Wednesday, February 3, 2010

Christian Bautista, in-offer-an ng TV soap opera sa Indonesia


HUWAG isnabin si Christian Bautista sa kanyang pamamayagpag hindi lang sa Pilipinas bilang mang-aawit at aktor kundi pati na rin sa Indonesia kung saan ay sikat na sikat siyang singer at performer.

Kung tutuusin nga ay mas sikat siya marahil sa Indonesia kaysa Pilipinas kahit na dito ang kanyang lupang sinilangan.

Kasi, malawak ang marketing ng Universal Records kung saan nakakontrata si Christian at kahit na saang bansa lalo na at Asyano na pareho at kahawig ng mga Filipino ang mga Indon.

Kahit na sa Malaysia ay nagsisimulang paghangaan at pansinin si Bautista kaya ito ang kanyang kasunod na gagapiin.

***

Nang dahil sa kanyang kasikatan sa Indonesia ay may alok sa kanya ang isang malaking TV network doon na makapag-taping ng isang malaking soap opera.

Kung sa Pilipinas ay wala pa siyang soap opera, sa ibang bansa ay pinag-aagawan ang magandang lalaking manganganta.

Ano ba ‘yan?

Kaya lang, ang problema ay walang alam na Bahasa Indonesia si Christian.

Ang Bahasa Indonesia ay ang opisyal na wikang sinasalita ng mga Indon sa kanilang bansa.

Masyadong makabayan ang mga Indon kaya naman kailangang sumakay ka sa kanilang kultura.

Maipagmamalaki nga ang pagkamakabayan ng mga Indon at maikukumpara sa atin na may pagka-kolonyal.

Kolonyal din naman ang mga Indon at sila ay sinakop din ng mga dayuhan pero ngayon ay nais nilang maging makabuluhang Indon sa tanang buhay nila sa pamamagitan ng pagsasalita ng katutubong wika bagamat kailangan din nilang magsalita sa wikang Ingles para sa globalisasyon.

***

Kaya nga mag-aaral si Christian ng Bahasa Indonesia at ayon sa kanya, madali lang namang mag-aral ng dila ng ibang bansa sa pamamagitan ng pang-araw-araw na paggamit nito.

“I have to be used to their language para makasama ako sa soap opera,” pahayag ni Bautista sa paglulunsad ng kanyang bagong ini-endorsong Ink All You Can.

Si Bautista ang napili ng pamunuan ng Ink All You Can dahil naibibigay niya ang mga sustansiya at diwa ng pagiging makabuluhang tagapagbando ng produkto.

Madali lang namang makapunta sa Jakarta, Indonesia, ayon sa bituin dahil dalawang oras lang ang biyahe papunta roon.

“If you leave the Philippines at night, halimbawa, ten in the evening, nando’n ka na at midnight,” pahayag ng poging celebrity endorser.

Sinabi ni Christian na namamangha siya sa mga kalidad ng Ink All You Can.

Nagtatanong nga si Isah V. Red kung puwede siyang mag-franchise sa kanilang bayan sa Bicol.

***

Hindi rin totoo na sa Indonesia na titira si Christian dahil kagagaling lang niya roon ay hero na naman siya at babalik na naman para sa karagdagang promosyon ng kanyang musika sa panig na ‘yon ng Asya.

May concert din sila nina Carlo Orosa at Karylle sa Amerika.

Ang talente manager ni Christian na si Carlo sa inyong kaalaman ay isa ring mang-aawit na sumikat noong 1980s kasabay nina Keno, Gino Padilla, Raymond Launchengco at marami pang iba.

Star Patrol (for Saksi, February 3, 2010)

Boy Villasanta

TV soap opera sa Indonesia, naghihintay ng sagot mula kay Christian Bautista

NGAYON pa lang ay puspusan na ang pag-iisip ni Christian Bautista sa pag-aaral ng Bahasa Indonesia dahil sa isang nakakahumaling na alok mula sa isang malaking TV station sa Jakarta, Indonesia.

Isang TV soap opera ang kamakailan ay inialok sa magandang lalaking singer.

Aba’y nakapagtataka dahil wala man lang siyang TV drama sa Pilipinas pero sa ibang bansa ay ino-offer-an siya.

Kabalintunaan!

Kaya nga nagsisikap si Christian na makapag-aral ng Bahasa sa lalong madaling panahon.

***

Kunsabagay ay madali lang namang matutunan ang isang wika sa paggamit nito sa araw-araw na ginawa ng Diyos.

Nakapagturo na kami ng Tagalog sa mga banyaga—mga Amerikano, New Zealander, Canadian, Chinese, Italian, Maltese, German, Australian at mga balikbayang Pinoy at iba pa—at sa pagsasanay nang madalas ay madali silang nakakapagsalita ng ating wika.

Mga misyonaryo o kaya naman ay mga negosyante ang mga estudyante namin noon ng peryodistang pampelikulang si Arthur Quinto kaya naman alam naming madaling matuto ang isang tao na may marubdob na pagnanasang makapag-aral ng lengguwahe ng may lengguwahe.

At ito ang nasa utak ni Christian.

***

Sikat na sikat kasi siya sa Indonesia at ang kanyang mga tagahanga roon ay mas marami pa marahil kaysa sa mga tagahanga niya sa Pilipinas.

May malaking marketing network kasi ang punong recording company ni Bautista na Universal Records kaya nakapagpapadala ang kumpanyang ito ng maraming promosyon at marketing materials sa ibang bansa.

Isa pa’y magaling talagang mang-aawit si Christian at pogi pa na sinasamba hindi lang ng mga Filipino kundi ng mga taga-ibang bansa.

Pati nga Malaysia ay pupuntahan at paghaharian na ni Bautista lalo na sa tulong ng kanyang mother studio.

Kaya maghihintay ang buong mundo sa kanyang pagsalakay sa kanilang teritoryo gamit ang kanilang wika na hindi ibig sabihin ay itatakwil na ng binata ang kanyang natutunang Filipino sa Pilipinas.

Masyado kasing makabayan ang mga Indon kaya ito ang dapat matutunan natin sa kanila kaya sila ay maunlad.

“I have to be used to their language para makasama ako sa soap opera,” pahayag ni Bautista sa paglulunsad ng kanyang bagong ini-endorsong Ink All You Can.

Si Bautista ang napili ng pamunuan ng Ink All You Can dahil naibibigay niya ang mga sustansiya at diwa ng pagiging makabuluhang tagapagbando ng produkto.

Madali lang namang makapunta sa Jakarta, Indonesia, ayon sa bituin dahil dalawang oras lang ang biyahe papunta roon.

“If you leave the Philippines at night, halimbawa, ten in the evening, nando’n ka na at midnight,” pahayag ng poging celebrity endorser.

Sinabi ni Christian na namamangha siya sa mga kalidad ng Ink All You Can.

Nagtatanong nga si Isah V. Red kung puwede siyang mag-franchise sa kanilang bayan sa Bicol.

***

Hindi rin totoo na sa Indonesia na titira si Christian dahil kagagaling lang niya roon ay hero na naman siya at babalik na naman para sa karagdagang promosyon ng kanyang musika sa panig na ‘yon ng Asya.

May concert din sila nina Carlo Orosa at Karylle sa Amerika.

Ang talente manager ni Christian na si Carlo sa inyong kaalaman ay isa ring mang-aawit na sumikat noong 1980s kasabay nina Keno, Gino Padilla, Raymond Launchengco at marami pang iba.

No comments:

Post a Comment