MAAGA pa ay nasa Quezon City Sports Club na si Janice de Belen para dumalo sa ika-12 taon ng Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro o Pasado, isang samahan ng mga propesor at guro sa mga pamantasan, kolehiyo, mataas at mababang paaralan sa buong Pilipinas.
Alas sais pa ang awards night ng Pasado pero marami nang nagtungo sa isang bulwagan para sa masaksihan ang isang dinner concert na handog din ng grupo sa mga tumatangkilik sa organisasyon.
Nagtanghal ang peryodistang pampelikula na si Alex Datu at ayon sa kanya, dalawang bilang ang kanyang kinanta para sa kasiyahan ng mga manonood at tagapakinig.
Nagpakitang-gilas din ang iba’t ibang mag-aaral sa kolehiyo at high school na ang mga guro ay kasapi sa Pasado kaya naman lumuwas pa ang ibang estudyante para lang makasama ang mga taga-showbiz sa pagkakataong ito.
555
Eksaktong alas sais ng gabi nang simulan nina Pil Garcia at Rosie de Ocera ang paggagawad ng mga parangal.
Nauna na sa bulwagan, bukod pa kay Janice, sina Lotlot de Leon, Gloria Romero, Ronaldo Bertubin, Cita Sarabia, Jovi Lloza, Lucy Sevilla, Jun de Leon, Soxie Topacio, Gerald Santos, Roderick Paulate at iba pa.
Nagkalat na ang mga propesor at propesora ng mga eskuwelahan sa buong Pilipinas na kasapi ng Pasado.
Karamihan sa kanila ay may hawak na cell phone na may camera at handang kumuha sa mga aksyon at eksena ng gabi ng parangal.
Nandoon ang tagapangulo ng samahan na si Dr. Emmanuel Gonzales, kilala rin sa tawag na Manny Gonzales, barkada ni Danny Vibas sa FEU kung saan maestro si Gonzales.
Naka-tuxedo pa si Manny at talagang makulay ang presensiya.
555
Nang tawagin ang pangalan ni Enchong Dee bilang Dangal ng Kabataan Awardee, wala pa ang aktor at nang dumating siya ilang minuto ang nakakaraan ay saka muli siyang tinawag at saka iniabot ang kanyang tropeyo.
Hindi nakarating si Karylle na nagwagi rin ng Dangal ng Kabataan Award para sa hanay ng mga babaing bituin pero naka-phone patch naman siya.
Nagpapasalamat si karylle at humihingi siya ng paumanhin na hindi makakarating sa pagtitipon dahil may trabaho pa.
Nang dumating si Bea Alonzo ay hindi magkamayaw ang mga titser, estudyante, tagahanga at iba pang nagmamasid at nanonood dahil biglang nagulo ang programa.
Pinagkalipumpunganan ng mga guro si Bea at kesehodang mag-ingay ang mga ito sa disin sana’y tahimik na okasyon pero hindi napigilan ang kanilang paghanga sa aktres.
Ang iba’y nagnakaw ng sandali ng pagpapakuha ng larawan sa bituin at ang iba naman ay nais humalik at makipagkuwentuhan sa kanya na pinipilit namang mapagbigyan ni Alonzo.
^^^
Lalo pang nagkagulo nang dumating si John Lloyd Cruz na naka-Amerikana at nag guwapu-guwapo.
Hindi rin magkamayaw ang mga guro, estudyante at fans sa pakikipag-unahan sa pagkamay at pagpapakuha ng litrato kay John Lloyd.
Pati na ang mga emcee ng palatuntunan na sina Pil Garcia at Rosie de Ocera kahit na nagmamestro at maestro sa programa ay hindi napigil ang pagsawata sa mga kapwa guro na tumahimik sa gitna ng disin sana’y maringal na okasyon pero hindi napigil ang mga propesor na magkagulo kay Cruz.
Nang manalo nga si Roderick Paulate bilang Pinakapasadong Katuwang na Aktor para sa “Ded na si Lolo” ng APT Entertainment, sinabi niyang “noong una, sa school, pag maingay ang klase, sasabihin ng guro, ‘Class, keep quiet.’ Ngayon, iba na, “Teachers, keep quiet.”
^^^
Nagtabla sina Bea at Janice sa pagka-Best Actress para sa pelikulang “And I Love You So” ng Star Cinema at “Last Viewing” ng Davis Entertainment, respectively.
Naiuwi naman ni John Lloyd ang Pinakapasadong Aktor para sa “In My Life” ng Star Cinema.
Samantala, ka-tie ni Roderick si Derek Ramsey para sa pelikulang “I Love You Goodbye” ng Star Cinema.
Si Ronaldo Bertubin ang nagwaging Pinakapasadong Direktor para sa “Last Viewing.”
^^^
Narito pa ang ibang gantimpala ng Pasado:
Pinakapasadong Pelikula—tatlo ang nagwagi: “Last Viewing” ng Davis Entertainment, “Ded na si Lolo” ng APT Entertainment at “And I Love You So” ng Star Cinema.
Pinakapasadong Katuwang na Aktres—Mika de la Cruz (“T2”)
Pinakapasadong Istorya—“Last Viewing” nina Romualdo Avellonosa at Ronaldo Bertubin
Pinakapasadong Sinematograpiya—Gary Gardoce ng “And I Love You So”
Pinakapasadong Editing—Manet Dayrit ng “T2”
Pinakapasadong Musika—Von de Guzman ng “Mano Po 6”
Pinakapasadong Tunog—Albert Michael Idioma ng “T2”
Pinakapasadong Pelikula sa Paggamit ng Wika—“Mano Po 6” ng Regal Films
Pinakapasadong Guro—Prof. Tecthie Agbayani
Pinakapasadong Kabataan sa Sining—Enchong Dee (Male) at Karylle (Female)
Pinakapasadong Bituin (Pasado Lifetime Award)—Ms. Gloria Romero
Dangal ng Pasado (Pasado Lifetime Award)—Diether Ocampo (Tagapagtataf ng K.I.D.S. Foundation
Pasadong Simbulo sa Kagandahang Asal—Zaijin Jaranilla (“Santino”)
Pinakapasadong Dakilang Artista ng Bayan—Nora Aunor
Star Patrol for Saksi, April 27,2010
Boy Villasanta
Best Actress si Bea Alonzo sa 12th Pasado ka-tie si Janice de Belen
PANAHON na naman ni Janice de Belen.
Ngayong siya ay walang regular na TV show sa GMA Network, nakakalabas naman siya sa mga programa ng ABS-CBN.
At nakakagawa siya ng mga pelikula na maipagmamalaki.
Kaya nga maaga pa ay nasa Quezon City Sports Club na siya sa E. Rodriguez Avenue sa Quezon City para sa pagdiriwang.
Ka-table niya sina Ronaldo Bertubin, kilala rin sa tawag na Ronnie Bertubin.
Nandoon din ang marketing director ng mga pelikula ni Brillante Mendoza na si Jun de Leon at iba pang production staff ng kanilang pelikulang “Last Viewing” ng Davis Entertainment.
^^^
Pero bago pa ang okasyon ay may dinner concert na ang ika-12 Pasado o Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro.
Nag-show ang peryodistang pampelikula na si Alex Datu at bagamat hindi na namin siya narinig ay sinabi niyang dalawang bilang ang kanyang ipinarinig sa publiko.
Samantala, dahil ang karamihan sa mga miyembro ng Pasado ay mga guro sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan, ang mga mag-aaral sa kanilang mga paaralan ay naghandog din ng mga numerong musikal.
Bongga ang Pasado sa pamumuno ni Dr. Emmanuel Gonzales, kilala rin sa tawag na Manny na barkada ng peryodistang pampelikula na si Danny Vibas at kasama sa faculty ng FEU.
^^^
Hindi magkamayaw ang mga propesor at propesora sa loob ng bulwagan na nais makibahagi sa makasaysayang paggagawad ng award sa magagaling sa pelikulang lokal noong isang taon.
Lahat halos sa mga guro o estudyante na nasa bulwagan ay may mga hawak na cell phone na may camera at handang makipag-picture-an sa mga bituin.
Kaya nga nang dumating si Enchong Dee ay nagsimula nang parang makawala sa hawla ang mga bisita.
Na-late si Enchong nang siya ay tawagin sa pagiging awardee ng Dangal ng Kabataan sa hanay ng mga lalaking bituin pero nang siya ay dumating ay tinawag muli siya at hindi na nga magkamayaw ang mga manonood.
Nagwagi rin si Karylle ng Dangal ng Kabataan sa hanay ng mga babaing artista pero hindi nakarating ang aktres kaya nasa phone patch lang siya.
“Nagpapasalamat po ako at nabigyan ako ng ganitong karangalan. Sorry po pero I will treasure this very much,” pahayag ni Karylle na nasa trabaho ng mga sandaling ‘yon.
Lalo na nang dumating si Bea Alonzo ay lalo pang umigting ang paghanga ng mga tao. Halos lahat lalo na ang mga guro ay nais maki-pose ng larawan sa kanya o kaya naman ay makahalik o makakamay sa aktres.
Hindi rin humupa ang gulo nang dumatal na si John Lloyd Cruz at nagpa-picture din ang mga guro sa kanya.
Sinabi nga ng mga emcee na sina Pil Garcia at Rosie de Ocera na kailangang mag-behave ang mga guro.
^^^
Nang manalo nga si Roderick Paulate bilang Pinakapasadong Katuwang na Aktor para sa “Ded na si Lolo” ng APT Entertainment, sinabi niyang “noong una, sa school, pag maingay ang klase, sasabihin ng guro, ‘Class, keep quiet.’ Ngayon, iba na, “Teachers, keep quiet.”
Nanudyo nga si Roderick at wala siyang pakialam kung siya man ay hindi maintindihan.
Gayunman, nagtawanan lang ang mga tao sa kanyang pagpapatawa na may laman ng parinig sa mga guro.
^^^
Nagtabla sina Bea at Janice sa pagka-Best Actress para sa pelikulang “And I Love You So” ng Star Cinema at “Last Viewing” ng Davis Entertainment, respectively.
Naiuwi naman ni John Lloyd ang Pinakapasadong Aktor para sa “In My Life” ng Star Cinema.
Samantala, ka-tie ni Roderick si Derek Ramsey para sa pelikulang “I Love You Goodbye” ng Star Cinema.
Si Ronaldo Bertubin ang nagwaging Pinakapasadong Direktor para sa “Last Viewing.”
^^^
Narito pa ang ibang gantimpala ng Pasado:
Pinakapasadong Pelikula—tatlo ang nagwagi: “Last Viewing” ng Davis Entertainment, “Ded na si Lolo” ng APT Entertainment at “And I Love You So” ng Star Cinema.
Pinakapasadong Katuwang na Aktres—Mika de la Cruz (“T2”)
Pinakapasadong Istorya—“Last Viewing” nina Romualdo Avellonosa at Ronaldo Bertubin
Pinakapasadong Sinematograpiya—Gary Gardoce ng “And I Love You So”
Pinakapasadong Editing—Manet Dayrit ng “T2”
Pinakapasadong Musika—Von de Guzman ng “Mano Po 6”
Pinakapasadong Tunog—Albert Michael Idioma ng “T2”
Pinakapasadong Pelikula sa Paggamit ng Wika—“Mano Po 6” ng Regal Films
Pinakapasadong Guro—Prof. Tecthie Agbayani
Pinakapasadong Kabataan sa Sining—Enchong Dee (Male) at Karylle (Female)
Pinakapasadong Bituin (Pasado Lifetime Award)—Ms. Gloria Romero
Dangal ng Pasado (Pasado Lifetime Award)—Diether Ocampo (Tagapagtataf ng K.I.D.S. Foundation
Pasadong Simbulo sa Kagandahang Asal—Zaijin Jaranilla (“Santino”)
Pinakapasadong Dakilang Artista ng Bayan—Nora Aunor
No comments:
Post a Comment