Friday, February 19, 2010

“Center for the Arts ang apektado sa Facebook ni Lea Salonga, hindi ako” -Jerome Vi


SA gabi mismo ng pagtatanghal ng “Echoes of Dreams” sa Araneta Coliseum noong ika-30 ng Nobyembre, 2009 ibinigay ni Jerome Vinarao, ang presidente ng Center for the Arts Foundation at prodyuser ng concert na pinag-guest-an ni Lea Salonga, ang paunang bayad sa aktres.

P100,000.00 cash muna ang ibinayad ni Jerome kay Lea sa P300,000.00 na pinag-usapang talent fee sa bituin. “I didn’t agree to do the show for a fee,” pahayag ni Salonga.

Ayon kay Sheilla Habab, ang kapatid na ampon ni Lea, P500,000.00 unang usapan na ibabayad ni Vinarao para sa pitong kanta. “Pero no’ng November, nakiusap si Jerome kung babaan ang TF dahil hindi niya kaya ang P500,000.00. So, ginawa naming P300,000.00 for four songs,” pahayag ni Sheilla.

Si Habab ang tulay ni Vinarao kung bakit niya nakuha si Lea para kumanta sa kanyang pagtatanghal at nais ding makatulong ng international star sa mga marginalized groups tulad ng mga autistic, special children, drug dependents rehabilitated, battered women na may kakayahang kumanta at sumayaw para maipakita ang kanilang talento at makatulong sa bagong pagtingin sa kanila ng lipunan.

***

Ang P200,000.00 na balanse ay tseke ang ibinayad ni Jerome kay Lea. “Tseke ng nanay ni Jerome ang ibinayad pero si Jerome ang pumirma,” kuwento ni Sheilla.

Kung hindi isinaalang-alang ni Lea si Sheilla sa ganitong kompromiso ay Standard Operating Procedure o SOP na humingi siya ng kontrata kay Jerome at SOP sa ganitong sitwasyon ang down payment pero nang dahil kapatid nga ni Lea si Sheilla ay walang ganitong naganap.

Kung tutuusin, sa pagiging international celebrity ni Lea ay kailangang propesyunal siya pero ibinaba niya ang kanyang sarili sa pagkakataong ito.

Ayon kay Jerome, ibinigay niya kay Sheilla, bilang Production Manager sa teknikal na aspeto ng show, ang P200,000.00 para pambayad sa mga supplier tulad ng lights and sound, LCD at iba pa.

Hindi naman itinanggi ni Habab na ibinigay nga sa kanya ni Jerome ang P200,000.00 cash.

“Hindi magpi-perform ang mga supplier pag walang down payment. I also gave Lea’s band P16,000.00. Pero maraming down payment at kulang ang cash kaya Jerome issued checks to some suppliers na may tumalbog din,” pahayag ni Sheilla.

***

“It’s a matter of priority. Mas uunahin ko ang mga supplier at ang mga participants na bayaran kaysa kay Lea,” sabi ni Jerome.

Alam na naman natin na tumalbog nga ang P200,000.00 tseke ni Jerome kay Lea. “I told them na huwag munang i-deposit unless I tell them,” pahayag ni Vinarao.

“Anong magagawa ko, e, nai-deposit na ni Mommy (Ligaya Salonga) ang tseke? May mga text nga at missed call si Jerome pero madali lang namang tumawag nang personal at mag-sorry pero hanggang ngayon ay hindi pa niya ginagawa,” pahayag ni Sheilla.

“My talent fee check was drawn from a closed account. My bank stamped the bad check with that notice,” pahayag ni Lea sa kanyang Facebook.

May iba pang mga kaso ng bouncing check laban kay Jerome na nakasulat sa Facebook ni Lea.

Ayon sa kanila ay may pattern ang gawaing ito ni Vinarao.

***

“Hindi ko nga alam kung si Lea ang sumulat ng mga ‘yan sa Facebook niya,” pag-aalinlangan ni Vinarao.

Pero nagbigay na ng permiso si Salonga na i-quote ang kanyang mga pahayag sa Facebook.

“Hindi ako ang naapektuhan ng Facebook ni Lea kundi ang foundation,” pahayag pa ni Jerome.

Kung susumahin ani Vinarao ang net proceeds ng “Echoes of Dreams,” P9,450.00 lang ang kinita nito. “I paid P280,000.00 tax to Araneta,” sabi pa ni Jerome.

“Hindi ko naman sila tatakbuhan. Babayaran ko naman sila,” pangako ni Jerome.

Samantala, sinabi naman ni Sheilla na may P1,000,000.00 na tsekeng ibinigay ang Excel Fusion Philippines kay Jerome sa gabi ng pagtatanghal at may nakunan pang organisasyon ng pera si Vinarao na may kontrata. (Itutuloy bukas)

Star Patrol (for Saksi, February 20, 2010)

Boy Villasanta

Center for the Arts Foundation, apektado nga ba sa Facebook ni Lea Salonga (Part 3)

PATULOY ang paglalahad namin ng mga kaganapan sa nakaraang “Echoes of Dreams” na ginanap sa Araneta Coliseum noong ika-30 ng Nobyembre noong isang taon kung saan nga ay binayaran ng talbog na tseke si Lea Salonga ng prodyuser ng pagtatanghal na si Jerome Vinarao.

Sa gabi mismo ng show ibinigay ni Jerome ang paunang bayad na P100,000.00 cash kay Lea sa kabuung P300,000.00 na bayad sa aktres.

“I didn’t agree to do the show for a fee,” pahayag ni Salonga.

Ayon kay Sheilla Habab, ang kapatid na ampon ni Lea, P500,000.00 unang usapan na ibabayad ni Vinarao para sa pitong kanta. “Pero no’ng November, nakiusap si Jerome kung babaan ang TF dahil hindi niya kaya ang P500,000.00. So, ginawa naming P300,000.00 for four songs,” pahayag ni Sheilla.

Si Habab ang tulay ni Vinarao kung bakit niya nakuha si Lea para kumanta sa kanyang pagtatanghal at nais ding makatulong ng international star sa mga marginalized groups tulad ng mga autistic, special children, drug dependents rehabilitated, battered women na may kakayahang kumanta at sumayaw para maipakita ang kanilang talento at makatulong sa bagong pagtingin sa kanila ng lipunan.

***

Ang P200,000.00 na balanse ay tseke ang ibinayad ni Jerome kay Lea. “Tseke ng nanay ni Jerome ang ibinayad pero si Jerome ang pumirma,” kuwento ni Sheilla.

Kung hindi isinaalang-alang ni Lea si Sheilla sa ganitong kompromiso ay Standard Operating Procedure o SOP na humingi siya ng kontrata kay Jerome at SOP sa ganitong sitwasyon ang down payment pero nang dahil kapatid nga ni Lea si Sheilla ay walang ganitong naganap.

Kung tutuusin, sa pagiging international celebrity ni Lea ay kailangang propesyunal siya pero ibinaba niya ang kanyang sarili sa pagkakataong ito.

Ayon kay Jerome, ibinigay niya kay Sheilla, bilang Production Manager sa teknikal na aspeto ng show, ang P200,000.00 para pambayad sa mga supplier tulad ng lights and sound, LCD at iba pa.

Hindi naman itinanggi ni Habab na ibinigay nga sa kanya ni Jerome ang P200,000.00 cash.

“Hindi magpi-perform ang mga supplier pag walang down payment. I also gave Lea’s band P16,000.00. Pero maraming down payment at kulang ang cash kaya Jerome issued checks to some suppliers na may tumalbog din,” pahayag ni Sheilla.

***

“It’s a matter of priority. Mas uunahin ko ang mga supplier at ang mga participants na bayaran kaysa kay Lea,” sabi ni Jerome.

Alam na naman natin na tumalbog nga ang P200,000.00 tseke ni Jerome kay Lea. “I told them na huwag munang i-deposit unless I tell them,” pahayag ni Vinarao.

“Anong magagawa ko, e, nai-deposit na ni Mommy (Ligaya Salonga) ang tseke? May mga text nga at missed call si Jerome pero madali lang namang tumawag nang personal at mag-sorry pero hanggang ngayon ay hindi pa niya ginagawa,” pahayag ni Sheilla.

“My talent fee check was drawn from a closed account. My bank stamped the bad check with that notice,” pahayag ni Lea sa kanyang Facebook.

May iba pang mga kaso ng bouncing check laban kay Jerome na nakasulat sa Facebook ni Lea.

Ayon sa kanila ay may pattern ang gawaing ito ni Vinarao.

***

“Hindi ko nga alam kung si Lea ang sumulat ng mga ‘yan sa Facebook niya,” pag-aalinlangan ni Vinarao.

Pero nagbigay na ng permiso si Salonga na i-quote ang kanyang mga pahayag sa Facebook.

“Hindi ako ang naapektuhan ng Facebook ni Lea kundi ang foundation,” pahayag pa ni Jerome.

Kung susumahin ani Vinarao ang net proceeds ng “Echoes of Dreams,” P9,450.00 lang ang kinita nito. “I paid P280,000.00 tax to Araneta,” sabi pa ni Jerome.

“Hindi ko naman sila tatakbuhan. Babayaran ko naman sila,” pangako ni Jerome.

Samantala, sinabi naman ni Sheilla na may P1,000,000.00 na tsekeng ibinigay ang Excel Fusion Philippines kay Jerome sa gabi ng pagtatanghal at may nakunan pang organisasyon ng pera si Vinarao na may kontrata. (Itutuloy bukas)

Boy Villasanta (for Bomba, February 21, 2010)

Talent manager ng singer na si Richard Poon, may reklamo rin sa nagbayad ng talbog na tseke kay Lea Salonga (Part 4)

HINDI lang si Lea Salonga ang binayaran ni Jerome Vinarao, presidente ng Center for the Arts Foundation at prodyuser ng concert na “Echoes of Dreams” na ginawa sa Araneta Coliseum noong ika-30 ng Nobyembre noong isang taon.

Ang “Echoes of Dreams” ay isang pagtatanghal na nagpapamalas ng mga talento sa pagkanta at pagsayaw ng mga marginalized groups tulad ng mga autistic, rehabilitated drug users, special children, battered women at iba pang mga sektor ng ating lipunan na kakaunti ang pumapansin.

Pumayag si Lea na maging espesyal na panauhin sa pagtatanghal dahil naniniwala siya sa mga ganitong pagkakawanggawa at adhikain.

Isa pa’y naging tulay ni Jerome ang kapatid na ampon nina Lea na si Sheilla Habab.

Humigit-kumulang sa dalawang taon nang nagtatrabaho nang volunteer si Sheilla sa Center for the Arts.

Mahal na mahal ni Lea si Sheilla at ang pakiusap nito na makapagtanghal siya sa “Echoes of Dreams” ay natanto bagamat nagdulot ng maraming problema sa kanila.

***

Alam na naman natin ngayon na tumalbog ang tsekeng ibinayad ni Jerome kay Lea.

Unang ibinayad ni Vinarao ang P100,000.00 na cash sa aktres pero sa gabi mismo ng pagtatanghal ay tseke na ang iniabot ni Jerome kay Lea.

Ipinasok ni Ligaya Salonga, ang ina ni Lea sa bangko ang tseke na naka-post dated check ng Decemeber 5, 2009.

Closed account ang bangkong pinagkunan ni Vinarao ng tseke.

Ayon kay Jerome, hindi kumita ang kanyang produksyon.

“The net proceeds were just P9,450.00. I also had to pay Araneta Coliseum P280,000.00,” sabi ni Vinarao.

***

Sumulat na nga sa Facebook niya si Lea dahil ayon sa isang mapagkakatiwalaang source, ayaw mag-isyu ng aktres ng kanyang opisyal na pahayag at ang pagsisiwalat niya sa kanyang Facebook Wall ay sapat na para makapagpaalala siya sa mga tao para hindi na maulit ang ganitong insidente.

Nagsimula ang Facebook nang sabihan siya Lea ng isang dating estudyante ni Jerome na ginagamit ng huli ang pangalan ng bituin.

Sinabi rin ng mag-aaral na nagpahayag si Vinarao na kaibigang matalik siya ni Lea, isang bagay na itinanggi na ng international actress.

Itinanggi naman ni Jerome na ipinagkakalat niyang kaibigan niyang matalik si Salonga.

***

Sa Facebook pa rin ni Lea ay may reklamo ang talent manager ng singer na si Richard Poon tungkol sa karanasan niya kay Jerome.

Narito ang pahayag ni Jeff Vadillo kay Lea: “Grabe, this has been Jerome Vinarao’s habit pala. We had a similar experience before when he booked Richard Poon for a ‘charity’ concert at Music Museum for a small honorarium which he paid in check. What happened next might sound familiar to some of you: The check he gave us bounced twice!!! He apologized multiple times claiming that a family member was hospitalized and the funds in the said account was used. So he told us he’ll send a staff to pay in cash, etc…etc…It would have been better if he told us outright he doesn’t have the money to pay for it but he kept on giving us promises that didn’t materialize which made it all the more irritating…In spite of our suspicions, we let him off the hook but I permanently marked him in my list…”

Star Patrol (for Saksi, February 21, 2010)

Boy Villasanta

Singer Richard Poon, binayaran din ng talbog na tseke ng produ ni Lea Salonga (Part 4)

LALONG umiinit ang usapin ng pagbabayad ng talbog na tseke sa international star na si Lea Salonga.

Ito ay naganap sa pagganap niya bilang panauhing pandangal sa concert na “Echoes of Dreams” kung saan ay nakasama niya sa pagkanta ang mga kabataang marginalized tulad ng mga autistic, rehabilitated drug dependents, battered women, special children at iba pang hindi pinapansin sa ating lipunan o kaya naman ay ang mga kulang sa pagkandili mula sa atin.

Nagmula ang talbog na tseke kay Jerome Vinarao, ang presidente ng Center for the Arts Foundation at siya ring prodyuser ng concert.

***

Pumayag si Lea na maging espesyal na panauhin sa pagtatanghal dahil naniniwala siya sa mga ganitong pagkakawanggawa at adhikain.

Isa pa’y naging tulay ni Jerome ang kapatid na ampon nina Lea na si Sheilla Habab.

Humigit-kumulang sa dalawang taon nang nagtatrabaho nang volunteer si Sheilla sa Center for the Arts.

Mahal na mahal ni Lea si Sheilla at ang pakiusap nito na makapagtanghal siya sa “Echoes of Dreams” ay natanto bagamat nagdulot ng maraming problema sa kanila.

***

Alam na naman natin ngayon na tumalbog ang tsekeng ibinayad ni Jerome kay Lea.

Unang ibinayad ni Vinarao ang P100,000.00 na cash sa aktres pero sa gabi mismo ng pagtatanghal ay tseke na ang iniabot ni Jerome kay Lea.

Ipinasok ni Ligaya Salonga, ang ina ni Lea sa bangko ang tseke na naka-post dated check ng Decemeber 5, 2009.

Closed account ang bangkong pinagkunan ni Vinarao ng tseke.

Ayon kay Jerome, hindi kumita ang kanyang produksyon.

“The net proceeds were just P9,450.00. I also had to pay Araneta Coliseum P280,000.00,” sabi ni Vinarao.

***

Sumulat na nga sa Facebook niya si Lea dahil ayon sa isang mapagkakatiwalaang source, ayaw mag-isyu ng aktres ng kanyang opisyal na pahayag at ang pagsisiwalat niya sa kanyang Facebook Wall ay sapat na para makapagpaalala siya sa mga tao para hindi na maulit ang ganitong insidente.

Nagsimula ang Facebook nang sabihan siya Lea ng isang dating estudyante ni Jerome na ginagamit ng huli ang pangalan ng bituin.

Sinabi rin ng mag-aaral na nagpahayag si Vinarao na kaibigang matalik siya ni Lea, isang bagay na itinanggi na ng international actress.

Itinanggi naman ni Jerome na ipinagkakalat niyang kaibigan niyang matalik si Salonga.

***

Sa Facebook pa rin ni Lea ay may reklamo ang talent manager ng singer na si Richard Poon tungkol sa karanasan niya kay Jerome.

Narito ang pahayag ni Jeff Vadillo kay Lea: “Grabe, this has been Jerome Vinarao’s habit pala. We had a similar experience before when he booked Richard Poon for a ‘charity’ concert at Music Museum for a small honorarium which he paid in check. What happened next might sound familiar to some of you: The check he gave us bounced twice!!! He apologized multiple times claiming that a family member was hospitalized and the funds in the said account was used. So he told us he’ll send a staff to pay in cash, etc…etc…It would have been better if he told us outright he doesn’t have the money to pay for it but he kept on giving us promises that didn’t materialize which made it all the more irritating…In spite of our suspicions, we let him off the hook but I permanently marked him in my list…”

1 comment:

  1. You may want to check out http://sites.google.com/site/cafistatement/

    I am not defending jerome at all. His financial integrity has long been questioned by many people.

    ReplyDelete