KUNG may Nora Aunor, may Vilma Santos at kung may Vilma Santos, may Nora Aunor.
Kung walang Vilma Santos, walang Nora Aunor at kung walang Nora Aunor, walang Vilma Santos.
Magdatingan man ang mga Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Snooky Serna, Judy Ann Santos, Claudine Barretto, Angelica Panganiban, Anne Curtis, Marian Rivera o nand’yan man sina Susan Roces at Amalia Fuentes, Gloria Romero at Anita Linda, iba pa rin ang kasaysayang nilikha sa lipunang Filipino nina Nora at Vilma.
Sila pa rin ang walang pagkupas na mga reyna dahil sila ang salamin ng bansang Pilipinas.
Kaya hindi mawawala ang mga Vilma at Nora gayundin ang mga Noranians at Vilmanians.
Mag-away-away man sila, mananatiling totoo na sila ang repleksyon ng buhay ng mga Filipino—sila ang nasa sentro samantalang malalaki rin ang papel na ginagampanan nina Sharon, Amalia, Maricel, Judy Ann, Susan, Angelica, Marian, Claudine, Anne, Gloria o Anita dahil bahagi rin sila ng kasaysayan ng lipunang Filipino dangan nga lamang at mas nakakaangat ang pingkian ng mga sinasalaming hanay at bahagi ng lipunan nina Vi at Guy.
***
Kaya walang katapusan ang pagdating ng mga istorya tungkol sa kanila na kahit na ano ay intresante para sa mamamayang Filipino dahil nakikita natin sa kanila ang mga aspirasyon, adhika, pangarap, simulain, tagumpay, kabiguan, katapusan, bangungot, kahinaan at siphayo sa ating lahat.
Perpektong halimbawa ng tunggalian sina Aunor at Santos kaya anuman ang meron sa kanila ay intresado tayong lahat dahil ito rin ang meron at sa kabilang banda, ito rin ang kulang natin.
Kailan matatagpuan ang hugpungan?
‘Yan ay proseso ng kasaysayan na tayo ring mga tagahanga at kasapi ng lipunan ng aliw at ng mas malawak na lipunan ang gumagawa at nakikipagtunggali.
***
Siyanga nga pala, darating na ngayong araw na ito, ngayong umaga si Vi galing sa Estados Unidos kasama ang kanyang asawang kapapanalo lang na senador na si Ralph Recto at ang kanilang anak na si Ryan Christian.
Kasama ring bababa sa eroplano sina Emelyn Santos at Aida Fandialan na kapwa mga mapagkakatiwalaang nilalang sa buhay ni Vilma.
Manunumpa na kasi si Ate Vi bilang kahahalal muling gobernadora ng Lalawigan ng Batangas at magpaplano siya ng kanyang mga balakin sa pagkaaktres.
Ayon kay Willie Fernandez, isa sa masusugid na tagahanga ni Vi na ngayon ay nagpapahinga sa General Santos City dahil sa pagkakasakit at nagretiro muna siya nang pansamantala bilang peryodistang pampelikula, nominado rin anya yata si Baby Vi sa darating na Movie and Television Review and Classification Board Award na gaganapin sa ika-25 ng Hunyo.
“Pero yata pa lang ‘yon,” pahabol ni Willie.
Sa ika-22 naman ng Hunyo ang pagtanggap ng aktres ng Best Actress Award mula sa Guillermo Mendoza Memorial Foundation para sa “In My Life” ng Star Cinema.
***
Pinatatawad na rin ng mga Vilmanians ang anila’y kasalanan ni Jovit Baldovino, ang tsampiyon sa “Pilipinas Got Talent,” kay Vilma.
Ayon sa mga Vilmanians, dati’y kay Santos kumakanta si Jovit noong eleksyon sa Batangas dahil taga-Batangas din ang mang-aawit pero nang mabigyan anila ng mas mataas na talent fee ng kalaban ni Vilma Santos-Recto na si Edna Sanchez ay lumipat si Jovit sa kampo nito.
“Tumawag sa amin si Vi at sinabing suportahan namin si Jovit kaya sinuportahan na namin siya,” pahayag ni Fernandez.
***
Samantala, marubdob pa rin ang pagkakampanya ng mga Noranians kay Nora Aunor.
Ayon sa mga mapagkakatiwalaang source, darating na si La Aunor sa huling linggo ng Hunyo pero ayon naman sa masugid na Noranian na si Favatini San o sa mas kilala ring si Ismaeli Favatini, hindi pa sigurado ang dating ni Ate Guy.
Gayunman, laging umaasa sina Lito Sibonga, Albert Sunga, Tess de Vera, si Dinky na siyang nagtulak ng Nora Aunor-Yul Servo Fans Club, Lito Sagun at marami pang iba, na kahit anong oaras ay bubulaga sa kanilang kamalayan si Nora at walang humpay na magsasaya sila.
Kahit na ayaw nang ipabanggit ni Tess ang kanyang pangalan sa mga diyaryo, susuwayin namin siya dahil lahat tayo sa mundong ito ay makapangyarihan bilang mga pangkaraniwang tao na nakapagpapabago ng kahit na ano.
***
Kamakailan ay nag-text sa amin ang numerong ito, 09323359843 at ito ang sinasabi: “SI ‘Ms NORA AUNOR TALAGA ANG CERTIFIED NEWSMAKER OA ALL TIME, NOWADAYS KASI WORLDWIDE ANG NEWS ITEM KAY ATE GUY ABOUT SA VERY-VERY SUCCESSFUL CONCERT TOUR NIYA SA 4 KEY CITIES NG CANADA LAST MAY 7 TO MAY 22, 2010 & AT THE SAME TIME WORLDWIDE NEWSMAKER NOWADAYS SI ATE GUY SA PAGKAWALA NG GOLDEN NIYA ARAW-ARAW NASA INTERNET NEWS CYA MAGING SA FACEBOOK AT MAGING SA YOU TUBE and hold your breath NA-FEATURE AT NA-HEADLINE ULI SIYA SA CNN (CABLE NEWS NETWORK) NA-UPSTAGE OR NILAMPASO NIYA ANG WOWOWEE BRUHAHA EK EK NI WILLIE REVILLAME AT MAGING ANG MGA PRALALA KAY CHARICE PEMPENGCO EK EK SOMETHING TO SET THE RECORD STRAIGHT ALL OUT SUPPORT AT TUTULONG KAMING MGA NORANIANS WORLDWIDE SA MGA LABAN NI MS NORA AUNOR KONTRA MALPRACTICE NG JAPANESE DOCTOR NA MAY KINALAMAN SA PAGKAWALA NG GOLDEN VOICE NG ‘ONE & THE ONLY ACKNOWLEDGED PHILIPPINE SUPERSTAR GREATEST SINGER AND WORLD GREATEST ACTRESS OF ALL TIME!!!”
Star Patrol (for Saksi, June 17, 2010)
Boy Villasanta
Vilma Santos, darating ngayon; Nora Aunor, inilampaso sina Willie Revillame at Charice Pempengco
WALANG katapusan ang pagpapalaganap sa kasikatan nina Vilma Santos at Nora Aunor hanggang ang lipunang Filipino ay duhagi sa pambubusabos at kawalang katarungan.
Hanggang may tunggalian sa Pilipinas, mananatiling nangunguna sa kanilang katanyagan at kabuluhan ang mga Nora Aunor at Vilma Santos.
Hindi lang dahil sila ay mga aktres na mahuhusay umarte o kaya ay mga popular na mga bituin kundi higit sa lahat, sila ay mga simbolo ng mga tao sa lipunang Filipino.
Perpektong halimbawa sina Nora at Vilma ng kasaysayan ng isang tao sa Pilipinas.
Kung ano ang tagumpay at kabiguan, adhika at pakikibaka, kasiyahan at kalungkutan, pangarap at bangungot ng isang nilalang ay gayundin ang mga ito sa buhay nina Vi at Guy.
Aminin man at sa hindi, sa pagsapit ng kanilang karibalan at tunggalian sa trono ng kasikatan sa panahon ng pagbalikwas at paglikha ng masa ng kasaysayan noong 1960s at 1970s, sina Santos at Aunor ay mahahalagang sangkap at sagisag ng proseso ng kasaysayang ito dahil ang kanilang mga tagahanga ay mula sa hanay ng mga anakpawis na nakibaka para lang makamtan ang hinahangad na tagumpay at kaalwanan ng buhay hanggang sa mga sandaling ito.
Nabubulagan lang ang mga tao dahil isinasaalang-alang lang natin na laos at walang nangyari sa kayamaman ni Nora pero siya ay biktima lamang at kitang-kita ‘yan sa mga kinakatawan niyang fans na laging pinagsasamantalahan kundi man nang may pahintulot mismo mula sa may mga katawan o sadyang sinadya lamang na sila’y alipinin.
***
KUNG may Nora Aunor, may Vilma Santos at kung may Vilma Santos, may Nora Aunor.
Kung walang Vilma Santos, walang Nora Aunor at kung walang Nora Aunor, walang Vilma Santos.
Magdatingan man ang mga Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Snooky Serna, Judy Ann Santos, Claudine Barretto, Angelica Panganiban, Anne Curtis, Marian Rivera o nand’yan man sina Susan Roces at Amalia Fuentes, Gloria Romero at Anita Linda, iba pa rin ang kasaysayang nilikha sa lipunang Filipino nina Nora at Vilma.
Sila pa rin ang walang pagkupas na mga reyna dahil sila ang salamin ng bansang Pilipinas.
Kaya hindi mawawala ang mga Vilma at Nora gayundin ang mga Noranians at Vilmanians.
Mag-away-away man sila, mananatiling totoo na sila ang repleksyon ng buhay ng mga Filipino—sila ang nasa sentro samantalang malalaki rin ang papel na ginagampanan nina Sharon, Amalia, Maricel, Judy Ann, Susan, Angelica, Marian, Claudine, Anne, Gloria o Anita dahil bahagi rin sila ng kasaysayan ng lipunang Filipino dangan nga lamang at mas nakakaangat ang pingkian ng mga sinasalaming hanay at bahagi ng lipunan nina Vi at Guy.
***
Kaya walang patid ang pagdating ng mga ulat tungkol sa kanila.
Bagamat sasabihing ang merkado ang nag-uudyok at humuhulma at nagdidikta sa tagmpay o kabiguan ng isang produkto at si Nora ay produkto, naniniwala kaming siya ay may solidong tagasuporta bagamat ang mga nakararaming tagatangkilik na ito ay walang maitustos kay Nora bilang produkto at sa mga produktong nililikha nito, buo at walang humpay ang pagsuporta at paghanga ng mga wala at kapos para sa ikapagtatagumpay.
Bastat nand’yan si Nora, nand’yan din sila pumapalakpak, nag-aabang, humahanga, natutuwa, nakikita ang pagkatupad ng kanilang mga pangarap.
Ito ay kabaligtaran naman ni Vilma na sinusuportahan ng mas maraming nakikisakay sa kung sino ang nasa poder at may kapangyarihan samantalang ang mga tagahanga ni Nora ay ang mga nasa ilalim ng mga humahawak ng kapangyarihan na malalakas din ang kapangyarihan lalo na pag nagkaisa.
***
Siyanga nga pala, darating na ngayong araw na ito, ngayong umaga si Vi galing sa Estados Unidos kasama ang kanyang asawang kapapanalo lang na senador na si Ralph Recto at ang kanilang anak na si Ryan Christian.
Kasama ring bababa sa eroplano sina Emelyn Santos at Aida Fandialan na kapwa mga mapagkakatiwalaang nilalang sa buhay ni Vilma.
Manunumpa na kasi si Ate Vi bilang kahahalal muling gobernadora ng Lalawigan ng Batangas at magpaplano siya ng kanyang mga balakin sa pagkaaktres.
Ayon kay Willie Fernandez, isa sa masusugid na tagahanga ni Vi na ngayon ay nagpapahinga sa General Santos City dahil sa pagkakasakit at nagretiro muna siya nang pansamantala bilang peryodistang pampelikula, nominado rin anya yata si Baby Vi sa darating na Movie and Television Review and Classification Board Award na gaganapin sa ika-25 ng Hunyo.
“Pero yata pa lang ‘yon,” pahabol ni Willie.
Sa ika-22 naman ng Hunyo ang pagtanggap ng aktres ng Best Actress Award mula sa Guillermo Mendoza Memorial Foundation para sa “In My Life” ng Star Cinema.
***
Pinatatawad na rin ng mga Vilmanians ang anila’y kasalanan ni Jovit Baldovino, ang tsampiyon sa “Pilipinas Got Talent,” kay Vilma.
Ayon sa mga Vilmanians, dati’y kay Santos kumakanta si Jovit noong eleksyon sa Batangas dahil taga-Batangas din ang mang-aawit pero nang mabigyan anila ng mas mataas na talent fee ng kalaban ni Vilma Santos-Recto na si Edna Sanchez ay lumipat si Jovit sa kampo nito.
“Tumawag sa amin si Vi at sinabing suportahan namin si Jovit kaya sinuportahan na namin siya,” pahayag ni Fernandez.
***
Samantala, marubdob pa rin ang pagkakampanya ng mga Noranians kay Nora Aunor.
Ayon sa mga mapagkakatiwalaang source, darating na si La Aunor sa huling linggo ng Hunyo pero ayon naman sa masugid na Noranian na si Favatini San o sa mas kilala ring si Ismaeli Favatini, hindi pa sigurado ang dating ni Ate Guy.
Gayunman, laging umaasa sina Lito Sibonga, Albert Sunga, Tess de Vera, si Dinky na siyang nagtulak ng Nora Aunor-Yul Servo Fans Club, Lito Sagun at marami pang iba, na kahit anong oaras ay bubulaga sa kanilang kamalayan si Nora at walang humpay na magsasaya sila.
Kahit na ayaw nang ipabanggit ni Tess ang kanyang pangalan sa mga diyaryo, susuwayin namin siya dahil lahat tayo sa mundong ito ay makapangyarihan bilang mga pangkaraniwang tao na nakapagpapabago ng kahit na ano.
***
Kamakailan ay nag-text sa amin ang numerong ito, 09323359843 at ito ang sinasabi: “SI ‘Ms NORA AUNOR TALAGA ANG CERTIFIED NEWSMAKER OA ALL TIME, NOWADAYS KASI WORLDWIDE ANG NEWS ITEM KAY ATE GUY ABOUT SA VERY-VERY SUCCESSFUL CONCERT TOUR NIYA SA 4 KEY CITIES NG CANADA LAST MAY 7 TO MAY 22, 2010 & AT THE SAME TIME WORLDWIDE NEWSMAKER NOWADAYS SI ATE GUY SA PAGKAWALA NG GOLDEN NIYA ARAW-ARAW NASA INTERNET NEWS CYA MAGING SA FACEBOOK AT MAGING SA YOU TUBE and hold your breath NA-FEATURE AT NA-HEADLINE ULI SIYA SA CNN (CABLE NEWS NETWORK) NA-UPSTAGE OR NILAMPASO NIYA ANG WOWOWEE BRUHAHA EK EK NI WILLIE REVILLAME AT MAGING ANG MGA PRALALA KAY CHARICE PEMPENGCO EK EK SOMETHING TO SET THE RECORD STRAIGHT ALL OUT SUPPORT AT TUTULONG KAMING MGA NORANIANS WORLDWIDE SA MGA LABAN NI MS NORA AUNOR KONTRA MALPRACTICE NG JAPANESE DOCTOR NA MAY KINALAMAN SA PAGKAWALA NG GOLDEN VOICE NG ‘ONE & THE ONLY ACKNOWLEDGED PHILIPPINE SUPERSTAR GREATEST SINGER AND WORLD GREATEST ACTRESS OF ALL TIME!!!”
No comments:
Post a Comment