KAHIT pitumpu’t siyam na taong gulang na ang respetadong aktres na si Rustica Carpio ay hindi pa huli ang lahat para sa kanya upang manalo ng pinakaaasam-asam na parangal sa mga bituin sa buong mundo, ang pagiging Best Actress sa Las Palmas Gran Canaria International Film Fstival sa Spain.
Dahil hindi rin basta-basta ang Las Palmas Film Festival lalo na sa Europa kaya ang pagwawagi rito ay pinapanga-pangarap din ng mga artista sa buong daigdig.
At masuwerte sina Anita Linda at Rustica Carpio dahil sila ay nakakuha ng pinakamataas na karangalan para sa mga bituin para sa pelikulang “Lola” ng Centerstage Productions at Swift Productions.
Nagulat na lang si Rustica dahil hatinggabi ng Sabado noong isang linggo ay tumatawag ang kanyang direktor na si Brillante Mendoza sa kanya at ibinabalitang Pinakamahusay na Aktres silang dalawa ni Anita sa Las Palmas.
***
Hindi na masyadong nakatulog si Rustica mula noon at ipinagsasabi na niya sa kanyang mga kasambahay ang magandang balita.
Naisip niya na nagbunga ang kanyang pagsisikap at hamon sa paggawa ng “Lola.”
“Imagine, nang kunan ang mga eksena namin sa ulanan, nabasa talaga ako. Nagpabasa ako dahil kailangang maglakad ako sa ulanan. E, ang daming mga eksena na kailangang basa ako.
“Bukod sa artificial rain na ginamit, may real rain pa dahil mabagyo no’n nang kunan kami. Kaya basang-basa ako.
“Kinabukasan, nagkasakit ako no’n. May lagnat ako pero hindi ko ininda. Nawala rin naman. Nagturo pa nga ako no’n, e,” pahayag ni Carpio sa isang natatanging panayam sa kanya sa Polytechnic University of the Philippines Graduate School sa Sta. Mesa, Laguna.
Nang araw na ‘yon ay uupo siya bilang isa sa mga revalidalists o panelists sa defense o depensa ng thesis ng isang mag-aaral na estudyante sa Master of Arts in Commuications sa PUP.
Kasama niyang umupo sa panel si Dodie Dizon, isa ring walang kapagurang propesor ng sining sa PUP.
***
Alam ba ninyo na kauna-unahang pananalo ito ni Rustica ng karangalan sa pag-arte dahil sa mga pagkilala sa kanyang mga gawain bilang manggagawang pangkultura ang kanyang natatanggap?
Gayunman, dalawang beses na siyang nominado sa Best Supporting Actress Award para sa Famas, una’y noong 1978 para sa pelikulang “Walang Katapusang Tag-Araw” ni Ishmael Bernal para sa Lea Productions kung saan gumanap siyang ina ni Elizabeth Oropesa at ikalawa’y noong 1980 para sa pelikulang “Menor de Edad” bilang ina pa rin ni Elizabeth at sa direksyon pa rin ni Ishmael para sa Crown Seven Productions.
Ngayon lang niyang nasungkit ang parangal sa pag-akting at sa isa pang prestihiyosong film festival na tulad ng Las Palmas.
***
Wala man si Carpio nang personal sa pagdiriwang ng Las Palmas Gran Canaria, nandoon naman ang kanyang diwa.
Kung siya man ay naimbitahan at makakarating sa okasyon, ang kanyang isusuot ay isang pambansang kasuotan ng mga Filipino, ang terno o Maria Clara.
“Kasi, ipangmamalaki ko ang Pilipinas. At magpapatahi ako ng Maria Clara. Kasi, no’ng nasa Pusan, South Korea ako for the Pusan International Film Festival where ‘Lola’ was exhibited, naka-Maria Clara ako nang pumunta ro’n. It was my pleasure,” pahayag ni Rustie o Rusty, ang palayaw ni Carpio.
Patuloy ring nagtuturo si Rustica sa PUP kahit siya ay nagretiro na.
Star Patrol (for Saksi, March 29, 2010)
Boy Villasanta
Sulit ang Best Actress Award ni Rustica Carpio para sa “Lola” sa Las Palmas Int’l Film Festival kahit nagkasakit siya
NAAALALA ni Rustica Carpio, ang Doctor of Philosophy o PhD degree holder sa Panitikan mula sa University of Santo Tomas Graduate School, ang kanyang mahihirap na mga eksena sa mga pelikulang kanyang ginawa na naghahatid sa kanya sa rurok pa ng tagumpay.
At hindi siya nagsisisi na kahit nahirapan siya ay sulit naman ang kanyang pagpupunyagi.
Ayon kay Rustica, nang manalo siya ng Best Actress sa katatapos na Las Palmas Gran Canaria International Film Festival sa Spain para sa pelikulang “Lola” ng Centerstage Productions at Swift Productions sa direksyon ng premyadong si Brillante Mendoza, sulit ito sa hirap na kanyang dinanas sa set ng pelikula.
Kasi nga’y maraming eksenang maulan sa pelikula.
“Panahon ng bagyo nang i-shoot namin ni Brillante ang ‘Lola.’ Kaya laging umuulan pero alam mo ba na kahit na may real rain noon, gumamit pa rin kami ng artificial rain. Kaya ibang klase ‘yong pelikula,” pahayag ni Rustica.
***
At ang dahil sa malakas at tunay na ulan at sa paggamit ng artificial rain, nagkasakit kinabukasan ng shoot si Carpio.
“Kasi, kailangang basain ako ng ulan kaya pumayag naman ako para mas makatotohanan ang eksena. Ang daming ulan at basang-basa ako sa likod. Kinabukasan, ‘yon, may sakit ako.
“Pero okey lang ‘yon. Kahit na maghirap ako bastat maganda ang pelikula. At ito nga, award-winning pa ang pelikula. Sulit ang pagkakasakit ko,” kuwento ng beteranang aktres na nagtuturo pa rin kahit siya ay nagretiro na sa Polytechnic University of the Philippines Graduate School at sa mga undergrad.
Naaalala nga niya ang maseselan at magaganda rin niyang mga eksena sa pelikulang eksperimental ni Ishmael Bernal na “Nuna sa Tubig” kung saan binasa rin ng tubig ang kanyang likod.
“Maulan din dapat sa eksena at basang-basa ako. ‘Yon, nagkasakit din ako kinabukasan pero sulit din ang ‘Nunal sa Tubig’ dahil maganda rin ‘yon,” pahayag ni Rusty, palayaw ni Rustica na puwede ring baybayin ng Rustie.
***
Nang manalo siya ng Best Actress sa Las Palmas Gran Canaria International Film Festival sa Spain ay wala siya sa pagtitipon.
Kahit ang nanalo ring si Anita Linda para rin sa “Lola” ay hindi rin nakadalo sa pestibal.
Natanggap lang ni Rustica ang impormasyon na angwagi siya para sa obra nang tawagan siya ni Brillante isang Sabado ng hatinggabi.
Ipinamamarali ni Mendoza sa telepono na masuwerte si Carpio at si Linda dahil nanalo ang mga ito sa Las Palmas.
Ikinagulat naman ito ni Rustie at mula noong mga sandaling ‘yon ay hindi na siya makapagkatulog.
Wala siyang ginawa kundi ang sabihin sa kanyang mga kasambahay na nagwagi siya ng karangalan sa ibang bansa.
***
Sa isa pa manding pangunahin at prestihiyosong film festival nakamtan ni Carpio ang karangalan.
Itinuturing na isa sa mga espesyal na film event ang Las Palmas lalo na sa Europa at kahit na sinong bituin ay naghahangad na makamit ang pagkilala rito ng buong mundo.
Ayon sa isa sa mga aktibo at mahusay na miyembro ng Young Critics Circle na si Nonoy Lauzon, ang Las Palmas ay kinikilala sa isa sa mga sampung siniseryosong film festival sa mundo.
Kaya naman pag may imbitasyon kay Mendoza, nagpapadala ito ng kanyang lahok na pelikula.
***
Alam ba ninyo na kauna-unahang pananalo ito ni Rustica ng karangalan sa pag-arte dahil sa mga pagkilala sa kanyang mga gawain bilang manggagawang pangkultura ang kanyang natatanggap?
Gayunman, dalawang beses na siyang nominado sa Best Supporting Actress Award para sa Famas, una’y noong 1978 para sa pelikulang “Walang Katapusang Tag-Araw” ni Ishmael Bernal para sa Lea Productions kung saan gumanap siyang ina ni Elizabeth Oropesa at ikalawa’y noong 1980 para sa pelikulang “Menor de Edad” bilang ina pa rin ni Elizabeth at sa direksyon pa rin ni Ishmael para sa Crown Seven Productions.
Kauna-unahan ni Rustica ang Las Palmas Best Actress Award.
***
Kung nasa Las Palmas Gran Canaria lang si Carpio ay magsusuot siya ng Maria Clara o terno sa awards night.
“Like no’ng ako ang representative ni Brillante sa Pusan International Film Festival last year, nagsuot ako ng Maria Clara dahil ipinagmamalaki ko na ako ay Filipino.
“At ide-dedicate ko ang award ko sa mga Filipino para manood sila ng ‘Lola.’ Kasi, ibang klase ang ‘Lola.’ Kauna-unahan ito sa kasaysayan n gating bansa,” pagmamalaki ni Rustica sa aming panayam na aming ginawa sa PUP Graduate School sa Sta. Mesa kung saan naghahanda siyang umupo sa panel of revalidalists sa thesis defense ng isang Master’s of Arts in Communication student na si Robert Allan Solis.
Kasama ni Rustica sa panel ang isa pang masigasig na propesor sa humanidades na si Dodie Dizon.
No comments:
Post a Comment