Saturday, July 3, 2010

Ria Garcia, aliw na aliw, hangang-hanga sa kaseksihan ni Karylle

NANG tawagin na ng emcee na si Ricky Alegre sa pagdiriwang ng Ambassador to Laos na si Antonio Cabangon Chua ng kanyang mga publikasyon sa H20 Hotel sa Manila Ocean Park kamakailan ang pangalan ng kakanta, ang tumatak sa aking isip ay si Karylle.

Si Karylle na may kapayatan at parang manang subalit mabait at maganda.

Si Karylle na palakaibigan at makaluma.

Nang iluwa na ng bulwagan ang kumakanta, sinayod kong mabuti kung si Karylle nga ba ang bumabanat ng mga kanta ni Lady Gaga.

Isang singer na nakahapit na hapit na otso-diretsong damit na mini na ang tela ay sutla.

Pinaghalong puti, itim at abo ang kulay ng damit na ‘yon ng singer na nagpatingkad sa kanyang kaseksihan at kagandahan.

Unat na unat ang buhok ng mang-aawit pero tipong rebounded na rebounded.

***

Ang damit na ‘yon ay lalong nagpalitaw ng kaseksihan ng babaing mang-aawit.

Maganda ang pagkakatayo ng kanyang mga dibdib at ang kanyang hulma ng pige at puwet ay napakatambok na talagang mabibighani ang sinuman, lalaki man o babae dahil sa ganda ng pagkakalapat ng damit na ‘yon sa katawan ng singer.

Ang kanyang mga ngiti ay talagang nakakatunaw sa lahat ng mga bisita.

Sinayod ko na naman ang kumakanta upang siguruhin kung talagang si Karylle nga ito.

Si Karylle na nag-iisang anak nina Zsa Zsa Padilla at Dr. Modesto Tatlonghari.

At sa muli kong pagsayod, si Karylle.

Walang iba kundi si Karylle.

***

Walang pakialam si Karylle sa kanyang estilo ng pang-aaliw at pagtatanghal sa mga bisita ni Cabangon-Chua.

Wala siya sa entablado o kaya ay sa sahig lang na kinatatayuan ng mga nagsasalita.

S Karylle ay nasa piling ng mga panauhin.

Lumakad nang lumakad si Karylle habang kumakanta.

At nakikipagsayaw pa siya sa mga panauhin, babae man o lalaki, ngiti nang ngiti kahit kanino at ang kanyang presensiya ay talagang naghatid ng ibayong saya at malalim na kahulugan sa lahat.

Pati nga ang robot dance na mukhang uso ngayon ay sinayaw ni Karylle at ipinasayaw pa niya sa isang lalaking panauhin para ipamalas sa lahat ng nanonood.

Mas mabuti pa nga yata kay Karylle na walang kasintahan para mas maganda at mas sariwa siya.

***

Kaya nga hangang-hanga sa kanya si Ria Garcia, ang bituin ng Viva Entertainment at Star Magic na nakilala sa maraming palabas telebisyon at modelo ng Cotton Club katambal si Jason Abalos.

“Ang seksi-seksi ni Karylle. Sana gano’n din ako,” pahayag ni Ria na parang mag-aaral sa elementarya ang histura.

Kasi nga’y batambata ang aktres na kapapagtapos lang sa Miriam College kamakailan.

Nagampanan ni Ria ang hosting sa anniversary party ng Philippines Graphic at Cook Magazines kahit na ito ay pagbibinyag sa kanya ng apoy.

“Kinakabahan po pero okey lang. Inaalalayan naman po ako ni Sir Ricky,” pahayag ni Ria na ikinatuwa naman ng kanyang inang si Puloy Cadayona.

***

Ang ganda-ganda ni Garcia ng mga sandaling ‘yon.

Para siyang Barbie doll.

Kaya nga nabighani sa kanya ang mga bisita kaya pagkatapos ng palatuntunan ay nakipag-picture-an sila sa kanya.

Masasanay din si Ria sa pagmamaestra sa mga programa, live man o TV show.

Bagay sa kanya ang mag-TV hosting at malayo ang kanyang mararating.

Bagay na bagay sila ng isa sa mga panauhing mang-aawit na si Cris Bautista na batambata rin at dinala ni Natalie Palanca sa pagtitipong ‘yon para malantad sa publiko.

Star Patrol (for Saksi, July 3, 2010)

Boy Villasanta

Model-actress Ria Garcia, nabighani rin sa kaseksihan ni Karylle

NANG tawagin ng emcee na si Ricky Alegre ang mang-aawit na kakanta sa twentieth anniversary ng Philippines Graphic at sampung taong pagdiriwang ng Cook Magazine, ang narinig ko ay pangalang Karylle.

Nasa paligid lang ang Ambassador sa Laos na si Antonio Cabangon-Chua at nakikinig lang sa mga kaganapan.

Si Cabangon-Chua ang may-ari ng mga babasahing ito bukod pa sa pag-aari niya ng DWIZat Home Radio.

At umusbong mula sa palumpon ng mga panauhin ang isang babaing maganda.

Umaawit siya ng mga kanta ni Lady Gaga at bigay na bigay, todo-todo ang kanyang interpretasyon ng mga musika ng parang loka-lokang si Lady Gaga.

Pero kabaligtaran ng pagdadamit at panamamit sa publiko ni Lady Gaga, hindi kakatwa at kakaiba ang ayos ng babaing kumakanta.

***

Hapit na hapit ang otso-diretsong damit na mini ng singer na ang tela ay sutla.

Pinaghalong puti, itim at abo ang kulay ng damit na ‘yon ng singer na nagpatingkad sa kanyang kaseksihan at kagandahan.

Unat na unat ang buhok ng mang-aawit pero tipong rebounded na rebounded.

***

Ang damit na ‘yon ay lalong nagpalitaw ng kaseksihan ng babaing mang-aawit.

Maganda ang pagkakatayo ng kanyang mga dibdib at ang kanyang hulma ng pige at puwet ay napakatambok na talagang mabibighani ang sinuman, lalaki man o babae dahil sa ganda ng pagkakalapat ng damit na ‘yon sa katawan ng singer.

Ang kanyang mga ngiti ay talagang nakakatunaw sa lahat ng mga bisita.

Sinayod ko na naman ang kumakanta upang siguruhin kung talagang si Karylle nga ito.

Si Karylle na nag-iisang anak nina Zsa Zsa Padilla at Dr. Modesto Tatlonghari.

At sa muli kong pagsayod, si Karylle.

Wala ngang iba kundi si Karylle.

***

Walang pakialam si Karylle sa kanyang estilo ng pang-aaliw at pagtatanghal sa mga bisita ni Cabangon-Chua.

Wala siya sa entablado o kaya ay sa sahig lang na kinatatayuan ng mga nagsasalita.

S Karylle ay nasa piling ng mga panauhin.

Lumakad nang lumakad si Karylle habang kumakanta.

At nakikipagsayaw pa siya sa mga panauhin, babae man o lalaki, ngiti nang ngiti kahit kanino at ang kanyang presensiya ay talagang naghatid ng ibayong saya at malalim na kahulugan sa lahat.

Pati nga ang robot dance na mukhang uso ngayon ay sinayaw ni Karylle at ipinasayaw pa niya sa isang lalaking panauhin para ipamalas sa lahat ng nanonood.

Mas mabuti pa nga yata kay Karylle na walang kasintahan para mas maganda at mas sariwa siya.

***

Kaya nga hangang-hanga sa kanya si Ria Garcia, ang bituin ng Viva Entertainment at Star Magic na nakilala sa maraming palabas telebisyon at modelo ng Cotton Club katambal si Jason Abalos.

“Ang seksi-seksi ni Karylle. Sana gano’n din ako,” pahayag ni Ria na parang mag-aaral sa elementarya ang histura.

Kasi nga’y batambata ang aktres na kapapagtapos lang sa Miriam College kamakailan.

Nagampanan ni Ria ang hosting sa anniversary party ng Philippines Graphic at Cook Magazines kahit na ito ay pagbibinyag sa kanya ng apoy.

“Kinakabahan po pero okey lang. Inaalalayan naman po ako ni Sir Ricky,” pahayag ni Ria na ikinatuwa naman ng kanyang inang si Puloy Cadayona.

***

Ang ganda-ganda ni Garcia ng mga sandaling ‘yon.

Para siyang Barbie doll.

Kaya nga nabighani sa kanya ang mga bisita kaya pagkatapos ng palatuntunan ay nakipag-picture-an sila sa kanya.

Masasanay din si Ria sa pagmamaestra sa mga programa, live man o TV show.

Bagay sa kanya ang mag-TV hosting at malayo ang kanyang mararating.

Bagay na bagay sila ng isa sa mga panauhing mang-aawit na si Cris Bautista na batambata rin at dinala ni Natalie Palanca sa pagtitipong ‘yon para malantad sa publiko.

No comments:

Post a Comment