Saturday, April 24, 2010

Bagong loveteam: Jason Abalos at Ria Garcia

MAY bagong loveteam na ipinamamarali ngayon ang showbiz, ang tambalang Jason Abalos at Ria Garcia.

Hindi man hinabi ang tambalan sa bakuran ng ABS-CBN o kaya ay sa GMA Network o TV5 o kaya naman ay sa UNTV o Channel 9, Channel 13, Channel 4 o Channel 11, nandito naman ang loveteam na ito at inaalagaan ng isang kumpanya.

Ang produksyon ng t-shirt na Cotton Club ang siyang nagmamay-ari ng karapatan sa tambalang Jason-Ria.

Pagkatapos na hindi na i-renew ng Cotton Club ang kontrata kina Aljur Abrenica at Charice Solomon, sina Abalos at Garcia na ang inalagaan nito at katuwang ang peryodistang pampelikula at editor ng mga aklat na si Terry Bagalso sa naghabi ng tambalang ito.

***

Ayon kay Terry, naghahanap ang Cotton Club noon ng magiging image model ng kasuotan at si Jason agad ang kanyang naisip.

Pagkatapos ay isinunod naman ang paghahanap sa babaing makakatambal ni Abalos at si Ria nga ang natagpuan ni Terry at ng mga nangangasiwa ng damit.

“Perfect combination sina Jason at Ria. Kung ako sa ABS-CBN, aalagaan ko ang loveteam na ito,” pahayag ni Bagalso.

Ngayon ay pinagkakaguluhan na ang love pair na ito sa lahat ng sulok ng pamilihan ng t-shirt.

***

Perpekto ang pagtitinda nina Jason at Ria ng kanilang produkto lalo na ngayong tag-init.

Ayon sa sinulat na panghalina ni Terry, “Dama mo ba ang init? Hindi lang init, sobrang init! Panahon ng paglubog sa tubig, panahon ng outing. Pero ayon na rin sa mga dalubhasa, hindi na healthy ang sobrang init ngayon. Hindi na ligtas sa kalusugan, hindi rin maganda sa balat . Nariyan ang heat stroke, nariyan ang skin cancer.

Stay cool, stay fresh. Relax! Iwasan ang stress, iwasan ang init ng ulo at huwag magbilad sa araw. Tandaan, ang sobrang bilad sa araw ay nagiging dahilan ng mabilis na pagkulubot ng balat. Piliin din ang preskong kasuotan. Cotton, masarap sa katawan, magaan, presko at malambot . At dito maaasahan ang Cotton Club. Sa kalidad at halaga, panalo ka! Heto pa nga at may magandang handog ang Cotton club. Samantalahin ang buy 3 take 1 nilang offer ngayong summer. Go na kayo sa mga outlet na t-shirt na ito. Doble panalo ka!”

***

Samantala, ang isa pang naghahanap ng ka-loveteam ay ang anak ni Maria Isabel Lopez na si Mara Yokohama, isang batambatang aktres na nakakontrata dati sa ABS-CBN pero ngayon ay malaya na sa kanyang paggawa sa iba't ibang kumpanya ng pelikula at telebisyon.

Katatapos lang ni Mara ng kanyang kolehiyo sa De La Salle University sa Taft Avenue.

Nagtapos siya ng kursong AB Communication Arts at ayon sa kanya, nakatakda siyang magtrabaho ng international relations sa Japan.

Nakapasok na ang kanyang aplikasyon sa isang ahensiyang pang-embahada at panggobyerno kaya naman naghahanda na ang dalaga sa kanyang consular responsibilities.

***

Pero hinding-hindi niya iiwan ang kanyang pagsu-showbiz.

Katatapos din lang niya ng pelikulang “Happyland” para sa mahusay at premyadong direktor na si Jim Libiran na siya ring gumawa ng obrang “Tribu” tatlong taon na ang nakakaraan.

Leading lady si Mara ng baguhang pangalang Muslim ang screen name.

Ito ang aktor na babagay kay Mara.

Kilala rin si Mara bilang Mara Isabelle Lopez pero ni-retain na niya ang apelyido ng kanyang ama sa kanyang screen name.


Star Patrol (for Saksi, April 24, 2010)

Boy Villasanta


Jason Abalos at Ria Garcia, bagong loveteam


KUNG pagbabasehan ang kampanya ng publisidad na ikinakalat ng peryodistang pampelikula at patnugot ng mga aklat na si Terry Bagalso, tunay na ngang kaiga-igaya ang tambalang Jason Abalos at Ria Garcia.

Nagsimula ang tambalan nina Jason at Ria nang magpahanap ang kumpanya ng Cotton Club ng ipapalit kina Aljur Abrenica at Charice Solomon bilang mga image model ng kasuotan.

Unang nawala si Aljur at nais ng pangasiwaan na ang iba na ang maging modelo nila.

Pagkatapos ay hindi rin anila nakatupad sa mga kasunduan si Charice kaya nagpahanap din ang produksyon ng mga bagong modelo.

***

Naghanap si Terry ng mga kapalit ng mga establisado nang mga bituin pero ang isang Jason ay isa na ring matatag na pangalan sa showbiz.

Bagamat parang starlet pa lang ang kategorya ni Solomon, may dating na siya bilang komikerang bagets.

Kaya lang ay hindi na nila kaya ang mag-endorso ng kasuotan kaya kailangan na silang palitan.

Naisipan ni Terry si Abalos at ang baguhang si Ria.

Presto!

May bagong tambalan na sa daigdig ng pananamit.

***

Lalo na ngayong summer na talagang bagay na bagay ang personalidad na magkapartner nina Jason at Ria.

May sinulat nga si Bagalso na pagbebenta ng kasuotan na bagay sa panahon at sa tindi ng dating nina Abalos at Garcia.

Narito ang blurb ni Terry:

“Dama mo ba ang init? Hindi lang init, sobrang init! Panahon ng paglubog sa tubig, panahon ng outing. Pero ayon na rin sa mga dalubhasa, hindi na healthy ang sobrang init ngayon. Hindi na ligtas sa kalusugan, hindi rin maganda sa balat . Nariyan ang heat stroke, nariyan ang skin cancer.

Stay cool, stay fresh. Relax! Iwasan ang stress, iwasan ang init ng ulo at huwag magbilad sa araw. Tandaan, ang sobrang bilad sa araw ay nagiging dahilan ng mabilis na pagkulubot ng balat. Piliin din ang preskong kasuotan. Cotton, masarap sa katawan, magaan, presko at malambot . At dito maaasahan ang Cotton Club. Sa kalidad at halaga, panalo ka! Heto pa nga at may magandang handog ang Cotton club. Samantalahin ang buy 3 take 1 nilang offer ngayong summer. Go na kayo sa mga outlet na t-shirt na ito. Doble panalo ka!”

***

Samantala, ang isa pang naghahanap ng ka-loveteam ay ang anak ni Maria Isabel Lopez na si Mara Yokohama, isang batambatang aktres na nakakontrata dati sa ABS-CBN pero ngayon ay malaya na sa kanyang paggawa sa iba't ibang kumpanya ng pelikula at telebisyon.

Katatapos lang ni Mara ng kanyang kolehiyo sa De La Salle University sa Taft Avenue.

Nagtapos siya ng kursong AB Communication Arts at ayon sa kanya, nakatakda siyang magtrabaho ng international relations sa Japan.

Nakapasok na ang kanyang aplikasyon sa isang ahensiyang pang-embahada at panggobyerno kaya naman naghahanda na ang dalaga sa kanyang consular responsibilities.

***

Pero hinding-hindi niya iiwan ang kanyang pagsu-showbiz.

Katatapos din lang niya ng pelikulang “Happyland” para sa mahusay at premyadong direktor na si Jim Libiran na siya ring gumawa ng obrang “Tribu” tatlong taon na ang nakakaraan.

Leading lady si Mara ng baguhang pangalang Muslim ang screen name.

Ito ang aktor na babagay kay Mara.

Kilala rin si Mara bilang Mara Isabelle Lopez pero ni-retain na niya ang apelyido ng kanyang ama sa kanyang screen name.


No comments:

Post a Comment