NASALING hindi lang ang mga pisikal na katawan ng mga seksing miyembro ng Baywalk Bodies kundi maging ang kanilang dignidad at diwa sa nangyari sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 kamakailan.
Ito ay nang maiwan sila ng eroplanong kanilang lulunanan patungong Cebu City.
Ayon kay Lito de Guzman, talent manager ng grupo, bumili sila ng tiket sa booking station ng Cebu Pacific para sa kanya at sa mga kasapi ng Baywalk Bodies at Wonder Gays, isang grupo ng mga baklang kumakanta at sumasayaw.
Nakalagay sa tiket na alas kuwatro singkuwenta y singko ng umaga ang lipad ng kanilang sasakyang panghimpapawid kaya naman ayon kay Lito ay ala una pa ng umaga ng ika-15 ng Enero, 2010 ay nandoon na siya, ang mga babaing ito at ang mga bading na mananayaw at manganganta.
“Nag-check in na kami para nga mas maaga at nang wala nang aberya. May mga dalang costume ang mga alaga ko kaya marami kaming bags,” pahayag ni de Guzman.
***
Nang makapag-check in sila ay umalis muna ang mga bituing babae at ang mga bakla kasama si Lito para kumain ng lugaw.
Wala pang almusal ang mga ito kaya naman lalamnan muna nila ang kanilang mga bituka.
Dahil marami nang oras ang dumaan ay kampante lang ang Baywalk Bodies, ang Wonder Gays at si Lito habang umaandar ang bawat sandali.
Bastat ang alam nila ay 4:45 am ang lipad ng eroplano.
***
Ayon kay Danny Batuigas, ang opisyal na tagapagsalita ni de Guzman, nang bumalik ang mga grupo sa waiting lounge ay wala na ang eroplano papuntang Cebu.
“’Yon pala, napuna ni Lito na may nakalagay sa tiket na puwedeng umalis nang maaga ang eroplano kahit na may nakalagay ng oras ng pag-alis,” sabi ni Danny.
Nagpupuputok ang butse sa galit si Lito.
“Pambihira sila. Wala silang sinasabi sa amin na aalis nang maaga ang eroplano. Para kaming itinapon na lang,” pahayag ni de Guzman sa elevator ng National Press Club sa may Lawton kung saan kinatagpo niya at ng Baywalk Bodies at Wonder Gays ang mga opisyal ng NPC sa pangunguna ni Benny Antiporda upang maghain ng sumbong laban sa Cebu Pacific.
***
At upang maging mas malinaw ang istorya, nagpunta pa kami sa upisina ng Cebu Pacific sa Robinsons Galleria at bagamat bilihan ng tiket ito, nabigyan kami ng telepono ng Corporate Communications ng Cebupac at nakausap namin si Michelle de Guzman, isa sa mga staff ng tanggapan.
“Wala pa po kaming official statement sa nangyari. Kasi po, wala ang aming head na si Candice Iyog. Pero ang masasabi ko lang po, ang departure po ng eroplano ay nakalagay sa tiket at ‘yon po ang sinusunod,” pahayag ni de Guzman.
***
Samantala, sinabi ni Batuigas na nakansela ang lahat ng pagtatanghal ng Baywalk Bodies at Wonder Gays sa Cebu nang dahil sa antala.
Dala-dalawa na lang kasi ang mga pasahero na kasama ni Lito sa pagsakay sa eroplano at hindi na sila sabay-sabay hanggang makarating ng Cebu.
“Pati ‘yong mga courtesy call namin sa mga mayor at iba pang city officials, hindi na natuloy,” pahayag ni Danny.
Star Patrol (for Saksi, February 1, 2010)
Boy Villasanta
Baywalk Bodies at Wonder Gays, lalabanan ang Cebu Pacific sa di nila pagsakay sa eroplano
NANGGAGALAITI pa rin sa galit ang kontrobersyal na talent manager na si Lito de Guzman kaugnay sa pagkakaiwan sa kanila ng biyaheng Cebu Pacific na eroplano patungong Cebu City noong ika-15 ng Enero, 2010.
Pati ang mga miyembro ng Baywalk Bodies at Wonder Gays na kasama ni Lito papuntang Cebu ay nagagalit at naiinis sa kaganapan dahil sa apektado na ang kanilang pamilya at ang mga sarili nila mismo.
Sinabi ni Lito na sila ay parang inilaglag sa ere ng Cebu Pacific samantalang nakalagay naman sa tike tang takdang oras ng pag-alis ng sasakyang panghimpapawid.
“Para kaming ibinuldyak na lang,” pahayag ni Lito, ang tagapamahala ng mga bituin na nagpasikat sa mga tulad nina Ynez Veneracion, Ramona Revilla, Yda Manzano at marami pang iba.
***
Noong ika-15 ng Enero, 2010 ito nangyari.
Narito ang salaysay ni Danny Batuigas, ang opisyal na tagapagsalita ni de Guzman.
“Kasi po, may show ang Baywalk Bodies at Wonder Gays sa Cebu kaya maaga pa ng January 15 ay nasa Terminal 3 na sila ng Ninoy Aquino International Airport,” pahayag ni Danny.
Ayon sa peryodistang pampelikula, ala una pa ng umaga ay nandoon na sina Lito, ang Baywalk Bodies at ang Wonder Gays.
“Maaga nga po silang nag-check in dahil marami silang dala, mga costumes ‘yon. Pagkatapos na makapag-check in sila, lumabas muna sina Kuya Lito kasama ang mga Baywalk Bodies at ang Wonder Gays para kumain ng lugaw.
“Gutom na gutom na kasi sila dahil pasado hatinggabi na at wala pa silang kain pero nakapagpahinga na ang iba sa kanila. Pero nang bumalik sila sa waiting lounge ng Cebu Pacific para sa departure area, nakaalis na ‘yong eroplanong kanilang sasakyan,” kuwento pa ni Batuigas.
***
“So, nag-panic na sila at si Kuya Lito. Kasi, may maaga pa silang appointment sa Cebu. Tapos, nagreklamo si Kuya Lito. Tapos, ang sabi, may nakalagay raw sa tiket na puwedeng umalis ang eroplano kahit maaga pa.
“Kaya lang, ang alam ni Kuya Lito ay four forty five in the morning ang flight ng Cebu Pacific for Cebu ng araw na ‘yon. Kaya an aga-aga pa nila sa airport para lang wag mahuli sa flight.
“Tapos, ganyan ang nangyari. Kaya nga parang nawalan ng ulirat ang Baywalk Bodies at ang Wonder Gays. May mga courtesy call pa naman sila sa mga mayor at city officials pero ganyan ang nangyari. Cancelled na rin ang mga show nila. Tapos, masama pa ang kanilang loob,” pahayag ni Batuigas.
***
Samantala, wala pang iniisyung opisyal na statement ang Cebu Pacific kaugnay sa insidente.
Kami mismo ay nagtungo sa tanggapan ng bilihan ng tiket sa Robinsons Galleria dahil ang ibinigay na numero ng PLDT kaugnay sa pagtatanungan ng insidente o masasabi ng Cebupac ay laging abala at hindi kami makapasok.
Naibigay naman sa amin ang isa pang phone number sa upisina ng Corporate Communications.
Ayon kay Michelle de Guzman, wala pang opisyal na pahayag ang kumpanya kaugnay sa insidente.
“Nasa ibang bansa pa po ang head namin na si Candice Iyog kaya wala pa po kaming official statement d’yan. Pero ang masasabi ko lang po r’yan, kung ano ang nakalagay na oras ng departure sa tiket ay ‘yon ang oras ng alis eroplano,” pahayag ni Michelle.
***
Umapila rin sina Lito, ang Baywalk Bodies at ang Wonder Gays sa National Press Club para matulungan sila sa kanilang reklamo.
Humarap sa kanila ni Benny Antiporda, ang pangulo ng NPC para madaluyan ng imprmasyon at kaukulang hakbang.
Nagkagulo sa NPC sa pagdating ng Baywalk Bodies at Wonder Gays.
No comments:
Post a Comment