong karanasan ni Hesus sa lahat ng tao sa loob at labas ng showbiz dahil sila mismo ay parang mga alagad ni Hesus na nagmamahal sa mga taong tulad Niya na may malinis na puso at magiting na kalooban.
Kahit hindi sina Sergio, Earl at Alvin ay talagang masaya subalit may pait sa kalooban laban sa pang-aapi ng mga Hudyo kay Hesus.
***
Si Galang ay isang golfer maliban sa pag-aartista at pagtatrabaho sa Ninoy Aquino International Film Festival.
At sa tanang panahon na pagsu-showbiz niya ay talagang panata niyang magsimba lagi pag araw ng Linggo at iba pang araw ng pangilin.
Dahil nga wala sa Pilipinas ang kanyang asawang nars sa ibang bansa, palaging kaligtasan ng kanyang mga mahal sa buhay ang idinadalangin ni Sergs para sa kanyang sa kanyang angkan laban sa kasamaan ng paligid.
Noong kanyang kaarawan ay mag-isa lang siyang nagdiwang kahit na kasama niya kami ng peryodista at patnugot ng mga pahina ng pang-aliwang daiyaryong ito na Bomba sa Balita na si Art Tapalla.
Kahit nakalaro na niya ang mga sikat na artista sa golf tulad nina Willie Revillame, Vic Sotto, Arnold Clavio at marami pang iba, nananatiling nakaapak sa lupa ang mga paa ni Galang dahil ayaw niya ng kayabangan.
***
“Walang mayabang sa aming pamilya. Ang anak ko, mag-isa lang, tinuturuan ko siyang maging makatao lalo at lagi.
“May boyfriend na ang anak ko, babae siya pero inuunawa ko siya a lahat ng oras.
“No’ng birthday ko last three weeks, basta, ang ginawa ko, binigyan ko siya ng pangkain nila nang boyfriend niya para sa celebration ng birthday ko.
“Masaya raw sila, sabi niya sa akin. ‘Yong boyfriend niya, tinanong ko kung ano ang balak nila. Okey naman daw. Kasi, lalaki rin tayo kaya kailangang prangkahin ko ang boyfriend ng anak ko sa isang mabuting paraan para alam ko ang diskarte sa kanila. At ease naman ako sa kanila,” pahayag ni Sergio na hanggang ngayon ay naghihintay ng malalaking pagkakataon sa showbiz tulad ng pagkakaroon ng malalaking papel sa pelikula at telebisyon.
***
Samantala, sasama sa pagpapabasbas ng palaspas si Earl sa simbahan sa Biñan, Laguna.
Mag-aalay siya ng kanyang diwa at puso sa relihiyosong araw na ito para sa pag-abante ng kanyang karera sa showbiz.
Nais maging malaking bituin ni Gatdula at ang pagiging mabuting Kristiyano ay isa sa mga paraan para makamtan niya ito bagamat masalimuot sa kanyang daraanan sa daigdig sindak at lagim sa pelikula, telebisyon, radyo, musika, tanghalan, bidyo at iba pang sining.
Nagsisimula nang magkahugis ang kanyang mga pangarap nang siya ay isama ni Ellen Lising sa paggi-guest sa Studio 23 sa “Generation RX” na sa tiyempo ay palabas mamayang alas diyes y medya ng umaga.
Nakangiti na namang sasalubungin ni Earl ang araw na ito.
***
Nakangiti ring sasalubungin ni Alvin ang Domingo de Ramos sa Lopez, Quezon.
Bagamat hindi pa tuluyang nakakakilos nang tulad nang dati nang siya’y hindi pa nagkakalasug-lasog ang katawan, sisikapin ni Geda na maging angkop sa pamamaraan ni Hesus.
Naghihintay lang ang Our Lady of the Holy Rosary Parish Church sa Lopez para sa kanyang paggaling at pagdalaw sa simbahan.
Lumabas na sa Quezon Memorial Hospital sa Lucena City sa Lalawigan ng Quezon si Alvin kamakailan pagkatapos na siya ay maoperahan sa pantog sanhi ng malakas na salpok ng kanyang sasakyan sa kalsada isang umaga ng Nobyembre noong isang taon sa Santa Rosa, Laguna.
Nananalangin si Alvin n asana ay mabigyan pa siya ng ikalawang pagkakataon ng showbiz at ang kanyang mga kaibigan na sina Keanna Reeves, Roland Lerum, Purita Cabauatan at marami pang iba ay nagdarasal sa maaga niyang paggaling at pagkilos nang normal.
Nagpapahinga ngayon sa may istasyon ng tren sa Lopez sa kanilang bahay si Geda at kahit anong oras ay lalarga sa showbiz o kaya ay trabaho sa ibayong-dagat.
Star Patrol (for Saksi, March 28, 2010)
Boy Villasanta
Domingo de Ramos ngayon, parang eksena sa “Jesus Christ Superstar” kasama sina Sergio Galang, Alvin Geda at Earl Gatdula
TATLONG aktor sa araw na ito ng pangilin.
Sa araw na ito ng pagbabasbas ng pari sa mga palumpon at pawagayway na mga palaspas.
Ngayong araw na ito ay ginugunita natin ang pagpasok ni Hesukristo sa Hardin ng Getsemane at ito ang simula ng kanyang kalbaryo ng walang hanggang subalit dahil sa siya ay pinagpala, babatahin at siya ay mabubuhay na manag-uli.
Sasalubungin siya ng mga tao sa pamamagitan ng pagwawasiwas ng mga palaspas kaya naman ang lalo pang pagmamahal sa kanya ng mga nagmamahal sa kanya ay lulutang.
Ang eksena ay malinaw na nailarawan ng pelikulang klasiko na ngayon na “Jesus Christ Superstar” na mula sa isang dulang Broadway.
***
Sa loob at labas ng showbiz, ang tatlong aktor na winiwika namin na sina Sergio Galang, ang nakilala sa mga sitcom sa ABS-CBN na “Home Along Da Airport,” “Home Along Da Riles,” “Quizon Avenue” at iba pa, Earl Gatdula na natuklasan ng singer at ngayon ay talent manager nang si Phillip Gomez at si Alvin Geda na naging artista ni Armand Reyes sa pelikula nina Glydel Mercado at Tonton Gutierrez para sa World Arts Cinema ay nagkakanlong sa ispiritu ng Kristiyanismo para maipadama sa lahat sa loob at labas ng showbiz nag kanilang pinakabagong tagpo sa buhay.
Maraming gugunita ngayon sa Linggo ng Palaspas na kung tawagin sa wikang Espanyol, na siyang instrumento ng pagpapakalat ng relihiyon sa Pilipinas, ay Domingo de Ramos o sa wikang Ingles na Palm Sunday.
Pati mga iba pang bituin ay makikiisa sa pagdiriwang na ito na nagbubukas nang promal sa Holy Week o sa Semana Santa sa ngayon ng mga Filipinong Kristiyano.
***
Magsisimba ngayong araw na ito ang nagdiwang lang kamakailan ng kanyang kaarawan na si Sergio.
Si Sergio na naugnay kay Pokwang dahil may litrato silang magkasama at para silang mag-botfriend.
Si Sergio na nagsosolo sa buhay dahil nasa Saudi Arabia ang kanyang misis na nurse.
Si Sergio na ang pinakahuling pelikula ay ang “Wapacman” ni Manny Pacquiao.
Si Sergio na manlalaro ng golf.
Ngayon ay kakalmutan muna ni Galang ang sports kundi pagsimba ang kanyang aatupagin upang magpasalamat sa mga biyayang kanyang nakakamtan at humingi ng panibagon mga biyaya sa Panginoong Diyos.
Mabuti at maraming natutuklasan sa buhay si Sergs para mas lumago ang kanyang pagkilala sa sarili.
Kamakailan ay hindi niya kasama ang kanyang nag-iisang anak na babae sa kanyang pagdiriwang ng kumpleanyo.
Binigyan na lang niya ng pera ang kanyang unica hija para kumain ito sa labas kasama ang kasintahan.
May boyfriend na ang anak ko, babae siya pero inuunawa ko siya a lahat ng oras.
“No’ng birthday ko last three weeks, basta, ang ginawa ko, binigyan ko siya ng pangkain nila nang boyfriend niya para sa celebration ng birthday ko.
“Masaya raw sila, sabi niya sa akin. ‘Yong boyfriend niya, tinanong ko kung ano ang balak nila. Okey naman daw. Kasi, lalaki rin tayo kaya kailangang prangkahin ko ang boyfriend ng anak ko sa isang mabuting paraan para alam ko ang diskarte sa kanila. At ease naman ako sa kanila,” pahayag ni Sergio na hanggang ngayon ay naghihintay ng malalaking pagkakataon sa showbiz tulad ng pagkakaroon ng malalaking papel sa pelikula at telebisyon.
***
Samantala, sisimba rin si Earl ngayong araw na ito sa Biñan, Laguna kung saan ang kanyang parokya.
Mananalangin siyang sana’y mabigyan siya ng mga grasya para sa kanyang pagsikat.
Tiyempung-tiyempo, ipapalabas mamayang alas diyes ng umaga ang “Generation RX,” isang palatuntunan sa telebisyon na tumatalakay sa kalusugan at paglalakbay.
Isasahimpapawid ito sa Studio 23, isang UHF channel at makakasama ni Earl sa kanyang guesting ang isa sa kanyang mga padrina ngayon sa showbiz at pagpapaganda na si Ellen Lising ng pamosong Ellen’s.
***
Pagpapasalamat din sa Kanya ang iniaalay naman ni Alvin sa kanyang lubusang paggaling mula nang sumalpok ang kanyang kotse sa isang motor isang umaga sa Santa Rosa, Laguna.
Ngayong araw na ito, kahit hindi pa siya lubusang nakakalakad, maghihintay siya ng senyales ng Panginoon para maging normal na ang kanyang pagkilos.
Nang siya ay maratay sa banig ng karamdaman sa Santa Rosa Community Hospital sa Santa Rosa, Laguna, laging Bibliya ang kanyang kasiping at kapiling sa bawat sandali.
Talagang kulang na lang ay mabaldado si Geda sa sakuna pero hindi ito hinayaan ng Panginoong Diyos dahil marami pa siyang gagawin sa loob at labas ng showbiz.
Nakalabas na siya sa Quezon Memorial Hospital sa Lucena City sa Lalawigan ng Quezon kaya naman sa bahay na lang nila sa may istasyon ng tren sa Lopez nagpapahinga ang batang aktor.
No comments:
Post a Comment