Saturday, February 27, 2010

Concert ni Willie Revillame, dinumog

PATI konsyerto ni Willie Revillame ay dinudumog.

Tulad na lang nang kanyang pagtatanghal sa Mall of Asia sa Pasay City kamakailan.

Kung paniniwalaan ang sinabi ni Andrew E. sa kanyang spiel sa pagitan ng kanyang pagra-rap, isandaang libong katao ang nanood ng kanilang show.

Ayon naman sa isang security guard ng pagtitipon, humigit-kumulang sa tatlumpung libong katao ang sumaksi sa “Wowowillie meets Rockatropa (Konsyerto para sa Bayan).”

Sinabi naman ng mahusay na peryodistang pampelikula ng ABS-CBN news on line na si Reyma Buan Deveza, noong una ay nakalimampung libong manonood ang show ni Willie pero habang lumalaon ay nadadagdagan ang mga nais mamalas ang komedyanteng singer na TV host.

“More or less po, mga one hundred thousand ang tao na ito at tingnan naman po ninyo, marami pang magdaratingan,” pahayag ni Deveza.

Kasama ni Reyma ang peryodista ring pampelikula na si Ginger Conehero, ang isa sa mga Star Patroler ng “TV Patrol.”

***

Wala namang bagong kantang inawit si Revillame pero talagang mahal na mahal siya ng mga ordinaryong tao na umaga pa lang ay nasa concert grounds na ng MOA para makapuwesto nang maganda sa panonood.

Ang unang bahagi ng palatuntunan ay ang pagkanta ng mga panauhing pandangal tulad nina Andrew at Cristine Reyes at kinalaunan sa bandang gitna ay tinawag na ng mga hosts na sina Randy Santiago, Nicole Eyala, Christsuper at John Estrada ang Kembot Girls na parang Sexbomb Girls, EB Babes, D’ Bodies, Baywalk Bodies at iba pang all-female sexy group sa showbiz.

Pagkatapos ay lumabas na si Willie kaya hindi na magkangmayaw ang mga tao.

Habang kumakanta si Revillame ng mga kuwelang “Giling-Giling,” “Ikembot Mo,” “Tararan” at iba pa ay naghahagis siya ng parang jacket ng “Wowowee” sa mga tao na lalo pang nagpataas ng lagnat ng mga tagahangang hiyaw nang hiyaw at sigaw nang sigaw kay Willie.

***

Hindi pa nagkasya ay bumaba pa si Revillame sa audience na lalo pang nagpasaya sa marami.

Kumanta rin si Sarah Geronimo na talagang pinalakpakan nang husto ng mga tao.

Masang-masa talaga sina Willie at Sarah.

Naranghita ang kabuuang kulay ng paligid na kulay pulitikal.

Ang pagtatanghal ay prinodyus ni Camille Villar.

Nagtanghal din ang mga bandang Sandwich, Juan de la Cruz, Bamboo at Parokya ni Edgar na lalo pang nagpalugso ng buong concert ground.

Dumalaw din ang mga peryodistang pampelikula, ang direktor ng “Wowowee” na si Edgar Mortiz, Valerie Concepcion, Daisy Romualdez, Bentong at marami pang iba.

***

Hindi matatawaran ang panghatak sa madla ni Willie gayundin ang kanyang talento sa golf.

Mapapatunayan ito sa paglalaro nila ng aktor na si Sergio Galang.

Nakakapaglaro ang dalawa kahit na noong wala pang masyadong ginagawang pang-araw-araw na TV show si Willie at madalas siya sa Cabantuan City sa Nueva Ecija.

Magkababayan pa mandin sina Revillame at Sergio kaya madalas silang magkita.

Kamakailan naman ay solong naglaro sa Intramuros Golf Club si Galang at ito ang kanyang pamamaraan ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Maghapong nag-golf si Sergio at ayon sa kanya, ito lang ang kanyang libangan pag walang trabaho sa showbiz at sa Ninoy Aquino International Airport.

Madalas manalo si Galang sa mga torneyo ng golf, ayon sa kanyang mga kabagang na sina Manny Paksiw, Pipoy, Jr. at Freddie Roots.

***

Nakipagdiwang kami ni Art Tapalla ng isang simpleng kumpleanyo kay Galang sa Intramuros Club noong isang linggo.

Psices din pala ang zodiac sign ng aktor tulad rin nina Ramon Revilla, Sr., Arthur Quinto, Angelique Lazo at marami pang iba.

Sinabi ni Sergio na madalas din niyang makalaro sa golf sina Arnold Clavio, Vic Sotto at marami pang iba at bilib siya sa husay ng mga ito sa pagtira sa golf course.

Star Patrol (for Saksi, March 1, 2010)

Boy Villasanta

“Wowowillie meets Rockatropa (Konsyerto para sa Bayan)” ni Willie Revillame, humugos sa tao sa MOA

MULING pinatunayan ni Willie Revillame na nakaputong pa rin sa kanya ang korona ng isa sa pagiging sikat na sikat at pinipilahang aktor sa pelikula at telebisyong Filipino.

Patunay nito ang nakaraan niyang concert sa Mall of Asia sa Pasay City kamakailan.

Pumutok sa tao ang concert grounds dahil umaga pa ay marami nang nakapila sa labas ng binakuran ng mga yerong lugar para lang makapuwesto nang maganda sa pagtanghod kay Willie na kahit walang bagong kanta ay pinalakpakan para sa kanyang pagpunta roon nang personal.

Alas siyete nagbukas ang pinto ng pagtatanghal at itinaas ang mga kurtina ng palabas sa pamamagitan ng pagho-host nina Randy Santiago at John Estrada, ang mga dating co-host ni Willie sa “Magandang Tanghali, Bayan” ng ABS-CBN noon.

***

Naabutan naming kumakanta si Cristine Reyes sa harap ng sanlaksang manonood na tinataya ng isang security guard na umaabot na limampung libong tao.

Sinabi naman ni Andrew E. sa pagitan ng kanyang spiel na mga isandaang libong pipol ang pumunta pa nang personal sa MOA para lang makasama si Revillame.

Ayon naman sa peryodistang pampelikula na si Reyma Buan Deveza ng ABS-CBN news on line, kaninang may araw pa ay mga tatlumpung libong katao ang laman ng concert grounds pero habang lumalaon ay nadaragdagan ang mga tao kaya mas malamang nga anya ay pitumpu’t lima hanggang isangdaang libong tao ang sumaksi.

Orange ang kulay ng kapaligiran at pulitikal ang pintig ng gabing ‘yon.

***

Nang tawagin na nina Randy at John ang Kembot Girls, ang regular na sumasayaw sa “Wowowee” ng Channel 2, talagang parang magigiba na ang kalupaan ng MOA.

Ito na ang hudyat ng paglabas ni Willie at hindi nga naglaon ay pumanhik na sa tanghalan ang bituin at kumanta’t sumayaw.

Bukod rito ay naghagis pa ng parang jacket na mula sa “Wowowee” si Revillame sa pagitan ng kanyang pagkanta at pagsayaw.

Bumaba pa sa tanghalan ang aktor at personal na nakipagkamay sa mga tao.

Ito ang isang nakapagpapalapit kay Willie sa mga taumbayan kaya naman mahal siya ng mga ito.

Matagal na nagsayaw at umawit si Revillame na kabuntot lagi si Bentong.

***

Si Willie rin ang tumawag kay Sarah Geronimo at sa mga batang taga-Baseco at San Juan na kumanta na parang “We are the World” na pambatang bersyon at pam-Filipinong konteksto.

Popular na popular talaga sa balana si Sarah at ang kanyang talento sa pag-awit ay hindi matatawaran.

Gayundin, nagpakuwela ang mga hari at reyna ng Love Radio na sina Christsuper at Nicole Eyala bilang kahalinhinang emcee nina Santiago at Estrada.

Pati na ang mga bandang Sandwich, Parokya ni Edgar, Juan de la Cruz at Bamboo ay hindi nagpahuli sa kanilang pagrakrak.

Kulang na lang ay sina Pokwang at Mariel Rodriguez para masabing kumpleto na ang barkada ng “Wowowee” samantalang nakaitim na dumating si Valerie Concepcion na pinagkaguluhan hindi lang nina Randy at John kundi ng mga tao, lalo na.

Kinanta ni Willie ang “Ikembot Mo,” “Giling-Giling,” “Tararan” at iba pa sa kasiyahan ng kanyang mga tagahanga.

***

Kung magaling sa concert na campy si Willie ay mahusay rin siya sa golf.

Mapapatunayan ito sa paglalaro nila ng aktor na si Sergio Galang.

Nakakapaglaro ang dalawa kahit na noong wala pang masyadong ginagawang pang-araw-araw na TV show si Willie at madalas siya sa Cabantuan City sa Nueva Ecija.

Magkababayan pa mandin sina Revillame at Sergio kaya madalas silang magkita.

Kamakailan naman ay solong naglaro sa Intramuros Golf Club si Galang at ito ang kanyang pamamaraan ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Maghapong nag-golf si Sergio at ayon sa kanya, ito lang ang kanyang libangan pag walang trabaho sa showbiz at sa Ninoy Aquino International Airport.

Madalas manalo si Galang sa mga torneyo ng golf, ayon sa kanyang mga kabagang na sina Manny Paksiw, Pipoy, Jr. at Freddie Roots.

***

Nakipagdiwang kami ni Art Tapalla ng isang simpleng kumpleanyo kay Galang sa Intramuros Club noong isang linggo.

Psices din pala ang zodiac sign ng aktor tulad rin nina Ramon Revilla, Sr., Arthur Quinto, Angelique Lazo at marami pang iba.

Sinabi ni Sergio na madalas din niyang makalaro sa golf sina Arnold Clavio, Vic Sotto at marami pang iba at bilib siya sa husay ng mga ito sa pagtira sa golf course.

Thursday, February 25, 2010

Habang nahahabaan ang mga Filipino sa eksena ni Gina Pareño, naiiklian naman dito ang mga Pranses

SA estilo ng mga independent o indie filmmaker, lalo na sa tinatawag na real time na pagganap at pagkuha sa eksena, na pinauso ng mga tulad nina Jeffrey Jeturian, Armando Lao at Brillante Mendoza, ang pagpapahaba sa mga tagpo ay karaniwan nang napapanood sa kanilang mga pelikula tulad ng “Kubrador” ni Jeffrey, “Biyaheng Lupa” ni Armando at ng maraming pelikula ni Brillante tulad ng “Masahista,” “Foster Child,” “Tirador,” “Serbis” at “Kinatay (The Execution of P).”

Lalo naman ang mga filmmaker na tulad nina Lav Diaz o kaya’y Khavn de la Cruz na talagang kung kailangang habaan ay hahabaan nila ang kanilang mga pelikula kahit na umabot ng ilang oras.

Saksi tayo sa pagpapahaba ni Lav ng kanyang mga obra tulad ng “Westside Story” o “Ebolusyon ng Pamilyang Pilipino” o ang mga huli na niyang pelikula tulad ng “Encantos.”

***

Marami sa ating mga Filipino ang hindi sanay o nasosora nga sa haba ng pelikula kaya naman hindi nila makasanayan ang mga likhang-sining ng mga Jeturian, Lao, Mendoza, Diaz o de la Cruz.

Kahit nga ang karamihan sa mga taga-showbiz mismo ay hindi masakyan ang kahabaan ng mga ginagawa ni Lav.

Maging ang mga kritiko tulad ni Justino Dormiendo ay hindi matagalan at inaari niyang wala nang lohika o kaya ay katinuan ang mahahabang pelikula na umaabot ng lima hanggang pitong oras.

Kuwento nga ni Ralston Jover, ang nagsulat ng mga dulang pampelikula na “Kubrador,” “Tirador” at “Foster Child,” nang mapanood ni Dr. Bienvenido Lumbera ang “Foster Child” ay nagwika ito sa kanya na “Ralston, bakit naman umabot ng pitong minuto ang pagtitimpla ng kape ni Jiro Manio sa ‘Foster Child’?’”

Natawa lang si Jover dahil hindi naman siya ang direktor ng pelikula kundi si Dante Mendoza at tagasulat lang sila.

Para sa mga real time na pelikula, ang ganitong pagpapahaba sa mga eksena ay maraming kahulugan at dimensyon.

Maaaring hindi talaga makuha kahit ng mga intelektwal na kritiko ang ibig sabihin nito pero may makabuluhang mensahe ang mahabang mga tagpo na nagpapalutang sa ideya at damdami ng mga eksena.

***

Nang dumalo naman si Ralston kamakailan sa Thessalonica, Greece para sa pagpapalabas ng kanyang premyadong pelikulang “Baseco Bakal Boys” tungkol sa mga kabataang namumulot ng mga bato o bakal sa dagat na madumi sa may Port Area at Malabon na puwedeng ipagbili, may eksena roon na mahahaba kabilang ang pagkuha kay Gina Pareño na halos limang minuto.

Ayon kay Jover, kung nahahabaan ang mga Filipino sa eksenang ‘yon ni Gina, mas gusto naman ng mga Pranses na mas mahaba pa roon ang kanilang mapanood sa puting tabing.

Nag-iiba talaga ang pananaw at magkakaiba ang pagtingin ng iba’t ibang tao sa iba’t ibang napapanood nila sa kapirasong katsa.

Kaya pinababayaan na lang ni Ralston ang mga feedback sa kanyang mga trabaho o sa likhang-sining ng kanyang mga direktor na gumagamit ng real time na paglalarawan sa pinilakang tabing.

***

Malapit nang ipalabas sa mga sinehang komersyal ang “Baseco Bakal Boys” kaya pansinin natin ang kahabaan ng eksena ni Gina na nagustuhan ng mga banyagang French moviegoers na malimit pagtakhan ng mga tagapag-obserba sa haba at ikli ng isang pelikula.

Ayon kay Ralston, marami nang nalibot na international film festival ang kanyang pelikula at ipinagmamalaki ito ng fashion model na si Bessie Badilla na siyang prodyuser ng pelikula.

Kahit na hindi pa nakakabawi ng kanyang puhunan si Bessie na matatandaang nagkaroon ng sigalot kay Hilda Koronel, hindi altintana ng modelo ang kanyang ginastos sa obra ni Ralston.

Para kay Badilla, okey lang na siya ay magtungo sa iba’t ibang bahagi ng mundo at magpalabas ng “Baseco Bakal Boy” dahil lagi naman siya anyang namamasyal sa maraming panig ng daigdig kaya siya na mismo ang nagdadala ng kopya ng pelikula.

***

Samantala, abala rin si Jover sa kanyang mga pagsusulat ng ibang iskrip at madidirek ng maraming gawain at ngayon nga, kung may oras lang siya ay mamimili siya ng kanyang mga kagamitan sa sarili.

Puwede ngang habulin ni Ralston ang pinakahihintay ng lahat dahil kahit na hanggang katapusan na lang ito ng buwang ito o ngayong araw na ito, ang kahulugan ng pag-ibig ay kasali pa rin sa gawaing ito.

Paano nga ba maipapadama ni Ralston ang kanyang pagmamahal sa kanyang sinisinta?

Simple lang. Maaari siyang bumili ng mga walker products na nagkakahalaga ng limandaang piso at magkakaroon na siya ng free Valentine mug-ic na puwedeng iregalo sa kanyang minamahal.

Puwede pang lumabas si Jover ngayong araw na ito at magpunta sa pinakamalapit na Robinsons,Landmark at Market! Market!

Star Patrol (for Saksi, February 28, 2010)

Boy Villasanta

Eksena ni Gina Pareño sa isang pelikula ni Ralston Jover, nag-enjoy ang mga Pranses kahit mahaba

USUNG-USO ngayong mga sandaling ito ang tinatawag na real time sa paggawa ng pelikula.

Ano ang real time sa pelikula?

Ang real time ay ang mga sandali ng pag-arte ng isang karakter sa harap ng kamera na repleksyon lang ng mga ordinaryong gawain o mga pangkaraniwang kilos ng isang tao sa loob ng isang takdang panahon habang ginagalugad nito ang emosyon at isip ng isang persona.

Ang mga filmmaker na madalas gumamit ng estilong ito ay ang magbabarkadang mga direktor na sina Jeffrey Jeturian para sa “Kubrador,” Armando Lao para sa “Biyaheng Lupa” at Brillante Mendoza para sa mga obrang “Masahista,” “Tirador,” “Foster Child,” “Serbis” at “Kinatay (The Execution of P).”

Ang mga ito ang kinikilalang mga nagsimula ng kilusang ito sa sining ng pelikula.

***

Ang real time ay nagpapahaba ng mga eksena dahil halimbawa, ang paglalakad ni Anita Linda sa pelikulang “Lola” kasama ang kanyang isang batang apo mula sa may tulay ng Quiapo hanggang sa may Jones Bridge ay walang tigil mula sa pagtanaw ng kamera at lakad lang nang lakad ang maglola samantalang maraming nakikita ang mga tao na iba’t ibang eksena sa paligid.

Ito ay isa ring uri ng real time sa pelikula.

Maraming nagsasabi na sobra na ang real time at parang wala nang makakaintindi sa proseso at lohika nito.

Pero patuloy pa ang mga mapangahas at eksperimental nating mga direktor at filmmaker sa paggawa ng mga ganitong klaseng taktika sa showbiz at nagtatagumpay kundi man sa ating bansa ay sa ibayong-dagat.

***

Hindi man maituturing na real time, ang kahabaan naman ng mga pelikula ni ni Lav Diaz mula sa “Batang Westside” hanggang sa “Ebolusyon ng Pamilyang Pilipino” hanggang sa isa sa kanyang mga bagong obra na “Encantos,” ay maituturing na eksperimental at parang epekto rin ng real time ang nangyayari.

Hindi nga ba’t maraming maiimbyerna o kaya naman ay naiimpraktikalan sa kahabaan ng mga pelikula ni Lav?

Ang sabi ng iba ay wala nang magtitiyaga sa panonood ng kanyang mga likhang-sining kung inaabot ng lima hanggang sampung oras ang running time o pagpalabas ng mga ito.

Kahit nga ang mahusay na kritikong si Justino Dormiendo, kilala rin sa tawag na Gino Dormiendo ay hindi pabor sa mahahabang pelikula ni Lav.

Gayunman, kung ang mga lokal na kritiko ay nahahabaan sa mga pelikula ni Diaz, ang mga dayuhan, kabilang ang mga Pranses ay naiiklian at gusto pa nilang mas mahaba dito.

***

Kahit na ang pinagpipitaganang kritiko at makabayang manunulat at artista na si Dr. Bienvenido Lumbera ay nagtataka sa mahabang pagtrato ng mga direktor sa real time movies.

Halimbawa ay nang manood siya ng “Foster Child” noon ni Brillante.

Nang matapos manood ay tinanong siya ani Ralston Jover, ang iskriprayter ng pelikula, ni Dr. Lumbera kung bakit inabot ng pitong minuto ang pagtitimpla ni Jiro Manio ng kape sa eksena.

Natawa lang si Jover dahil hindi naman siya ang direktor ng pelikula kundi si Dante Mendoza at tagasulat lang sila.

Para sa mga real time na pelikula, ang ganitong pagpapahaba sa mga eksena ay maraming kahulugan at dimensyon.

Maaaring hindi talaga makuha kahit ng mga intelektwal na kritiko ang ibig sabihin nito pero may makabuluhang mensahe ang mahabang mga tagpo na nagpapalutang sa ideya at damdami ng mga eksena.

***

Nang dumalo naman si Ralston kamakailan sa Thessalonica, Greece para sa pagpapalabas ng kanyang premyadong pelikulang “Baseco Bakal Boys” tungkol sa mga kabataang namumulot ng mga bato o bakal sa dagat na madumi sa may Port Area at Malabon na puwedeng ipagbili, may eksena roon na mahahaba kabilang ang pagkuha kay Gina Pareño na halos limang minuto.

Ayon kay Jover, kung nahahabaan ang mga Filipino sa eksenang ‘yon ni Gina, mas gusto naman ng mga Pranses na mas mahaba pa roon ang kanilang mapanood sa puting tabing.

Nag-iiba talaga ang pananaw at magkakaiba ang pagtingin ng iba’t ibang tao sa iba’t ibang napapanood nila sa kapirasong katsa.

Kaya pinababayaan na lang ni Ralston ang mga feedback sa kanyang mga trabaho o sa likhang-sining ng kanyang mga direktor na gumagamit ng real time na paglalarawan sa pinilakang tabing.

***

Malapit nang ipalabas sa mga sinehang komersyal ang “Baseco Bakal Boys” kaya pansinin natin ang kahabaan ng eksena ni Gina na nagustuhan ng mga banyagang French moviegoers na malimit pagtakhan ng mga tagapag-obserba sa haba at ikli ng isang pelikula.

Ayon kay Ralston, marami nang nalibot na international film festival ang kanyang pelikula at ipinagmamalaki ito ng fashion model na si Bessie Badilla na siyang prodyuser ng pelikula.

Kahit na hindi pa nakakabawi ng kanyang puhunan si Bessie na matatandaang nagkaroon ng sigalot kay Hilda Koronel, hindi altintana ng modelo ang kanyang ginastos sa obra ni Ralston.

Para kay Badilla, okey lang na siya ay magtungo sa iba’t ibang bahagi ng mundo at magpalabas ng “Baseco Bakal Boy” dahil lagi naman siya anyang namamasyal sa maraming panig ng daigdig kaya siya na mismo ang nagdadala ng kopya ng pelikula.

***

Samantala, abala rin si Jover sa kanyang mga pagsusulat ng ibang iskrip at madidirek ng maraming gawain at ngayon nga, kung may oras lang siya ay mamimili siya ng kanyang mga kagamitan sa sarili.

Puwede ngang habulin ni Ralston ang pinakahihintay ng lahat dahil kahit na hanggang katapusan na lang ito ng buwang ito o ngayong araw na ito, ang kahulugan ng pag-ibig ay kasali pa rin sa gawaing ito.

Paano nga ba maipapadama ni Ralston ang kanyang pagmamahal sa kanyang sinisinta?

Simple lang. Maaari siyang bumili ng mga walker products na nagkakahalaga ng limandaang piso at magkakaroon na siya ng free Valentine mug-ic na puwedeng iregalo sa kanyang minamahal.

Puwede pang lumabas si Jover ngayong araw na ito at magpunta sa pinakamalapit na Robinsons,Landmark at Market! Market!

Tuesday, February 23, 2010

Hindi naman produ… Rafael Rosell, naglabas ng pera para para mai-book ang sariling pelikula

SA tindi talaga ng kompetisyon sa lahat halos ng larangan ng buhay sa lipunang ito, nakakaisip ang bawat isa, sa loob at labas ng showbiz, ng mga paraan para maitaguyod ang kanilang mga opisyo upang mapagkakitaan ang isang bagay na pinuhunanan hindi ng kapitalista kundi ng mga manggagawa mismo para mabuo ang isang proyekto.

Tulad na lang ng paggawa ni Rafael Rosell ng pelikulang “Tulak” ng Exogain Productions.

Siya ang bida sa pelikulang ito bilang isang sugapa sa droga sa direksyon ni Neal “Buboy” Tan.

“Pero honorarium lang ang bayad sa mga artista rito,” pahayag ni Maria Isabel Lopez na siyang line producer ng obra.

“Kaya nakaisip kami ng paraan para makabayad kami sa mga artista ng malaki-laki at nang tama lang sa kanilang talent fee. Nagbuo kami ng mga grupo para maipalabas ang pelikula sa mga sinehan at ang bawat isa ay magkakaparte,” paliwanag ni Maria Isabel.

***

Kaya naglabas si Rafael ng pera, nag-ambag siya ng halaga sa samahan nila nina Maribel, Ynez Veneracion, Liz Alindogan, Fanny Serrano, Natalie Palanca, Rustica Carpio, Julio Diaz at marami pang iba.

Kasi naman ay kailangang magbayad sila ng sinehan na pagtatanghalan ng kanilang trabaho.

At hindi lang naman P1,000.00 ang bayad sa sinehan kundi halimbawa’y P25,000.00 kada screening time.

Ang tawag dito ay blocked screening.

Inilalaan ng may-ari ng sinehan, halimbawa’y SM Megamall at ang mga SM Cinemas na bakante o kaya’y hindi napagpapalabasan ng pelikula dahil hindi na nga kumikita nang gano’n kalaki ang mga sine natin nang dahil sa piracy at sa kompetisyon mula sa mga Hollywood o European o Asian movies.

Nakiambag sina Rosell para makalikom ng pambayad sa sinehan dahil hindi na sagutin ito ng prodyuser kundi bibigyan pa nila ng posyento sa kita ang namuhunan ng pelikula.

***

Kaya sa ika-12 ng Marso, 2010, sa ganap na ikapito ng gabi ay idaraos ang pagtatanghal ng “Tulak” sa Cinema 10 ng Megamall at nagbebenta sina Rafael ng mga tiket.

P250.00 ang presyo ng isang tiket at lamang sa ordinaryong halaga nito kung bibilhin ng ordinaryong manonood sa box-office ng sinehan dahil mas mababa rito ang ticket price halimbawa’y P150.00 sa Gateway o sa Glorietta o sa SM o sa Robinsons o mas mababa halimbawa sa Remar, sa Dilson, sa Vista at iba pang sinehang wala sa mall na bukas pa.

May mga nakuhang sponsor din sina Rafael tulad ng Distileria Limtuaco, White Castle, Bench, hbc Exclusive, Pagcor at iba pa.

Kaya bukod sa benta ng tiket ay may sigurado na silang pasok ng pera sa pelikula.

Negosyo rin ito at sa isang klase ng komersyo.

Gayunman, ibang usapin din ang kasiningan o kaartehan ng pelikula dahil ilalapat naman dito ang mga pilosopiya o teoriya ng pagbasa o pag-aanalisa sa pelikula bilang komersyo at sining.

***

Maligayang Kaarawan ngayong araw na ito kay Angelique Lazo na namamayagpag din sa TV broadcasting.

Marami ang nagtatanong kung nasaan na si Angelique pero nakapagtataka na magtatanong sila ng gano’n samantalang nand’yan lang siya sa pali-paligid.

Porke ba wala siya sa ABS-CBN na siyang nagpasikat sa kanya sa pamamagitan din ng kanyang sariling talento o kaya ay wala na siya sa GMA Network kung saan siya ay nagtrabaho rin o kaya naman ay umalis na siya sa Radio Philippines Network Channel 9 ay wala na siya.

Nand’yan siya sa Nation Broadcasting Network Channel 4 sa “Telediyaryo” na isa ring news cast at istasyon din ng telebisyon kaya paano masasabi o maitatanong kung nasaan na siya.

Dahil hindi lang naman Channel 2 o Channel 7 o Channel 5 o Channel 13 at iba pa ang himpilan ng TV dahil pagkarami-rami nila at sa usapin ng tunggalian sa komunikasyon, kasama si Lazo sa mga nilalaman ng tagisan.

Star Patrol (for Saksi, February 26, 2010)

Boy Villasanta

Di naman siya producer…

Gumastos si Rafael Rosell para lang maipalabas ang sarili niyang pelikula

KUNG noong una ay mas madalas na ang prodyuser lang ang naglalabas ng pera para sa marketing at booking ng kanyang pelikula o manaka-nakang nakikipagsosyo ang mga iba pang nagtrabaho o nagtatrabaho sa produksyon o kahit ang mga nais lang makisosyo, ngayong matindi ang kompetisyon at mababa na ang halaga ng pera samantalang tumataas ang mga presyo ng lahat ng bagay, nag-iisp ang mga artista ng iba pang paraan para kumita.

Sa panahon ng digital filmmaking na halos lahat ay puwedeng gumawa ng pelikula, may paraan na para mabawi ng mga artista ang mababang bayad sa kanila sa independent filmmaking o kahit na sa sinasabing studio filmmaking.

Tulad na lamang ng ginawa ng grupo nina Rafael Rosell para sa kanyang pelikulang “Tulak” ng Exogain Productions.

Bida si Rafael sa pelikula kasama ang mga batikang sina Fanny Serrano, Julio Diaz, Lyka Ugarte, Rustica Carpio, Natalie Palanca, John Regala, Maria Isabel Lopez, Mon Confiado, Ynez Veneracion at marami pang iba.

Pero mababa lang ang ibinayad sa kanila dahil maliit lang ang kapital ng namuhunan nito.

***

Kailangang makabawi man lang kahit na paano si Rosell para sulit ang kanyang pagod sa paggawa nito.

Ang ginawa niya ay nakipagsama-sama sa kanyang mga kabituin at nagbuo ng komite para maipalabas muli sa sinehan ang kanilang trabaho.

Bagamat ito ay ginagawa na rin kahit noon pa, mas masigasig ang mga artista sa pagnenegosyo ng kanilang parte sa pelikula sa gitna ng isang masalimuot na relasyong komersyo na prinsipyo na ng kahit noon pa sa larangan ng pamumuhunan at pagtubo.

Nag-ambagan sina Rafael para may pambayad sila ng sinehan dahil hindi na ito isasabalikat pa ng producer dahil gumastos na siya noon at kailangan din niyang madagdagan pa ang kanyang kita.

Nag-ambagan din sina Rosell sa pagpapaimprenta ng tiket at iba pang gastusin tulad ng pamasahe, panggasolina, pangmeryenda at iba.

***

Inilaan ng petsa ng pagtatanghal ng “Tulak” sa ika-12 ng Marso, 2010 sa Cinema 10 ng SM Megamall.

Hindi basta-basta ang bayad sa SM Cinema kahit na sabihing hindi na ngayon masyadong kumikita ang mga pelikula, lokal man o dayuhan, lalo na pag walang malaking makinarya ng publisidad o hindi sumasakay sa nakagisnan nang pag-iisip ng mga tao tungkol sa pelikula halimbawa’y ang ideyang libangan at dibersyon lang ang pelikula at kung impormasyon man ang layon nito ay hindi namamalayan.

Ayon kay Maria Isabel, kailangang magkaisa ang mga artista sa sariling pamamaraan ng mga ito para mas kumita pa kaysa sa pabarya-barya lalo na sa tinatawag na digital filmmaking o independent filmmaking.

“Honorarium lang ang bayad sa mga artista rito,” pahayag ni Maria Isabel na siyang line producer ng obra.

“Kaya nakaisip kami ng paraan para makabayad kami sa mga artista ng malaki-laki at nang tama lang sa kanilang talent fee. Nagbuo kami ng mga grupo para maipalabas ang pelikula sa mga sinehan at ang bawat isa ay magkakaparte,” paliwanag ni Maribel.

***

At hindi lang naman P1,000.00 ang bayad sa sinehan kundi halimbawa’y P25,000.00 kada screening time.

Ang tawag dito ay blocked screening.

Inilalaan ng may-ari ng sinehan, halimbawa’y SM Megamall at ang mga SM Cinemas na bakante o kaya’y hindi napagpapalabasan ng pelikula dahil hindi na nga kumikita nang gano’n kalaki ang mga sine natin nang dahil sa piracy at sa kompetisyon mula sa mga Hollywood o European o Asian movies.

P250.00 ang presyo ng isang tiket at lamang sa ordinaryong halaga nito kung bibilhin ng ordinaryong manonood sa box-office ng sinehan dahil mas mababa rito ang ticket price halimbawa’y P150.00 sa Gateway o sa Glorietta o sa SM o sa Robinsons o mas mababa halimbawa sa Remar, sa Dilson, sa Vista at iba pang sinehang wala sa mall na bukas pa.

May mga nakuhang sponsor din sina Rafael tulad ng Distileria Limtuaco, White Castle, Bench, hbc Exclusive, Pagcor at iba pa.

Kaya bukod sa benta ng tiket ay may sigurado na silang pasok ng pera sa pelikula.

Negosyo rin ito at sa isang klase ng komersyo.

Gayunman, ibang usapin din ang kasiningan o kaartehan ng pelikula dahil ilalapat naman dito ang mga pilosopiya o teoriya ng pagbasa o pag-aanalisa sa pelikula bilang komersyo at sining.

***

Maligayang Kaarawan ngayong araw na ito kay Angelique Lazo na namamayagpag din sa TV broadcasting.

Marami ang nagtatanong kung nasaan na si Angelique pero nakapagtataka na magtatanong sila ng gano’n samantalang nand’yan lang siya sa pali-paligid.

Porke ba wala siya sa ABS-CBN na siyang nagpasikat sa kanya sa pamamagitan din ng kanyang sariling talento o kaya ay wala na siya sa GMA Network kung saan siya ay nagtrabaho rin o kaya naman ay umalis na siya sa Radio Philippines Network Channel 9 ay wala na siya.

Nand’yan siya sa Nation Broadcasting Network Channel 4 sa “Telediyaryo” na isa ring news cast at istasyon din ng telebisyon kaya paano masasabi o maitatanong kung nasaan na siya.

Dahil hindi lang naman Channel 2 o Channel 7 o Channel 5 o Channel 13 at iba pa ang himpilan ng TV dahil pagkarami-rami nila at sa usapin ng tunggalian sa komunikasyon, kasama si Lazo sa mga nilalaman ng tagisan.

Boy Villasanta (for Bomba, February 27, 2010)

Umalma ang kampo ng Center for the Arts Foundation kontra kapatid ni Lea Salonga

PATULOY ang maalingasngas na tunggalian sa pagitan ng Center for the Arts Foundation na pinangunguluhan ni Jerome Vinarao at ng kampo ni Lea Salonga.

Ito ay mula nang mag-isyu si Jerome ng talbog na tseke kay Lea bilang prodyuser ng concert na “Echoes of Dreams” na itinanghal sa Araneta Colsieum noong ika-30 ng Nobyembre, 2009.

Kahit na noong nakaraang taon pa ito ay ngayon lang lumabas ang mainit na istorya nang magsulat si Lea sa kanyang Facebook ng mga nangyari sa palabas na ‘yon.

Sa panayam kay Sheilla Habab, kapatid na ampon nina Lea at Gerard Salonga, siya ay hindi ang pangkalahatang Production Manager ng pagtatanghal kundi siya ay Production Manager sa teknikal na mga bahagi ng show.

***

Isang pagtatanghal ng mga marginalized group sa lipunang Filipino ang “Echoes of Dreams” na si Salonga ang panauhing pandangal.

Ang concert ay tinampukan ng mga kabataang autistic, special children, rehabilitatet drug addicts, battered women at iba pang hindi tinatanggap nang lubusan sa ating lipunang ipokrito at mapangmata.

Naniwala si Lea sa mga adhikain ng show kaya naman pumayag siya na makasali rito pero anya’y babayaran siya ng P300,000.00 bukod pa sa kapatid niya si Lea na kasali sa show.

Nabayaran nang cash si Lea sa halagang P100,000.00 sa gabi mismo ng pagtatanghal pero ang kabuuang P200,000.00 ay idinaan ni Jerome sa paggamit ng tseke ng kanyang ina pero siya naman ang nakapirma.

Sinabi ni Sheilla na kahit na nagti-text o tumatawag noon si Jerome sa kanya para sabihin na huwag munang ideposito ang tseke sa bangko ay sinabi niyang nailagay na ito ni Ligaya Salonga, ina ni Lea sa bangko at nang araw na iki-clear na ito, December 5, 2009, bad check na ito dahil closed account na.

Pero ayon kay Habab, ano ang kanyang magagawa kung naideposit na ni Ligaya ang tseke.

***

Sa panayam namin kay Sheilla, sinabi niyang may pagkukulang nga siya sa produksyon pero marami ring dapat panagutan si Jerome.

Napasakamay nga niya ang P200,000.00 pero nagbayad anya siya ng mga supplier at kulang pa ang perang ‘yan sa mga naghahabol sa kanya.

Ayon kay Habab, ni hindi man lang humihingi ng paumanhin sina Vinarao kay Lea at sa iba pang pinagkakautangan ng mga ito.

Idinagdag ni Sheilla na tutulong nga siya sa marketing ng show pero marami nang naging hindi inaasahang kaganapan kabilang na ang paghagupot ni Ondoy noong Setyembre.

***

Narito ang liham o reaksyon ni Blanche Vinarao, kapatid ni Jerome, nagpakilala rin na Blanche Dellera, kaugnay sa lumabas na istorya sa ABS-CBN news on line kamakailan na sinulat namin para sa webcast na ito. Ang ibang kataga ay binago namin dahil sa batas ng balarila sa Filipino at Ingles:

“Good afternoon! I am writing to comment the write up you posted regarding "Echoes of Dreams." I am Blanche Dellera, sister of Jerome Vinarao and the stage manager of Center for Arts. When Iwas reading your article, I can’t help but cry over what lies Sheilla Habab said. She became the Production Manager of that event because she made us believe that she would be able to help us since the show is for a cause. She told us that all the products that Lea Salonga was endorsing would sponsor the show. Siya na daw bahala.

“Pero natapos at natapos ang show, wala ni isa siyang naipasok. Yes, the show was a flop and it was all because of Ms. Habab. Since she was the Production Manager, it’s her responsibility to get the lowest quotation from suppliers but she got the most expensive ones. Wala siya pakialam kung mahal o hindi.

“Alam din niya na ang 1 million na check na sinasabi niya na ibinigay
ng Fusion Excel ay pakita na lang dahil ahead of time ay naibigay na iyun
in staggard form. Alam niya na ‘yun ang ginamit para matuloy ang show since walang sponsor na pumasok dahil nga sa Ondoy. Sinabi din namin sa kanya na baka magkaproblem sa 500,000 na talent fee ni Lea kaya kung puwede ay babaan. At naging 300,000 nga.

“Actually, we were disappointed kasi biro mo, 4 songs lang ‘yun at that amount and to think na benefit show ‘yun. Lea didn’t even dress up for the show. Parang pumunta lang sa simbahan. Hindi man lang nag-ayos. Also, kasalanan lahat ni Sheilla kasi nu’ng humihingi kami ng contract, she said, hindi na need.

“Hindi pa nga din siya nag-liquidate ng lahat ng expenses niya hanggang ngayon at saan napunta ‘yung 300,000 na binigay sa kanya ni Jerome on the day of the show. We were contacting her regarding the check but she didn’t answer our calls. Natakot kasi ‘yan dahil trinaydor niya kami. Alam niya ang totoo. Nagmamalinis siya sa paningin ng lahat pero siya ang may kasalanan ng lahat. Alam niya na flop ang show. Hindi namin tatalikuran ‘yan. We will pay them.

“Kaya dapat tumigil na sila sa lahat ng lies na sinasabi nila. Magpakatotoo ka, Sheilla! Kami po ay handa magharap-harap anytime. Foundation lang po kami at naaapektuhan po kami. Sana po maging patas kayo. Thank you.”

Star Patrol (for Saksi, February 27, 2010)

Boy Villasanta

Kampo ng Center for the Arts Fondation, umalma sa kapatid na ampon ni Lea Salonga

HINDI nagsawalang-kibo ang kampo ni Jerome Vinarao, ang presidente ng

Center for the Arts Foundation na kanyang pinangunguluhan kaungay sa nga pahayag ng kampo ni Lea Salonga na nag-ugat sa pag-iisyu ni Jerome ng talbog na tseke sa international star.

Si Lea, matatandaan ng marami, ang espesyal na panauhin ng concert na “Echoes of Dreams” na ginanap sa Araneta Coliseum noong ika-30 ng Nobyembre, 2009.

Kahit na noong isang taon pa ito nangyari, mahalagang balita ito sa larangan ng ating buhay dahil ito ay nakakaapekto sa ating lahat sa usapin ng produksyon, pagbabayad sa serbisyo ng kahit na sino sa loob at labas ng showbiz at marami pang mahahalagang at napapanahong pagtakalay sa kahalagahan n gating buhay sa lipunang ito.

Kahit na noong Disyembre pa naka-post sa Facebook ni Lea ang mga naganap sa kanya ay napapanahon pa rin itong balita hindi lang sa showbiz kundi sa lahat ng sangay ng buhay.