TALAGANG malayo na ang nararating pelikulang “Lola” ng Centerstage Productions at Swift Productions sa direksyon ni Brillante Mendoza.
Kahit hindi ito ang pinili ng Film Academy of the Philppines para ipadala sa Academy of Motion Picture Arts and Sciences o AMPAS sa Amerika sa Hollywood upang isa sa maraming pagpipilian para sa humigit-kumulang sa limang nominasyon at finalists sa nakaraang 82nd Oscar Awards sa US, kung saan-saan nang bansa ito nailabas.
At laging nananalo.
Kung nagkamit ito ng Grand Prize sa nakaraang 2010 Miamia International Film Festival sa Miami, Florida nito lang nakaraang linggo, ang kasunod na pinagpalabasan nito sa Europa ay nanalo rin ito.
Nagkamit si Mendoza ng halagang $25,000 bilang premyo kaya milyonaryo na naman siya bukod pa sa pagkilalang inihahandog sa kanya ng mga taga-ibang bansa.
***
Kung ang “Lola” nga sana ang ipinadala ng FAP sa Oscars, mas malamang kaysa hindi, napasok man lang ito kahit hindi manalo sa finalists o baka nanalo pa nga sa Best Foreign Language Film category.
Pero sana ay nakinig ang FAP kay Dante kahit na interest ng filmmaker ang nakasalalay sa pagpapadala ng lahok ng Pilipinas sa Hollywood.
Kabisado na kasi ni Dante Mendoza ang pulitika sa showbiz sa buong mundo kaya alam niya ang pasikut-sikot o rikotitos ng pagpili ng mga takbo ng utak ng mga taga-Hollywood.
Hindi naman ibig sabihin na may pulitika ay masama na.
Ang pulitikang kaugnay rito ay ang kustombre ng mga pumipili ng mga dayuhang lahok sa Oscars at hindi ito dispalanghado kundi katotohanan ng buhay roon.
Kung may pulitika man ay magaganda ang pinagpipiliang lahok at pamilyar na ang AMPAS.
***
Sa Las Palmas Gran Canaria International Film Festival ay nagkamit naman ng mga parangal ang “Lola” noong huling mga araw noong isang linggo.
Nakamit nito ang Our Lady Harmiguada de Oro o Grand Prize at talagang pinalakakan ang obra ni Brillante sa Spain.
Pinuri ito at sinabing nagbibigay ng inspirasyon sa bagong pananaw sa pelikula ang likhang-sining ni Mendoza.
At si Odyssey Flores ay nag-uwi naman ng Best Cinematography award mula sa pareho ring pestibal.
Kaya nga nag-uumapaw ang kaligayahan ni Brillante sa sunud-sunod na tagumpay ng kanyang pelikula.
***
At ang talagang nakakapangilabot na tagumpay ay ang pagwawagi nina Anita Linda at Rustica Carpio bilang Ex Aqeuo Best Actress para sa “Lola.”
Talagang pinagkakasya ang magagandang resulta para sa pelikula.
Hindi pa huli ang lahat para kay Anita at Rustica na pawang mahuhusay na aktres sa ating henerasyon na kailangang bigyang-pansin ng lahat ng mga Filipino.
Kahit si Rustica ay nagulat at nasorpresa nang malaman niyang Best Actress sila ni Anita bilang mga lola sa “Lola,” isang obra na tumatalakay sa katarungang panlipunan sa Pilipinas.
***
Ang pelikulang “Rekrut” kaya ng ika-6 na Cinemalaya Independent Film Festival, magkaroon din ng pagkakataon na makilala sa ibang bansa?
Pinangungunahan ito nina Emilio Garcia, Dominic Roco at marami pang iba.
Ipinakikilala rito siu Ed Orgel na dating assistant ng kontrobersyal na direktor na si Jowee Morel sa Outline Films.
Ang peryodistang pampelikula na si Dennis Adobas ang instrumento sa pag-aartista ni Orgel at ito ang nagsabi sa baguhan na mag-audition sa pelikula ng Cinemalaya.
Good luck, Ed!
Star Patrol (for Saksi, March 27, 2010)
Boy Villasanta
Anita Linda at Rustica Carpio, Best Actress sa Spain para sa “Lola”
NGAYON pa lang ay hinihintay na ni Rustica Carpio ang pagdadala sa kanya ng tropeyo o anumang mapagkakakilanlan sa kanyang pagiging Best Actress para sa pelikulang “Lola” ng pinagsosyong Swift Productions at Centerstage Productions sa direksyon ng premyado at 2009 Palm d’Or Best Director sa prestihiyosong Cannes International Film Festival sa Cannes, France.
Iprinoklamang Pinakamahusay na Aktres si Rustica, katambal o katabla ang isa pang magaling na bituing Filipina na si Anita Linda para sa katatapos na Las Palmas Gran Canaria International Film Festival sa Spain.
Tunay na ipinagmamalaki ng mga Filipino ang kanilang pananalo at sana ay ang pagsalubong na inilalaan ng gobyerno at ng sangkafilipinuhan kay Manny Pacquiao ay ibigay rin kina Anita at Rustica dahil nagbibigay rin sila ng karangalan para sa bansa.
***
Talaga namang mahuhusay sina Linda at Carpio sa “Lola” bilang mga abuwela na naglilikom ng pera para sa trahedyang dumapo sa kanila.
Si Anita ay nag-iipon ng pondo para sa pagpapalibing sa kanyang apo na napatay ng apo ni Rustica na naglalakad naman para makapagbuo ng sapat na halagang pampiyansa o pang-areglo sa pamilya ng napatay ng kanyang apo.
Makabagbag-damdamin ang obra na tumatalakay sa katarungang panlipunan sa Pilipinas.
Hindi makapaniwala si Rustie, palayaw ni Carpio, sa kanyang bagong karangalan.
Isang pandaigdig na karangalan ang kanyang natamo sa pag-arte at maipagmamalaki dahil makatuturan ang pelikula.
Gayundin sa kaso ni Anita.
***
Bukod kina Linda at Carpio, naiuwi rin ng “Lola” ang Best Cinematography para kay OdysseyFlores.
Maganda talaga ang potograpiya ng kabuuang obra ni Brillante na nagwagi rin ng Our Lady Harmiguada de Oro o Grand Prize.
Biruin mo na halos maani lahat ng pelikulang ito ang mahahalagang gantimpala sa isa sa mga pangunahin at prestihiyosong pestibal sa Europa at sa buong mundo.
Nauna rito, noong isang linggo rin ay nakamit din ng “Lola” ang Grand Jury Prize sa 2010 Miami International Film Festival sa Miami, Florida.
Nakamtan ni Brillante ang halagang $25,000 bilang premyo kaya milyonaryo na naman siya at ipinagmamalaki pa ang Pilipinas sa kanyang tagumpay.
***
Kung ang “Lola” nga sana ang ipinadala ng FAP sa Oscars, mas malamang kaysa hindi, napasok man lang ito kahit hindi manalo sa finalists o baka nanalo pa nga sa Best Foreign Language Film category.
Pero sana ay nakinig ang FAP kay Dante kahit na interest ng filmmaker ang nakasalalay sa pagpapadala ng lahok ng Pilipinas sa Hollywood.
Kabisado na kasi ni Dante Mendoza ang pulitika sa showbiz sa buong mundo kaya alam niya ang pasikut-sikot o rikotitos ng pagpili ng mga takbo ng utak ng mga taga-Hollywood.
Hindi naman ibig sabihin na may pulitika ay masama na.
Ang pulitikang kaugnay rito ay ang kustombre ng mga pumipili ng mga dayuhang lahok sa Oscars at hindi ito dispalanghado kundi katotohanan ng buhay roon.
Kung may pulitika man ay magaganda ang pinagpipiliang lahok at pamilyar na ang AMPAS.
***
May isang pelikula ang 6th Cinemalaya Independent Film Festival na kinukunan pa sa kasalukuyan na kalahok sa sampung naglalaban-laban sa full length feature, ang “Rekrut” na tungkol sa mga nagsusundalo sa Pilipinas.
Tampok dito sina Emilio Garcia, Dominic Roco at marami pang iba.
Ipinakikila rito si Ed Orgel na alaga na ng peryodistang pempelikula na si Dennis Adobas.
Si Dennis din ang instrumento kung bakit nakapasa sa pelikula si Ed.
Dating assistant ng kontrobersyal na direktor na si Jowee Morel si Ed.
Good luck, Ed!
No comments:
Post a Comment