Sunday, February 14, 2010

Jowee Morel, magdidirek ng 3 MTV sa London; utol ni Art Tapalla, patay!

MASUWERTE ang Year of the Tiger sa kontrobersyal na direktor na si Jowee Morel dahil Pebrero pa lang ay umaalagwa na ang kanyang beauty.

Kahit nag-aaral at nagtatrabaho siya sa London ay sasabak siya sa showbiz ng United Kingdom na ginagawa na niya noon pa.

Hindi nga ba’t nag-alaga pa siya ng mga talents noon na karamihan ay mga Filipino, Fil-Briton at mga taga-ibang bansa kabilang na ang mga Londoner.

E, sosyal naman ‘yang si Jowee dahil siya ay may amang British at inang tisay rin.

Tatlo nga agad na MTV ang ididirek ni Morel sa Marso at nakipagmiting na siya sa kanyang producer at mga bituin.

***

Huwag isnabin kung sino mga singer ang hahawakan ni Jowee sa kanyang MTV.

Sila ay mga sikat sa UK at sa iba pang kontinente.

Dahil tulad rin ng mga Filipino, ang mga Londoner at mga dayuhang naninirahan sa London ay mahuhusay ring kumanta.

Ayon sa direktor ng “Mga Paru-Parong Rosas (Pink Butterflies),” “Moma,” Ec2luv,” “Mona, Singapore Escort,” “When A Gay Man Loves,” “Moving Dreams,” “Latak,” “HiStory” at “Strictly Confidential,” ang una niyang ididirek ay si Emily Jade na sikat na sikat ngayon sa buong London.

Kung maima-market nga lang sa Pilipias ang mga kanta ni Emily ay tiyak na sisikat siya nang husto pero hindi nga gano’n kadali ang pagtitinda ng mga CD at mang-aawit sa mundong ito dahil maraming pulitika.

***

Ang ikalawang ididirek ni Morel ay ang popular na German singer na si Katja.

Sa katunayan, napakinggan na ninyo sa Pilipinas ang kanta ni Katja nang gamitin ni Jowee ang awitin ni Katja sa “Latak.”

Matagal nang magkakilala sina Morel at Katja kaya kampante nang ang mang-aawit na Aleman sa kanya.

Isang R&B ang ididirek din ni Jowee pero wala pang kumpirmasyon kung alin ang grupong ito.

Pero ang tiyak ay pag-uusapan na naman ang MTV na pagigilingin niya tulad nang gawin niya ang MTV ng Cueshe kamakailan.

***

Ayon sa isang text message ni Morel sa amin, gagawa na rin siya ng isang full-length feature sa London sa June.

Ibig sabihin ay papalaot na siya sa pinakasentro ng London film industry at gagapiin niya ang kolonyalisasyon ng aliw sa ibayong-dagat.

Kinakausap na rin niya ang mahuhusay at mga preymadong scriptwriter na sina Lynda Casimiro at Boots Agbayani-Pastor para sa kolaborasyon sa kanilang mga likhang-sining.

***

Samantala, aligaga ngayon ang peryodistang pampelikula at patnugot ng mga pahinang binabasa ninyo ngayon na si Art Tapalla sa pagkamatay ng kanyang kapatid na lalaki.

Isang umaga ay nagulat na lang si Art sa masamang balitang sumalubong sa kanya na nagsasabing pumanaw na ang kanyang utol.

Sa Diosdado Macapagal Hospital naratay sa banig ng karamdaman ang Kuya Adul ni Tapalla.

Ngayon ay alam na ng buong showbiz ang trahedyang sumapit sa progresibong manunulat kaya naman nakikisimpatya na silang lahat sa kanya.

Nagpasabi na si Sergio Galang ng kanyang pakikiramay at ang tatay ni Michelle na si Ray Junia ay nagpaabot na ng kalungkutan sa kamatayan ng utol ng movie reporter.

Nakaburol ang utol ni Art sa Bagong Barrio sa Caloocan City kaya ang mga taga-showbiz na nais magpunta roon ay kailangang maalam pumunta sa Barangay nina Tapalla sa 55.

Star Patrol (for Saksi, February 16, 2010)

Boy Villasanta

Direktor Jowee Morel, igagawa ng MTV ang German singer na si Katja sa London; kapatid Art Tapalla, patay

MARAMI ang magtatanong kung sino si Katja.

Ito ang madalas maganap sa buhay pag may nababanggit sa showbiz na hindi pamilyar na pangalan.

Sino siya?

Siniks?

Pero huwag isnabin si Katja dahil sikat na sikat siya sa London at sa buong Europa.

Kahit tanungin pa si Lea Salonga ay tiyak na pamilyar siya kay Katja na isang mahusay na mang-aawit.

***

Nakita na ninyo ang MTV ni Katja na isinama ni Jowee Morel, ang kontrobersyal na director, sa kanyang pelikulang “Latak.”

Black and white na may sepia ang konsepto ng MTV ni Katja na naipalabas na sa maraming bahagi ng mundo.

At pinuri pa ng mga kritiko sa ibayong-dagat ang likhang-sining na ito ni Katja kaya naman kahit si Jowee ay bilib na bilib sa kanya.

Hindi rin nahirapan sa copyright si Morel para magamit ang kanta ni Katja sa kanyang obra.

Ipinagkaloob agad ng orihinal na prodyuser ang karapatang-ari sa musika kaya naman nakalikha ito ng malaking impluwensiya sa mga manonood.

***

Ngayon ay si Jowee naman ang hahawak kay Katja para sa isang MTV.

“I have already talked with the producer of Katja and she gave me the project. I am really excited about the MTV. Imagine, magdidirek ako ng foreign singer,” sabi ni Morel sa isang long distance call.

Nasa London ang filmmaker dahil nag-aaral ng filmmaking sa City University of London kasabay ang pagtatrabaho sa British Broadcasting Company at sa iba pang establisimiyento sa UK.

Bongga, di ba?

***

Hindi lang isa kundi tatlo pa ang ididirek ni Jowee sa Marso kabilang ang isa pang popular na mang-aawit sa London na si Emily Jade.

Hindi lang nga mga Filipino ang magagaling sa musika kundi ang mga taga-Europe din at ang problema nga ng industriya ng musika sa buong mundo ay ang marketing dahil hindi biro ang magtinda ng CD o plaka.

Ayon kay Morel, may isang R&B rin siyang isu-shoot at ito ay mga kabataan pero nasa Spain pa ang manager kaya hindi pa naisasara ng direktor ang usapan.

Pero kasado na ang proyekto.

Kaya masuwerte si Jowee dahil Pebrero pa lang ay bumabaha na ang kanyang mga proyekto.

Talentado talaga kasi si Morel kaya gano’n.

***

Sinabi rin ni Jowee na gagawa siya ng isang full-length movie sa London sa June kaya naman atat na atat na siya sa paghihintay.

Hindi na siya makapagkatulog sa pananabik tulad rin ng kanyang paghahanap sa Pilipinas.

Pero sinabi ng filmmaker na masayang-masaya siya sa pag-aaral ng Screewriting at Digital Filmmaking sa City University.

“Sa Screenwriting class ko, ang dami kong natutunan. Kailangan pala ay simple lang ang mga salita sa iskrip at huwag maraming detalye,” sabi ni Jowee.

Samantala, sa Digital Filmmaking ay nakahawak na siya ng bagong kamerang pampelikula at isa siya sa kakaunting nagkapalad na makagamit nito kaya pagdating sa Pilipinas ay kauna-unahan siya sa kaalaman nito.

***

Samantala, aligaga ngayon ang peryodistang pampelikula at patnugot ng mga pahinang binabasa ninyo ngayon na si Art Tapalla sa pagkamatay ng kanyang kapatid na lalaki.

Isang umaga ay nagulat na lang si Art sa masamang balitang sumalubong sa kanya na nagsasabing pumanaw na ang kanyang utol.

Sa Diosdado Macapagal Hospital naratay sa banig ng karamdaman ang Kuya Adul ni Tapalla.

Ngayon ay alam na ng buong showbiz ang trahedyang sumapit sa progresibong manunulat kaya naman nakikisimpatya na silang lahat sa kanya.

Nagpasabi na si Sergio Galang ng kanyang pakikiramay at ang tatay ni Michelle na si Ray Junia ay nagpaabot na ng kalungkutan sa kamatayan ng utol ng movie reporter.

Nakaburol ang utol ni Art sa Bagong Barrio sa Caloocan City kaya ang mga taga-showbiz na nais magpunta roon ay kailangang maalam pumunta sa Barangay nina Tapalla sa 55.

No comments:

Post a Comment