SAYANG at hindi nakarating ang premyadong mandudulang pampelikula na si Boots Agbayani-Pastor sa kaarawan ng 2009 Cannes Palm d’Or Best Director na si Brillante Mendoza kamakailan.
May sakit kasi si Boots at kailangang magpahinga.
Ayon sa kanyang mga kaibigan, dalawang araw pa bago magdiwang ng kumpleanyo si Brillante, kilala rin sa tawag na Dante Mendoza, nananakit na ang mga kasu-kasuan ni Agbayani-Pastor.
Isang araw naman bago ang kaarawan ng direktor, nanginginig naman siya nang dahil sa lagnat.
Hindi nga nakapasok si Boots sa kanyang trabaho sa palimbagan nina Jun Matias at Richard Reynante dahil sa karamdaman.
Ang akala niya ayon sa kanyang mga kaibigan ay gagaling siya kinabukasan para makadalo sa mahalagang araw ng kaibigan at katrabaho pero nagpatuloy ang masamang pakiramdam ng scriptwriter ng mahahalagang pelikula ni Mendoza na “Kaleldo,” “Serbis,” “Pantasya” at ngayon ay ang bagong obra ng direktor.
***
Ang usapan nina Boots at Lynda Casimiro, isa pang premyadong mandudulang pampelikula ni Brillante para sa “Lola,” ay magsasama silang dumatal sa birthday party ni Dante pero hindi na nga natuloy dahil ayon kay Lynda ay tumawag sa kanya si Agbayani-Pastor at humihingi ng despensa na hindi siya makakadalo sa piging dahil masama pa ang kanyang pakiramdam.
“Pinagpapawisan daw siya ng malamig at nanginginig siya. Naku, trangkaso na ‘yan, ‘kako. Kaya nga sabi ko’y magpahinga na lang muna siya,” pahayag ni Lynda.
Siyanga pala, ang baybay ng pangalan ni Lynda ay Lynda Casimiro at hindi Linda Casimiro na nakatala sa poster ads at mga pahatid-balita ng “Lola.”
Kaya nga’t tinawagan kami ni Casimiro at sinabing hindi makakarating si Boots sa pasinaya kaya kami na lang ang sasama sa kanya.
***
Bihirang dumalo sa mga pagtitipon si Lynda hindi dahil antisocial siya kundi marami siyang ginagawa pero hindi niya mapahindian si Brillante.
Kaya nagkita kami sa Quezon Avenue MRT ng Biyernes na gabing mauling-maulan.
Sa maikling salita, nakarating kami sa garden ni Brillante sa Busilak Street sa Mandaluyong City.
Walang kaulan-ulan ng mga sandaling ‘yon sa bahaging ‘yon ng Metro Manila.
Itinanong ni Dante kung nasaan si Boots at sinabi nga ni Lynda ang katotohanan.
Dapat nga ani Brillante ay may miting sila ni Boots pero nakansela nga nang dahil sa masama nitong pakiramdam.
***
Ang birthday party ni Dante ay handog niya sa kanyang sarili at sa mga taong nagpapahalaga sa kanyang trabaho at personal na pakikibaka.
Ang pananalo niya sa ika-8 Rome Asian Film Festival sa Rome, Italy noong July 18, 2010 ay pa-birthday sa kanya ng mga nagmamahal.
Malaking handog nga naman ito sa isang alagad ng sining na nagpapahalaga sa makatao, makabayan, makadiyos na adhikain para sa lipunang Filipino.
Alam ba ninyo na sabi ni Lynda ay ang tawag kay Brillante ng mga European at mga taga-Italy ay Shining Brillante.
Hindi nga ba’t ang brilyante ay isang uri ng bato na kumikining at makintab kaya naiwangis ito ng mga Italyano sa katauhan at kapropesyunalan ng isang tao.
Star Patrol (for Saksi, August 2, 2010)
Boy Villasanta
Scriptwriter ni Brillante Mendoza, hinanap sa birthday party ng international director
SINO ba naman ang hindi makakakilala sa pangalang Boots Agbayani-Pastor?
Si Boots Agbayani-Pastor na isang premyadong mandudulang pampelikula.
Si Boots Agbayani-Pastor na produkto ng kauna-unahang libreng scriptwriting workshop ni Ricardo Lee, kilala rin sa tawag na Ricky Lee, noong 1981.
Si Boots Agbayani-Pastor na isa sa mga galamay ng publikasyon ng mga manunulat na sina Jun Matias at Richard Reynante.
Si Boots Agbayani-Pastor na may ginagawang pelikula ngayon para kay Brillante Mendoza, isang pelikulang mahalaga para sa bawat Filipino.
Si Boots Agbayani-Pastor na scripwriter lagi ni Brillante para sa mga premyadong “Kaleldo,” “Serbis,” “Pantasya” at iba pa.
May sakit si Boots ngayon kaya hindi siya nakadalo sa kaarawan ni Brillante, kilala rin sa tawag na Dante Mendoza.
***
Mga ilang oras bago ang pasinaya ni Dante ay tumawag sa aming cellphone ang isa pang scriptwriter ni Mendoza na si Lynda Casimiro.
Lynda Casimiro po ang baybay ng pangalan ni Lynda at hindi Linda Casimiro na lumabas sa poster ads ng “Lola,” ang kauna-unahang dulang pampelikulang sinulat niya na idinirek at sanhi ng mga premyo at gantimpala ni Mendoza sa iba’t ibang award-giving bodies sa bansa kamakailan.
May sakit nga ani Casimiro ni Boots na disin sana’y siya niyang makakasama sa pagtungo sa birthday party ni Dante.
Kaya nga kami na lang ang nais sumama ni Lynda sa kanya.
Hindi masyadong nag-a-attend ng mga piging si Casimiro hindi dahil sa siya’y antisocial kundi marami siyang ginagawang pananaliksik at trabaho sa malakihaing gawain.
Kaya lang ay personal pang inasikaso ni Brillante ang paanyaya sa mga imbitado.
Sa katunayan, isang buwan pa bago ang kanyang kaarawan ay nagpadala na siya ng mga imbitasyon sa mga kinauukulan.
***
Nanghihinayang si Dante dahil hindi makakarating si Boots, may maganda pa namang handa ang direktor.
Disin sana ani Brillante ay may miting pa sila ni Agbayani-Pastor pero hindi nga natuloy dahil sa masamang pakiramdam ng premyadong manunulat.
Ang dulang pampelikula ni Boots ngayon para kay Brillante ay talagang espesyal at namumukod-tangi.
Isa itong mahalagang bagay na napakahalaga sa bawat Filipino.
May kaugnayan ito sa Mindanao na alam naman nating lugar na hindi tinatantanan ng kaguluhan lalo na sa tunggalian ng mga nang-aapi at inaapi.
Binubusisi nga nina Dante at Boots ang bawat himaymay ng kuwento at iskrip nito.
May pasok pa si Boots sa ibang upisina dahil nagtatrabaho nag siya kina Jun at Richard.
***
Maulan nang umalis kami ni Lynda sa may Quezon Avenue MRT dahil nagmula sa ABS-CBN ang babaing scriptwriter.
Nagtatrabaho sa Monitoring Department ng ABS-CBN si Casimiro bilang isa sa mga may mataas na posyson sa kagawaran.
Ang Monitoring Department ng ABS-CBN ay ang araw-araw na nanonood ng mga soap opera at iba pang palatuntunan ng Channel 2 at ng iba pang istasyon ng telebisyon.
Ito ay para madetermina kung ano ang mga kapunuan at kakulangan ng mga programa at kung paano pa mapapaunlad ng mga panoorin ng ABS-CBN.
Nagagalak si Dante na nakarating si Casimiro sa kanyang kumpleanyo dahil siya ang mandudulang pampelikula ng premyadong obra ni Mendoza na “Lola.”
Nang magpa-picture nga si Brillante kasama ang kanyang mga kaibigan at katrabaho sa isang mesang kinauupuan ni Lynda, ang sabi pa niya ay “ang scriptwriter ko na nagbigay ng maraming award sa akin.”
Hindi kasi biru-biro ang mga gantimpalang nakamtan ng pelikula sa lokal at sa internasyunal na mga pagtitipon at awards night.
Natagalan din naman si Lynda sa pakikipagsosyalan sa party ni Brillante at ang laging kausap niya ay ang Nes Editor ng The Manila Times na si Romy Mariñas.
No comments:
Post a Comment