Sunday, February 21, 2010

Mon Confiado, tumangging may karanasan sa bakla



MARIING itinanggi ng mahusay na aktor na si Mon Confiado na nagkarelasyon na siya sa bakla.

Ito ang kanyang sagot sa tanong ng peryodistang pampelikula na si Chat Santos sa premiere night ng pelikulang “Pilantik” ng LCP Productions sa Robinsons Galleria Cinema lobby kamakailan.

Sinabi ni Mon na marami na siyang naging kaibigang bading pero hindi pa siya nagkakaroon ng relasyong sekswal sa mga ito.

“Alam na naman natin sa showbiz. Marami tayong kasamahang bading pero kaibigan lang natin sila lalo na noong nagsisimula pa lang ako sa showbiz,” pahayag ni Confiado.

Isang bading na mamamatay-tao at naghihiganti sa mga kalupitang kanyang sinapit sa kamay amain at mula sa ibang bata na parang kapatid ang papel ni Mon sa pelikulang idinirek ni Argel Joseph.

Idinagdag ni Mon na matatalento ang mga bakla sa showbiz kaya mahal na mahal niya ang mga ito.

Sa katunayan, ang pinagmamay-arian ni Mon na 22nd Street Comedy Bar ay hitik na hitik sa mga talentong bakla.

***

Isa na namang panggulpe de gulat na pagganap ang ipinamalas ni Confiado sa pagkakataong ito na pinaghalong aral at mula sa kanyang di-kamalayang pag-arte.

Sinabi ni Jao Mapa, may special participation sa obra, na pag nanalo si Mon sa anumang awatd-giving body “ay kailangang banggitin niya ang pangalan ko.”

Ayon kay Jao, karapat-dapat si Mon na manalo sa anumang timpalak sa pagalingan sa pag-arte sa pelikulang ito.

Mahusay rin si Mapa kahit maikli lang ang kanyang papel at nabigyan niya ng katarungan ang kanyang karakter bilang isang lalaking nagpapaligaya nang sekswal sa bading na kalaunan ay may intensyong pumatay o makipagkutsaba sa isang lalaking pumapatay ng bakla pagkatapos makipagtalik na sekwal.

Ang nabanggit na papel ang naiatang sa simpatiko at batambatang aktor na si Chris Martinez.

Sa wakas ay nabigyan muli si Chris ng pagkakataon na maipamalas ang kanyang talino sa pagganap at hindi ang kanyang kaguwapuhan ang lumulutang sa screen.

***

Ang isa pang nakapagbigay ng kanyang katuturan sa pagganap sa papel na pulis ay si Jordan Castillo na kilala nating naging alaga ni Alfie Lorenzo kasama ang kanyang kapatid na si Jaime Castillo.

Sinabi ni Jordan na nagpapasalamat siya kay Argel sa pagkuha sa kanya.

Bagamat aktibo pa sa pelikula, ang kanyang kapatid na si Jaime ay nasa Cavite ay ayon kay Jordan ay nagmumunini na sa salapi.

“May tatlong dyip ‘yon at saka may mga paupahang bahay. Mayaman na ‘yon,” wika ni Jordan na masaya sa kanyang buhay-pag-ibig.

Sinabi ni Castillo na mabuti at may pelikulang nagpapakita ng mga pakikipagsapalaran ng mga bakla sa marahas na lipunang ito.

“Mahal ko ang mga bading at matulungin sila,” sabi ni Jordan na pinalakpakan ang pagbibigay-buhay sa isang pulis na nagmamanman sa pagkamatay ng mga biktima sa pamamagitan ng pagpalakol sa mga ito.

***

Hindi na ipagtatanong pa ang pag-angat ng kamalayan ni Maria Isabel Lopez sa pag-arte kaya naman makakapag-uwi siya ng kambal na Best Supporting Actress trophy mula sa Gawad Tanglaw sa ika-3 ng Marso, 2010 para sa mga pelikulang “Kinatay (The Execution of P)” ng Centerstage Production at Swift Productions at “Tulak” ng Exogain Productions.

Bagamat maraming butas ang mga karakterisasyon, hindi na nahalata ang mga ito sa mahuhusay na pagganap ng mga artista.

Isa rin si Shalala na nagpakita ng kanyang galing sa pelikula pagkatapos ng ilang indie film na kanyang nilikha.

Baklang-bakla si Shalala sa pelikula at ibibitin siya nang patiwarik ni Chris pagkatapos nilang magtalik na sekswal.

Pati na ang mga supporting cast na sina Bong Russo, Alvin Bondoc, Pen Medina at ang dalawang batang lalaki, isa na ang anak ng prodyuser na si Lito Pascual ay mahuhusay.

Si Lito ay may kapirot na papel bilang hepe ng pulisya at isa ring pagtalima sa ngalan ng direksyon ni Joseph.

Star Patrol (for Saksi, February 22, 2010)

Boy Villasanta

“Wala pa akong karanasan sa bading”

-Mon Confiado

ANG konteksto ng pagpapahayag ni Mon Confiado na “wala pa akong karanasan sa bading” ay ang pakikipagtalik na sekswal sa bakla.

Ito ang kanyang pinaninidigan hanggang sa mga sandaling ito na kasintahan pa rin niya si Ynez Veneracion.

Ito rin ang kanyang sagot sa peryodistang pampelikula na si Chat Santos sa tanong kung may karanasan na siya sa bakla at itong sekswal na kontekstong ito ang nais ding ipahatid ni Chat sa kanyang imbestigasyon.

Sinabi ni Mon na lalo na ng kanyang pagsisimula sa showbiz, ang dami na niyang kaibigang bading dahil parang pugad rin ng mga bakla ang

showbiz.

***

“Alam na naman natin sa showbiz. Marami tayong kasamahang bading pero kaibigan lang natin sila lalo na noong nagsisimula pa lang ako sa showbiz,” pahayag ni Confiado sa premiere night ng pelikulang “Pilantik” ng LCP Productions sa Robinsons Galleria Cinema lobby kamakailan na hatad ng ADGroup.

Sinabi ni Mon na kahit kailan ay wala pa siyang karanasang sekswal sa bading, isang bagay na pinagdudahan ng peryodistang pampelikula na si Arthur Quinto.

Ayon kay Arthur, parang hindi siya naniniwala sa sinabi ni Confiado dahil maraming malalapit na kaibigang bading ang aktor.

Gayunman, isinaisantabi ni Quinto ang kanyang impresyon at nagpatuloy lang sa pakikinig sa mahusay at premyadong bituin na gumaganap ng isang bakla sa pelikula.

Isang bading na mamamatay-tao at naghihiganti sa mga kalupitang kanyang sinapit sa kamay amain at mula sa ibang bata na parang kapatid ang papel ni Mon sa pelikulang idinirek ni Argel Joseph.

Idinagdag ni Mon na matatalento ang mga bakla sa showbiz kaya mahal na mahal niya ang mga ito.

Sa katunayan, ang pinagmamay-arian ni Mon na 22nd Street Comedy Bar ay hitik na hitik sa mga talentong bakla.

***

Sina Mon at Ynez pa rin nga ang magkasintahan at ang kanilang galit-bating relasyon ay patuloy na hinahangaan sa loob at labas ng showbiz.

Ayon sa binata, disin sana’y kasama si Veneracion sa premiere night para bigyang-inspirasyon siya pero may mahalagang gawain ang aktres.

“Papunta siya sa Guam uli kaya inaasikaso niya ang kanyang mga papeles,” sabi ni Mon.

Nagmamahalan anya sila nang todo ni Veneracion at nagbibigayan sa kanilang mga buhay.

***

Isa na namang panggulpe de gulat na pagganap ang ipinamalas ni Confiado sa pagkakataong ito na pinaghalong aral at mula sa kanyang di-kamalayang pag-arte.

Sinabi ni Jao Mapa, may special participation sa obra, na pag nanalo si Mon sa anumang awatd-giving body “ay kailangang banggitin niya ang pangalan ko.”

Ayon kay Jao, karapat-dapat si Mon na manalo sa anumang timpalak sa pagalingan sa pag-arte sa pelikulang ito.

Mahusay rin si Mapa kahit maikli lang ang kanyang papel at nabigyan niya ng katarungan ang kanyang karakter bilang isang lalaking nagpapaligaya nang sekswal sa bading na kalaunan ay may intensyong pumatay o makipagkutsaba sa isang lalaking pumapatay ng bakla pagkatapos makipagtalik na sekwal.

Ang nabanggit na papel ang naiatang sa simpatiko at batambatang aktor na si Chris Martinez.

Sa wakas ay nabigyan muli si Chris ng pagkakataon na maipamalas ang kanyang talino sa pagganap at hindi ang kanyang kaguwapuhan ang lumulutang sa screen.

***

Ang isa pang nakapagbigay ng kanyang katuturan sa pagganap sa papel na pulis ay si Jordan Castillo na kilala nating naging alaga ni Alfie Lorenzo kasama ang kanyang kapatid na si Jaime Castillo.

Sinabi ni Jordan na nagpapasalamat siya kay Argel sa pagkuha sa kanya.

Bagamat aktibo pa sa pelikula, ang kanyang kapatid na si Jaime ay nasa Cavite ay ayon kay Jordan ay nagmumunini na sa salapi.

“May tatlong dyip ‘yon at saka may mga paupahang bahay. Mayaman na ‘yon,” wika ni Jordan na masaya sa kanyang buhay-pag-ibig.

Sinabi ni Castillo na mabuti at may pelikulang nagpapakita ng mga pakikipagsapalaran ng mga bakla sa marahas na lipunang ito.

“Mahal ko ang mga bading at matulungin sila,” sabi ni Jordan na pinalakpakan ang pagbibigay-buhay sa isang pulis na nagmamanman sa pagkamatay ng mga biktima sa pamamagitan ng pagpalakol sa mga ito.

***

Hindi na ipagtatanong pa ang pag-angat ng kamalayan ni Maria Isabel Lopez sa pag-arte kaya naman makakapag-uwi siya ng kambal na Best Supporting Actress trophy mula sa Gawad Tanglaw sa ika-3 ng Marso, 2010 para sa mga pelikulang “Kinatay (The Execution of P)” ng Centerstage Production at Swift Productions at “Tulak” ng Exogain Productions.

Bagamat maraming butas ang mga karakterisasyon, hindi na nahalata ang mga ito sa mahuhusay na pagganap ng mga artista.

Isa rin si Shalala na nagpakita ng kanyang galing sa pelikula pagkatapos ng ilang indie film na kanyang nilikha.

Baklang-bakla si Shalala sa pelikula at ibibitin siya nang patiwarik ni Chris pagkatapos nilang magtalik na sekswal.

Pati na ang mga supporting cast na sina Bong Russo, Alvin Bondoc, Pen Medina at ang dalawang batang lalaki, isa na ang anak ng prodyuser na si Lito Pascual ay mahuhusay.

Si Lito ay may kapirot na papel bilang hepe ng pulisya at isa ring pagtalima sa ngalan ng direksyon ni Joseph.

No comments:

Post a Comment