Friday, July 16, 2010

“Ipinagmamalaki ko si Madam Auring sa pagiging adviser ng kapatid ni Kris Aquino” -Madam Suzette Arandela

TOTOO namang sinabi ni Noynoy Aquino ilang araw bago siya manumpa sa pagkapresidente ng Pilipinas na ikukunsulta niya kay Madam Auring ang kanyang problema sa pag-ibig.

Bagamat kung titingnan ay nagbibiro lang si Noynoy ay hindi maitatatwang kilala niya si Madam Auring.

Dahil kung hindi siya pamilya sa manghuhula ay hindi niya maiisip na bitawan ito sa kanyang mga salita.

Kaya sosyal si Auring.

Kahit pa nagbibiro lang si Aquino ay nabanggit ang kanyang pangalan at ikinararangal ito ng psychic ng showbiz.

Gayunman, parang konti lang ang pumatol sa istoryang ito.

Parang kami lang ang nagsulat nito.

***

Nang makausap nga namin si Madam Auring ay nagsabi siyang nagagalak siya sa pagsasabi ni P-Noy ng kanyang pangalan at hindi niya anya ito makakalimutan sa kanyang tanang buhay.

Sinabi pa ni Auring na isulat namin siya na siya naman naming ginawa.

Nakarating ang balita sa maraming sektor ng lipunan sa showbiz at sa pangkalahatang larangan ng mga bagay-bagay sa bansang ito.

Kaya nga pinik-ap ng showbiz-oriented talk show ni Jeffrey Espiritu, also known as Mr. FU, ang balitang ‘yon at bina sa kanilang palatuntunan na “Tweetbitz” sa QTV Channel 11 kasama sina Tim Yap, Gorgy Rula, Ronnie Carrasco, Maxene Magalona at iba pang mga babaing talyadang nagbabalita ng tungkol sa showbiz.

Hindi pa rin talaga kumukupas ang halina ni Madam Auring.

***

Ang isa sa mga sikat ding manghuhula sa showbiz na si Madam Suzette Arandela ay naliligayahan sa pagbibigay-pugay ni Noynoy kay Madam Auring.

“Naku, ipinagmamalaki ko si Madam Auring dahil napili siya ng kapatid ni Kris Aquino na maging adviser. Ibang klase talaga si Madam Auring.

“Talagang binabati ko si Madam Auring dahil sa dinami-dami ng mga manghuhula ay siya lang ang kinuha ni Noynoy. Bow ako kay Madam Auring,” pahayag ni Madam Suzette Arandela na kagagaling lang sa Japan kamakailan lang para bisitahin ang kanyang isang anak doon.

***

Ayon kay Madam Suzette, kung siya ang inalok ni Aquino na maging tagapayo sa kanyang emosyon at damdamin ay maglulundag siya sa tuwa.

Hindi nga ba’t si Madam Suzette din ang naghula na ang mananalong pangulo ng Pilipinas ay si Noynoy?

“Makikita nila ‘yan sa ‘Mel Joey’ sa Channel 7 noong New Year’s presentation nina Mel. Talagang hindi ako nagkamali na si Noynoy ang mananalo.

“Sana ay makatulong nang malaki si Madam Auring sa administasyon ni Noynoy. Ikinararangal ko na ang adviser ni Noynoy ay mula sa aming mga manghuhula,” sabi ni Suzette.

Ngayon pa lang ay nais nang maglulundag sa tuwa si Arandela para sa kanyang kapwa psychic.

Star Patrol (for Saksi, July 16, 2010)

Boy Villasanta

Madam Suzette Arandela, ipinagmamalaki si Madam Auring sa pagiging tagapayo ni Noynoy Aquino

WALA ngang kupas ang ningning at aliw ni Madam Auring, ang sikat na manghuhula sa loob at labas ng showbiz.

Kamakailan nga ay binanggit ni Noynoy Aquino, President Benigno Simeon Cojuangco Aquino, ang pangalang Madam Auring na kanyang magiging tagapayo sa kanyang mga alalahaning personal o emosyunal.

Kaya nga marami ang hindi makapaniwala.

Totoo ba ang panambitang ‘yon ni P-Noy o nagpapakuwela lang siya o nadulas sa kanyang pagsasalita.

Pero talagang kilala niya si Madam Auring dahil kung hindi ay hindi niya ito mabibigyan ng pagkilala sa buong mundo.

***

Kahit na si Madam Auring mismo ay hindi makapaniwala sa kanyang narinig sa bibig ng pangulo ng Pilipinas.

Kaya nga nang makausap namin siya tungkol dito ay sinabi niyang si Noynoy mismo ang kanyang nakausap bago pa ang opisyal na pagpapahayag nito sa intensyon kay Auring, Aurea Erfelo sa tunay na buhay.

Pero parang walang masyadong pumatol sa isyung ‘yon ni Noynoy kaugnay kay Madam Auring.

Dahil ba sa marami nang iskandalo ang manghuhula ng bayan kaya hindi na siya hinahabol ng mga taga-media?

Pero hindi, e.

Hindi mawawaglit sa isip ni Noynoy na may isang kaibang tao sa mundong ito sa katauhan ni Madam Auring.

Kaya natalbugan niya ang iba pang psychic sa bansa.

***

Kaya lang, ang berdadero ring manghuhula mula sa Gumaca, Quezon na si Madam Suzette Arandela ay ipinagmamalaki rin nang buong katapatan ang naganap kay Madam Auring.

“Biruin mo, nakaisip si Noynoy na si Madam Auring ang gawin niyang adviser para sa kayang puso at damdamin. Nakakataba ng puso ang ganyang balita.

“Kasi, kasamahan ko siya sa trabaho kaya maganda ang feeling. Sana ay huwag akong makalimutan ni Madam Auring. Ngayong wala na si Jojo Acuin, nabawasan na kami kaya naman ang mga taong may kaugnayan kay Jojo ay mahal ko na rin.

“I wish Madam Auring the best. Nagkakaisa kami. Ang problema ng isa sa amin ay porblema rin ng karamihan kaya naman malaki ang nagagawa ng pagiging palabiro ni Madam Auring,” katwiran ni Madam Suzette.

***

Ayon kay Madam Suzette, kung siya ang inalok ni Aquino na maging tagapayo sa kanyang emosyon at damdamin ay maglulundag siya sa tuwa.

Hindi nga ba’t si Madam Suzette din ang naghula na ang mananalong pangulo ng Pilipinas ay si Noynoy?

“Makikita nila ‘yan sa ‘Mel Joey’ sa Channel 7 noong New Year’s presentation nina Mel. Talagang hindi ako nagkamali na si Noynoy ang mananalo.

“Sana ay makatulong nang malaki si Madam Auring sa administasyon ni Noynoy. Ikinararangal ko na ang adviser ni Noynoy ay mula sa aming mga manghuhula,” sabi ni Suzette.

Ngayon pa lang ay nais nang maglulundag sa tuwa si Arandela para sa kanyang kapwa psychic.

***

Ang naganap na ‘yon kay Madam Auring ay nasa lahat ng TV news show.

Kahit na iparepaso pa natin sa bawat istasyon ng telebisyon ang pangyayaring ito.

Kaya nga nang sulatin namin ang istorya ay kampante kami pero kami lang yata ang nagpursigi na isulat siya nang isulat.

Pati ang inilathala namin dito sa Saksi sa Balita at sa kapatid nitong Bomba Balita ay marami ang nag-reak.

Isiniwalat pa ito ng isang babaing host sa “Tweetbitz” nina Mr. Fu o kilala rin sa pribado niyang pangalang Jeffrey Espiritu kasama sina Maxene Magalona, Ronnie Carrasco, Gorgy Rula at marami pang iba.

Walang takot na binasa sa Channel 11 entertainment shows program sa QTV Channel 11 ang balita kung tugkol kay Noynoy at kay Kris na may kaugnayan sa pagkuha ni Noynoy sa serbisyo ni Madam Auring.


No comments:

Post a Comment