Sunday, April 18, 2010

Dolphy at Mar Lopez, kuwela sa “Pidol’s Wonderland” ng Channel 5

UMAARIBA muli si Dolphy sa telebisyon at mula sa iba’t ibang istasyon ng TV—mula sa Channel 9 hanggang sa Channel 2 at ngayon ay sa Channel 5 naman o kilala rin sa tawag na TV5, namamayagpag ang Hari ng Komedya.

Hindi talaga kumukupas ang bituin ni Dolphy dahil ngayon naman ay ang “Pidol’s Wonderland” nagbibigay ng mga biyaya ng pagpapatawa ang komedyante.

Napapanood na ito sa TV5 tuwing Linggo ng gabi, alas sais y medya hanggang alas siyete y medya.

“Naku, malakas ang ‘Pidol’s Wonderland’ lalo na sa mga bata. Nakakatawa talaga at tiyak na maraming manonood dahil nami-miss na nila si Dolphy,” pahayag ng asawa ni Mar Lopez, ang isa sa mga miyembro ng D’Big 3 Sullivans.

***

Matagal nang magkaibigan at magkabarkada sina Mar at Dolphy sapul nang mag-artista silang dalawa.

Marami nang pinagsamahan ang dalawa at para na silang magpamilya.

Hindi nga ba’t kasama rin sa “Nobody, Nobody But Juan” ng Kaizz Ventures si Lopez na pinagbidahan ni Dolphy para sa 2009 Metro Manila Film Festival?

Pati sa pagtatanghal ni Dolpy sa ibang bansa, lalo na sa Amerika ay isinasama rin niya si Mar at ang mga katrio nito sa dating D’Big Three Sullivans at Tatlong Pinoy.

“Hindi makakatiis si Pareng Dolphy na hindi kami isama sa kanyang mga project at mabait naman talaga ‘yang kumpare naming ‘yan,” wika ni Mang Mar.

***

Samantala, kilala naman ninyo marahil si Venus Lopez, ang anak nina Mar at ng kanyang mahal na misis.

Si Venus Lopez na inilunsad na mang-aawit noon?

Si Venus Lopez na nagsimula sa ABS-CBN pero hindi niya ipinagpatuloy ang kanyang karera roon?

Si Venus Lopez na naging syota ni Meynard Lapid, ang bunsong anak na lalaki ni Lito Lapid kay Marissa Lapid.

Ayon sa kanyang ina, teller na sa Metro Bank sa Visayas Avenue sa Quezon City si Venus at enjoy na enjoy anya ito sa kanyang trabaho.

***

Namumulaklak na ang career ni Venus noon nang sabihan siya ng isa sa kanyang mga tiya na sumubok sa bangko, umeksamin dahil sayang naman kung hindi maisasapraktika at mapapakinabangan ang kanyang pinag-aralan sa kolehiyo.

Kaya naman heto at namumukadkad ang banking business ng babaing Lopez.

Ang dami anang ina na nanliligaw sa kanyang anak ngayon.

“Ang daming nagbibigay sa kanya ng mga chocolates at flowers. Kahit na mas may mga edad, okey lang sa kanya ‘yon. Kasi, nakikipagkaibigan lang naman ang mga ‘yon, e,” kuwento ng ina ni Venus.

Magandang-maganda pa rin si Venus at hindi nawawala ang sex appeal.

May kasintahan anya ang kanyang anak pero wala pang balak na mag-asawa o magpakasal kaya.

***

Nakakapag-show pa rin anang ina si Venus pag Sabado at Linggo na walang pasok sa bangko.

Para sa ina, walang kahulilip ang kaligayahang kanyang nadarama sa kapalarang nagaganap sa anak.

Bukod sa artista ay bank teller pa.

“Bihira ang ganyan sa mga babae kaya naman ipinagmamalaki ko si Venus,” sabi ng ina.

Star Patrol (for Saksi, April 18, 2010)

Boy Villasanta

Dolphy, hindi pinabayaan si Mar Lopez ng D’Big Three Sullivans at Tatlong Pinoy

LAGING maaasahan ang walang kupas na komiko na si Dolphy lalo na sa mga pagpapasok sa trabaho ng mga kasamahan sa hanapbuhay.

Isang halimbawa ang paglalagay ni Dolphy sa kanyang matagal nang kasama sa showbiz na si Mar Lopez.

Si Mar Lopez na miyembro ng D’Big Three Sullivans at ngayon ay mas kilala sa tawag na Tatlong Pinoy.

Si Mar Lopez na kilalang kompositor at bituin sa tanghalan, telebisyon at pelikula kabilang ang radyo.

Nang buuin ang istorya ng “Pidol’s Wonderland” para sa Associated Broadcasting Coporation o ABC Channel 5, kilala rin sa bansag na TV5, si Mar agad ang naisip ni Dolphy na isama.

Ito ay bukod kay Jeffrey Quizon, Vandolph, Vanessa Quizon at iba pang artista.

***

Hindi talagang nawawalan ng magagandang grasya si Dolphy kaya naman nang dahil dito ay dumarami pang lalo ang kanyang mga biyaya.

Kahit wala siyang show sa ABS-CBN ay kinuha naman siya ng ABC para pakinangin ang imahe nito sa publiko.

Napapanood na ang “Pidol’ Wonderland” sa TV5 tuwing Linggo, alas sais y medya hanggang alas siyete y media ng gabi.

“Ay, ang daming nanonood ng show. Kasi, bago. Klik na klik si Dolphy sa lahat ng mga tao. Magpapasok din ako ng mga commercial sa show at nagsabi na ‘yong mga direct client na maglalagay sila ng spot. Nakakatuwa, di ba?” pahayag ng misis ni Mar na si ----.

***

Matagal nang magkaibigan at magkabarkada sina Mar at Dolphy sapul nang mag-artista silang dalawa.

Marami nang pinagsamahan ang dalawa at para na silang magpamilya.

Hindi nga ba’t kasama rin sa “Nobody, Nobody But Juan” ng Kaizz Ventures si Lopez na pinagbidahan ni Dolphy para sa 2009 Metro Manila Film Festival?

Pati sa pagtatanghal ni Dolpy sa ibang bansa, lalo na sa Amerika ay isinasama rin niya si Mar at ang mga katrio nito sa dating D’Big Three Sullivans at Tatlong Pinoy.

“Hindi makakatiis si Pareng Dolphy na hindi kami isama sa kanyang mga project at mabait naman talaga ‘yang kumpare naming ‘yan,” wika ni Mang Mar.

***

Samantala, kilala naman ninyo marahil si Venus Lopez, ang anak nina Mar at ng kanyang mahal na misis.

Si Venus Lopez na inilunsad na mang-aawit noon?

Si Venus Lopez na nagsimula sa ABS-CBN pero hindi niya ipinagpatuloy ang kanyang karera roon?

Si Venus Lopez na naging syota ni Meynard Lapid, ang bunsong anak na lalaki ni Lito Lapid kay Marissa Lapid.

Ayon sa kanyang ina, teller na sa Metro Bank sa Visayas Avenue sa Quezon City si Venus at enjoy na enjoy anya ito sa kanyang trabaho.

***

Namumulaklak na ang career ni Venus noon nang sabihan siya ng isa sa kanyang mga tiya na sumubok sa bangko, umeksamin dahil sayang naman kung hindi maisasapraktika at mapapakinabangan ang kanyang pinag-aralan sa kolehiyo.

Kaya naman heto at namumukadkad ang banking business ng babaing Lopez.

Ang dami anang ina na nanliligaw sa kanyang anak ngayon.

“Ang daming nagbibigay sa kanya ng mga chocolates at flowers. Kahit na mas may mga edad, okey lang sa kanya ‘yon. Kasi, nakikipagkaibigan lang naman ang mga ‘yon, e,” kuwento ng ina ni Venus.

Magandang-maganda pa rin si Venus at hindi nawawala ang sex appeal.

May kasintahan anya ang kanyang anak pero wala pang balak na mag-asawa o magpakasal kaya.

***

Nakakapag-show pa rin anang ina si Venus pag Sabado at Linggo na walang pasok sa bangko.

Para sa ina, walang kahulilip ang kaligayahang kanyang nadarama sa kapalarang nagaganap sa anak.

Bukod sa artista ay bank teller pa.

“Bihira ang ganyan sa mga babae kaya naman ipinagmamalaki ko si Venus,” sabi ng ina.

No comments:

Post a Comment