NAGREREKLAMO ang estudyante ni Jerome Vinarao, ang nagbayad ng talbog na tseke kay Lea Salonga sa concert ng aktres na “Echoes of Dreams” sa Araneta Coliseum noong isang taon.
Sinabi ni Deo Buenafe na siya rin ay hindi nabayaran ni Jerome nang kumpleto sa promissory note na pinirmahan nito kaugnay sa kalahating milyong piso na utang sa kanya.
“Actually, inamin ni Jerome na sa kanya ang utang na 'yon. Sa katunayan, sinabi niya na sasagutin niya ang lahat ng utang sa kanya at ang Center for Arts Foundation bahala,” sabi ni Deo sa isang eksklusibong panayam.
Dumagdag nang dumagdag ang pagkakautang ni Vinarao kay Buenafe sa mga hiniram na pera ng kapatid ng una na si Joanna sa anak ni Deo na si Mios Buenafe.
“Kasi, no'ng nagsisimula pa kami na mag-workshop sa kanyang eskuwelahan, nautangan na ni Joanna si Mios. Pero ang talagang nagpalaki ng utang ay nang magkaproblema ang kotse ni Jerome at ipu-pull out na ng car company. All in all, five hundred thousand pesos ang halaga ng pinirmahan ni Jerome na promissory note sa akin.
“August no'ng isang taon kami nagpirmahan sa Coffee Bean sa The Block sa SM North EDSA. Kaming tatlo, ako, ang anak kong si Mios at si Jerome ang nando'n. Inamin mismo ni Jerome siya ang bahala,” sabi ni Buenafe.
***
Samantala, sinabi naman ni Jerome na hindi niya utang ang lahat ng 'yon kundi tinutulungan lang niya ang kanyang kapatid na makabayad.
“Malinaw na hindi ako ang may utang. Ako lang ang sumasagot sa mga utang pero hindi ako ang siyang may utang,” pahayag ni Vinarao.
Ayon kay Jerome, siya ang napapasama sa lahat ng ito.
“Hindi sila ang biktima nito kundi ako. Ako ang sumasama at ang foundation samantalang wala naman akong kasalanan sa lahat ng ito. Ako lang ang nagmamagandang-loob kaya ako ang naiipit.
“Ako ang ibinabagsak nila. Pero lalo na ang foundation dahil pangalan ng foundation ang nakataya at hindi lang ako para lang makatulong ako sa mga tao,” paliwanag ni Jerome.
***
Sinabi ni Deo na noong Agosto rin ay nangako si Jerome na makakabayad rin siya sa kanyang mga utang noong Nobyembre noong isang taon.
November 30 kasi ang iskedyul ng concert ni Lea at umasa si Vinarao na mula sa kikitain ng pagtatanghal ay makakabayad rin siya kay Buenafe.
Pero hindi nga kumita ang show kaya hindi nakabayad nang malaki si Jerome kay Deo.
“Mga twenty five thousand pesos pa lang ang naibabayad ni Jerome sa akin. Mag tig-fa-five thousand ang pagbabayad niya sa akin. Pero hindi lang sa halaga ito. Sa prinsipyo ito at sa paniniwala na nagtiwala kami sa kanya pati na ang buo kong pamilya pero ito pa ang igaganti niya sa amin,” paliwanag ni Deo.
***
“Pinalalaki lang nila ang isyu dahil hindi nila matanggap na nagkamali sila sa mga ginawa nila.
“Sana ay huwag naman nila akong ibaon nang walang kalaban-laban.
“Puro di totoo ang sinasabi nila. Puro kasinungalinan. Isipin mo na lang, sa tinagal-tagal ng panahon, bakit ngayon lang sila nagkakaganyan?” tanong ni Jerome sa kanyang mga mensahe sa text sa amin.
***
Sinabi ni Deo na noong ika-8 ng Disyembre, 2009 ay pinangakuan siya ni Jerome na magbabayad pero nang magpunta siya sa bahay ni Vinarao ng araw na 'yon ay wala ito.
Nagbalik anya siya ng ika-3 ng Enero ngayong taong ito at wala pa rin si Jerome.
Dito na nag-init ang ulo ni Deo at nagsalubungan ang galit nila ng ina ni Jerome.
“Sabi ng mommy ni Jerome, galit na galit, wala raw silang utang na sa amin. Tapos, sinabi pa niya na malandi raw ang anak ko at may gusto sa kanyang anak. Ako, wala akong pakialam kung ganyan ang itinitsismis nila laban kay Mios. Naramdaman ko na 'yon na may relasyon sila ni Joanna o kahit hindi pa nila aminin pero alam ko 'yon. Pero hindi 'yon ang isyu, ang isyu ay ang hindi makatarungan na ginawa nila sa amin,” pahayag ni Buenafe.
***
Naghain ng demanda si Jerome laban kay Deo ng mga kasong trespassing, intimidation, grave threat at physical injury.
“Binaligtad pa nila kami. Wala nang intimidation, e. Siya mismo ang pumirma nang buong puso sa promissory note. Karapatan ko lang na magpunta sa bahay nila para maningil dahil nangako siya at wala kaming sinasaktan sa kanila,” paglilinaw ni Deo.
Star Patrol (for Saksi, June 16, 2010)
Boy Villasanta
May naghahabol muli sa stage actor at chairman ng foundation na nagbayad ng talbog na tseke kay Lea Salonga
PATULOY ang mainit na isyu laban sa tagapangulo ng Center for Arts Foundation na s Jerome Vinarao.
Sa pagkakataong ito ay mula naman sa kanyang dating estudyante sa eskuwelahan.
Si Jerome ang prodyuser na nagbayad nang talbog na tseke kay Lea Salonga sa pagtatanghal na “Echoes of Dreams” sa Araneta Coliseum noong November 30, 2009 sa Araneta Coliseum.
Sinabi ni Deo Buenafe na siya rin ay hindi nabayaran ni Jerome nang kumpleto sa promissory note na pinirmahan nito kaugnay sa kalahating milyong piso na utang sa kanya.
“Actually, inamin ni Jerome na sa kanya ang utang na 'yon. Sa katunayan, sinabi niya na sasagutin niya ang lahat ng utang sa kanya at ang Center for Arts Foundation bahala,” sabi ni Deo sa isang eksklusibong panayam.
Dumagdag nang dumagdag ang pagkakautang ni Vinarao kay Buenafe sa mga hiniram na pera ng kapatid ng una na si Joanna sa anak ni Deo na si Mios Buenafe.
“Kasi, no'ng nagsisimula pa kami na mag-workshop sa kanyang eskuwelahan, nautangan na ni Joanna si Mios. Pero ang talagang nagpalaki ng utang ay nang magkaproblema ang kotse ni Jerome at ipu-pull out na ng car company. All in all, five hundred thousand pesos ang halaga ng pinirmahan ni Jerome na promissory note sa akin.
“August no'ng isang taon kami nagpirmahan sa Coffee Bean sa The Block sa SM North EDSA. Kaming tatlo, ako, ang anak kong si Mios at si Jerome ang nando'n. Inamin mismo ni Jerome siya ang bahala,” sabi ni Buenafe.
***
Samantala, sinabi naman ni Jerome na hindi niya utang ang lahat ng 'yon kundi tinutulungan lang niya ang kanyang kapatid na makabayad.
“Malinaw na hindi ako ang may utang. Ako lang ang sumasagot sa mga utang pero hindi ako ang siyang may utang,” pahayag ni Vinarao.
Ayon kay Jerome, siya ang napapasama sa lahat ng ito.
“Hindi sila ang biktima nito kundi ako. Ako ang sumasama at ang foundation samantalang wala naman akong kasalanan sa lahat ng ito. Ako lang ang nagmamagandang-loob kaya ako ang naiipit.
“Ako ang ibinabagsak nila. Pero lalo na ang foundation dahil pangalan ng foundation ang nakataya at hindi lang ako para lang makatulong ako sa mga tao,” paliwanag ni Jerome.
***
Sinabi ni Deo na noong Agosto rin ay nangako si Jerome na makakabayad rin siya sa kanyang mga utang noong Nobyembre noong isang taon.
November 30 kasi ang iskedyul ng concert ni Lea at umasa si Vinarao na mula sa kikitain ng pagtatanghal ay makakabayad rin siya kay Buenafe.
Pero hindi nga kumita ang show kaya hindi nakabayad nang malaki si Jerome kay Deo.
“Mga twenty five thousand pesos pa lang ang naibabayad ni Jerome sa akin. Mag tig-fa-five thousand ang pagbabayad niya sa akin. Pero hindi lang sa halaga ito. Sa prinsipyo ito at sa paniniwala na nagtiwala kami sa kanya pati na ang buo kong pamilya pero ito pa ang igaganti niya sa amin,” paliwanag ni Deo.
***
“Pinalalaki lang nila ang isyu dahil hindi nila matanggap na nagkamali sila sa mga ginawa nila.
“Sana ay huwag naman nila akong ibaon nang walang kalaban-laban.
“Puro di totoo ang sinasabi nila. Puro kasinungalinan. Isipin mo na lang, sa tinagal-tagal ng panahon, bakit ngayon lang sila nagkakaganyan?” tanong ni Jerome sa kanyang mga mensahe sa text sa amin.
***
Sinabi ni Deo na noong ika-8 ng Disyembre, 2009 ay pinangakuan siya ni Jerome na magbabayad pero nang magpunta siya sa bahay ni Vinarao ng araw na 'yon ay wala ito.
Nagbalik anya siya ng ika-3 ng Enero ngayong taong ito at wala pa rin si Jerome.
Dito na nag-init ang ulo ni Deo at nagsalubungan ang galit nila ng ina ni Jerome.
“Sabi ng mommy ni Jerome, galit na galit, wala raw silang utang na sa amin. Tapos, sinabi pa niya na malandi raw ang anak ko at may gusto sa kanyang anak. Ako, wala akong pakialam kung ganyan ang itinitsismis nila laban kay Mios. Naramdaman ko na 'yon na may relasyon sila ni Joanna o kahit hindi pa nila aminin pero alam ko 'yon. Pero hindi 'yon ang isyu, ang isyu ay ang hindi makatarungan na ginawa nila sa amin,” pahayag ni Buenafe.
***
Naghain ng demanda si Jerome laban kay Deo ng mga kasong trespassing, intimidation, grave threat at physical injury.
“Binaligtad pa nila kami. Wala nang intimidation, e. Siya mismo ang pumirma nang buong puso sa promissory note. Karapatan ko lang na magpunta sa bahay nila para maningil dahil nangako siya at wala kaming sinasaktan sa kanila,” paglilinaw ni Deo.
My goodness.....this is shocking....kabatch ko si kuya deo sa a man called jesus production ng CAFI...kakagulat nmn toh....
ReplyDeleteako din..... ksama ako ni kuya deo sa a man called jesus...hala..me gnitong issue pla... nkakagulat nmn
ReplyDeletedeo is just the tip of the iceberg. marami pang mga utang si jerome sa mga estudyante nya na hanggang ngayon di pa bayad. puro talbog na tseke binabayad. warning sa lahat ng gusto pang sumali sa mga workshops nya-- baka kayo mabiktima din.... ang galing-galing kasi ni jerome mambola.
ReplyDeleteI totally agree! HE OWES ME MORE THAN 100K! please kasuhan na yan. I need my money back. Please pag tulungan na natin yan.
ReplyDeletePlease do text me for updates. im serious, 0935 440 1570
he looks familiar so i look for him online. really? i saw him once. he's the boyfriend of my friend
Deletesaan location? can you give me a name or number?
Delete09983327756 that's her number. maybe you can contact him from her
DeleteThank You and I have a nifty supply: What Was The First Home Renovation Show old house renovation ideas
ReplyDelete