Wednesday, June 23, 2010

Mga nakakaintrigang eksena sa 6th Cinemalaya presscon at ang pagbubukas ng Met ngayong araw na ito

KUNG nakakapanood kayo ng mga balita tungkol sa naganap na presscon para sa pagpapakita ng trailer, mga artista at filmmaker sa madla na kasali sa ika-6 na Cinemalaya Independent Film Festival, halimbawa’y sa mga newscast nina Mario Dumaual sa ABS-CBN o ni Nelson Canlas sa GMA Network, marami pang naganap sa likod ng kamera na hindi nasaksihan ng balana.

Halimbawa ay ang pag-amin ni Irma Adlawan, pangunahing bituin sa pelikulang “Vox Populi,” isa sa mga full length feature na kategorya, na hiwalay na talaga sila ni Dennis Marasigan.

Matagal ding mag-asawa sina Irma at Dennis pero sa ngalan ng propesyunalismo ay magkasama sila sa pelikula.

Mahusay na artista si Adlawan at magaling namang direktor si Marasigan kaya naman kahit hiwalay na sila ay makinis at maayos ang kanilang pagsasama sa obra.

“Kahit noon pa, si Irma na talaga ang nasa isip ko na artista sa ‘Vox Populi.’ Kahit na nagkaproblema kami, walang kaso ‘yon. Para sa kanya talaga ang role na ‘yon,” wika ni Dennis.

Ayon kay Irma, “everything has an end” na patungkol sa kanilang personal na ugnayan ni Marasigan pero ayon sa mag-asawa, walang ibang lalaki o babae na sangkot sa isyu.

***

Tatlo lang pala ang ipinayo at hiniling ng Cinemalaya na bisitang artista sa press launch.

Ayon kay Dennis Adobas, hindi na nga niya pinapunta sina Kristoffer King at si Ed Orgel na mga bituin sa “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio” at “Rekrut,” respectively, dahil nga sa kautusan.

Nais pa nga niyang imbitahan ang isa pang malaking bituin sa “Ang Paglilitis ni Andre Bonifacio” na isang seksing aktor pero napag-isip-isip niyang baka hindi makapasok ang aktor samantalang handang-handa ang bituing ito sampu ng kanyang manager na dumalo sa presscon.

“Bumili pa nga ng magagandang damit ‘yong manager niya para sa presscon pero hindi na nga nakapunta. Pero sana, pinayagan na nila kahit na ilan para naman makadagdag sa glamour and glitz ng occasion,” pahayag ni Dennis.

***

Nagreklamo rin nga umano si Gil M. Portes sa kalakarang tatlong bituin lang ang puwedeng sumama sa press launch samantalang maraming malalaking artista ang gusto niyang isama.

Pero tulad ng dapat asahan, ang ibang produksyon at lahok ay sumobra sa tatlo kataong bituin ang dumating tulad ng “Sigwa” ni Joel Lamangan na sina Zsa Zsa Padilla, Mon Confiado na kasama rin sa “Two Funerals” ni Gil, Dawn Zulueta, Tirso Cruz III, Marvin Agustin, Meagan Young at Lovi Poe na nasa okasyon din dahil bida rin siya sa “Mayohan” ni Dan Villegas at ni Paul Sta. Ana.

Ang “Rekrut” ay sobra rin sa tatlong aktor at aktres ang dumatal dahil nandoon sina Dominic Roco, Joem Bascon, Maxene Magalona, Ed at marami pang iba.

Mga bagets na lalaki ang karamihan sa mga recruit na military trainee kaya nandoon sila at nakibahagi sa presscon at ipinagmamalaki ang kanilang obra.

***

Napanood na namin ang “Faculty” ni Jerrald Tarog sa ANC sa pamamagitan ng proyektong “AmBIsyon 2010” kung saan isa sa mga lahok ang pelikula ng filmmaker pero ito ay kasali rin sa Cinemalaya.

Ano nga ba ang alituntunin sa pagkakasali sa “Faculty” dahil ang lumalabas ay dalawa ang prodyuser nito, ang ANC at ang Cinemalaya?

Hindi nga ba’t naglagak din ng pera ang Cinemalaya sa mga short film feature category?

Pero ayon kay Jerrald, walang pakialam ang ANC kung ipalabas niya ito sa Cinemalaya at sa iba pang film festival.

“Mas maganda nga sabi ng ANCna maraming venue for its showing,” sabi ni Tarog na isa ring musical director.

***

Samantala, bubuksan ngayong araw na ito ang makabuluhan, makasaysayan at maalamat na Metropolitan Theater sa may Lawton.

Yes, ang nakikita natin sa may ilalim ng LRT bago ang Quiapo Bridge at Pasig River na edipisyo ng sining at kultura ay kinumpuni ng mga tulad nina Alfredo Lim, ang alkalde ng Maynila, Cecil Guidote-Alvarez, ang dating Executive Director ng National Commission for Culture and the Arts at ngayon ay Presidential Adviser on Culture, German Moreno at marami pang iba.

Inaabangan na nga ng peryodistang pampelikula na si Alice Vergara ang paglulunsad sa mahalagang artifact na ito dahil mahalaga rin ito sa kanyang buhay lalo na nang nagsisimula pa siyang magsulat ng tungkol sa showbiz noong 1960s.

Mangunguna si Alice sa pagdalo sa pagtitipong ito.

Star Patrol (for Saksi, June 23, 2010)

Boy Villasanta

Mga nakakaintrigang eksena sa backstage ng 6th Cinemalaya press launch ng mga artista, trailer at filmmaker at ang paglulunsad muli ng Met ngayon

KULANG sa oras ang mga pambalitaang programa ng mga telebisyon kaya ang mga ulat ni Mario V. Dumaual ng ABS-CBN o kaya ay ni Lhar Santiago o Nelson Canlas ay hindi kumpleto dahil baka may napupuna at nakukuha ang ibang peryodistang pampelikula na mga bagay at istorya na nalilingatan nina Mario, Lhar o Nelson o kaya naman ay hindi nahahagip ng kanilang mga kamera.

Kaya inihahatid namin sa inyo ang iba pang nakakaligtaang mga kuwento sa likod ng paglulunsad ng press launch ng ika-6 na Cinemalaya Independent Film Festival sa lobby ng Main Theater ng Cultural Center of the Philippines kamakailan.

Nagpa-presscon muli ang Cinemalaya Foundation para ipakilala ang mga filmmaker, artista at trailer ng pestibal sa mga miyembro ng media na pampelikula at pangkultura.

Marami pang mga kuntil-butil na nakakalat sa sahig, upuan at mesa ng CCP na nakakaintriga at nakakamangha kaugnay sa mga kaganapan ng mga kalahok sa Cinemalaya6.

***

Halimbawa na lang ay ang pagtatawanan ng mga tao nang banggitin namin na ang dami naming nais itanong pero ang karamihan ay mas maigeng pag-one on one na lang ang pagtatanong sa mga artista dahil kung may direkta ring kaugnayan ang mga tanong sa Cinemalaya ay talagang umaatikabong intriga at balitang personal ang kakabit nito.

Sinabi naming halimbawa’y kung nagkabalikan na ang mag-asawang sina Dennis Marasigan at Irma Adlawan.

Alam ba ninyo na magkasama sa isang mesa sina Dennis at Irma sa reserved table para sa pelikulang “Vox Populi” na idinirek ni Dennis at pangunahing aktres niya si Irma?

O ang pagpapangalan ni Gil M. Portes sa kanyang mga kinausap na puwedeng mag-prodyus katulong ang CCP ng kanyang obra tulad ng isang tomboy na taga-Amerika na kanyang kinausap upang dagdagan ang perang ibinigay ng CCP sa kanya para makaalagwa ang “Two Funerals.”

Sinabi ni Gil na matagal ang panahon na inilaan niya sa tomboy para magdesisyon matulungan lang siya pera sa produksyon bagamat ang kondisyon ng lesbiyana ay ang kanyang nililigawang aktres ang magiging bida sa pelikula.

Kinausap din ni Portes ang aktres na nililigawan ng tonggril pero ayaw nitong pumayag na gawin ang proyekto kaya umatras na rin ang tibo.

Nilapitan din ni Gil ang isang may-ari ng isang transport business para makapaglagak sa kanya ng puhunan o kaya ay makapagpahiram man lang ng mga sasakyan sa kanya dahil isang road film ang gagawin ng direktor.

Ang kondisyon naman ng may-ari ng mga bus ay papaya siyang magpahiram ng kanyang mga sasakyan kung siya ang bida sa pelikula.

Siyempre’y hindi uubra ‘yon kay Portes kaya nawalan siya ng investor pero may pumatol din sa kanya kinalaunan.

***

Tatlo lang pala ang ipinayo at hiniling ng Cinemalaya na bisitang artista sa press launch.

Ayon kay Dennis Adobas, hindi na nga niya pinapunta sina Kristoffer King at si Ed Orgel na mga bituin sa “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio” at “Rekrut,” respectively, dahil nga sa kautusan.

Nais pa nga niyang imbitahan ang isa pang malaking bituin sa “Ang Paglilitis ni Andre Bonifacio” na isang seksing aktor pero napag-isip-isip niyang baka hindi makapasok ang aktor samantalang handang-handa ang bituing ito sampu ng kanyang manager na dumalo sa presscon.

“Bumili pa nga ng magagandang damit ‘yong manager niya para sa presscon pero hindi na nga nakapunta. Pero sana, pinayagan na nila kahit na ilan para naman makadagdag sa glamour and glitz ng occasion,” pahayag ni Dennis.

***

Nagreklamo rin nga umano si Gil sa kalakarang tatlong bituin lang ang puwedeng sumama sa press launch samantalang maraming malalaking artista ang gusto niyang isama.

Pero tulad ng dapat asahan, ang ibang produksyon at lahok ay sumobra sa tatlo kataong bituin ang dumating tulad ng “Sigwa” ni Joel Lamangan na sina Zsa Zsa Padilla, Mon Confiado na kasama rin sa “Two Funerals” ni Gil, Dawn Zulueta, Tirso Cruz III, Marvin Agustin, Meagan Young at Lovi Poe na nasa okasyon din dahil bida rin siya sa “Mayohan” ni Dan Villegas at ni Paul Sta. Ana.

Ang “Rekrut” ay sobra rin sa tatlong aktor at aktres ang dumatal dahil nandoon sina Dominic Roco, Joem Bascon, Maxene Magalona, Ed at marami pang iba.

Mga bagets na lalaki ang karamihan sa mga recruit na military trainee kaya nandoon sila at nakibahagi sa presscon at ipinagmamalaki ang kanilang obra.

***

Napanood na namin ang “Faculty” ni Jerrald Tarog sa ANC sa pamamagitan ng proyektong “AmBIsyon 2010” kung saan isa sa mga lahok ang pelikula ng filmmaker pero ito ay kasali rin sa Cinemalaya.

Ano nga ba ang alituntunin sa pagkakasali sa “Faculty” dahil ang lumalabas ay dalawa ang prodyuser nito, ang ANC at ang Cinemalaya?

Hindi nga ba’t naglagak din ng pera ang Cinemalaya sa mga short film feature category?

Pero ayon kay Jerrald, walang pakialam ang ANC kung ipalabas niya ito sa Cinemalaya at sa iba pang film festival.

“Mas maganda nga sabi ng ANCna maraming venue for its showing,” sabi ni Tarog na isa ring musical director.

***

Samantala, bubuksan ngayong araw na ito ang makabuluhan, makasaysayan at maalamat na Metropolitan Theater sa may Lawton.

Yes, ang nakikita natin sa may ilalim ng LRT bago ang Quiapo Bridge at Pasig River na edipisyo ng sining at kultura ay kinumpuni ng mga tulad nina Alfredo Lim, ang alkalde ng Maynila, Cecil Guidote-Alvarez, ang dating Executive Director ng National Commission for Culture and the Arts at ngayon ay Presidential Adviser on Culture, German Moreno at marami pang iba.

Inaabangan na nga ng peryodistang pampelikula na si Alice Vergara ang paglulunsad sa mahalagang artifact na ito dahil mahalaga rin ito sa kanyang buhay lalo na nang nagsisimula pa siyang magsulat ng tungkol sa showbiz noong 1960s.

Mangunguna si Alice sa pagdalo sa pagtitipong ito.

No comments:

Post a Comment