Thursday, February 25, 2010

Habang nahahabaan ang mga Filipino sa eksena ni Gina Pareño, naiiklian naman dito ang mga Pranses


SA estilo ng mga independent o indie filmmaker, lalo na sa tinatawag na real time na pagganap at pagkuha sa eksena, na pinauso ng mga tulad nina Jeffrey Jeturian, Armando Lao at Brillante Mendoza, ang pagpapahaba sa mga tagpo ay karaniwan nang napapanood sa kanilang mga pelikula tulad ng “Kubrador” ni Jeffrey, “Biyaheng Lupa” ni Armando at ng maraming pelikula ni Brillante tulad ng “Masahista,” “Foster Child,” “Tirador,” “Serbis” at “Kinatay (The Execution of P).”

Lalo naman ang mga filmmaker na tulad nina Lav Diaz o kaya’y Khavn de la Cruz na talagang kung kailangang habaan ay hahabaan nila ang kanilang mga pelikula kahit na umabot ng ilang oras.

Saksi tayo sa pagpapahaba ni Lav ng kanyang mga obra tulad ng “Westside Story” o “Ebolusyon ng Pamilyang Pilipino” o ang mga huli na niyang pelikula tulad ng “Encantos.”

***

Marami sa ating mga Filipino ang hindi sanay o nasosora nga sa haba ng pelikula kaya naman hindi nila makasanayan ang mga likhang-sining ng mga Jeturian, Lao, Mendoza, Diaz o de la Cruz.

Kahit nga ang karamihan sa mga taga-showbiz mismo ay hindi masakyan ang kahabaan ng mga ginagawa ni Lav.

Maging ang mga kritiko tulad ni Justino Dormiendo ay hindi matagalan at inaari niyang wala nang lohika o kaya ay katinuan ang mahahabang pelikula na umaabot ng lima hanggang pitong oras.

Kuwento nga ni Ralston Jover, ang nagsulat ng mga dulang pampelikula na “Kubrador,” “Tirador” at “Foster Child,” nang mapanood ni Dr. Bienvenido Lumbera ang “Foster Child” ay nagwika ito sa kanya na “Ralston, bakit naman umabot ng pitong minuto ang pagtitimpla ng kape ni Jiro Manio sa ‘Foster Child’?’”

Natawa lang si Jover dahil hindi naman siya ang direktor ng pelikula kundi si Dante Mendoza at tagasulat lang sila.

Para sa mga real time na pelikula, ang ganitong pagpapahaba sa mga eksena ay maraming kahulugan at dimensyon.

Maaaring hindi talaga makuha kahit ng mga intelektwal na kritiko ang ibig sabihin nito pero may makabuluhang mensahe ang mahabang mga tagpo na nagpapalutang sa ideya at damdami ng mga eksena.

***

Nang dumalo naman si Ralston kamakailan sa Thessalonica, Greece para sa pagpapalabas ng kanyang premyadong pelikulang “Baseco Bakal Boys” tungkol sa mga kabataang namumulot ng mga bato o bakal sa dagat na madumi sa may Port Area at Malabon na puwedeng ipagbili, may eksena roon na mahahaba kabilang ang pagkuha kay Gina Pareño na halos limang minuto.

Ayon kay Jover, kung nahahabaan ang mga Filipino sa eksenang ‘yon ni Gina, mas gusto naman ng mga Pranses na mas mahaba pa roon ang kanilang mapanood sa puting tabing.

Nag-iiba talaga ang pananaw at magkakaiba ang pagtingin ng iba’t ibang tao sa iba’t ibang napapanood nila sa kapirasong katsa.

Kaya pinababayaan na lang ni Ralston ang mga feedback sa kanyang mga trabaho o sa likhang-sining ng kanyang mga direktor na gumagamit ng real time na paglalarawan sa pinilakang tabing.

***

Malapit nang ipalabas sa mga sinehang komersyal ang “Baseco Bakal Boys” kaya pansinin natin ang kahabaan ng eksena ni Gina na nagustuhan ng mga banyagang French moviegoers na malimit pagtakhan ng mga tagapag-obserba sa haba at ikli ng isang pelikula.

Ayon kay Ralston, marami nang nalibot na international film festival ang kanyang pelikula at ipinagmamalaki ito ng fashion model na si Bessie Badilla na siyang prodyuser ng pelikula.

Kahit na hindi pa nakakabawi ng kanyang puhunan si Bessie na matatandaang nagkaroon ng sigalot kay Hilda Koronel, hindi altintana ng modelo ang kanyang ginastos sa obra ni Ralston.

Para kay Badilla, okey lang na siya ay magtungo sa iba’t ibang bahagi ng mundo at magpalabas ng “Baseco Bakal Boy” dahil lagi naman siya anyang namamasyal sa maraming panig ng daigdig kaya siya na mismo ang nagdadala ng kopya ng pelikula.

***

Samantala, abala rin si Jover sa kanyang mga pagsusulat ng ibang iskrip at madidirek ng maraming gawain at ngayon nga, kung may oras lang siya ay mamimili siya ng kanyang mga kagamitan sa sarili.

Puwede ngang habulin ni Ralston ang pinakahihintay ng lahat dahil kahit na hanggang katapusan na lang ito ng buwang ito o ngayong araw na ito, ang kahulugan ng pag-ibig ay kasali pa rin sa gawaing ito.

Paano nga ba maipapadama ni Ralston ang kanyang pagmamahal sa kanyang sinisinta?

Simple lang. Maaari siyang bumili ng mga walker products na nagkakahalaga ng limandaang piso at magkakaroon na siya ng free Valentine mug-ic na puwedeng iregalo sa kanyang minamahal.

Puwede pang lumabas si Jover ngayong araw na ito at magpunta sa pinakamalapit na Robinsons,Landmark at Market! Market!

Star Patrol (for Saksi, February 28, 2010)

Boy Villasanta

Eksena ni Gina Pareño sa isang pelikula ni Ralston Jover, nag-enjoy ang mga Pranses kahit mahaba

USUNG-USO ngayong mga sandaling ito ang tinatawag na real time sa paggawa ng pelikula.

Ano ang real time sa pelikula?

Ang real time ay ang mga sandali ng pag-arte ng isang karakter sa harap ng kamera na repleksyon lang ng mga ordinaryong gawain o mga pangkaraniwang kilos ng isang tao sa loob ng isang takdang panahon habang ginagalugad nito ang emosyon at isip ng isang persona.

Ang mga filmmaker na madalas gumamit ng estilong ito ay ang magbabarkadang mga direktor na sina Jeffrey Jeturian para sa “Kubrador,” Armando Lao para sa “Biyaheng Lupa” at Brillante Mendoza para sa mga obrang “Masahista,” “Tirador,” “Foster Child,” “Serbis” at “Kinatay (The Execution of P).”

Ang mga ito ang kinikilalang mga nagsimula ng kilusang ito sa sining ng pelikula.

***

Ang real time ay nagpapahaba ng mga eksena dahil halimbawa, ang paglalakad ni Anita Linda sa pelikulang “Lola” kasama ang kanyang isang batang apo mula sa may tulay ng Quiapo hanggang sa may Jones Bridge ay walang tigil mula sa pagtanaw ng kamera at lakad lang nang lakad ang maglola samantalang maraming nakikita ang mga tao na iba’t ibang eksena sa paligid.

Ito ay isa ring uri ng real time sa pelikula.

Maraming nagsasabi na sobra na ang real time at parang wala nang makakaintindi sa proseso at lohika nito.

Pero patuloy pa ang mga mapangahas at eksperimental nating mga direktor at filmmaker sa paggawa ng mga ganitong klaseng taktika sa showbiz at nagtatagumpay kundi man sa ating bansa ay sa ibayong-dagat.

***

Hindi man maituturing na real time, ang kahabaan naman ng mga pelikula ni ni Lav Diaz mula sa “Batang Westside” hanggang sa “Ebolusyon ng Pamilyang Pilipino” hanggang sa isa sa kanyang mga bagong obra na “Encantos,” ay maituturing na eksperimental at parang epekto rin ng real time ang nangyayari.

Hindi nga ba’t maraming maiimbyerna o kaya naman ay naiimpraktikalan sa kahabaan ng mga pelikula ni Lav?

Ang sabi ng iba ay wala nang magtitiyaga sa panonood ng kanyang mga likhang-sining kung inaabot ng lima hanggang sampung oras ang running time o pagpalabas ng mga ito.

Kahit nga ang mahusay na kritikong si Justino Dormiendo, kilala rin sa tawag na Gino Dormiendo ay hindi pabor sa mahahabang pelikula ni Lav.

Gayunman, kung ang mga lokal na kritiko ay nahahabaan sa mga pelikula ni Diaz, ang mga dayuhan, kabilang ang mga Pranses ay naiiklian at gusto pa nilang mas mahaba dito.

***

Kahit na ang pinagpipitaganang kritiko at makabayang manunulat at artista na si Dr. Bienvenido Lumbera ay nagtataka sa mahabang pagtrato ng mga direktor sa real time movies.

Halimbawa ay nang manood siya ng “Foster Child” noon ni Brillante.

Nang matapos manood ay tinanong siya ani Ralston Jover, ang iskriprayter ng pelikula, ni Dr. Lumbera kung bakit inabot ng pitong minuto ang pagtitimpla ni Jiro Manio ng kape sa eksena.

Natawa lang si Jover dahil hindi naman siya ang direktor ng pelikula kundi si Dante Mendoza at tagasulat lang sila.

Para sa mga real time na pelikula, ang ganitong pagpapahaba sa mga eksena ay maraming kahulugan at dimensyon.

Maaaring hindi talaga makuha kahit ng mga intelektwal na kritiko ang ibig sabihin nito pero may makabuluhang mensahe ang mahabang mga tagpo na nagpapalutang sa ideya at damdami ng mga eksena.

***

Nang dumalo naman si Ralston kamakailan sa Thessalonica, Greece para sa pagpapalabas ng kanyang premyadong pelikulang “Baseco Bakal Boys” tungkol sa mga kabataang namumulot ng mga bato o bakal sa dagat na madumi sa may Port Area at Malabon na puwedeng ipagbili, may eksena roon na mahahaba kabilang ang pagkuha kay Gina Pareño na halos limang minuto.

Ayon kay Jover, kung nahahabaan ang mga Filipino sa eksenang ‘yon ni Gina, mas gusto naman ng mga Pranses na mas mahaba pa roon ang kanilang mapanood sa puting tabing.

Nag-iiba talaga ang pananaw at magkakaiba ang pagtingin ng iba’t ibang tao sa iba’t ibang napapanood nila sa kapirasong katsa.

Kaya pinababayaan na lang ni Ralston ang mga feedback sa kanyang mga trabaho o sa likhang-sining ng kanyang mga direktor na gumagamit ng real time na paglalarawan sa pinilakang tabing.

***

Malapit nang ipalabas sa mga sinehang komersyal ang “Baseco Bakal Boys” kaya pansinin natin ang kahabaan ng eksena ni Gina na nagustuhan ng mga banyagang French moviegoers na malimit pagtakhan ng mga tagapag-obserba sa haba at ikli ng isang pelikula.

Ayon kay Ralston, marami nang nalibot na international film festival ang kanyang pelikula at ipinagmamalaki ito ng fashion model na si Bessie Badilla na siyang prodyuser ng pelikula.

Kahit na hindi pa nakakabawi ng kanyang puhunan si Bessie na matatandaang nagkaroon ng sigalot kay Hilda Koronel, hindi altintana ng modelo ang kanyang ginastos sa obra ni Ralston.

Para kay Badilla, okey lang na siya ay magtungo sa iba’t ibang bahagi ng mundo at magpalabas ng “Baseco Bakal Boy” dahil lagi naman siya anyang namamasyal sa maraming panig ng daigdig kaya siya na mismo ang nagdadala ng kopya ng pelikula.

***

Samantala, abala rin si Jover sa kanyang mga pagsusulat ng ibang iskrip at madidirek ng maraming gawain at ngayon nga, kung may oras lang siya ay mamimili siya ng kanyang mga kagamitan sa sarili.

Puwede ngang habulin ni Ralston ang pinakahihintay ng lahat dahil kahit na hanggang katapusan na lang ito ng buwang ito o ngayong araw na ito, ang kahulugan ng pag-ibig ay kasali pa rin sa gawaing ito.

Paano nga ba maipapadama ni Ralston ang kanyang pagmamahal sa kanyang sinisinta?

Simple lang. Maaari siyang bumili ng mga walker products na nagkakahalaga ng limandaang piso at magkakaroon na siya ng free Valentine mug-ic na puwedeng iregalo sa kanyang minamahal.

Puwede pang lumabas si Jover ngayong araw na ito at magpunta sa pinakamalapit na Robinsons,Landmark at Market! Market!

No comments:

Post a Comment