Direktor Jowee Morel, tinutulan ang pagpapabayad ng booking fee sa mga pelikula halimbawa ni Mercedes Cabral sa mga sinehan
BUMUBUGA sa galit ang kontrobersyal na direktor na si Jowee Morel ng mga obrang “Moma,” “Ec2luv,” “Mona, Singapore Escort,” “When A Gay Man Loves,” “Moving Dreams,” “HiStory,” “Latak” at “Strictly Confidential” sa sistema ng booking at marketing ng mga independent o indie film ngayon sa bansa.
Ito ay ang pagsingil ng may-ari ng mga sinehan, halimbawa’y Isetann, Recto, Remar at iba pa, sa mga prodyuser kaugnay sa pagtatanghal ng mga pelikula sa mga ito.
“Bakit gano’n? Kaya nga independent filmmaking, kailangang hindi pinagsasamantalahan ng mga sinehan dahil wala namang kinikita ang mga indie producer,” pahayag ni Jowee na kasalukuyang nasa London upang mag-aral ng mga makabagong pamamaraan ng filmmaking upang ilapat sa paggawa ng pelikula sa Pilipinas.
***
Halimbawa, may pelikula si Mercedes Cabral o si Chanel Latorre o si Marc Jacob o si Ana Capri o si Paolo Paraiso o si Julio Diaz o si Maria Isabel Lopez at iba pang bituin na hindi gawa ng malalaking studio tulad ng Star Cinema, Regal Entertainment, Viva Films, Imus Productions at iba pa, kailangang magbayad ang mga produser sa mga sinehan na madalas naman ay porsyentuhan lang.
Ito ang tinututulan ni Morel. “Dapat, percentage lang talaga. Kasi, wala nang matitira sa prodyuser na nagkapital kahit na maliit sa kanyang produksyon.
“Kaya kailangang magkaisa ang mga indie film producer na huwag magbayad sa mga sinehan. Sobra nang pahirap ‘yan sa mga indie producer. Hindi na ‘yan makakatulong sa ating paglago ng ekonomiya.
“Kaya nga hindi lumalago an gating industriya ay nang dahil sa ganyan. Wala namang nagrereklamo. Dapat ay talakayin na ‘yan sa Independent Filmmakers Cooprative. Kasi, wala na ngang kinikita ang mga indie filmmakers dahil gusto lang nilang makagawa ng kanilang gusto, tapos, papatayin pa?” tanong ni Jowee.
Sa mga sinehan ng Robinsons ay hindi naniningil ang mga may-ari kundi poryento lang.
***
Samantala, napili si Maria Isabel na isa sa mga direktor ng Sub-committee on Visual Arts ng National Commission for Culture and the Arts.
Talaga namang aktibo sa pagpapalago ng sining ng pagpinta at iba pang biswal na sining si Lopez kaya naman karapat-dapat na siya ay ilagay sa posisyong ito.
Kahit na sinong presidente pa ng Pilipinas ang maupo sa Malacanang, ang tulad ni Maribel ay mahalagang tauhan ng sining at kultura ng bansa.
Kababalik lang nga ni Lopez mula sa United States at pagkabalik-balik niya ay nakatutok agad siya sa NCCA.
***
Tinarayan naman ni Gloria Diaz si Cutie del Mar?
Sino si Cuie del Mar?
Si Cutie del Mar ay isang kongresista at isang TV hostess sa Nation Broadcasting Network o NBN Channel 4.
Kasi nga ay nagsabi umano si del Mar na manghingi dapat ng sorry ang mga taga-Cebu kay Gloria nang dahil sa mga sinabi ng 1969 Miss Universe sa mga Cebuano kaugnay sa pag-i-Ingles.
Pero itinanggi na nga ni Diaz na may masasama siyang sinabi kontra mga Cebuano.
“Dapat, bago siya magsalita ng anuman, alamin niya ang puno’t dulo ng istorya. Kasi, wala naman siyang alam kung bakit gano’n ang interpretasyon ng mga Cebuano sa akin, e. Pero inuulit ko, wala akong sinabing masasama sa kanila,” sabi ni Ms. Diaz.
“She should do her homework,” paghahamon ng aktres sa pulitiko.
No comments:
Post a Comment