Wednesday, July 7, 2010

Kontra sa Carla Abellana-Geoff Eigenmann loveteam

KUNG may magagawa lamang si Rey “PJ” Abellana ay ayaw niyang matali kay Geoff Eigenmann ang love team ng kanyang anak na si Carla Abellana.

Nais ni Rey na mabigyan pa rin ng ibang ka-loveteam ang kanyang anak para hindi ma-identify ito sa iisang kapareha.

Sinabi ni PJ na dapat lang na bersatil ang kanyang anak para magtagal sa larangan at matuto ng ibang mga karanasan at katotohanan ng buhay.

Ayon kay Abellana, hindi naman siya nagmamarunong pero ang pagiging tutok at tali sa isang kapartner ay hindi malusog para sa karera ng isang tao.

Nais ng aktor na magkaoon ng variety ang madla sa pagtanaw sa kanyang dalaga.

Ito ang mga tinuran ni Rey sa burol ni Conrad Poe kamakailan sa Arlington Memorial Chapels sa Araneta Avenue sa Lunsod ng Quezon.

***

“Tingnan mo ha, bakit ang iba r’yan, ipinapareha sa iba’t ibang kapartner. Sana, gano’n din ang gawin kay Carla. Iba kasi pag naipapareha ka sa iba. May challenge at hindi ka napapako sa iisa lang,” sabi ni PJ.

“Ako noon, kahit na may Leni Santos ako sa loveteam, may iba pang ipinapareha sa akin. Alam ko na nakapako rin ako kay Leni pero at least, may experiment sa iba.

“Ganyan naman talaga ‘yan, e. Nakikiusap lang ako. Siguro naman ay maganda ang sinabi ko. Para rin ‘yan sa lahat. Hindi naman ako mag-iisip n’yan kung hindi ko naranasan,” sabi ni Rey.

***

Sinabi naman namin kay Abellana na ang pagkakaroon ni Carla ng iba pang ka-loveteam ay depende sa pasya ng kanyang pinagtatrbaahuhan.

Ang GMA Network ang nagdedesisyon sa interest nito sa negosyo kaugnay sa mga programa nilang pantelebisyon.

Kung inaakala nilang dapat nang bigyan ng bagong ka-loveteam si Abellana ay ang pangasiwaan ng istasyon ang masusunod.

Gayunman, nakikita namin sa isang patalastas sa telebisyon na kapartner ni Carla sa isang coffee ad si Dennis Trillo.

Marahil ay simula na ito ng pagbabago.

***

Ang isang rason din kung bakit gusto ni PJ na may ibang kapartner ang kanyang anak ay ang personal na bunga ng loveteam.

Malakas ang kutob ni Rey na totoong may relasyon ang kanyang anak at si Geoff sa tunay na buhay kahit na tumatanggi pa ang magkabilang panig sa kanilang ugnayan.

Bilang ama, kahit hindi aminin ni PJ, natatakot siya sa sitwasyon dahil marami pang magagawa si Carla.

Baka nga naman biglang mag-asawa ang batang aktres.

“Kami ni Rhea (Reyes) no’n, nagtanan kami. Naku, imagine, dalawang taon akong walang pelikula no’n. Galit na galit sa akin si Alfie (Lorenzo na kanyang manager ng mga panahong ‘yon),” pagbabalik-gunita ng aktor.

***

Nasa bansa na si Bella Flores, ang dakilang kontrabida ng maraming reyna ng pelikulang Filipino.

Pagkatapos na magbakasyon sa Estados Unidos ay nandito na ang hinahangaang bungangera, mahadera, intrigera, apihera at nagpapahirap ng mga bida.

Ayon kay Flores, ipinetisyon siya ng kanyang anak na babae na isa nang American citizen kaya naman nagkumahog siyang magtungo roon.

Nakakagawa siya ng mga proyekto sa Amerika pero siyempre’y mas gusto niyang mag-artista sa Pilipinas.

Napapanood anya niya ang “Trudis Liit” ng GMA Network at naalala niyang siya ang kontrabida kay Vilma Santos sa pelikulang ito.

“Naku, siyam na beses ‘yang ipinalabas sa Channel 9 no’n kaya ngayon ay nakaka-excite,” wika ni Bella.

Parang hindi tumatanda ang bituing ito at laging nakakaintriga ang mga pinaggagawa sa buhay.

Star Patrol (for Saksi, July 7, 2010
Boy Villasanta

Ang pagbabalik ni Bella Flores at ang pagkontra ni PJ sa pagkakapako ng loveteam na Carla Abellana-Geoff Eigenmann

SIKAT na sikat na ang parehang Carla Abellana at Geoff Eigenmann.

Pagkatampok sa kanila sa isang soap opera ay kinagat agad sila ng madla.

Patunay na may mahika ang kanilang tambalan kaya nga sa bawat proyekto ng GMA Network na nangangailangang para sa kanila ang hanapbuhay ay ang dalawa ang naiisip na bigyan ng masusustansiyang trabaho.

Gayunman, kahit na nga nakakaungos at nakakaangat ang loveteam na ito ay may mga tao na nag-iisip na kailangang may karagdagang rekado ang kanilang pagpapareha.

Tulad na lang ng ama ni Carla na si Rey “PJ” Abellana.

Nais ni Rey na magkaroon ng iba pang ka-loveteam si Carla.

Gusto ni PJ na maipakita pa ang bersatilidad ng kanyang dalaga para maipangalandakan niyang narito ang kanyang anak at maraming alam gawin at kahit na sino ang matatanggap na kanyang leading man.

***

“Tingnan mo ha, bakit ang iba r’yan, ipinapareha sa iba’t ibang kapartner. Sana, gano’n din ang gawin kay Carla. Iba kasi pag naipapareha ka sa iba. May challenge at hindi ka napapako sa iisa lang,” sabi ni PJ.

“Ako noon, kahit na may Leni Santos ako sa loveteam, may iba pang ipinapareha sa akin. Alam ko na nakapako rin ako kay Leni pero at least, may experiment sa iba.

“Ganyan naman talaga ‘yan, e. Nakikiusap lang ako. Siguro naman ay maganda ang sinabi ko. Para rin ‘yan sa lahat. Hindi naman ako mag-iisip n’yan kung hindi ko naranasan,” sabi ni Rey.

***

Ang nais lang naman ni Rey, ayon sa kanya, ay hindi mababad sina Carla at Geoff sa kanilang ginagawa.

Nagiging personal na anya ang karugtong ng pagiging loveteam.

Maugong ang balitang may namamagitan nang espesyal na pagtitinginan kina Abellana at Eigenmann nang dahil sa madalas nilang pagsasama at pag-uusap.

At hindi kataka-taka ito sa kasaysayan ng bawat tao sa lipunan.

Hindi gimik ang pagiging close nina Carla at Geoff sa isa’t isa dahil may batayan ang kanilang pagiging malapit sa isa’t isa.

Napakapropesyunal ng dalawa para malaman ang katamisan ng pampubliko at pampribadong relasyon.

“Hindi ako naniniwala na walang relasyon sina Carla at Geoff,” pahayag ni Rey.

Bilang ama, ito ang kanyang kinatatakutan dahil marami pang dapat gawin ang kanyang anak na sukat ikaunlad ng pagkatao nito.

Ang kanyang pangamba ay nakabase naman sa mga naganap na karanasan sa kanyang buhay.

***

Ayon kay PJ, nang mangyari ang kanyang pakikipagtanan kay Rhea Reyes, ang ina ni Carla, nakaapekto sa kanyang nang malaki ang insidenteng ‘yon.

“Would you imagine, dalawang taon akong walang pelikula at galit na galit sa akin si Alfie,” sabi ng bituin.

Si Alfie ay si Alfie Lorenzo na siyang talent manager noon ni Abellana.

Sermon nang sermon noon si Lorenzo sa kanyang alaga dahil marami pang oportunidad ang pinaglagpas ng binata pa noon kaysa mag-asawa nang maaga.

Kaya ayaw niyang mangyari it okay Carla sa maaga pang yugto ng pagkaaktres ng kanyang supling.

***

Samantala, nasa bansa na si Bella Flores, ang dakilang kontrabida ng maraming reyna ng pelikulang Filipino.

Pagkatapos na magbakasyon sa Estados Unidos ay nandito na ang hinahangaang bungangera, mahadera, intrigera, apihera at nagpapahirap ng mga bida.

Ayon kay Flores, ipinetisyon siya ng kanyang anak na babae na isa nang American citizen kaya naman nagkumahog siyang magtungo roon.

Nakakagawa siya ng mga proyekto sa Amerika pero siyempre’y mas gusto niyang mag-artista sa Pilipinas.

Napapanood anya niya ang “Trudis Liit” ng GMA Network at naalala niyang siya ang kontrabida kay Vilma Santos sa pelikulang ito.

“Naku, siyam na beses ‘yang ipinalabas sa Channel 9 no’n kaya ngayon ay nakaka-excite,” wika ni Bella.

Parang hindi tumatanda ang bituing ito at laging nakakaintriga ang mga pinaggagawa sa buhay.

No comments:

Post a Comment