PINAHAHALAGAHAN ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino, isang grupo ng mga progresibo at makabagong kritiko sa Pilipinas, ang mga manggagawa ng sambayanang Filipino.
Ito ay dahil binuo ang samahan noong ika-1 ng Mayo, 1976 sa Taza de Oro Restaurant sa Roxas Boulevard sa Malate upang pahalagahan ang puwersa at kapangyarihan ng pelikula bilang instrumento ng pagbabago para sa kabutihan ng kondisyon ng tao sa kanyang lipunan.
Mahalaga para sa MPP ang papel na ginagampanan ng mga manggagawa o ng obrero sa showbiz.
Ang mga artista kahit tinitingnan natin na mga glamoroso at parang nasa toreng garing at mga parang diyos at diyosa, sila man ay mga ordinaryong tao na may putik sa talampakan at ang ikinabubuhay ng pagtatrabaho sa pelikula at telebisyon.
Kabilang din sa mga manggagawa ang mga direktor, manunulat at iba pang mga malikhain at teknikal na gumagawa sa likod at harap ng kamera.
Hindi lang sining at pelikula kundi ito rin ang komersyo na may kapital na inilalagak ang mga manggagawa kabilang ang kanyang talento at katawang pinagpapawisan sa pagtatrabaho.
Bahagi ang mga taga-showbiz na obrero sa produksyon na nilalakuhan din ng mga prodyuser bilang mga namumuhunan.
***
Kabilang sa mga nagsipagtatag ng MPP ay sina Mario A. Hernando, Nestor Torre, Jr., Bienvenido Lumbera, Manny Pichel, Nicanor G. Tiongson, Pio de Castro III, Clodualdo del Mundo, Jr., Justino Dormiendo, Petronilo Bn. Daroy, Jr. at Behn Cervantes.
Nagbuklud-buklod sila para maging tagapagtulay sa pagitan ng pelikula bilang produkto na gawa ng mga namumuhunang prodyuser at ng mga manonood bilang mamimili o konsyumer.
May mga armas na teoriya, pilosopiya at karanasang patnubay ang mga Manunuri na inilalapat sa pagsuri at pag-uri ng mga pelikula.
Sa paglipas ng mga taon, may mga nababawas, umaalis at nadaragdag sa hanay ng mga de-kalidad na kritiko na nagmula sa peryodismo, akademya, sining at iba pang disiplina.
Naging bahagi rin ng MPP sina Jun Cruz Reyes, Emmanuel Reyes, Tessa Parel, Cristina Pantoja-Hidalgo, Alfred Yuson, Joel David, Mike Feria, Ellen Paglinauan, Mario Bautista, Christian Ma. Guerrero, Isagani Cruz, Agustin Sotto at Ricardo Lee pero sila ay may kanya-kanya nang pinagkakaabalahan samantalang sumakabilang-buhay na sina Pete Daroy, Hammy Sotto, Pio at Manny.
Inaktibo na sina Nestor, Isagani, Gino Dormiendo, Mike aka Mauro Tumbocon, Joel, Ellen, Mario B., Christian, Jun, Emmanuel, Jingjing Pantoja-Hidalgo, Kryp Yuson, Tessa at Ricky.
Kasapi na rin at aktibung-aktibo sa samahan sina Butch Francisco, Mike Rapatan, Tito Valiente, Benilda Santos, Grace Javier Alfonso, Rolando Tolentino at Lito Zulueta.
***
Isang araw bago ang Araw ng Paggawa, pumili ang mga Manunuri ng mga karapat-dapat na manalo sa taong 2009 na ngayon ibinigay na 2010.
Nagwaging Pinakamahusay na Pelikula ang “Kinatay (The Execution of P)” ng Centerstage Productions at Swift Productions.
Nagtabla sina Rustica Carpio at Anita Linda sa pagka-Best Actress o Pinakamahuhusay na Pangunahing Aktres para sa pelikulang “Lola” ng Centerstage Productions at Swift Productions.
Kapwa manggagawa ang mga lola sa pelikula—tindera sa palengke si Rustica samantalang namamahala ng tahanan si Anita na isa ring uri ng paggawa na bagamat walang direktang ugnayan sa puhunan o namumuhunan ay tinutustusan naman ng kanyang mga trahabador na anak at apo.
Samantala, si Lou Veloso, Jr. ang nag-uwi ng tropeyo ng pagiging Pinakamahusay na Pangunahing Aktor para sa obrang “Colorum” ng Cinemalaya sa direksyon Jobin Ballesteros.
***
Ang nanalo namang Pinakamahusay na Pangalawang Aktres ay ang baguhang si Marissa Sue Prado para sa pelikulang “Himpapawid” ng Pelikula Red na nilikha ng premyadong direktor na si Raymond Red.
Katumbas naman ng kanyang parangal ang Pinakamahusay na Pangalawang Aktor ni Soliman Cruz para sa “Himpapawid.”
Si Brillante Mendoza naman ang nakakuha ng Pinamahusay na Direksyon para sa pelikulang “Kinatay (The Execution of P).”
***
Hindi na mapipigil ang pag-ilanglang ng premyado at magaling na manunulat na si Lynda Casimiro—at hindi Linda Casimiro—bilang Pinakamahusay na Mandudulang Pampelikula sa paghabi niya ng iskrip para sa “Lola.”
Ang iprinoklama namang Pinakamahusay na Maikling Pelikula ay ang “To Siomai Love” ni Remton Siega Zuazola.
Samantala, si Albert Michael Idioma ang nagkamit ng Pinakamahusay na Tunog para sa “Kinatay” samantalang si Francis de Veyra naman ang Pinakamahusay na maglapat ng Musika para sa “The Arrival” ni Erik Matti.
Pinakamahusay na Editor sina Orlean Tan, Ralph Crisostomo at Miko Araneta para sa “Engkwentro.”
Nakamit naman ni Raymond Red ang Pinakamahusay na Sinematograpiya para sa pelikulang “Himpapawid” at ang nag-uwi naman ng Pinakamahusay na Disenyong Pampelikula ay walang iba kundi si Dante Mendoza para sa “Lola.”
Star Patrol (for Saksi, May 1, 2010)
Boy Villasanta
Anita Linda at Rustica Carpio, tabla sa Gawad Urian Best Actress para sa “Lola”
ARAW ng Paggawa ngayong araw na ito.
At ang showbiz ay isa ring lugar na pagawaan.
Hindi lang glamour, ningning, kasikatan, kadatungan at kapangyarihan ang showbiz, ito ay bahagi rin ng produksyon para sa pag-araw-araw na pangangailangan ng mga naglilingkod rito at sa mga pinaglilingkuran nito.
Kaya nga akmang-akma ang araw na ito sa pagbibigay-pugay sa mga taga-showbiz.
Lalo pa nga’t ang mga artista at manggagawa rin na konektado sa produksyon upang mapakinabangan ng mga iba pang kalahok sa paglikha nito.
Sa pamamagitan ng mga talento ng mga artista at iba pang malikhain, teknikal at administratibong mga tao sa paggawa ng pelikula at isama pa ang telebisyon, nag-aambag ang mga ito ng pagbuo ng produksyon para magbunga ng hindi lang kasiyahan at impormasyon kundi tubo at pagkita ng mga manggagawa sa showbiz.
***
Nakikipagtunggali ang mga taga-showbiz sa mga namumuhunan o nangangapital na mga prodyuser para sila ay magkaroon ng biyaya araw-araw at nang may makain o maipamasahe o may maimpok ang mga manggagawang taga-showbiz sa pangangailangan sa hinaharap.
Hindi magkaaway ang prodyuser at mga nagtatrabaho sa kanya kundi magkatuwang sa pagpapaunlad ng larangan ng sining ng pelikula.
Kaya nga nangangailangan na tumbasan nang maingat at pantay na karapatan ang mga manggagawa sa showbiz kabilang ang mga artista, direktor, manunulat, make-up artista at iba pa at may katungkulan naman ang mga ito na magbuhos ng kanyang mga hilaw na materyales tulad ng kanilang mga talino sa pag-arte at maipahayag ang mga katotohanan sa buhay sa pamamagitan ng walang kupas na intensyon ng paglilingkod sa mga tao, sa mga manonood upang guminhawa ang kanilang buhay at hindi lang para malibang.
Mahalaga ang araw na ito sa pagsaludo sa mga may ambag sa showbiz.
***
Akmang-akma ang Manunuri ng Pelikulang Pilipino at ang Gawad Urian nito sa pagpupugay sa mga manggagawa sa showbiz partikular sa pelikula.
Hindi nga ba’t inorganisa ang MPP noong ika-1 ng Mayo, 1976 upang itaguyod ang pelikula bilang paglilingkod sa mga tao.
Ang Manunuri ang tulay na nagbubuklod sa prodyuser bilang kapitalista at sa mga mamimili bilang konsyumer sa pamamagitan ng pelikula bilang produkto.
Ang pelikula ay parang isang sabon o mantika na produktong kailangan n gating katawan.
Kung ang sabon ay para sa panlinis ng damit o katawan sa paliligo o ang mantika ay para sa pagluluto para sa sa ating katawan para lumusog, ang pelikula ay para sa ating isip na bahagi ng ating katawan na nangangailangan ng malusog at masustansiya ring mga elemento para manatili tayong nabubuhay nang mainam.
Itinatag ng mga orihinal na miyembro ng Manunuri na kinabibilangan nina Mario A. Hernando, Nestor Torre, Jr., Bienvenido Lumbera, Manny Pichel, Nicanor G. Tiongson, Pio de Castro III, Clodualdo del Mundo, Jr., Justino Dormiendo, Petronilo Bn. Daroy, Jr. at Behn Cervantes.
Ang mga manonood ay mga manggagawa rin o kaya naman ay bahagi ng produksyon at ng mga pinaglilingkuran ng produkto ng produksyon kaya panglahat ang Urian.
***
May mga armas na teoriya, pilosopiya at karanasang patnubay ang mga Manunuri na inilalapat sa pagsuri at pag-uri ng mga pelikula.
Sa paglipas ng mga taon, may mga nababawas, umaalis at nadaragdag sa hanay ng mga de-kalidad na kritiko na nagmula sa peryodismo, akademya, sining at iba pang disiplina.
Naging bahagi rin ng MPP sina Jun Cruz Reyes, Emmanuel Reyes, Tessa Parel, Cristina Pantoja-Hidalgo, Alfred Yuson, Joel David, Mike Feria, Ellen Paglinauan, Mario Bautista, Christian Ma. Guerrero, Isagani Cruz, Agustin Sotto at Ricardo Lee pero sila ay may kanya-kanya nang pinagkakaabalahan samantalang sumakabilang-buhay na sina Pete Daroy, Hammy Sotto, Pio at Manny.
Inaktibo na sina Nestor, Isagani, Gino Dormiendo, Mike aka Mauro Tumbocon, Joel, Ellen, Mario B., Christian, Jun, Emmanuel, Jingjing Pantoja-Hidalgo, Kryp Yuson, Tessa at Ricky.
Kasapi na rin at aktibung-aktibo sa samahan sina Butch Francisco, Mike Rapatan, Tito Valiente, Benilda Santos, Grace Javier Alfonso, Rolando Tolentino at Lito Zulueta.
***
Isang araw bago ang Araw ng Paggawa, pumili ang mga Manunuri ng mga karapat-dapat na manalo sa taong 2009 na ngayon ibinigay na 2010.
Nagwaging Pinakamahusay na Pelikula ang “Kinatay (The Execution of P)” ng Centerstage Productions at Swift Productions.
Nagtabla sina Rustica Carpio at Anita Linda sa pagka-Best Actress o Pinakamahuhusay na Pangunahing Aktres para sa pelikulang “Lola” ng Centerstage Productions at Swift Productions.
Kapwa manggagawa ang mga lola sa pelikula—tindera sa palengke si Rustica samantalang namamahala ng tahanan si Anita na isa ring uri ng paggawa na bagamat walang direktang ugnayan sa puhunan o namumuhunan ay tinutustusan naman ng kanyang mga trahabador na anak at apo.
Samantala, si Lou Veloso, Jr. ang nag-uwi ng tropeyo ng pagiging Pinakamahusay na Pangunahing Aktor para sa obrang “Colorum” ng Cinemalaya sa direksyon Jobin Ballesteros.
***
Ang nanalo namang Pinakamahusay na Pangalawang Aktres ay ang baguhang si Marissa Sue Prado para sa pelikulang “Himpapawid” ng Pelikula Red na nilikha ng premyadong direktor na si Raymond Red.
Katumbas naman ng kanyang parangal ang Pinakamahusay na Pangalawang Aktor ni Soliman Cruz para sa “Himpapawid.”
Si Brillante Mendoza naman ang nakakuha ng Pinamahusay na Direksyon para sa pelikulang “Kinatay (The Execution of P).”
***
Hindi na mapipigil ang pag-ilanglang ng premyado at magaling na manunulat na si Lynda Casimiro—at hindi Linda Casimiro—bilang Pinakamahusay na Mandudulang Pampelikula sa paghabi niya ng iskrip para sa “Lola.”
Ang iprinoklama namang Pinakamahusay na Maikling Pelikula ay ang “To Siomai Love” ni Remton Siega Zuazola.
Samantala, si Albert Michael Idioma ang nagkamit ng Pinakamahusay na Tunog para sa “Kinatay” samantalang si Francis de Veyra naman ang Pinakamahusay na maglapat ng Musika para sa “The Arrival” ni Erik Matti.
Pinakamahusay na Editor sina Orlean Tan, Ralph Crisostomo at Miko Araneta para sa “Engkwentro.”
Nakamit naman ni Raymond Red ang Pinakamahusay na Sinematograpiya para sa pelikulang “Himpapawid” at ang nag-uwi naman ng Pinakamahusay na Disenyong Pampelikula ay walang iba kundi si Dante Mendoza para sa “Lola.”
No comments:
Post a Comment