Saturday, July 24, 2010

Ogie Alcasid, Dingdong Avanzado at Christian Bautista, ipinagtanggol ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit

HINDI lamang ang kontrobersyal na paglalasing ng peryodistang pampelikula na si Dennis Adobas dahil sa walang nakuhang parangal ang obra ni Mario O’Hara na “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio” sa katatapos na Cinemalaya Independent Film Festival awards night noong Linggo sa Main Theater (ang Tanghalang Nicanor Abelardo) ng Cultural Center of the Philippines ang pinag-uusapan ng buong Pilipinas tungkol sa Cinemalaya.

Ang kaso rin nina Ogie Alcasid, Dingdong Avanzado at Christian Bautista sa pagkanta sa gabi ng parangal ang nakakuha ng maraming argumentasyon at diskusyon sa hanay ng mga tagapagmasid a kumikilos sa showbiz.

Walang pinagtatalunan sa mga indibidwal na pagtatanghal nina Ogie, Dingdong at Christian sa loob ng palabas dahil propesyunal, magaganda, sunod sa iskrip at mahusay ang pagganap ng mga singer na ito.

Magkakahiwalay muna silang umawit pero kinalaunan ay tinawag silang tatlo nang sabay-sabay para umawit bilang trio.

***

Pero heto na ang ipinagngingitngit ni Elmar Ingles, isang artista, alagad ng sining at mamamahayag.

Pinakanta pa sina Alcasid, Avanzado at Bautista sa hulihan ng palatuntunan.

Pinaawit sila pagkatapos na maipamahagi nina Laurice Guillen at Robbie Tan ng Seiko Films, dalawa sa mga kapangyarihan sa Cinemalaya, ang mga sertipiko ng pagkilala ng paglahok ng mga filmmaker sa iba’t ibang kategorya, sa Directors Showcase, Shorts at New Breed at ang pagpapahayag ng mga nanalo sa mga pangunahing kategorya gaya ng Best Film at Best Director sa hanay ng mga filmmaker sa tatlong dibisyon.

Nang umaawit na sina Ogie, Dingdong at Christian nang sabay-sabay ay nagsimula nang magtayuan ang mga tao sa audience.

Bukod pa rito ang paghahanda ng mga nanalo sa souvenir photos na kailangang gawin para sa posteridad ng mga ito.

Kaya magulo na ang mga tagapanood at parang wala nang nakikinig kina Alcasid, Avanzado at Bautista.

Ngali-ngali ngang magsalita at makiusap si Ogie na pakinggan sila at huwag munang lumayas ang mga tao dahil nagtatanghal pa sila pero wala nang katapangan ang bituin na bumigkas pa nito bastat tuluy-tuloy sila sa pagkanta.

Nang dahil dito ay nagulat at nainis si Elmar.

Una na’y siya ang opisyal na tagapagsalita ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit.

Ikalawa, marahil ay nag-iisip at nagre-reak lang siya bilang manonood o kritiko pero ang tiyak na mas nangingibabaw ay ang kanyang tungkulin bilang tagapagsalita ng OPM kung saan mga miyembro at opisyal ang tatlong singer.

***

Sa misyon at bisyon ng OPM ay nakasaad ang pangangalaga nito sa mga kasaping musikero para itaguyod ang kapakanan ng mga ito.

Hindi lang ang komersyal na pag-ayudad ang nakalaan sa mga talents kundi ang pagpapatunay na naaalagaan sila ng mga nag-iimbita sa kanila para lalo pang umalsa ang propesyunalismo sa kanilang hanay at sa parte ng nangumbida.

Kaya sa mga simulating ito umaksyon at nagsalita si Ingles, isa ring namumuno sa National Commission for Culture and the Arts o NCCA, sa harapan namin ng iba pang mga peryodistang pampelikula na sina Ibarra Mateo, Art Tapalla, Adobas at iba pa.

“Mali ang direktor at ang producer ng awards night,” pahayag ni Elmar na ang tinutukoy an gang gabi ng parangal ng Cinemalaya.

“Dapat ay hindi pinakanta sina Ogie pagkatapos ng awarding of certificates and major prizes kundi bago ‘yon. Kasi, nag-uuwian na ang mga tao, e. The decision of the director and the producer is bad. Hindi dapat ‘yon.

“Kita mo, wala nang nakikinig sa kanila. It’s the responsibility of the director and the producer. Dapat alam nila ‘yon,” protesta ni Elmar na nanggagalaiti sa galit.

Kasi nga’y kaliangang pangalagaan ng OPM ang mga imahen at trabaho ng mga kasapi nito at ang pagpapakanta sa mga miyembro nito sa ganoong sitwasyon ay hindi pabor para sa kanila.

***

Gayunman, hindi nga ba’t ang mga manonood at mga nakikinig sa mga kanta nina Ogie, Dingdong at Christian ay itinuturing na mga kulturado, disiplinado, repinido at may urbanidad at galang sa mga nagtatanghal lalo na’t ang karamihan sa kanila ay mga alagad rin ng sining na tulad ng pagkaalagad rin ng sining nina Alcasid, Avanzado at Bautista?

Tiyak na hindi naman ipinahamak nina GB Sampedro, ang direktor at Noel Ferrer, ang producer, ang mga mang-aawit na ito kung hindi man naisip man lang nila sa kanilang mga karanasan ang ganitong resulta ng sitwasyon.

Nananahan marahil kina GB at Noel ang pagtitiwala sa mga kapwa nila manonood at alagad ng sining na hindi babalikwas o iisnabin ng mga ito ang pagkanta nina Ogie, Dingdong at Christian pagkatapos ng paggagawad mga sertipiko at tropeyo ng karangalan sa mga nagwagi o sa mga sumali sa timpalak.

Mas malamang kaysa hindi, dapat lang humingi ng paumanhin sina Sampedro at Ferrer sa mga kinauukulan dahil mas malamang naman kasya hindi ay hindi nila sinasadya na mabastos sina Dingdong, Christian at Ogie.

***

Bakit naman itong mga nanood ay parang walang mga modo na iniwan na lang at basta sina Alcasid, Avanzado at Bautista sa entablado samantalang may responsibilidad sila sa kanilang kapwa lalo na sa mga nagtatanghal.

Una na’y nasa isang maringal at marangal na bulwagan pa naman sila.

Ikalawa’y mga naturingang kulturado’t kulturada at kasamahan pa naman nila sa showbiz, sa larangan ng sining ng pelikula at musika ang mga mang-aawit na ito na may mga karangalan din na dapat pangalagaan.

Ikatlo’y wala naman marahil mga pagmamadali o emergency na nakasalalay ang buhay at kamatayan ng mga kasangkot sa panonood para iwan nang gayon na lang ang mga singer na ito.

Ikaapat ay pang-estado pa naman itong gawain na magiging modelo para sa mga mamamayan pero tingnan naman natin ang ginawa ng mga nanood na ito.

Ikalima ay wala namang bayad ang panonood ng awards night para sabihing may karapatan silang huwag nang tapusin ang kanilang ginastusan.

Ano nga ba magbabago ang ating lipunan kung ang mga mamamayan pa naman sa larangan na nagtataguyod sa pagbabago ay ganito ang mga asal?

Star Patrol (for Saksi, July 24, 2010)

Boy Villasanta

Reaksyon ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit sa pambabastos ng audience kina Ogie Alcasid, Dingdong Avanzado at Christian Bautista

No comments:

Post a Comment