Saturday, January 30, 2010

Baywalk Bodies at Wonder Gays, lalabanan ang Cebu Pacific hanggang sa huling sandali



NASALING hindi lang ang mga pisikal na katawan ng mga seksing miyembro ng Baywalk Bodies kundi maging ang kanilang dignidad at diwa sa nangyari sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 kamakailan.

Ito ay nang maiwan sila ng eroplanong kanilang lulunanan patungong Cebu City.

Ayon kay Lito de Guzman, talent manager ng grupo, bumili sila ng tiket sa booking station ng Cebu Pacific para sa kanya at sa mga kasapi ng Baywalk Bodies at Wonder Gays, isang grupo ng mga baklang kumakanta at sumasayaw.

Nakalagay sa tiket na alas kuwatro singkuwenta y singko ng umaga ang lipad ng kanilang sasakyang panghimpapawid kaya naman ayon kay Lito ay ala una pa ng umaga ng ika-15 ng Enero, 2010 ay nandoon na siya, ang mga babaing ito at ang mga bading na mananayaw at manganganta.

“Nag-check in na kami para nga mas maaga at nang wala nang aberya. May mga dalang costume ang mga alaga ko kaya marami kaming bags,” pahayag ni de Guzman.

***

Nang makapag-check in sila ay umalis muna ang mga bituing babae at ang mga bakla kasama si Lito para kumain ng lugaw.

Wala pang almusal ang mga ito kaya naman lalamnan muna nila ang kanilang mga bituka.

Dahil marami nang oras ang dumaan ay kampante lang ang Baywalk Bodies, ang Wonder Gays at si Lito habang umaandar ang bawat sandali.

Bastat ang alam nila ay 4:45 am ang lipad ng eroplano.

***

Ayon kay Danny Batuigas, ang opisyal na tagapagsalita ni de Guzman, nang bumalik ang mga grupo sa waiting lounge ay wala na ang eroplano papuntang Cebu.

“’Yon pala, napuna ni Lito na may nakalagay sa tiket na puwedeng umalis nang maaga ang eroplano kahit na may nakalagay ng oras ng pag-alis,” sabi ni Danny.

Nagpupuputok ang butse sa galit si Lito.

“Pambihira sila. Wala silang sinasabi sa amin na aalis nang maaga ang eroplano. Para kaming itinapon na lang,” pahayag ni de Guzman sa elevator ng National Press Club sa may Lawton kung saan kinatagpo niya at ng Baywalk Bodies at Wonder Gays ang mga opisyal ng NPC sa pangunguna ni Benny Antiporda upang maghain ng sumbong laban sa Cebu Pacific.

***

At upang maging mas malinaw ang istorya, nagpunta pa kami sa upisina ng Cebu Pacific sa Robinsons Galleria at bagamat bilihan ng tiket ito, nabigyan kami ng telepono ng Corporate Communications ng Cebupac at nakausap namin si Michelle de Guzman, isa sa mga staff ng tanggapan.

“Wala pa po kaming official statement sa nangyari. Kasi po, wala ang aming head na si Candice Iyog. Pero ang masasabi ko lang po, ang departure po ng eroplano ay nakalagay sa tiket at ‘yon po ang sinusunod,” pahayag ni de Guzman.

***

Samantala, sinabi ni Batuigas na nakansela ang lahat ng pagtatanghal ng Baywalk Bodies at Wonder Gays sa Cebu nang dahil sa antala.

Dala-dalawa na lang kasi ang mga pasahero na kasama ni Lito sa pagsakay sa eroplano at hindi na sila sabay-sabay hanggang makarating ng Cebu.

“Pati ‘yong mga courtesy call namin sa mga mayor at iba pang city officials, hindi na natuloy,” pahayag ni Danny.

Star Patrol (for Saksi, February 1, 2010)

Boy Villasanta

Baywalk Bodies at Wonder Gays, lalabanan ang Cebu Pacific sa di nila pagsakay sa eroplano

NANGGAGALAITI pa rin sa galit ang kontrobersyal na talent manager na si Lito de Guzman kaugnay sa pagkakaiwan sa kanila ng biyaheng Cebu Pacific na eroplano patungong Cebu City noong ika-15 ng Enero, 2010.

Pati ang mga miyembro ng Baywalk Bodies at Wonder Gays na kasama ni Lito papuntang Cebu ay nagagalit at naiinis sa kaganapan dahil sa apektado na ang kanilang pamilya at ang mga sarili nila mismo.

Sinabi ni Lito na sila ay parang inilaglag sa ere ng Cebu Pacific samantalang nakalagay naman sa tike tang takdang oras ng pag-alis ng sasakyang panghimpapawid.

“Para kaming ibinuldyak na lang,” pahayag ni Lito, ang tagapamahala ng mga bituin na nagpasikat sa mga tulad nina Ynez Veneracion, Ramona Revilla, Yda Manzano at marami pang iba.

***

Noong ika-15 ng Enero, 2010 ito nangyari.

Narito ang salaysay ni Danny Batuigas, ang opisyal na tagapagsalita ni de Guzman.

“Kasi po, may show ang Baywalk Bodies at Wonder Gays sa Cebu kaya maaga pa ng January 15 ay nasa Terminal 3 na sila ng Ninoy Aquino International Airport,” pahayag ni Danny.

Ayon sa peryodistang pampelikula, ala una pa ng umaga ay nandoon na sina Lito, ang Baywalk Bodies at ang Wonder Gays.

“Maaga nga po silang nag-check in dahil marami silang dala, mga costumes ‘yon. Pagkatapos na makapag-check in sila, lumabas muna sina Kuya Lito kasama ang mga Baywalk Bodies at ang Wonder Gays para kumain ng lugaw.

“Gutom na gutom na kasi sila dahil pasado hatinggabi na at wala pa silang kain pero nakapagpahinga na ang iba sa kanila. Pero nang bumalik sila sa waiting lounge ng Cebu Pacific para sa departure area, nakaalis na ‘yong eroplanong kanilang sasakyan,” kuwento pa ni Batuigas.

***

“So, nag-panic na sila at si Kuya Lito. Kasi, may maaga pa silang appointment sa Cebu. Tapos, nagreklamo si Kuya Lito. Tapos, ang sabi, may nakalagay raw sa tiket na puwedeng umalis ang eroplano kahit maaga pa.

“Kaya lang, ang alam ni Kuya Lito ay four forty five in the morning ang flight ng Cebu Pacific for Cebu ng araw na ‘yon. Kaya an aga-aga pa nila sa airport para lang wag mahuli sa flight.

“Tapos, ganyan ang nangyari. Kaya nga parang nawalan ng ulirat ang Baywalk Bodies at ang Wonder Gays. May mga courtesy call pa naman sila sa mga mayor at city officials pero ganyan ang nangyari. Cancelled na rin ang mga show nila. Tapos, masama pa ang kanilang loob,” pahayag ni Batuigas.

***

Samantala, wala pang iniisyung opisyal na statement ang Cebu Pacific kaugnay sa insidente.

Kami mismo ay nagtungo sa tanggapan ng bilihan ng tiket sa Robinsons Galleria dahil ang ibinigay na numero ng PLDT kaugnay sa pagtatanungan ng insidente o masasabi ng Cebupac ay laging abala at hindi kami makapasok.

Naibigay naman sa amin ang isa pang phone number sa upisina ng Corporate Communications.

Ayon kay Michelle de Guzman, wala pang opisyal na pahayag ang kumpanya kaugnay sa insidente.

“Nasa ibang bansa pa po ang head namin na si Candice Iyog kaya wala pa po kaming official statement d’yan. Pero ang masasabi ko lang po r’yan, kung ano ang nakalagay na oras ng departure sa tiket ay ‘yon ang oras ng alis eroplano,” pahayag ni Michelle.

***

Umapila rin sina Lito, ang Baywalk Bodies at ang Wonder Gays sa National Press Club para matulungan sila sa kanilang reklamo.

Humarap sa kanila ni Benny Antiporda, ang pangulo ng NPC para madaluyan ng imprmasyon at kaukulang hakbang.

Nagkagulo sa NPC sa pagdating ng Baywalk Bodies at Wonder Gays.

Friday, January 29, 2010

Madam Suzette Arandela, manghuhula sa MOA mamayang hapon



PARANG kailan lang nang magsama-sama kami nina Art Tapalla at Dennis Adobas sa pagpapahula kay Madam Suzette Arandela.

Pagkatapos naming magpahula, sinabi ni Madam na siya ay nakatakdang makipagpulong sa marketing department ng Mall of Asia sa Pasay City.

Naglulukso kami nina Art at Dennis sa kaligayahan nang malaman namin ang magandang pagkakataon na sumapit sa buhay ni Madam Suzette.

“Actually, marami nang offer sa akin na ganito pero pinag-iisipan ko lahat ang bawat bagay na sabihin sa akin,” pahayag ni Arandela.

Kaya nga nang magdiwang kamakailan si Adobas ng kanyang kaarawan ay nasabi niya sa manghuhula ng showbiz na magpapakain siya ng mga paslit para maging mas makabuluhan ang kanyang kumpleanyo.

Isa rin ito sa mahalagang kontribusyon sa kanyang pagkatao bilang isang peryodistang pampelikula.

Ang makasama ang isang sikat na psychic sa showbiz ay karangalan na para kay Dennis.

***

Tuloy ang panghuhula ni Suzette sa MOA at mangyayari ito mamayang alas tres ng hapon.

Mula 3 hanggang 6 ng gabi ay titigil si Arandela sa MOA para sa kanyang mga tagahanga.

“Sa may French Baker ang puwesto ko. Isang araw lang ako pero I will see to it na marami akong magagawa para sa mga tagatangkilik ko,” sabi ni Madam.

“Kailangan lang na makabili ang mga prospective magpapahula ng halagang five hundred pesos sa kahit na aling tindahan sa MOA para makapasok sa booth ko at nang mahulaan ko,” pahayag ni Madam.

“May palmistry, horoscope, feng shui at iba pang prediction ang gagawin ko para sa mga tao. Excited na ako sa mangyayari. Sana, maraming makapunta.

“As early as twelve, baka nandoon na ako at mag-aayos na ako ng aking sarili. Kasi, ito rin ang isa sa mga gusto kong mangyari sa aking buhay, ‘yong makapaglingkod sa mga tao sa pamamagitan ng panghuhula,” pahayag ni Madam kaya nga ang sabi niya ay ‘yong mga tumatawag sa kanya sa 7146226 ay puwedeng sa MOA na lang pumunta.

***

Marami pang balak si Madam ngayong 2010 at tiyak na marami ang magagalak sa kanyang mga gawain lalo na kami nina Tapalla at Adobas.

“Mas magiging active ako ngayon sa psychic clinic ko. Kasi, ang daming nais malaman na payo sa gagawin nila sa buhay nila ngayong 2010. Hindi ko maaaring biguin ang aking mga tagasubaybay.

“Kasi, pag napapanood nila ako sa TV, like sa ‘Mel & Joey’ at sa iba pang mga show sa TV, lagi silang nagpapadala ng note sa akin na naniniwala sila sa mga sinasabi ko.

“Ito lang naman ang maipagkakaloob ko sa kanilang pagkakataon na makasama ko sila sa panghuhula. I want to serve them,” wika ni Madam.

Star Patrol (for Saksi, January 31, 2010)

Boy Villasanta

Madam Suzette Arandela, sosolohin ng kanyang mga tagahanga sa MOA ngayon

NAGKASUNDO na ang pangasiwaan ng Mall of Asia lalo na ang marketing department nito at ang sikat na manghuhula ng showbiz na si Madam Suzette Arandela.

Parang kailan lang nang alukin si Madam ng MOA na magtigil kahit isang araw lang sa kanilang mall para lang makapiling ang masa at ang mga tagahanga niyang nagkakandarapa na magpahula sa kanya.

Ito ay noong unang mga araw ng 2010 nang isambulat niya sa amin nina Art Tapalla at Dennis Adobas na inaalok siya ng MOA na manghula sa kanilang department store at mall.

Kaya nang sabihin ito ni Madam Suzette ay nagpalakpakan kami nina Art at Dennis dahil sa katuwaan.

Sa wakas, ayon sa amin, makakapiling na ng masa ang popular na psychic ng bayan.

Ngayon lalo na nangangailangan ng mga payo ang bawat isa sa gitna ng maraming kaguluhan at kawirwiran sa mundo.

***

Pinal na ang usapan sa pagitan ng MOA at ni Madam Suzette.

Sa Linggo, ngayong araw na ito, sa ganap na ika-3 ng hapon ng babalandra na ang manghuhula sa isang booth sa mall at dito ay manghuhula siya sa mga nais malaman ang mga mangyayari sa kanilang buhay.

“Sa may puwesto ng French Baker matatagpuan ang booth ko. Magiging very obvious ito sa lahat ng mga tao para sa kanilang kasiyahan,” pahayag ni Arandela na nananabik nang mag-alas tres ng hapon para sa kanyang mga tagatangkilik.

“Sa sinuman na magpapahula sa akin, ang gagawin lang nila ay mamili saanmang store sa loob ng mall at kailangang makaipon sila ng five hundred pesos bago sila makapagpahula sa akin. Simple lang naman lahat ‘yan.

“Ang sa akin, may palmistry, feng shui, crystal ball at iba pa. talagang gagawin ko lahat para sumaya ang mga tao sa MOA. Kasi, bihira lang ang ganito. Isang araw lang ang bawat manghuhula kaya kailangang bigyan ng pansin ng mga tao ang ganitong once in a lifetime na pagkakataon,” katwiran ng lady psychic.

***

Nagkalat na ang mga patalastas na ang pamosong manghuhula ay magbibigay ng prediksyon sa lahat ng kinapal.

May mga tarpaulin at iba pang anunsyo ng panghuhula ni Madam kaya naman siyang-siya kami nina Art at Dennis sa kapalarang dumating kay Arandela sa mga panahong ito.

“Para sa tao talaga ang ginagawa ko. Of course, talagang hindi naman nagpapabaya ang mga ‘yan sa akin kaya hindi ko sila makakalimutan. Nandito ako para maglingkod sa kanila,” sabi ni Madam Suzette na taga-Gumaca, Quezon.

Hanggang alas sais ng gabi tatambay ang beauty ni Madam Suzette sa MOA para makapiling ang kanyang mga tagasubaybay na nais malaman ang nakalaan para sa kanilang kinabukasan.

“Pero Diyos lang ang nakakaalam ng ating mga buhay. Ang sa akin ay gabay lang at paalala. Mas ang nakakaalam ng lahat ay si Hesukristo,” sabi ni Arandela.

***

“As early as twelve, baka nandoon na ako at mag-aayos na ako ng aking sarili. Kasi, ito rin ang isa sa mga gusto kong mangyari sa aking buhay, ‘yong makapaglingkod sa mga tao sa pamamagitan ng panghuhula,” pahayag ni Madam kaya nga ang sabi niya ay ‘yong mga tumatawag sa kanya sa 7146226 ay puwedeng sa MOA na lang pumunta.

Marami pang balak si Madam ngayong 2010 at tiyak na marami ang magagalak sa kanyang mga gawain lalo na kami nina Tapalla at Adobas.

“Mas magiging active ako ngayon sa psychic clinic ko. Kasi, ang daming nais malaman na payo sa gagawin nila sa buhay nila ngayong 2010. Hindi ko maaaring biguin ang aking mga tagasubaybay.

“Kasi, pag napapanood nila ako sa TV, like sa ‘Mel & Joey’ at sa iba pang mga show sa TV, lagi silang nagpapadala ng note sa akin na naniniwala sila sa mga sinasabi ko.

“Ito lang naman ang maipagkakaloob ko sa kanilang pagkakataon na makasama ko sila sa panghuhula. I want to serve them,” wika ni Madam.


Cyberstar

Boy Villasanta

Singer-actress Cris Villonco returns

Remember Cris Villonco, the young singer-actress who was a former Viva Records contract artist and who played Fernando Poe, Jr.’s daughter in the hit movie “Ang Dalubhasa” at the dawn of the new millennium?

Cris is back with a vengeance.

Actually, she is back to theater some two years ago yet but there was no big trumpeted announcement of her stage performances until Repertory Philippines’ “Romeo & Bernadette” to be mounted at the Onstage Theater at Greenbelt Makati City.

As a matter of fact, she did sterling portrayals in “Fiddler on the Roof,” “Cinderella,” “Hamlet” and more for Rep and “Orosman at Zafira” for Dulaang UP.

Cris is now a full-grown lady with two areas of studies tucked under her belt which she earned from abroad.

She had just finished Bachelor of Arts in Music and Economic Development from the Sarah Lawrence College in New York and had NGO stints in the Philippines right after her graduation.

She missed acting altogether so she auditioned in Hong Kong Disneyland where she landed a meaty role as vocalist of Mickey. This gave her necessary springboard to oil up her acting career and at the same time, earned good money as a performer.

She’s currently rehearsing “Romeo & Bernadette” which has a February 15, 2010 playdate.

“I play Bernadette in the musical comedy. This is my first time to tackle comic role because I am more of a drama actress. In real life, I am also the serious type so it’s very alien to me to take on a funny character,” Cris said in an exclusive interview at The Roxy along Tomas Morato Avenue midweek.

Bernadette, according to Villonco, is a sexy, vulgar and spoiled brat girl but her heart is as pure as gold.

“Romeo & Bernadette” is about Mark Saltzman’s interpretation of William Shakespeare’s ending of “Romeo and Juliet” where Romeo drank a supposedly deadly liquid but it turned out in Saltzman’s play, just a potion that put Romeo to sleep for a thousand years.

One of “Master Showman Walang Tulugan” emcees JP Valerio plays Romeo.

Cris has never ceased loving stage more than film and television.

“I am a very sensitive person and I don’t like intrigues and rumors so I concentrate on theater which is less intrigue-laden,” she clarified.

Although she’s a granddaughter of feisty actress and producer Armida Siguion-Reyna, Cris admitted she’s not the show biz type but she is open to offers on TV and films.

Monday, January 25, 2010

Kanta tungkol sa Maguindanao, inilunsad ni Freddie Aguilar


Kanta tungkol sa Maguindanao, inilunsad ni Freddie Aguilar

INILUNSAD ni Freddie Aguilar ang kanyang bagong kanta tungkol sa kaguluhan sa Maguindanao kamakailan sa kanyang Ka Freddie’s Bar sa panulukan ng Pedro Gil at Adriatico Street sa Malate.

Ito ay isang pagtunghay sa trahedya sa Maguindanao na binudburan ni Freddie ng kanyang pananaw tungkol sa kasaysayan ng isang panlipunang pulitika at kalakaran ng buhay sa bansang ito.

Inimbitahan niya kami sa pagtitipong ito pero hindi talaga kami pumunta dahil alam naman naming marami pa ang magkakapagko-cover nito dahil ang halos lahat nga ay naghahanap sa kanya at nais makuha ang kanyang pahayag kaugnay sa naganap na pagkakahuli sa kanyang pamangkin na si Jason Ivler.

Si Jason ang pangunahing suspek sa pagpatay kay Renato Victor Ebarle, Jr., anak ng isa sa mga opisyal ng MalacaƱang na si Reneto Victor Ebarle, Sr.

***

Isa pa’y maraming nangyari sa amin ni Freddie bago at pagkatapos na lumabas sa pahayagang ito at sa Saksi sa Balita ang kanyang mga pahayag tungkol sa insidente.

Nagsalita siya sa amin bilang peryodista at pag nagtutungo naman kami sa kanyang lugar upang kunin ang kanyang mga pahayag sa anumang isyu o paksa ay gumagamit naman siya ng off-the-record pero sa pagkakataong ito ay hindi.

Kaya nga nakapagtataka kung bakit siya ay galit na galit.

Narito ang naganap sa amin pero dahil nga limitado lang ang espasyo sa isang tabloid, nilagom na lang namin ang kaganapan.

***

Pagkatapos mahuli si Ivler noong dalawang Lunes na ang nakakaraan ay nag-imbita sa akin ang peryodistang pampelikula na si Dennis Adobas na pumunta kina Aguilar para makuha ang pahayag nito.

Sinabi ni Dennis na babatiin din namin si Ka Freddie sa pagwawagi nito sa South Korea.

Pero naging abala ako ng araw na ‘yon at si Adobas ay naiwan sa National Commission for Culture and the Arts kausap sina Cecille Guidote-Alvarez at Mars Cavestany pagkagaling namin sa presscon ni Manila Archbishop Gaudencio B. Rosales tungkol sa 2nd National Convention of the Clergey na nagsimula noong Lunes.

Hanggang nag-kinabukasan at pagkatapos ng miting sa kontrobersyal na direktor na si Jowee Morel ay nagtungo kami sa Ka Freddie’s dahil nais ding makilala ni Jowee si Freddie.

***

Pagdating namin doon ay nasa labas ang dalawang peryodistang pampelikula na sina Anthony Solis at Cielo samatalang kalalabas lang sa pinakapinto ng bar si Raymund Vargas.

Pumasok kami sa loob at sumunod sina Anthony at Cielo bagamat hindi pa namin nakita si Raymund.

Nang maipakilala ko na si Morel kay Aguilar ay umalis na ang direktor para puntahan ang kanyang kapatid na flight stewardess.

Sa maikling salita, tinanong namin si Freddie kung nanalo nga ba siya sa South Korea at ang sabi niya’y noong isang taon pa ‘yon na kasama niya si Iza Calzado.

Ang kasunod naming tanong ay kumusta na ang nagaganap kay Jason.

Ang sabi niya’y nang makausap niya si Jason ay sinabi nitong wala naman siyang kinalaman sa paratang pero sinabi niyang pinayuhan niya si Marlene Aguilar, ang ina ni Ivler na isuko na ang anak sa mga awtoridad.

Kaya nga sinisi ni Ka Freddie ang kapatid dahil sa humantong na sa ganito ang nangyari sa pamangkin.

***

Hanggang sa sinulat namin ang istorya sa ABS-CBN news on line at pinatulan ito ng maraming media na hindi makakuha ng pahayag ni Freddie.

Pagkatapos ng isang araw ay tinawagan kami ni Freddie at galit nag alit.

Bastat ang sabi ko sa kanya ay nagpunta ako sa kanyang lugar bilang isang reporter.

Paghahanap ‘yon sa kanya at sa kanyang masasabi sa kaso.

Pero kung anu-ano pa ang kanyang sinabi na kesyo sino raw ba ako samantalang nanghihingi sina Ted Failon, Mario Dumaual, Lhar Santiago, Morly Alinio, Roldan Castro ng pahayag sa kanya pero wala siyang pinagbigyan.

Marami pa siyang sinabi at kulang ang espasyong ito sa mga pahayag niya.

Gayunman, sa pagpapainterbyu niya sa mga TV, radyo, pahayagan, magasin, webcast at iba pang bukal ng impormasyon, ang mga sinabi niya sa amin noong Martes ang siya rin niyang sinabi sa madla.

Ano ba ‘yan?

Sunday, January 24, 2010

Maria Isabel Lopez, dala-dalawa ang panalo sa Gawad Tanglaw; Luis Manzano, Best Supporting Actor



WALA kaming masabi sa seksing aktres na si Maria Isabel Lopez.

Aba naman, mga kababayan, bukod sa namumukadkad ang kanyang pag-ibig ay namumulaklak din ang kanyang career.

Hindi nga ba’t kagagaling lang niya sa Thailand kasama ang kanyang kasintahang si Wade Rowland at nagsanib ang kanilang mga diwa at kaluluwa?

At ngayon ay dating nang dating ang kanyang magagandang tsansa sa pag-arte at hindi lang simpleng mga pelikula kundi mga premyado pa.

Kaya nga nang kunin siya ni Brillante Mendoza para sa pelikulang “Kinatay” ng Centerstage Production at Swift Productions, napuna siya nang walang patumangga sa Pilipinas at sa ibang bansa lalo na nang ipalabas ang obra sa 2010 Cannes International Film Festival kung saan nagwagi si Brillante ng Best Director para sa pareho ring pelikula.

***

Hindi lang nominasyon ang natanggap ni Maria Isabel para sa kanyang pagganap kundi panalo na.

Sa kalalabas na hindi pa kumpletong listahan ng mga nagsipagwagi sa 2010 Gawad Tanglaw ng mga gurong sina Dr. Flaviano Lirio ng Jose Rizal University, Terry Cagayat-Bagalso ng University of Perpetual Help at Atlas Publishing House, nagwagi si Lopez ng Best Supporting Actress para sa “Kinatay.”

Ginagampanan ni Maribel ang papel ng isang puta na may atraso sa isang sindikato ng droga kaya siya ay kinatay.

“Magandang pasalubong sa akin ito sa Year of the Tiger. Hindi ko makakalimutan ito dahil sa pagsisikap ko na makaahon sa aking image. Masama ang tingin nila sa akin bilang bold star noon kaya kailangang ipakita ko ang pagbabago sa aking buhay,” pahayag ni Lopez.

Walang kagatul-gatol na pinagpasyahan ng mga kasapi ng Gawad Tanglaw, isang organisasyon ng mga titser sa mga pamantasan, na si Maribel ang siyang gawing Best Supporting Actress.

***

At ito ay batay lang sa nakarating kay Lopez na impormasyon na siya niyang ipinadala sa kanyang mga kaibigan at kasamahan sa trabaho sa pamamagitan ng SMS messaging.

May bagong istorya kay Maribel ngayon at ito ay mula muli kay Terry na isang opisyal na miyembro ng Gawad Tanglaw kaya opisyal din ang kanyang pahayag.

“Nanalo pa ng isang Best Supporting Actress si Maribel dahil ang galing-galing talaga niya. Sa ‘Tulak’ naman ito. Ang husay-husay talaga ni Maribel sa pelikula. Hindi talaga mapapantayan ang kanyang pag-arte,” pagpuri ni Cagayat-Bagalso.

Kaya nga doble ang pagdiriwang si Maria Isabel sa mga pagkakataong ito.

***

May isa pang development sa buhay-award-giving body ng Gawad Tanglaw at ito ay ang pagwawagi ni Luis Manzano sa kategoryang Best Supporting Actor ka-tie ni Roderick Paulate para sa pelikulang “Dead na si Lolo” ng APT Entertainment.

Hindi ito kasama sa listahan ng ipinadala sa amin ni Maribel.

Ayon kay Terry, unfair na hindi naisama sa mga naunang listahan si Luis dahil ang galing-galing din ng aktor sa obra.

Nitong Lunes lang nagpinal na usapan ang mga kasapi ng Gawad Tanglaw para sa opisyal talagang listahan ng mga nanalo.

“Marami pang mga category na bibigyan ng award sa TV, film at iba pang field of arts,” pahayag ni Cagayat-Bagalso.

Star Patrol (for Saksi, January 26, 2010)

Boy Villasanta

Doble ang Best Supporting Actress ni Maria Isabel Lopez; Luis Manzano, Best Supporting Actor

INILINAW ni Terry Cagayat-Bagalso, isang dating peryodistang pampelikula at ngayon ay patnugot ng mga aklat sa Atlas Publishing House, Inc. at aktibong guro sa University of Perpetual Help, na hindi pa opisyal ang listahan na kumakalat ngayon sa mga taga-showbiz kaugnay sa nanalong mga pelikula at alagad ng sining sa 2010 Gawad Tanglaw.

Ang Gawad Tanglaw ay organisasyon ng mga guro na sumisipat sa mga birtud at magagandang katangian ng mga elemento ng pelikula, telebisyon at iba pang sangay ng sining.

Ang Gawad Tanglaw ang grupo na humiwalay at tumiwalag sa nauna nang Pasado, isa ring grupo ng mga guro na nagbibigay rin ng award sa TV, pelikula at iba pang larangan ng arte.

Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mga kasapi noon ng Pasado kaya ang mga ayaw sa mga patakaran at bisyon nito ay umalis at nagtayo ng kanilang bagong asosasyon.

Isa si Dr. Flaviano Lirio sa malakas ang loob na makapagtatag ng kanyang sariling organisasyon at nagrikrut siya ng mga kasapi kabilang si Terry.

***

Nag-text kasi sa amin si Maria Isabel Lopez at ipinarating ang mga nanalo sa 2010 Gawad Tanglaw pero hindi wala kaming kaalam-alam na hindi pa pala opisyal at kumpleto ‘yon.

“Wala pa kaming ikinakalat na official results. Kanino kaya nanggaling ‘yon?” tanong ni Cagayat-Bagalso.

Pero kumalat na nga ito at kahit ang talent manager na si Dennis C. Evangelista ay nagsasaya na dahil nagwagi ng Best Actor si Allen Dizon sa “Dukot” ng ATD Entertainment.

“Monday pa kami magmimiting para pag-usapan ang official results,” pahayag ni Terry.

Noong ika-25 ng Enero, 2010 nagpulong ang mga taga-Gawad Tanglaw sa Robinsons Galleria.

Gayunman, hindi kinontra ni Cagayat-Bagalso ang itinext ni Maribel sa amin.

***

Pero may idinagdag pa si Terry.

“Naku, ang galing-galing talagang umarte ni Maribel Lopez. Kaya hindi lang sa ‘Kinatay’ siya nanalo ng Best Supporting Actress. Sa ‘Tulak’ din ni Neal ‘Buboy’ Tan,” pagatatapat ni Cagayat-Bagalso.

“Ang husay-husay ni Maribel sa dalawang pelikula,” pagpuri ni Terry.

Nagpapasalamat nga si Maribel sa pagkuha sa kanya ni Brillante Mendoza para sa “Kinatay.”

“Noong una, tinanggihan ko ‘yong offer ni Dante Mendoza. Kasi, unang ini-offer kay Rosanna Roces ang role pero tinanggihan ni Osang. Lumapit sa akin si Dante pero tumanggi rin ako.

“Pero sinabi ko kay Dante na bigyan ako ng time para makapag-isip. Kaya nag-isip ako. Tapos, nagpaliwanag si Dante sa akin kaya naintindihan kong mabuti at look, napunta pa ako sa Cannes,” kuwento ni Maribel.

***

Lalo ngayong maglululundag sa tuwa si Lopez sa kanyang karagdagang panalo.

Ginagampanan ni Maribel sa “Kinatay” ang isang puta na kinatay ng mga miyembro ng sindikatong military dahil may atraso siya sa mga pinuno nito sa hindi pagre-remit ng perang pinagbentahan ng bawal na gamot.

Samantala, sa “Tulak” naman ng Exogain Productions ay binibigyang-buhay ni Lopez ang papel ng isang durugista na kabit ni Julio Diaz.

Ang isa pang karagdagan sa listahan ng Gawad Tanglaw ay si Luis Manzano.

“Magaling si Luis Manzano sa ‘In My Life’ kaya he deserves to win,” pahayag ni Terry.

Katabla ni Lucky Manzano si Roderick Paulate sa “Dead na si Lolo” ng APT Entertainment.

The challenges of the 2010 Cinemalaya Independent Film Festival


The Cinemalaya Independent Film Festival of the Philippines has come a long way, indeed.

Now on its sixth year, the ever first state-sponsored film event is barking on the newly launched component, the Open Category which is an equally intriguing part of the program not only because it is an arena for the veteran filmmakers but more so, the presence of the experienced and the so-called local movie mainstream fixtures would show how they dip their fingers into the independently managed filmmaking pie.

In his speech, former Cultural Center of the Philippines president Nestor Jardin said that the Open Category will bring complications to the festival.

Of course, it isn’t a conflict that would arise from the mundane and petty concerns of filmmakers but the tension that would crop up to add dimension and color to the Cinemalaya landscape.

You see, the usual New Breed Directors so called dominate the ten slots in the annual Full Length Category. These young, vibrant and indie spirited artists have always shown what it takes to become truly worthy of the independent filmmaking sense.

Meanwhile, the old timers—directors who have made at least three full-length features shown theatrically—and who have always been associated with commercial film productions of big companies, are also artists of vision and precursors of free artistic expressions these young film directors have initially embraced belatedly when they went to the field.

Joel Lamangan, for one, has always been anti-censorship and welcomes innovations and experiments in his works while Mario O’Hara has proven his mettle in many postmodern approaches while allowing himself transactions with people of various shades and persuasions in and outside the film business. Gil Portes is one of the predecessors of indie filmmaking when he started pastoral films most of his production expenses from philanthropists or innovative leaders and businessmen of many industries in the country.

Two relatively veteran film artists, Mark Meily and Joselito Altarejos, have been in the forefront of marching on the paths of both commercial and independent moviemaking.

This year, Lamangan is fielding “Sigwa,” a saga of student activism in the late sixties and early seventies. Portes is readying “Two Funerals,” a serious-comic tale. O’Hara is making historical data controversial in “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio,” a never revealed court account on the conflict between Emilio Aguinaldo and Andres Bonifacio which led to the murder of the latter allegedly ordered by the former. Meily is foraying on organs for sale in “Isang Pirasong Buhay” and Altarejos is hip in “Pink Halu-Halo.”

All these against the fresh air of such new directors as Gutierrez Mangansakan’s “Limbunan” about the hidden world of the “limbunan” where brides-to-be are kept away from public view; Sheron Dayoc’s “Halaw” about the journey of a Badjao father and daughter as they saneak through the Southern backdoor and make the illegal crossing to the island of Sabah; Arnel Mardoquio’s “Sheika” about a woman ravaged by the war in search of peace; Dan Villegas and Paul Sta. Ana’s “Mayohan” about the Mayflower festivities in Infanta, Quezon; Kim Homer C. Garcia’s “Magkakapatid” about the Filipino sense of filial relationships; Danny AƱonuevo’s “Rekrut” about military training in the country; Francis Xavier Pasion’s “Sampaguita” about the national flower; Art Katipunan’s “Si Techie, Si Teknoboy at si JuanaB” about marriages of OFWs; Dennis Marasigan’s “Siya and Mayor Ko” about election campaign and Ian-Dean S. Lorenos’ “The Leaving” about the fusion of Filipino and Chinese cultures.

Judging from the lineup, 2010 is an exciting year for Cinemalaya.

The tension between the veterans and the new breed is quite felt and this hopefully will add not only luster but substance to the materials in the advancement of the Philippine film industry.

Saturday, January 23, 2010

Vilma Santos, Best Actress; Maria Isabel Lopez, Best Supporting Actress sa Gawad Tanglaw

RUMARAGASA muli ang grupo nina Dr. Lirio at Terry Cagayat-Bagalso sa pamumudmod na naman nila ng mga tropeyo ng karangalan sa pagdaraos ng Gawad Tanglaw sa mga darating na araw.

Puspusan na ang paghahanda nila sa maringal at marangal na awards night na tiyak na dadaluhan muli ng mga maniningning na mga bituin sa langit-langitan ng pelikula, telebisyon at pangkalahatang arteng Pilipino.

Nagpagwagihan ni Vilma Santos ang Best Actress Award mula sa Gawad Tanglaw, ang asosasyon ng mga guro na nagpapatupad at sumisipat sa mga bating sa showbiz.

Panalo si Vilma sa pelikulang “In My Life” ng Star Cinema.

Samantala, si Maria Isabel Lopez naman ang Best Supporting Actress para sa pelikulang “Kinatay (The Mutilation of P)” ng Centerstage Productions at Swift Productions.

***

Maligayang-maligaya si Maria Isabel sa kanyang karangalan dahil kauna-unahan ito sa kanyang kasaysayan sa pagganap sa pelikulang Tagalog.

“I’m very excited about the award. Talagang ipinagdasal ko ito sa Diyos. Mabait talaga ang Diyos sa akin. Wala na akong mahihiling pa sa buhay na ito,” pahayag ni Lopez.

Nagpapasalamat din siya kay Brillante Mendoza, ang kanyang direktor sa pelikula sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon na makalabas sa ganitong klase ng pelikula.

“Hindi ako pinabayaan ni Dante (isa pang pangalan ni Brillante) sa pelikulang ito. Dati, kay Rosanna Roces lang ito pero tinanggihan niya at nang i-offer sa akin, matagal akong nag-decide pero it’s worth it,” sabi ni Maribel.

***

Tatlo ang Best Picture sa Gawad Tanglaw at ang mga ito ay ang “Lola” ng Centerstage Productions at Swift Productions “In My Life” at “Dukot” ng ATD Entertainment.

Nagwagi namang Best Actor sina Allen Dizon para sa “Dukot” at John Lloyd Cruz para sa “In My Life.

Best Supporting Actor naman si Roderick Paulate sa obrang “Ded na si Lolo” na siyang ipinadala ng Film Academy of the Philippines sa pilian ng mga finalists sa kategoryang Best Foreign Language Film ng AMPAS o Academy for Motion Picture Arts and Sciences.

***

Nagpapasalamat si Dennis C. Evangelista, ang manager ni Allen sa pagkilala nina Terry kay Dizon bilang aktor. Tiyak na sasabihin ni Dennis na vindicated si Allen sa kritisismo na nakamtan niya sa akin na nalathala sa ABS-CBN news on line na ang tunay na nangyari ay inilahad na namin kay Evangelista at sa kolum na ito.

Sa mga susunod na araw ay ibabalita namin sa inyo kung kailan ipapamahagi ang mga parangal.

Ang Gawad Tanglaw ay isang organisasyon ng mga akademiko na kumalas sa Pasado, isa pa ring grupo ng mga titser na nagbibigay ng award sa pelikula.