SA isang demokrasya, ang diwa ng malayang pakikipagkalakal at paghahain ng mga bagong ideya ay niyayakap at sinusuportahan ng sinumang naniniwala sa katuturan ng mga gawaing ‘yon.
Nang simulan ni Dr. Lito de la Merced ang Ginoong Filipinas ilang taon na ang nakakaraan, ang kanyang bisyon ay maipagmalaki ang mga kalalakihan bilang mga nilikha para sa kagandahan at magandang pananaw sa kasarian.
Hindi ibig sabihin na ang mga lalaki ay nagpapaseksi ay malaswa na at nagpapakaburara kundi man nagpapaka-cheap at parang nagpapakabakla.
Hindi ito ang kahulugan ng demokrasya para sa kabutihan ng sangkatauhan.
Dahil ang anumang bago kabilang ang pananaliksik ay para makapagtaguyod sa pagbuti at pagganda ng buhay.
Bagamat batbat ng mga kontrobersya, naninindigan si Lito na ang kanyang Ginoong Filipinas ay para sa pag-unlad ng kaisipan ng sambayanan sa pagtanaw sa pantay na pagtingin sa mga kasarian sa lipunan.
***
Ngayon naman ay marami nang nagsusulputang mga timpalak sa pagandahang lalaki sa pangangatawan at hitsura ng personalidad kabilang ang aktitud at pananaw sa buhay.
Hindi na mabilang ang mga paligsahan na nagsusulputan na apat na sulok ng lipunan kaugnay sa male beauty contest.
Nagpapaganda pa ng mga katawan ng mga lalaki para sa pagsali sa mga contest na ito.
Ang iba naman ay nakokontento na maganda ang kanilang katawan at ang sabi nga ng iskolar at manunulat na si Michael Tan, marami nang lalaki na nagpapaganda ng kanilang mga katawan para sa paghanga ng kanilang kapwa lalaki.
Isa itong rebelasyon ng makabago at rebolusyonaryong pagtingin sa mga bagay-bagay sa lipunang ito, sa loob at labas ng showbiz.
***
At dahil nasa demokrasya nga tayo, tinatanggap ang anumang pag-oorganisa kabilang ang mga male beauty pageant.
Hindi nga nagpaawat ang restauranteur na Aldin Quilas ng Checkpoint sa Carmona, Cavite para mailahad ang kanyang konsepto ng pagkalalaki sa lipunang ito.
Para kay Aldin ay kailangan ding ilantad ang katawan ng lalaki lalo na kung maganda ito.
At hindi nga nagkabula ang iniisip ni Quilas dahil nagkatototo ang kanyang propesiya.
Nilikha niya kasama ang pangulo ng Carmona Gay Society na si Sonny Ermitaño ang Ginoong Kalikasan upang maipakita ang kahalagahan ng kalalakihan sa pangangalaga ng kalikasan.
Aba, nakikipagtunggali ang mga bading ng Carmona sa magandang pagtanggap sa male beauty contest sa gitna ng mga upasala ng ipokritong lipunan.
***
Sa ika-30 nga ng Abril, 2010, sa Biyernes, sa ganap na alas siyete ng gabi, gaganapin ang kauna-unahang Ginoong Kalikasan ng Carmona, Cavite sa Townhomes Covered Court Milagrosa, Carmona, Cavite.
Ang isa sa mga hurado ng timpalak ay ang isa sa mga tagapagtaguyod ng kabadingan sa Pilipinas na si Jose A. Arrogante, mas kilala sa tawag na Joey Arrogante, isang propesor ng sining at komunikasyon sa De La Salle University-Dasmariñas, Cavite.
At sa mga larawan na nakita namin sa portfolio ni Aldin na siyang sekretarya ng organisasyon, may mga karapatan ang mga bagets na contestant.
Kabilang ang mga sumusunod sa mga kandidato kabilang ang barangay na kanilang kinakatawan: Dennis Punsal (Mabuhay), Patrick John Sanqui (Milagrosa),Nathan Masotes (GMA), Carlo Pakinggan (Mabuhay) Joemel Cariño (Maduya),Jumar Ramirez (GMA),Frederico Buenaventura (San Jose),Ryan Amparo (Old Bulihan),Eric Enriquez (Mabuhay), Timothy Medrano (Altarez), Jeff Tuazon (Townhomes) and Redante Villariez ( Townhomes).
Samantala, bukod kina Quilas at Ermitaño, ang iba pang opisyales ng samahan ay si Aging Martinez.
Ang mga sumusuporta naman sa gawaing kultural na ito ay ang aktor na si Bimbo Bautista, ang kapatid ni Gilbert Remulla na si Jonvic Remulla, Dr. Christine Camba, Usec Manny de Castro at Atty. Rosalinda Camba.
***
Pero gaano katotoong hindi pinayagan ng munisipyo ng Carmona na magdiwang ng paligsahan ang grupo sa may junction samantalang bukas na bukas ang lugar?
Maalwan nga namang panooran ang malawak na kalye sa may Checkpoint.
Ayon kay Quilas, natatakot ang munisipyo na makalikha ng trapiko ang kanilang event.
“Pero hindi naman po makaka-cause ng traffic ang beauty pageant namin, e. Malawak ang daan. Ewan ko nga po ba kung bakit ganyan ang desisyon nila porke ba may ibang gay society sa aming bayan?” tanong ni Aldin.
Pulitika nga ba ang ugat nito?
Star Patrol (for Saksi, April 29, 2010)
Boy Villasanta
Ginoong Kalikasan 2010, pagpapakita ng kultura ng beauty contest ng mga lalaki
SOSYAL ang lugar ni Nini Jacinto sa may Carmona, Cavite.
Sa mga lugar na ito ng aktres nabuo at isinilang ang bagong ideya ng paligsahan sa kalalakihan.
Masyado nang tahimik ang buhay ni Nini pero hanggang ngayon ay sakbibi pa rin siya ng mga intriga at kontrobersya.
Dahil nga ba sa taglay na kagandahan at kahusayan sa pag-arte ni Jacinto kaya naman kahit na ang pagdaraos ng Ginoong Kalikasan 2010 ay parang aninong laging sumusunod sa kanya?
Masyadong rebelde at mapusok ang organizer ng Ginoong Kalikasan 2010 na si Aldin Quilas, ang kalihim ng Carmona Gay Society sa Carmona, Cavite kasama ang kanyang presidenteng si Sonny Ermitaño.
Ngayon ay nakikipagtunggali na si Aldin sa iba pang mga male beauty contest sa ating lipunan.
***
Hindi nga ba’t ang nauna nang nag-organisa ng ganitong timpalak ay si Dr. Lito de la Merced?
Si Dr. Lito de la Merced na naging manager din ni Fernando Montenegro at Pookie Moreno na naging Isabel Reyes ang screen name.
Si Dr. Lito de la Merced na family medicine practitioner.
Si Dr. Lito de la Merced na ngayon ay direktor na rin sa pelikula dahil sa kanyang mga mapangahas na pagpapamalas ng mga sekswalidad ng tao sa lipunan.
Hindi masama ang paghain ng bagong ideya sa hapag-isipan ng mga tao dahil isa ito sa mga esensiya ng demokrasya.
Kaya ang pag-iimbento nina Quilas at Ermitaño ng Ginoong Kalikasan 2010 ay napapanahon at umaayon sa diwa ng malayang pagpupulong at pag-oorganisa.
***
Ayon kay Aldin, nabuo ang konsepto ng Ginoong Kalikasan 2010 nang mapansin niyang ang pagtanggap sa mga lalaki bilang mga nilikhang may kakayahan ding magpakita ng katawang seksi ay hindi pa masyadong matanggap ng ipokritong lipunan.
Kaya ngayon ay nangangakas si Quilas, kasama si Ermitaño, na maipakita sa publiko na hindi dapat itago ang kagandahang lalaki ng isang lalaki at ang magandang hubog ng katawan nito.
Hindi lang pisikal na anyo ang mahalaga kundi maging ang panloob na mga element ng isang lalaki ay importante rin sa pagsulong ng buhay sa isang lipunan.
Kaya nga ayon kay Aldin, ang aktitud at pananaw sa buhay ng isang lalaki ay kailangang sukatin at ipagmalaki kung malawak ang isip nito sa mga bagay-bagay, isang malaking ambag sa pagsulong ng buhay.
***
Ilan lang ito sa mga panguhanging layunin at adhikain ng Ginoong Kalikasan 2010 bukod pa sa pagtataguyod sa pangangalaga sa kapaligiran.
Nang dahil sa ganitong mga gawain, ang tamang pagmamahal sa paligid ay lalo pang maiintindihan.
Baka nga ang Ginoong Kalikasan ay maging bahagi rin ng Miss Earth-Philippines dahil ang pangangalaga sa planeta sa pamamagitan ng beauty contest ng kalalakihan at kababaihan ay malaking suporta sa malawak at intelihenteng pamumuhay ng bawat Filipino.
***
Kaya makiisa na sa Ginoong Kalikasan 2010 sa Biyernes, sa ika-30 ng Abril, 2010.
Gaganapanin ang kauna-unahang Ginoong Kalikasan sa sa Townhomes Covered Court Milagrosa, Carmona, Cavite sa ganap na ikkapito ng gabi.
Ang isa sa mga hurado ng timpalak ay ang isa sa mga tagapagtaguyod ng kabadingan sa Pilipinas na si Jose A. Arrogante, mas kilala sa tawag na Joey Arrogante, isang propesor ng sining at komunikasyon sa De La Salle University-Dasmariñas, Cavite.
At sa mga larawan na nakita namin sa portfolio ni Aldin na siyang sekretarya ng organisasyon, may mga karapatan ang mga bagets na contestant.
Kabilang ang mga sumusunod sa mga kandidato kabilang ang barangay at bayan na kanilang kinakatawan: Dennis Punsal (Mabuhay), Patrick John Sanqui (Milagrosa),Nathan Masotes (GMA), Carlo Pakinggan (Mabuhay) Joemel Cariño (Maduya),Jumar Ramirez (GMA),Frederico Buenaventura (San Jose),Ryan Amparo (Old Bulihan),Eric Enriquez (Mabuhay), Timothy Medrano (Altarez), Jeff Tuazon (Townhomes) and Redante Villariez ( Townhomes).
Samantala, bukod kina Quilas at Ermitaño, ang iba pang opisyales ng samahan ay si Aging Martinez.
Ang mga sumusuporta naman sa gawaing kultural na ito ay ang aktor na si Bimbo Bautista, ang kapatid ni Gilbert Remulla na si Jonvic Remulla, Dr. Christine Camba, Usec Manny de Castro at Atty. Rosalinda Camba.
***
Pero gaano katotoong hindi pinayagan ng munisipyo ng Carmona na magdiwang ng paligsahan ang grupo sa may junction samantalang bukas na bukas ang lugar?
Maalwan nga namang panooran ang malawak na kalye sa may Checkpoint.
Ayon kay Quilas, natatakot ang munisipyo na makalikha ng trapiko ang kanilang event.
“Pero hindi naman po makaka-cause ng traffic ang beauty pageant namin, e. Malawak ang daan. Ewan ko nga po ba kung bakit ganyan ang desisyon nila porke ba may ibang gay society sa aming bayan?” tanong ni Aldin.
Pulitika nga ba ang ugat nito?
No comments:
Post a Comment