Friday, February 12, 2010

Chinese New Year sa loob at labas ng showbiz… “May lindol ngayong Year of the Tiger” -Celebrity psychic Madam Su


UMARYA na naman ang tinaguriang celebrity psychic, ang isa sa mga pinakapopular na manghuhula sa showbiz, kahalubilo ng mga artista na si Madam Suzette Arandela.

Pero siya ay sikat sa loob at labas ng showbiz kaya naman ang kanyang kredibilidad ay ipinangangalandakan sa apat na sulok ng kapuluan.

Ngayong araw na ito ay Bagong Taon.

Bagong Taon?

Hindi ba’t ang Bagong Taon ay tuwing ika-1 ng Enero?

Totoo ‘yan sa mga Filipino at sa mga Katoliko sa Pilipinas pero marami ngang kultura sa daigdig at showbiz ang mga ito na ang ibig sabihin ay malalalim, malalawak, matutunggali, madadrama, makukulay, masasalimuot at iba pang pang-uring naglalarawan ng kakomplikasyunan at katensyunan ng buhay.

Yes, Bagong Taon ngayon ng mga Tsino pero dahil nga ang mundo ay lumiliit na, ang mga mamamayan at mga lahi ay napag-iisa na dahil sa migrasyon, sa pag-aasawa ng iba’t ibang lahi, komunikasyon tulad ng telebisyon, radyo, pelikula, internet at iba pang makabagong makina at iba pang dahilan, ang mga kultura ng may kultura ay nagiging kultura na rin ng ibang naiimpluwensiyahan nito o nagpapaimpluwensiya rito at patuloy itong mananalasa sa pagdaraan ng panahon.

***

Year of the Tiger ngayon.

At patuloy ang intrigahan ng mga manghuhula, feng shui at kung anik-anik pa sa kahalagahan at katotohanan ng Year of the Tiger.

Ang ibang manghuhula ay sinasabing Year of the Metal Tiger. ‘Yong iba naman, ang sinasabi ay Year of the Wooden Tiger. At ang iba ay nagsasabing ang tama ay Year of the Golden Tiger.

Naku, kung anik-anik.

Bastat ang sinasabi ni Madam Suzette ay Year of the Tiger o maaaring inilalarawan pa niya ito ng iba.

Nang maging panauhin si Arandela kamakailan sa Mall of Asia sa Pasay City sa imbitasyon ng marketing department nito, sinabi niyang “hindi stable ang Year of Tiger. Unpredictable ang 2010.”

Anong ibig sabihin niya?

“Maraming pabagu-bago sa taong ito. Hindi fixed ang mga pangyayari at mga bagay. Kailangang mag-isip nang makasampunng beses ang isang tao para makasiguro o kahit na nag-isip siya ay maaari pa ring magpabagu-bago ang lagay ng mga bagay-bagay,” pahayag ng kontrobersyal na manghuhula.

***

Pero nagsalita nang patapos ang jetsetter na psychic.

Ayon sa kanya, marami pa ring mga kaguluhan at kalamidad na magaganap sa ating minamahal na bayan kaya kailangang magdasal.

At tulad ni Jojo V. Acuin na nagsasabing siya ay tagapaghatid lang ng mga hula at sa Diyos pa rin ang patnubay at mga paniniwala kabilang na ang mga biyaya, ganyan din ang inihahabilin at itinatagubilin sa ating lahat ng isang Madam Suzette Arandela na matatawagan sa telepono bilang 7142662.

“May mga aksidente sa ere at may mga sunog sa iba’t ibang bahagi ng bansa,” pahayag ni Madam.

At ngayong sariwa pa sa alaala ng taumbayan ang naganap na lindol sa Haiti, ayon kay Arandela ay makakaranas din ang ibang bansa ng mga lindol.

“Lilindol sa Pilipinas ngayong 2010,” pahayag ni Madam at ang lahat ay kinilabutan.

“Pero magdasal tayo nang hindi ito matuloy at nang mapigilan at walang mapahamak,” paalala ng psychic na kamukha ni Alicia Alonzo.

Star Patrol (for Saksi, February 15, 2010)

Boy Villasanta

Happy Chinese New Year ngayong araw na ito…

“Maraming kalamidad ngayong Year of the Tiger”

-Celebrity psychic Madam Suzette Arandela

IPINAGDIRIWANG ngayong araw na ito ng mga Tsino ang Bagong Taon.

Ito ang tinatawag na Chinese New Year.

Ito ay isang kultura na nagmula pa sa sinaunang China na ipinamana ang paniniwala sa kasalukuyang henerasyon sa loob at labas ng showbiz.

Pero bakit gano’n?

Ang alam nating New Year ay January 1.

Talagang gano’n.

Ito naman ang paniniwala ng mga Katoliko at nating mga Filipino dahil ang sinusunod nating kalendaryo ay ang sa Romano.

Nakakamangha nga, di ba?

Pag January One, tayong mga Filipino ay nagdiriwang ng Bagong Taon pero ang mga kababayan nating Chinese, naturalized man o mestizo o dayuhan man ay nakikipagdiwang sa atin.

Ibig sabihin nito ay naniniwala rin sila sa ating Bagong Taon.

At marami na rin sa atin ang nagdiriwang ng Chinese New Year kahit na hindi naman tayo Tsino at tayo ay taal na Filipino.

Bakit nga ba gano’n?

***

Dahil lumiliit na ang mundo, nag-iisa na ang mga kulturang pamana ng iba’t ibang lahi, kumikitid na ang mga kultura at sa pagdaraan ng mga panahon ay magsasanib at magiging isa ang lahat ng mga kultura sa buong uniberso.

Ito ang batas ng synthesis.

Kung may thesis ay may antithesis.

At ang thesis ay nakikipagtunggali sa kapwa thesis na tinatawag ding antithesis.

Pagkatapos nito ay maghuhugpong ang dalawang puwersa pagkatapos nang walang katapusang tunggalian para magwakas sa synthesis.

Maaaring nagkakabanggaan ang mga pilosopiya at pamamaraan o ideya ng Bagong Taon ng mga Filipino o Katoliko sa Bagong Taon ng mga Tsino pero sa pagdaraan ng mga sandali, araw, buwan, taon, dekada, siglo, milenyo o milyun-milyon o trilyun-trilyon pang milenyo, magsasanib ang mga kulturang ito sa labas at labas ng showbiz.

***

Isa si Madam Suzette Arandela, isa sa mga itinuturing na celebrity psychic, sikat na manghuhula ng mga artista at iba pang taga-showbiz, sa mga Filipino na impluwensiyado ng thesis, antithesis at synthesis.

Filipino siya pero apektado siya ng mga rikotitos at kultura ng ibang nasyon lalo na ng mga panghuhula ng mga Tsino na nagsimula pa noong unang panahon.

Feng shui ang isa sa mga pamanang kultura ng geomancy ng mga Intsik kay Madam Suzette dahil siya ay isang eksperto rin sa feng shui.

Samantala, ang panghuhula sa pamamagitan ng crystal ball ay may kulturang Hindu o Arabo kaya naman samu’t sari na ang mga impluwensiya sa ating buhay ng mga taong hindi Filipino.

Dahil nga kahit ang Filipino ay nagmula sa mga impluwensiya ng iba’t ibang kultura.

Sa katuusan, ang mundo ay mag-iisa o magiging isa.

At lumiliit na nga ang mundo natin.

Ito ay hindi lang sa pisikal na anyo ng mundo—bagamat nananatili pa rin ang sukat at laki ng hugis ng planeta pero may mga erosyon na o lamat ang mga lupa o kaya ay maaaring lumulukot o umuurong ang dagat at kumakapal ang hangin ang dahil sa polusyon at mga uri ng alikabok.

Kundi lumiliit o nag-iisa ang mga lahi o pagkamamamayan ng mga bansa sa gitna ng pagtunggalian dahil sa migrasyon, sa pag-aasawa ng iba’t ibang lahi, komunikasyon tulad ng telebisyon, radyo, pelikula, internet at iba pang makabagong makina at iba pang dahilan, ang mga kultura ng may kultura ay nagiging kultura na rin ng ibang naiimpluwensiyahan nito o nagpapaimpluwensiya rito at patuloy itong mananalasa sa pagdaraan ng panahon.

***

Pati nga sa paggamit ng mga pariralang Year of the Tiger, ang binyag na simbolo ng mga Tsino sa taong 2010, may intrigahan at tunggalian pa rin ang mga manghuhula.

May isang nagsabing hindi Year of the Metal Tiger ang Year of the Tiger kundi Year of the Golden Tiger.

May iba pa ring nagsasabing Year of the Wooden Tiger.

Si Madam Suzette, Year of the Tiger ang kanyang sinasabi o maaaring may variation din siya sa ngalan ng pakikipagtunggali.

Bastat ang sinasabi ni Arandela, ang 2010 ay taon ng walang katiyakan.

***

Nang maging panauhin si Arandela kamakailan sa Mall of Asia sa Pasay City sa imbitasyon ng marketing department nito, sinabi niyang “hindi stable ang Year of Tiger. Unpredictable ang 2010.”

Anong ibig sabihin niya?

“Maraming pabagu-bago sa taong ito. Hindi fixed ang mga pangyayari at mga bagay. Kailangang mag-isip nang makasampunng beses ang isang tao para makasiguro o kahit na nag-isip siya ay maaari pa ring magpabagu-bago ang lagay ng mga bagay-bagay,” pahayag ng kontrobersyal na manghuhula.

***

Pero nagsalita nang patapos ang jetsetter na psychic.

Ayon sa kanya, marami pa ring mga kaguluhan at kalamidad na magaganap sa ating minamahal na bayan kaya kailangang magdasal.

At tulad ni Jojo V. Acuin na nagsasabing siya ay tagapaghatid lang ng mga hula at sa Diyos pa rin ang patnubay at mga paniniwala kabilang na ang mga biyaya, ganyan din ang inihahabilin at itinatagubilin sa ating lahat ng isang Madam Suzette Arandela na matatawagan sa telepono bilang 7142662.

“May mga aksidente sa ere at may mga sunog sa iba’t ibang bahagi ng bansa,” pahayag ni Madam.

At ngayong sariwa pa sa alaala ng taumbayan ang naganap na lindol sa Haiti, ayon kay Arandela ay makakaranas din ang ibang bansa ng mga lindol.

“Lilindol sa Pilipinas ngayong 2010,” pahayag ni Madam at ang lahat ay kinilabutan.

“Pero magdasal tayo nang hindi ito matuloy at nang mapigilan at walang mapahamak,” paalala ng psychic na kamukha ni Alicia Alonzo.

No comments:

Post a Comment