I have to make good as Emilio Aguinaldo because I know the role has been assigned to a lot of actors worth their salt,” pahayag ni Lance Raymundo.
Yes, Lance Raymundo pa ang baybay ng kanyang pangalan.
Ar hindi Lanz Raymundo na isinulat ng peryodistang pampelikula na si Dennis Adobas na listahan ng mga kumpirmadong lalabas sa pelikulang “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio” na opisyal na lahok ng beteranong filmmaker na si Mario O’Hara sa ika-6 na Cinemalaya Independent Film Festival ng Cultural Center of the Philippines.
Si Lance ang sa wakas ay napili ni Mario na lumabas bilang Aguinaldo.
Nakakatuwa at nakakamangha ang paraan ng pagkakapili ni O’Hara kay Raymundo.
Magkasama noon sina Lance at ang kanyang manager na si Ricky Gallardo sa upisina kung saan nakipagmiting si Mario kay Ricky sa pagkuha sa isa sa mga artistang alaga ng talent manager.
Nais ni O’Hara na makuha ang serbisyo ni Sid Lucero na alaga rin ni Gallardo.
***
Pero nang makita ni Mario si Lance ay nasabi niya sa kanyang sarili na “heto ang aking Emilio Aguinaldo.”
Gayunman, hindi sinabi ni O’Hara sa harapan ni Raymundo ang impresyong ito.
Ayon sa obserbasyon ni Lance, wala naman siyang narinig na gano’n komento pero sa aming panayam kay Mario ay nakumbinsi siyang si Raymundo na ang kanyang Emilio.
“Baka naman may mga kinunsulta pa si Direk Mario na mga kakilala at kaibigan tungkol sa akin. Kung talagang puwede akong Emilio Aguinaldo. Actually, I didn’t mind,” sabi ni Raymundo.
Pero sa opisyal na desisyon ni O’Hara ay kinausap na niya nang tuluyan si Ricky at sinabing ang alaga nito ang gaganap na Aguinaldo.
“Kapipirma ko lang ng management contract kay Ricky at masuwerte ko, ito agad ang assignment ko,” sabi ng batambatang aktor at singer.
***
Imagine na ang mga pinagpiliang mga bituin na gaganap sana kay Emilio ay malalaking pangalan tulad nina Diether Ocampo, Coco Martin, Jake Cuenca at Dennis Trillo.
“I am very lucky to have clinched the role,” sabi ni Lance sa isang eksklusibong panayam sa kanya sa set ng “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio” sa Puerta San Andres sa Intramuros, Manila sa tabi ng Manila Bulletin.
Alam ba ninyo na nang malaman ni Lance na siya ang kinuha ni Mario bilang Emilio, kumuha agad siya ng larawan ng kauna-unahang presidente ng Republika ng Pilipinas at ginaya agad niya ang anyo nito kabilang ang gupit?
“Pero mali pala ang gupit ko. Nakita ni Direk ang haircut ko at ipinabago agad niya,” pagtatapat ni Raymundo.
***
Ang ginawa ni Mario ay sinamahan si Lance sa isang barbero sa Makati City para magupitan ito nang tama.
Sinabi ni O’Hara ang barhero kung ano ang hugis at hitsura ng buhok na nais niya para sa aktor.
“Sabi ni Direk sa akin, mukha raw akong foreigner sa aking haircut nang hindi pa niya naipapabago,” kuwento ng bituing kapatid ng singer na si Rannie Raymundo.
“Ngayon, tamang-tama na ang gupit ko. Aguinaldong-Aguinaldo na ang gupit ko,” masayang pagbabando ng aktor.
“Kahit na magpakalbo ako ay gagawin ko, makasama lang sa pelikula ni Mario O’Hara,” tahasang sabi ni Lance.
Star Patrol (for Saksi, May 25, 2010)
Boy Villasanta
Patutunayan ni Lance Raymundo na mahusay siyang kapalit nina Diether Ocampo, Dennis Trillo, Coco Martin at Jake Cuenca
SA wakas ay nalutas na rin ang problema ni direktor Mario O’Hara sa aktor na lalabas bilang Emilio Aguinaldo para sa pelikulang “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio” para sa Open Category ng ika-6 na Cinemalaya Independent Film Festival.
Matagal din ang pagpili at pagpapalit sa mga nauna nang nakausap at tumango sa pagganap sa kontrobersyal na bayani at unang pangulo ng republika ng Pilipinas.
Hindi nga ba’t una nang nailathala ay si Diether Ocampo ang siyang personal na napipisil ni Mario para sa karakter ni Emilio?
Pero hindi pumuwede si Deither sa tambak na trabaho sa kanyang paanan.
Pagkatapos ay iki-non-sider si Jake Cuenca pero maraming mga balakid sa pagkuha sa kanya.
Naisip ni O’Hara at ng mga taga-Cinemalaya sa pangunguna nina Laurice Guillen at Robbie Tan ng Seiko Films na bagay sa papel si Coco Martin.
***
Nakausap na ng pamunuan ng Cinemalaya si Coco at ang talent manager nitong si Biboy Arboleda at umokey ang aktor at ang kanyang tagapag-alaga.
Sa katunayan, nananabik si Martin na makatrabaho si O’Hara dahil bilib na bilib siya sa kapasidad nito bilang filmmaker.
Naihnada na ang lahat pati na ang kontrata at mga tagubilin kay Coco.
Pero bilang umatras ang orihinal na katuwang ni Mario sa pagpoprodyus ng obra dahil hindi nga kasya ang P600,000.00 na inilabas ng CCP para sa bawat proyekto ng Open Category lalo na sa ganitong grandiyosong produksyon.
Kailangan ng katuwang na namumuhunan para masa maganda ang kahihinatnan ng ganitong historikal na pelikula.
Naunsiyami ang nais ni Coco at nang makakita na ang grupo nina Mario kabilang sina Laurice at Robbie ng papalit sa orihinal na prodyuser ay hindi na puwede si Martin.
Marami nang nakahalayhay na proyekto at trabaho ang batambatang bituin kaya naghanap na naman si O’Hara sa tulong ng mga taga-Cinemalaya at ng peryodistang pampelikula na si Dennis Adobas.
Si Dennis Trillo ay lumabas sa kanilang usapan pero hindi rin nagkaari ng aktor.
***
Isang araw ay may miting sina O’Hara at ang talent manager nina Sid Lucero at Lance Raymundo na si Ricky Gallardo.
Nais kasing kunin ni Mario si Sid pero ang kasama ni Ricky ay si Lance.
Sinabi ni Raymundo na hindi niya narinig ang kumpirmasyon ni Mario kay Gallardo na siya ang bagay na papel ni Aguinaldo.
“Nalaman ko na lang later,” pahayag ni Lance.
“Siguro, nagtanung-tanong pa si Direk Mario tungkol sa akin,” kumpisal ni Lance.
Nang malaman niyang opisyal na siyang kukunin bilang Emilio, naghanda na si Raymundo kabilang ang pagpapagupit ng ala-Aguinaldo pero mali ang pagkakaayos ng kanyang buhok sa unang paggiling ng kamera ng “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio” kaya sinamahan pa siya ni O’Hara sa isang barbero sa Makati City at doon ay pinagupitan ng premyadong manlilikhang pampelikula ang kapatid ni Rannie Raymundo nang gupit-Aguinaldo na bagay na bagay rin sa bituin.
***
“I have to prove na worthy din ako sa mga pinalitan ko.
“Sa kanila, si Jake lang ang nakasama ko sa mga eksena sa isang TV show.
“Si Diether, hindi ko pa nakasama sa project pero close naman kami.
“Si Coco, nagkakasama na rin kami sa mga lakaran.
“Si Dennis, sa Amerika, nagkakasama kami.
“Nakakatakot nga dahil puwede kaming ikumpara lahat.
“Sana, mabigyan ko ng justice ang aking pag-arte bilang Aguinaldo,” sabi ni Lance.
No comments:
Post a Comment