Tuesday, March 30, 2010

Free the artist in Jeffrey Jeturian

While internationally acclaimed filmmaker 2009 Palm d’Or Best Director at the prestigious Cannes International Film Festival Brillante Mendoza’s documentary film “Ayos Pare Ko,” one of the twenty masterpieces in the ABS-CBN News Channel’s omnibus docu “Ambisyon,” was lifted of an X-rating by the Movie and Television Review and Classification Board, equally world renowned director Jeffrey Jeturian’s masterpiece, “Ganito Tayo Noon, Paano Tayo Bukas?” has retained its unfit for public exhibition classification.

According to MTRCB chair Ma. Consoliza Laguardia, Jeturian’s film is malicious and undermines the faith of the people in the government.

“Ganito Tayo Noon, Paano Tayo Bukas?” is a testament of Jeturian’s sharp perception of socio-political events and how these processes affect not only his economic state of things but those of the many underprivileged as well.

To begin with, Jeturian is a Filipino, an artist worth his salt, a cultural worker and a fellow citizen who would want tackle any topic under the sun provided he works within the premise of legal framework.

He knows where he is coming from and as a thinking person and a professional, he is familiar with laws concerning his being a filmmaker, both as an artisan and a producer.

He, too, knows that nobody can quantify arts as they are, free flowing, subjectifying objects and objectifying subjects, personal and public as long as he is a law abiding person.

So how can Laguardia’s findings be so absolute when malice is still so hard to prove?

The least that MRTCB do is slap Jeturian a case to at least prove its point and not necessarily burden the filmmaker with an X rating.

When the project was presented to Jeffrey last year, he had to choose a particular topic to discuss on and he chose economy “because economy encompasses a lot of things in this society.”

Stage actor and prolific playwright Rody Vera was commissioned by Jeffrey to write the script and they agreed on the form and contents of the episode.

It tells of a pedestrian who walks along the road where newsboys peddle their wares and he buys one newspaper. Along the way, he gets on to a jeepney, reads the paper and gets to the page where a government ad was placed proclaiming the economic gains so called of the current administration.

While he is reading the paper, he is exposed to the ills of society, to the beggars, to the street children who sell practically anything to survive and a lot of economic sore eyes.

The visual ends with the pedestrian getting off the ride and stepping on a shit.

All he does is wipe the shit with the page of the newspaper proclaiming false claims of the government.

All in all, the video is an independently produced one notwithstanding its being financed by ABS-CBN News Channel.

Each filmmaker is given freedom to tackle their subject with clarity and spontaneity so Jeturian has no qualms about being censured only being censored by the regime’s regulatory board.

“Since the start, I was ready MTRCB was to chop my film into pieces because most of the ones sitting there are GMA’s appointees,” said Jeturian without hesitation.

It’s an artist’s right to free expression guaranteed by the premier law of the land so why not give Jeturian his free spirit to do whatever he wants to say and expound as long as he is aware of his rights and responsibilities as a Filipino.

Anyway, we still have the time to analyze and prove Jeturian’s point when “Ambisyon,” a compendium of twenty works of leading young Filipino filmmakers on various subjects on April 5, 2010 at the Cultural Center of the Philippines.

Monday, March 29, 2010

Kahit nagkasakit para sa “Lola,” di alintana ni Rustica Carpio dahil sa Las Palmas Int’l Film Festival Best Actress award

KAHIT pitumpu’t siyam na taong gulang na ang respetadong aktres na si Rustica Carpio ay hindi pa huli ang lahat para sa kanya upang manalo ng pinakaaasam-asam na parangal sa mga bituin sa buong mundo, ang pagiging Best Actress sa Las Palmas Gran Canaria International Film Fstival sa Spain.

Dahil hindi rin basta-basta ang Las Palmas Film Festival lalo na sa Europa kaya ang pagwawagi rito ay pinapanga-pangarap din ng mga artista sa buong daigdig.

At masuwerte sina Anita Linda at Rustica Carpio dahil sila ay nakakuha ng pinakamataas na karangalan para sa mga bituin para sa pelikulang “Lola” ng Centerstage Productions at Swift Productions.

Nagulat na lang si Rustica dahil hatinggabi ng Sabado noong isang linggo ay tumatawag ang kanyang direktor na si Brillante Mendoza sa kanya at ibinabalitang Pinakamahusay na Aktres silang dalawa ni Anita sa Las Palmas.

***

Hindi na masyadong nakatulog si Rustica mula noon at ipinagsasabi na niya sa kanyang mga kasambahay ang magandang balita.

Naisip niya na nagbunga ang kanyang pagsisikap at hamon sa paggawa ng “Lola.”

“Imagine, nang kunan ang mga eksena namin sa ulanan, nabasa talaga ako. Nagpabasa ako dahil kailangang maglakad ako sa ulanan. E, ang daming mga eksena na kailangang basa ako.

“Bukod sa artificial rain na ginamit, may real rain pa dahil mabagyo no’n nang kunan kami. Kaya basang-basa ako.

“Kinabukasan, nagkasakit ako no’n. May lagnat ako pero hindi ko ininda. Nawala rin naman. Nagturo pa nga ako no’n, e,” pahayag ni Carpio sa isang natatanging panayam sa kanya sa Polytechnic University of the Philippines Graduate School sa Sta. Mesa, Laguna.

Nang araw na ‘yon ay uupo siya bilang isa sa mga revalidalists o panelists sa defense o depensa ng thesis ng isang mag-aaral na estudyante sa Master of Arts in Commuications sa PUP.

Kasama niyang umupo sa panel si Dodie Dizon, isa ring walang kapagurang propesor ng sining sa PUP.

***

Alam ba ninyo na kauna-unahang pananalo ito ni Rustica ng karangalan sa pag-arte dahil sa mga pagkilala sa kanyang mga gawain bilang manggagawang pangkultura ang kanyang natatanggap?

Gayunman, dalawang beses na siyang nominado sa Best Supporting Actress Award para sa Famas, una’y noong 1978 para sa pelikulang “Walang Katapusang Tag-Araw” ni Ishmael Bernal para sa Lea Productions kung saan gumanap siyang ina ni Elizabeth Oropesa at ikalawa’y noong 1980 para sa pelikulang “Menor de Edad” bilang ina pa rin ni Elizabeth at sa direksyon pa rin ni Ishmael para sa Crown Seven Productions.

Ngayon lang niyang nasungkit ang parangal sa pag-akting at sa isa pang prestihiyosong film festival na tulad ng Las Palmas.

***

Wala man si Carpio nang personal sa pagdiriwang ng Las Palmas Gran Canaria, nandoon naman ang kanyang diwa.

Kung siya man ay naimbitahan at makakarating sa okasyon, ang kanyang isusuot ay isang pambansang kasuotan ng mga Filipino, ang terno o Maria Clara.

“Kasi, ipangmamalaki ko ang Pilipinas. At magpapatahi ako ng Maria Clara. Kasi, no’ng nasa Pusan, South Korea ako for the Pusan International Film Festival where ‘Lola’ was exhibited, naka-Maria Clara ako nang pumunta ro’n. It was my pleasure,” pahayag ni Rustie o Rusty, ang palayaw ni Carpio.

Patuloy ring nagtuturo si Rustica sa PUP kahit siya ay nagretiro na.

Star Patrol (for Saksi, March 29, 2010)

Boy Villasanta

Sulit ang Best Actress Award ni Rustica Carpio para sa “Lola” sa Las Palmas Int’l Film Festival kahit nagkasakit siya

NAAALALA ni Rustica Carpio, ang Doctor of Philosophy o PhD degree holder sa Panitikan mula sa University of Santo Tomas Graduate School, ang kanyang mahihirap na mga eksena sa mga pelikulang kanyang ginawa na naghahatid sa kanya sa rurok pa ng tagumpay.

At hindi siya nagsisisi na kahit nahirapan siya ay sulit naman ang kanyang pagpupunyagi.

Ayon kay Rustica, nang manalo siya ng Best Actress sa katatapos na Las Palmas Gran Canaria International Film Festival sa Spain para sa pelikulang “Lola” ng Centerstage Productions at Swift Productions sa direksyon ng premyadong si Brillante Mendoza, sulit ito sa hirap na kanyang dinanas sa set ng pelikula.

Kasi nga’y maraming eksenang maulan sa pelikula.

“Panahon ng bagyo nang i-shoot namin ni Brillante ang ‘Lola.’ Kaya laging umuulan pero alam mo ba na kahit na may real rain noon, gumamit pa rin kami ng artificial rain. Kaya ibang klase ‘yong pelikula,” pahayag ni Rustica.

***

At ang dahil sa malakas at tunay na ulan at sa paggamit ng artificial rain, nagkasakit kinabukasan ng shoot si Carpio.

“Kasi, kailangang basain ako ng ulan kaya pumayag naman ako para mas makatotohanan ang eksena. Ang daming ulan at basang-basa ako sa likod. Kinabukasan, ‘yon, may sakit ako.

“Pero okey lang ‘yon. Kahit na maghirap ako bastat maganda ang pelikula. At ito nga, award-winning pa ang pelikula. Sulit ang pagkakasakit ko,” kuwento ng beteranang aktres na nagtuturo pa rin kahit siya ay nagretiro na sa Polytechnic University of the Philippines Graduate School at sa mga undergrad.

Naaalala nga niya ang maseselan at magaganda rin niyang mga eksena sa pelikulang eksperimental ni Ishmael Bernal na “Nuna sa Tubig” kung saan binasa rin ng tubig ang kanyang likod.

“Maulan din dapat sa eksena at basang-basa ako. ‘Yon, nagkasakit din ako kinabukasan pero sulit din ang ‘Nunal sa Tubig’ dahil maganda rin ‘yon,” pahayag ni Rusty, palayaw ni Rustica na puwede ring baybayin ng Rustie.

***

Nang manalo siya ng Best Actress sa Las Palmas Gran Canaria International Film Festival sa Spain ay wala siya sa pagtitipon.

Kahit ang nanalo ring si Anita Linda para rin sa “Lola” ay hindi rin nakadalo sa pestibal.

Natanggap lang ni Rustica ang impormasyon na angwagi siya para sa obra nang tawagan siya ni Brillante isang Sabado ng hatinggabi.

Ipinamamarali ni Mendoza sa telepono na masuwerte si Carpio at si Linda dahil nanalo ang mga ito sa Las Palmas.

Ikinagulat naman ito ni Rustie at mula noong mga sandaling ‘yon ay hindi na siya makapagkatulog.

Wala siyang ginawa kundi ang sabihin sa kanyang mga kasambahay na nagwagi siya ng karangalan sa ibang bansa.

***

Sa isa pa manding pangunahin at prestihiyosong film festival nakamtan ni Carpio ang karangalan.

Itinuturing na isa sa mga espesyal na film event ang Las Palmas lalo na sa Europa at kahit na sinong bituin ay naghahangad na makamit ang pagkilala rito ng buong mundo.

Ayon sa isa sa mga aktibo at mahusay na miyembro ng Young Critics Circle na si Nonoy Lauzon, ang Las Palmas ay kinikilala sa isa sa mga sampung siniseryosong film festival sa mundo.

Kaya naman pag may imbitasyon kay Mendoza, nagpapadala ito ng kanyang lahok na pelikula.

***

Alam ba ninyo na kauna-unahang pananalo ito ni Rustica ng karangalan sa pag-arte dahil sa mga pagkilala sa kanyang mga gawain bilang manggagawang pangkultura ang kanyang natatanggap?

Gayunman, dalawang beses na siyang nominado sa Best Supporting Actress Award para sa Famas, una’y noong 1978 para sa pelikulang “Walang Katapusang Tag-Araw” ni Ishmael Bernal para sa Lea Productions kung saan gumanap siyang ina ni Elizabeth Oropesa at ikalawa’y noong 1980 para sa pelikulang “Menor de Edad” bilang ina pa rin ni Elizabeth at sa direksyon pa rin ni Ishmael para sa Crown Seven Productions.

Kauna-unahan ni Rustica ang Las Palmas Best Actress Award.

***

Kung nasa Las Palmas Gran Canaria lang si Carpio ay magsusuot siya ng Maria Clara o terno sa awards night.

“Like no’ng ako ang representative ni Brillante sa Pusan International Film Festival last year, nagsuot ako ng Maria Clara dahil ipinagmamalaki ko na ako ay Filipino.

“At ide-dedicate ko ang award ko sa mga Filipino para manood sila ng ‘Lola.’ Kasi, ibang klase ang ‘Lola.’ Kauna-unahan ito sa kasaysayan n gating bansa,” pagmamalaki ni Rustica sa aming panayam na aming ginawa sa PUP Graduate School sa Sta. Mesa kung saan naghahanda siyang umupo sa panel of revalidalists sa thesis defense ng isang Master’s of Arts in Communication student na si Robert Allan Solis.

Kasama ni Rustica sa panel ang isa pang masigasig na propesor sa humanidades na si Dodie Dizon.

Sunday, March 28, 2010

Ang Linggo de Ramos para sa mga aktor na sina Sergio Galang, Earl Gatdula at Alvin Geda

NGAYONG araw na ito ay ginugunita ng sangkakristiyanuhan ang pagdalaw, pagpasok ni Hesukristo sa Hardin ng Getsemane kaya sinalubong Siya doon ng sa Kanya’y mga nagmamahal.

Ngayon ang simula ng Mahal na Araw, ang simula ng walang katapusan sa buhay ni Hesus at ang mga Kristiyano sa Pilipinas at sa buong mundo, sa loob at labas ng showbiz ay nakikiisa sa mahalagang pangyayaring ito sa kanyang buhay.

Sa pamamagitan ng palaspas, sinalubong mga tao si Hesus sa hardin at inalayan ng pag-awit at pagsinta.

Kabilang ang mga bituing sina Sergio Galang, Earl Gatdula at Alvin Geda sa mga taimtim na nananalangin na sana ay makatulong ang ganitong karanasan ni Hesus sa lahat ng tao sa loob at labas ng showbiz dahil sila mismo ay parang mga alagad ni Hesus na nagmamahal sa mga taong tulad Niya na may malinis na puso at magiting na kalooban.

Kahit hindi sina Sergio, Earl at Alvin ay talagang masaya subalit may pait sa kalooban laban sa pang-aapi ng mga Hudyo kay Hesus.

***

Si Galang ay isang golfer maliban sa pag-aartista at pagtatrabaho sa Ninoy Aquino International Film Festival.

At sa tanang panahon na pagsu-showbiz niya ay talagang panata niyang magsimba lagi pag araw ng Linggo at iba pang araw ng pangilin.

Dahil nga wala sa Pilipinas ang kanyang asawang nars sa ibang bansa, palaging kaligtasan ng kanyang mga mahal sa buhay ang idinadalangin ni Sergs para sa kanyang sa kanyang angkan laban sa kasamaan ng paligid.

Noong kanyang kaarawan ay mag-isa lang siyang nagdiwang kahit na kasama niya kami ng peryodista at patnugot ng mga pahina ng pang-aliwang daiyaryong ito na Bomba sa Balita na si Art Tapalla.

Kahit nakalaro na niya ang mga sikat na artista sa golf tulad nina Willie Revillame, Vic Sotto, Arnold Clavio at marami pang iba, nananatiling nakaapak sa lupa ang mga paa ni Galang dahil ayaw niya ng kayabangan.

***

“Walang mayabang sa aming pamilya. Ang anak ko, mag-isa lang, tinuturuan ko siyang maging makatao lalo at lagi.

“May boyfriend na ang anak ko, babae siya pero inuunawa ko siya a lahat ng oras.

“No’ng birthday ko last three weeks, basta, ang ginawa ko, binigyan ko siya ng pangkain nila nang boyfriend niya para sa celebration ng birthday ko.

“Masaya raw sila, sabi niya sa akin. ‘Yong boyfriend niya, tinanong ko kung ano ang balak nila. Okey naman daw. Kasi, lalaki rin tayo kaya kailangang prangkahin ko ang boyfriend ng anak ko sa isang mabuting paraan para alam ko ang diskarte sa kanila. At ease naman ako sa kanila,” pahayag ni Sergio na hanggang ngayon ay naghihintay ng malalaking pagkakataon sa showbiz tulad ng pagkakaroon ng malalaking papel sa pelikula at telebisyon.

***

Samantala, sasama sa pagpapabasbas ng palaspas si Earl sa simbahan sa BiƱan, Laguna.

Mag-aalay siya ng kanyang diwa at puso sa relihiyosong araw na ito para sa pag-abante ng kanyang karera sa showbiz.

Nais maging malaking bituin ni Gatdula at ang pagiging mabuting Kristiyano ay isa sa mga paraan para makamtan niya ito bagamat masalimuot sa kanyang daraanan sa daigdig sindak at lagim sa pelikula, telebisyon, radyo, musika, tanghalan, bidyo at iba pang sining.

Nagsisimula nang magkahugis ang kanyang mga pangarap nang siya ay isama ni Ellen Lising sa paggi-guest sa Studio 23 sa “Generation RX” na sa tiyempo ay palabas mamayang alas diyes y medya ng umaga.

Nakangiti na namang sasalubungin ni Earl ang araw na ito.

***

Nakangiti ring sasalubungin ni Alvin ang Domingo de Ramos sa Lopez, Quezon.

Bagamat hindi pa tuluyang nakakakilos nang tulad nang dati nang siya’y hindi pa nagkakalasug-lasog ang katawan, sisikapin ni Geda na maging angkop sa pamamaraan ni Hesus.

Naghihintay lang ang Our Lady of the Holy Rosary Parish Church sa Lopez para sa kanyang paggaling at pagdalaw sa simbahan.

Lumabas na sa Quezon Memorial Hospital sa Lucena City sa Lalawigan ng Quezon si Alvin kamakailan pagkatapos na siya ay maoperahan sa pantog sanhi ng malakas na salpok ng kanyang sasakyan sa kalsada isang umaga ng Nobyembre noong isang taon sa Santa Rosa, Laguna.

Nananalangin si Alvin n asana ay mabigyan pa siya ng ikalawang pagkakataon ng showbiz at ang kanyang mga kaibigan na sina Keanna Reeves, Roland Lerum, Purita Cabauatan at marami pang iba ay nagdarasal sa maaga niyang paggaling at pagkilos nang normal.

Nagpapahinga ngayon sa may istasyon ng tren sa Lopez sa kanilang bahay si Geda at kahit anong oras ay lalarga sa showbiz o kaya ay trabaho sa ibayong-dagat.

Star Patrol (for Saksi, March 28, 2010)

Boy Villasanta

Domingo de Ramos ngayon, parang eksena sa “Jesus Christ Superstar” kasama sina Sergio Galang, Alvin Geda at Earl Gatdula

TATLONG aktor sa araw na ito ng pangilin.

Sa araw na ito ng pagbabasbas ng pari sa mga palumpon at pawagayway na mga palaspas.

Ngayong araw na ito ay ginugunita natin ang pagpasok ni Hesukristo sa Hardin ng Getsemane at ito ang simula ng kanyang kalbaryo ng walang hanggang subalit dahil sa siya ay pinagpala, babatahin at siya ay mabubuhay na manag-uli.

Sasalubungin siya ng mga tao sa pamamagitan ng pagwawasiwas ng mga palaspas kaya naman ang lalo pang pagmamahal sa kanya ng mga nagmamahal sa kanya ay lulutang.

Ang eksena ay malinaw na nailarawan ng pelikulang klasiko na ngayon na “Jesus Christ Superstar” na mula sa isang dulang Broadway.

***

Sa loob at labas ng showbiz, ang tatlong aktor na winiwika namin na sina Sergio Galang, ang nakilala sa mga sitcom sa ABS-CBN na “Home Along Da Airport,” “Home Along Da Riles,” “Quizon Avenue” at iba pa, Earl Gatdula na natuklasan ng singer at ngayon ay talent manager nang si Phillip Gomez at si Alvin Geda na naging artista ni Armand Reyes sa pelikula nina Glydel Mercado at Tonton Gutierrez para sa World Arts Cinema ay nagkakanlong sa ispiritu ng Kristiyanismo para maipadama sa lahat sa loob at labas ng showbiz nag kanilang pinakabagong tagpo sa buhay.

Maraming gugunita ngayon sa Linggo ng Palaspas na kung tawagin sa wikang Espanyol, na siyang instrumento ng pagpapakalat ng relihiyon sa Pilipinas, ay Domingo de Ramos o sa wikang Ingles na Palm Sunday.

Pati mga iba pang bituin ay makikiisa sa pagdiriwang na ito na nagbubukas nang promal sa Holy Week o sa Semana Santa sa ngayon ng mga Filipinong Kristiyano.

***

Magsisimba ngayong araw na ito ang nagdiwang lang kamakailan ng kanyang kaarawan na si Sergio.

Si Sergio na naugnay kay Pokwang dahil may litrato silang magkasama at para silang mag-botfriend.

Si Sergio na nagsosolo sa buhay dahil nasa Saudi Arabia ang kanyang misis na nurse.

Si Sergio na ang pinakahuling pelikula ay ang “Wapacman” ni Manny Pacquiao.

Si Sergio na manlalaro ng golf.

Ngayon ay kakalmutan muna ni Galang ang sports kundi pagsimba ang kanyang aatupagin upang magpasalamat sa mga biyayang kanyang nakakamtan at humingi ng panibagon mga biyaya sa Panginoong Diyos.

Mabuti at maraming natutuklasan sa buhay si Sergs para mas lumago ang kanyang pagkilala sa sarili.

Kamakailan ay hindi niya kasama ang kanyang nag-iisang anak na babae sa kanyang pagdiriwang ng kumpleanyo.

Binigyan na lang niya ng pera ang kanyang unica hija para kumain ito sa labas kasama ang kasintahan.

May boyfriend na ang anak ko, babae siya pero inuunawa ko siya a lahat ng oras.

“No’ng birthday ko last three weeks, basta, ang ginawa ko, binigyan ko siya ng pangkain nila nang boyfriend niya para sa celebration ng birthday ko.

“Masaya raw sila, sabi niya sa akin. ‘Yong boyfriend niya, tinanong ko kung ano ang balak nila. Okey naman daw. Kasi, lalaki rin tayo kaya kailangang prangkahin ko ang boyfriend ng anak ko sa isang mabuting paraan para alam ko ang diskarte sa kanila. At ease naman ako sa kanila,” pahayag ni Sergio na hanggang ngayon ay naghihintay ng malalaking pagkakataon sa showbiz tulad ng pagkakaroon ng malalaking papel sa pelikula at telebisyon.

***

Samantala, sisimba rin si Earl ngayong araw na ito sa BiƱan, Laguna kung saan ang kanyang parokya.

Mananalangin siyang sana’y mabigyan siya ng mga grasya para sa kanyang pagsikat.

Tiyempung-tiyempo, ipapalabas mamayang alas diyes ng umaga ang “Generation RX,” isang palatuntunan sa telebisyon na tumatalakay sa kalusugan at paglalakbay.

Isasahimpapawid ito sa Studio 23, isang UHF channel at makakasama ni Earl sa kanyang guesting ang isa sa kanyang mga padrina ngayon sa showbiz at pagpapaganda na si Ellen Lising ng pamosong Ellen’s.

***

Pagpapasalamat din sa Kanya ang iniaalay naman ni Alvin sa kanyang lubusang paggaling mula nang sumalpok ang kanyang kotse sa isang motor isang umaga sa Santa Rosa, Laguna.

Ngayong araw na ito, kahit hindi pa siya lubusang nakakalakad, maghihintay siya ng senyales ng Panginoon para maging normal na ang kanyang pagkilos.

Nang siya ay maratay sa banig ng karamdaman sa Santa Rosa Community Hospital sa Santa Rosa, Laguna, laging Bibliya ang kanyang kasiping at kapiling sa bawat sandali.

Talagang kulang na lang ay mabaldado si Geda sa sakuna pero hindi ito hinayaan ng Panginoong Diyos dahil marami pa siyang gagawin sa loob at labas ng showbiz.

Nakalabas na siya sa Quezon Memorial Hospital sa Lucena City sa Lalawigan ng Quezon kaya naman sa bahay na lang nila sa may istasyon ng tren sa Lopez nagpapahinga ang batang aktor.

Saturday, March 27, 2010

Rustica Carpio at Anita Linda, Best Actress sa Las Palmas Gran Canaria International Film Festival saSpain para sa “Lola”

TALAGANG malayo na ang nararating pelikulang “Lola” ng Centerstage Productions at Swift Productions sa direksyon ni Brillante Mendoza.

Kahit hindi ito ang pinili ng Film Academy of the Philppines para ipadala sa Academy of Motion Picture Arts and Sciences o AMPAS sa Amerika sa Hollywood upang isa sa maraming pagpipilian para sa humigit-kumulang sa limang nominasyon at finalists sa nakaraang 82nd Oscar Awards sa US, kung saan-saan nang bansa ito nailabas.

At laging nananalo.

Kung nagkamit ito ng Grand Prize sa nakaraang 2010 Miamia International Film Festival sa Miami, Florida nito lang nakaraang linggo, ang kasunod na pinagpalabasan nito sa Europa ay nanalo rin ito.

Nagkamit si Mendoza ng halagang $25,000 bilang premyo kaya milyonaryo na naman siya bukod pa sa pagkilalang inihahandog sa kanya ng mga taga-ibang bansa.

***

Kung ang “Lola” nga sana ang ipinadala ng FAP sa Oscars, mas malamang kaysa hindi, napasok man lang ito kahit hindi manalo sa finalists o baka nanalo pa nga sa Best Foreign Language Film category.

Pero sana ay nakinig ang FAP kay Dante kahit na interest ng filmmaker ang nakasalalay sa pagpapadala ng lahok ng Pilipinas sa Hollywood.

Kabisado na kasi ni Dante Mendoza ang pulitika sa showbiz sa buong mundo kaya alam niya ang pasikut-sikot o rikotitos ng pagpili ng mga takbo ng utak ng mga taga-Hollywood.

Hindi naman ibig sabihin na may pulitika ay masama na.

Ang pulitikang kaugnay rito ay ang kustombre ng mga pumipili ng mga dayuhang lahok sa Oscars at hindi ito dispalanghado kundi katotohanan ng buhay roon.

Kung may pulitika man ay magaganda ang pinagpipiliang lahok at pamilyar na ang AMPAS.

***

Sa Las Palmas Gran Canaria International Film Festival ay nagkamit naman ng mga parangal ang “Lola” noong huling mga araw noong isang linggo.

Nakamit nito ang Our Lady Harmiguada de Oro o Grand Prize at talagang pinalakakan ang obra ni Brillante sa Spain.

Pinuri ito at sinabing nagbibigay ng inspirasyon sa bagong pananaw sa pelikula ang likhang-sining ni Mendoza.

At si Odyssey Flores ay nag-uwi naman ng Best Cinematography award mula sa pareho ring pestibal.

Kaya nga nag-uumapaw ang kaligayahan ni Brillante sa sunud-sunod na tagumpay ng kanyang pelikula.

***

At ang talagang nakakapangilabot na tagumpay ay ang pagwawagi nina Anita Linda at Rustica Carpio bilang Ex Aqeuo Best Actress para sa “Lola.”

Talagang pinagkakasya ang magagandang resulta para sa pelikula.

Hindi pa huli ang lahat para kay Anita at Rustica na pawang mahuhusay na aktres sa ating henerasyon na kailangang bigyang-pansin ng lahat ng mga Filipino.

Kahit si Rustica ay nagulat at nasorpresa nang malaman niyang Best Actress sila ni Anita bilang mga lola sa “Lola,” isang obra na tumatalakay sa katarungang panlipunan sa Pilipinas.

***

Ang pelikulang “Rekrut” kaya ng ika-6 na Cinemalaya Independent Film Festival, magkaroon din ng pagkakataon na makilala sa ibang bansa?

Pinangungunahan ito nina Emilio Garcia, Dominic Roco at marami pang iba.

Ipinakikilala rito siu Ed Orgel na dating assistant ng kontrobersyal na direktor na si Jowee Morel sa Outline Films.

Ang peryodistang pampelikula na si Dennis Adobas ang instrumento sa pag-aartista ni Orgel at ito ang nagsabi sa baguhan na mag-audition sa pelikula ng Cinemalaya.

Good luck, Ed!

Star Patrol (for Saksi, March 27, 2010)

Boy Villasanta

Anita Linda at Rustica Carpio, Best Actress sa Spain para sa “Lola”

NGAYON pa lang ay hinihintay na ni Rustica Carpio ang pagdadala sa kanya ng tropeyo o anumang mapagkakakilanlan sa kanyang pagiging Best Actress para sa pelikulang “Lola” ng pinagsosyong Swift Productions at Centerstage Productions sa direksyon ng premyado at 2009 Palm d’Or Best Director sa prestihiyosong Cannes International Film Festival sa Cannes, France.

Iprinoklamang Pinakamahusay na Aktres si Rustica, katambal o katabla ang isa pang magaling na bituing Filipina na si Anita Linda para sa katatapos na Las Palmas Gran Canaria International Film Festival sa Spain.

Tunay na ipinagmamalaki ng mga Filipino ang kanilang pananalo at sana ay ang pagsalubong na inilalaan ng gobyerno at ng sangkafilipinuhan kay Manny Pacquiao ay ibigay rin kina Anita at Rustica dahil nagbibigay rin sila ng karangalan para sa bansa.

***

Talaga namang mahuhusay sina Linda at Carpio sa “Lola” bilang mga abuwela na naglilikom ng pera para sa trahedyang dumapo sa kanila.

Si Anita ay nag-iipon ng pondo para sa pagpapalibing sa kanyang apo na napatay ng apo ni Rustica na naglalakad naman para makapagbuo ng sapat na halagang pampiyansa o pang-areglo sa pamilya ng napatay ng kanyang apo.

Makabagbag-damdamin ang obra na tumatalakay sa katarungang panlipunan sa Pilipinas.

Hindi makapaniwala si Rustie, palayaw ni Carpio, sa kanyang bagong karangalan.

Isang pandaigdig na karangalan ang kanyang natamo sa pag-arte at maipagmamalaki dahil makatuturan ang pelikula.

Gayundin sa kaso ni Anita.

***

Bukod kina Linda at Carpio, naiuwi rin ng “Lola” ang Best Cinematography para kay OdysseyFlores.

Maganda talaga ang potograpiya ng kabuuang obra ni Brillante na nagwagi rin ng Our Lady Harmiguada de Oro o Grand Prize.

Biruin mo na halos maani lahat ng pelikulang ito ang mahahalagang gantimpala sa isa sa mga pangunahin at prestihiyosong pestibal sa Europa at sa buong mundo.

Nauna rito, noong isang linggo rin ay nakamit din ng “Lola” ang Grand Jury Prize sa 2010 Miami International Film Festival sa Miami, Florida.

Nakamtan ni Brillante ang halagang $25,000 bilang premyo kaya milyonaryo na naman siya at ipinagmamalaki pa ang Pilipinas sa kanyang tagumpay.

***

Kung ang “Lola” nga sana ang ipinadala ng FAP sa Oscars, mas malamang kaysa hindi, napasok man lang ito kahit hindi manalo sa finalists o baka nanalo pa nga sa Best Foreign Language Film category.

Pero sana ay nakinig ang FAP kay Dante kahit na interest ng filmmaker ang nakasalalay sa pagpapadala ng lahok ng Pilipinas sa Hollywood.

Kabisado na kasi ni Dante Mendoza ang pulitika sa showbiz sa buong mundo kaya alam niya ang pasikut-sikot o rikotitos ng pagpili ng mga takbo ng utak ng mga taga-Hollywood.

Hindi naman ibig sabihin na may pulitika ay masama na.

Ang pulitikang kaugnay rito ay ang kustombre ng mga pumipili ng mga dayuhang lahok sa Oscars at hindi ito dispalanghado kundi katotohanan ng buhay roon.

Kung may pulitika man ay magaganda ang pinagpipiliang lahok at pamilyar na ang AMPAS.

***

May isang pelikula ang 6th Cinemalaya Independent Film Festival na kinukunan pa sa kasalukuyan na kalahok sa sampung naglalaban-laban sa full length feature, ang “Rekrut” na tungkol sa mga nagsusundalo sa Pilipinas.

Tampok dito sina Emilio Garcia, Dominic Roco at marami pang iba.

Ipinakikila rito si Ed Orgel na alaga na ng peryodistang pempelikula na si Dennis Adobas.

Si Dennis din ang instrumento kung bakit nakapasa sa pelikula si Ed.

Dating assistant ng kontrobersyal na direktor na si Jowee Morel si Ed.

Good luck, Ed!

Friday, March 26, 2010

Zeneida Amador at Celeste Legaspi, pararangalan ng Philstage mamayang gabi sa CCP

TAMA lang na ang namayapang artista at direktora sa entablado na si Zeneida Amador ay bigyan ng parangal dahil kahit wala na siya sa ating piling ay nasa isip at puso pa rin siya ng mga Filipino lalo na ng mga nagmamahal sa dulang Ingles.

Sa Biyernes, sa ganap na ika-7:30 ng gabi, sa Cultural Center of the Philippines Little Theater ay pagkakalooban si Zeneida ng parangal na Lifetime Achievement Award o Natatanging Gawad Buhay para sa kanyang walang katamayang ambag sa paglago ng kanyang teatro sa Pilipinas.

Si Amador ay siyang responsable sa pagtatatag ng Repertory Philippines kasama ang mahusay at katambal niya na si Baby Barreido.

Isa rin si Joy Virata sa katuwang ni Zeneida sa mga adhikang ito ng sining ng dulaan.

Bagamat kolonyal ang wikang ginagamit ng Repertory Philippines, hindi matatawaran na may mga mahiligin din sa pagtatanghal ng mga Ingles na dula sa bansa.

Kaya nga tiyak na susugod ang mga taga-Rep mamaya sa CCP para ayudahan ang sinumang tatanggap sa posthumous na parangal na ito kay Amador.

***

Isa si Lea Salonga sa mga natulungan ng mga diwa at husay ni Zeneida sa pagpapaarte sa mga bituin sa tanghalan.

Kabilang din sa mga nakakuha ng impluwensiya ni Amador, kilala rin sa tawag na Bibot Amador, ay sina Monique Wilson, Michael Williams, Audie Gemora at napakarami pang iba.

Kung wala si Zeneida, walang buhay ang English plays na pagtatanghal sa Pilipinas na sinimulan din nina Severino Montano at Naty Crame Rogers sa kanilang mga pangkampus na dulaan.

Pati na si Wilfrido Ma. Guerrero ay isa rin sa mga pinagmanahan ni Amador sa English play productions.

***

Samantala, si Celeste Legaspi, yes, ang mahusay na aktres, singer, mandudula at lider sa industriya ng musika at pagkakaloob din ng Lifetime Achievement Award.

Tiyak na papalakpak ang mga tenga ni Elmar Ingles sa pagkakataong ito dahil si Celeste ang isa sa mga puwersa sa pagtatayo ng Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-Aawit.

Si Legaspi rin ang nagtatag ng Musical Theater Philippines na talagang makabuluhan at makamasa kaya dapat lang na magpasalamat sa kanya ang mga nakararaming Filipino sa paghahawan ng katuturan ng kultura sa ating buhay pang-ekonomiko, pamplulitika, panlipunan, pangteknolohiya at iba pang aspeto ng buhay.

Matatandaan na paboritong artista ni Lino Brocka si Celeste at marami nang napatunayan ang bituin sa larangan kaya tama lang ang pagbibigay sa kanya ng Philippine Legitimate Stage Artists Group, Inc. o Philstage.

Ang Avon ay gagawaran din ng pagkilala nang dahil sa tulong nito sa pagmi-make-up sa mga produksyon sa tanghalan.

Ang Philstage ay kagrupuhan ng mga kumpanyang nagtatanghal at ang mga opisyal nito ay sina Fernando Josef, presidente at artistic director ng Tanghalang Pilipino, Melvin Lee ng PETA, vice president; Ballet Philippines’ Sandy Hontiveros, secretary; Repertory Philippines Gidget Tolentino, treasurer; Actors Actors’ Leonardo Lim, Ballet Manila's Susan Macuja, Gantimpala Theater Foundation’s Tony Espejo, Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit’sMitch Valdes, TRUMPET's Audie Gemora, at PHILSTAGE Executive Director Elmar Beltra

***

Narito ang mga nominees ng Philstage mamaya sa CCP:

Outstanding Play Production: REP’s A Portrait of the Artist as Filipino, TP’s Madonna Brava ng Mindanao and Mga Mansanas sa Disyerto/Apples from the Desert, and PETA’s Saan Ba Tayo Ihahatid ng Disyembre?

Outstanding Musical Production: PETA’s Ismail at Isabel and Si Juan Tamad, Ang Diyablo at ang Limang Milyong Boto, and TP’s ZsaZsa Zaturnnah Ze Muzikal

Outstanding Dance Production: BM’s Alamat: Si Sibol at Si Gunaw, and BP’s Masterworks and Neo-Filipino

Outstanding Stage Direction: Jose Mari Avellana (REP’s A Portrait of the Artist as Filipino),Teresa Jamias (TP’s Mga Mansanas sa Disyerto/Apples From the Desert), Maribel Legarda (PETA’s Ismail at Isabel), Phil Noble (PETA’s Si Juan Tamad, Ang Diyablo at Ang Limang Milyong Boto), and Nonon Padilla (PETA’s Saan Ba Tayo Ihahatid ng Disyembre?)

Outstanding Original Script: Vincent De Jesus (PETA’s Si Juan Tamad, Ang Diyablo at ang Limang Milyong Boto), Tony Perez (PETA’s Saan Ba Tayo Ihahatid ng Disyembre?), and Rody Vera (PETA’s Ismail at Isabel)

Outstanding Ensemble Performance in a Play: The Casts of TP’s Madonna Brava ng Mindanao and Mga Mansanas sa Disyerto, and PETA’s Saan Ba Tayo Ihahatid ng Disyembre

Outstanding Female Lead Performance in a Play: Liesl Batucan and Ana Abad Santos-Bitong (REP’s Portrait of the Artist as Filipino), Ana Abad Santos-Bitong (TP’s Streetcar Named Desire), Shamaine Centenera Buencamino (TP’s Madonna Brava ng Mindanao), and Sherry Lara (TP’s Mga Mansanas sa Disyerto/Apples From the Desert)

Outstanding Male Lead Performance in a Play: Lex Marcos, Juliene Mendoza and Jack Yabut ( all for PETA’s Saan Ba Tayo Ihahatid ng Disyembre?)

Outstanding Female Featured Performance in a Play: Mailes Kanapi (TP’s Stretcar Named Desire) and Peewee O’Hara (TP’s Mga Mansanas sa Disyerto/Apples from the Desert)

Outstanding Male Featured Performance in a Play: Chrome Cosio (TP’s Madonna Brava ng Mindanao), Dido Dela Paz (REP’s Portrait of the Artist as Filipino), and Jonathan Tadioan (TP’s Flores Para Los Muertos)

Outstanding Ensemble Performance in a Musical: The Casts of PETA’s Ismail at Isabel and Si Juan Tamad, Ang Diyablo at Ang Limang Milyong Boto, and TP’s ZsaZsa Zaturnnah Ze Muzikal

Outstanding Female Lead Performance in a Musical: Caisa Borromeo (REP’s I Love You Because), Mechu Lauchengco-Yulo (REP’s Sweeney Todd), and Eula Valdes (TP’s Zsazsa Zaturnnah Ze Muzikal)

Outstanding Male Lead Performance in a Musical: Nar Cabico and Joey Paras (TP’s ZsaZsa Zaturnah Ze Muzikal), and Audie Gemora (REP’s Sweeney Todd)

Outstanding Female Featured Performance in a Musical: Liesl Batucan (REP’s Sweeney Todd) and Kyla Rivera (REP’s I Love You Because)

Outstanding Male Featured Performance in a Musical: Miguel Faustman (REP’s The Fantasticks), and Franco Laurel and Marvin Ong (REP’s Sweeney Todd)

Outstanding Libretto: Vincent De Jesus (PETA’s Si Juan Tamad, Ang Diyablo at ang Limang Milyong Boto)

Outstanding Choreography for Play or Musical: Carlon Matobato (PETA’s Ismail at Isabel), and Dudz Terana, Phil Noble and Carlon Matobato (PETA’s Juan Tamad)

Outstanding Choreography for Dance Production: Augustus Damian III’s Evacuation (BP’s Masterworks), Alice Reyes’ Amada (BP’s Neo-Filipino), and Edna Vida’s Ensalada (BP’s Masterworks)

Outstanding Ensemble Performance in a Dance Production: The Casts of BM’s Alamat: Si Sibol at Si Gunaw, and BP’s Masterworks and Neo-Filipino

Outstanding Female Lead Performance in Dance: Candice Adea (BP’s Neo-Filipino), Lisa Macuja Elizalde (BM’s Don Quxote), and Yanti Marduli (BM’s Alamat: Si Sibol at Si Gunaw)

Outstanding Male Lead Performance in Dance: Francis Cascano (BM’s Alamat: Si Sibol at Si Gunaw), and Biag Gaongen and Ronelson Yadao (BP’s Neo-Filipino)

Outstanding Female Featured Performance in Dance: Marian Faustino (BP’s Neo- Filipino)

Outstanding Male Featured Performance in Dance: Lucky Vicentino (BP’s Neo Filipino)

Outstanding Adaptation or Translation: Alice Reyes (BP’s Amada in Neo-Filipino), Daisy Avellana (REP’s Portrait of the Artist as Filipino), Liza Magtoto (TP’s Mga Mansanas sa Disyerto), and Don Pagusara (TP’s Madonna Brava ng Mindanao)

Outstanding Musical Direction: Jed Balsamo (PETA’s Saan Ba Tayo Ihahatid ng Disyembre?), Vincent De Jesus (PETA’s Juan Tamad, Ang Diyablo at Ang Limang Milyong Boto), Vincent De Jesus (TP’s ZsaZsa Zaturnnah Ze Muzikal), and Gerard Salonga (REP’s Sweeney Todd)

Outstanding Musical Composition: Vincent De Jesus (PETA’s Juan Tamad, Ang Diyablo at Ang Limang Milyong Boto), Vincent De Jesus (TP’s ZsaZsa Zaturnnah Ze Muzikal), Kalayo (BP’s Neo-Filipino), and Mebuyan (TP’s Madonna Brava ng Mindanao)

Outstanding Set Design: Salvador Bernal (PETA’s Saan Ba Tayo Ihahatid ng Disyembre?), Gino Gonzalez (BP’s Neo Filipino), Jonathan Janolo (BM’s Alamat: Si Sibol at Si Gunaw), Boni Juan (PETA’s Ismail at Isabel), Boni Juan (PETA’s Juan Tamad, Ang Diyablo at Ang Limang Milyong Boto), and Tuxqs Rutaquio (TP’s Streetcar Named Desire/Flores Para Los Muertos)

Outstanding Costume Design: Michael Angelo Albay (BM’s Alamat: Si Sibol at Si Gunaw), Gino Gonzales (BP’s Neo-Filipino), Gino Gonzales (REP’s Sweeney Todd), Boni Juan (PETA’s Juan Tamad, Ang Diyablo at Ang Limang Milyong Boto)

Outstanding Lighting Design: Katsch Catoy (BP’s Neo Filipino), Martin Esteva (REP’s Portrait of the Artist as Filipino), Ian Torqueza PETA’s Saan Ba Tayo Ihahatid ng Disyembre?), Jimmy Villanueva (BM’s Alamat: Si Sibol at Si Gunaw), and Jonjon Villareal (PETA’s Juan Tamad, Ang Diyablo at Ang Limang Milyong Boto)

Outstanding Sound Design: Lamberto Avellana, Jr. (REP’s Portrait of the Artist as Filipino), Aries Alcayaga PETA’s Saan Ba Tayo Ihahatid ng Disyembre?), Gie Bernardo (PETA’s Ismail at Isabel).

Star Patrol (for Saksi, March 26, 2010)

Boy Villasanta

Zeneida Amador at Celeste Legaspi, pararangalan ng Philstage mamaya sa CCP

HINDI tumigil ang Philippine Legitimate Stage Artists Group, Inc. o Philstage para bigyan ng parangal kahit posthumous ang dakilang alagad ng sining na si Zeneida Amador.

Alam naming kilala ninyo si Zeneida Amador dahil bilang Filipino ay nag-aaral tayo ng tungkol sa kultura.

Si Zeneida ay siyang nagtatag ng Repertory Philippines na dalubhasa sa pagtatanghal ng mga dulang Ingles.

Katuwang ni Amador sa pagtatatag ng dulaan ang mga kapwa karapat-dapat ding bigyang-pansin na sina Joy Virata at Baby Barreido.

Tiyak na mamaya, sa Cultural Center of the Philippines Little Theater, sa ganap na ika-7:30 ng gabi, huhugos ang mga nagmamahal kay Zeneida kahit patay na siya dahil sa kadakilaan ng kanyang ginawa sa planetang ito.

Tiyak na magpupunta roon ang mga taga-Rep at tatanggapin ang parangal.