Friday, August 6, 2010

Coco Martin, makakasama ang French at Hollywood actress na si Isabelle Huppert sa pelikula

O, di ba, bongga si Coco Martin?

Huwag isnabin dahil hindi sa telebisyon o kaya ay sa pelikulang indie o kahit na sa mga komersyal na panoorin lang gagawa at mapapanood si Coco kundi sa isang produksyon na may kaugnayan sa banyagang paggawa ng pelikula.

Hindi man Hollywood ay isang Hollywood actress naman ang makakasama niya, si Isabelle Huppert.

Itatanong, sino naman si Isabelle Huppert?

Ano ba naman kayo, mga giliw na mambabasa?

Simple at sikat din naman si Isabelle at kahanay siya nina Angelina Jolie o Lindsay Lohan o Nora Aunor o Lucy Liu o Salma Hayek o Vilma Santos o Sharon Cuneta o Linda Evangelista o Glen Close at iba pa na sikat na sikat sa kanilang mga bansa at maging sa Hollywood dahil sa panig nina Nora, Vilma at Sharon, may mga nakakakilala rin sa kanila sa Hollywood.

Kahit na walang pelikula si Isabelle sa Hollywood, para na rin siyang aktres sa Hollywood dahil maraming may kakilala sa kanya roon at iginagalang siya.

Isa pa’y mga taga-Hollywood ang mga nakakalaban niya sa mga awards night sa France o ng kanyang mga pelikula ay nakakasali sa laban sa Oscars.

Ganyan din sina Nora, Vilma at Sharon.

Hindi nga ba’t nadala na si Aunor sa Cannes Film Festival sa France ni Lino Brocka.

Gayundin, ang pelikula ni Santos ay napanood na sa Hollywood.

Ang “Caregiver” ni Cuneta ay isinali na sa pilian sa Foreign Language Film ng Oscars at kahit hindi nakapasa, nakita ang mukha niya at pangalan sa Hollywood.

***

Para kay Martin, napakalaking karangalan ang mapasama sa pelikula na si Isabelle ang isa sa mga pangunahing tauhan.

Ito ay sa “Prey” na gagawin at ididirek ni Brillante Mendoza sa mga unang bahagi ng 2011.

Dating “Captured” ang pamagat ng obra ng 2009 Cannes Palm d’Or Best Director para sa pelikulang “Kinatay (The Execution of P).”

“Isa pong karangalan ang mapasama sa isang pelikulang kasama si Ms. Huppert,” ang pahayag ni Coco na inalingawngaw ni Mendoza.

Hindi nga ba’t si Isabelle ang naghusga sa pagsali ng “Kinatay (The Execution of P)” sa Cannes?

At gustung-gusto ni Huppert si Martin?

Puring-puri ng bituin ang batang aktor na laging nakakasama sa Cannes.

Ngayon pa lang ay nananabik na kapwa sina Coco at Isabelle sa pagsasama.

***

Sinabi ni Dante Mendoza, ang iba pang pangalan ni Brillante, na ayos na ang lahat sa pagitan niya at ni Isabelle.

“Tapos na ang negosasyon sa bayaran at ang mga condition ng paggawa ni Isabelle sa Pilipinas,” pahayag ni Brillante.

“Kaya lang, kung may producer na foreigner ang ‘Prey,’ may counterpart producer din ito sa Pilipinas. Pag nandito na ang foreign production group, may production staff din dito sa Pilipinas,” dagdag pa ni Dante.

Ganyan din naman nang gumawa sina Sam Jones ng “Flash Gordon,” Tom Cruise ng “Born on the Fourth of July,” Marlon Brandon g “Apocalypse Now” at marami pang Hollywood stars sa Pilipinas bagamat hindi coproduction na istriktong masasabi ang mga proyektong ito kundi dito lang nag-shooting at ang mga direktor nila ay mga banyaga rin.

Bastat ang mahalaga ay may pagsunod sa mga alituntunin ng wastong paggawa.

***

Ito ang pinagkakaabalahan ni Dante ngayon at si Coco naman ay magsisingit dito ng kanyang panahon mula sa mahigpit niyang iskedyul sa TV.

Makaapekto kaya ang paggawa niya nito sa pakikipag-ibigan umano kay Erich Gonzales?

O bilang mga propesyunal, mas uunahin nina Martin at Erich ang makapagpapalago sa kanilang trabaho para mas masaya at kontento sa pribadong buhay?

Malayo na nga ang nararating ni Coco mula nang siya ay madiskubre nina Deo Fajardo, Jr. at Ihman Isturco.

Star Patrol (for Saksi, August 6, 2010)

Boy Villasanta

Coco Martin, nananabik nang makasama ang French at Hollywood actress na si Isabelle Huppert

INAMIN ng 20019 Palm d’Or Best Director sa Cannes International Film Festival na si Brillante Mendoza na kumpirmado nang si Coco Martin ang isa sa mga bida ng kanyang bagong pelikula na magkatuwang na gagawin ng kanyang Centerstage Productions at isang foreign production.

At makakasama rin sa pelikula ang mag-inang Maria Isabel Lopez at Mara Yokohama.

Mas malamang kaysa hindi ay maisingit ng peryodistang pampelikulang si Dennis Adobas si Kristofer King sa obra.

At alam ba ninyo kung sino ang makakasama ni Coco sa pelikulang ito?

Walang iba kundi ang French actress at kilalang-kilala sa Amerika, sa Hollywood na si Isabelle Huppert.

***

O, di ba, bongga si Coco?

Huwag isnabin dahil hindi sa telebisyon o kaya ay sa pelikulang indie o kahit na sa mga komersyal na panoorin lang gagawa at mapapanood si Coco kundi sa isang produksyon na may kaugnayan sa banyagang paggawa ng pelikula.

Itatanong, sino naman si Isabelle Huppert?

Ano ba naman kayo, mga giliw na mambabasa?

Simple at sikat din naman si Isabelle at kahanay siya nina Angelina Jolie o Lindsay Lohan o Nora Aunor o Lucy Liu o Salma Hayek o Vilma Santos o Sharon Cuneta o Linda Evangelista o Glen Close at iba pa na sikat na sikat sa kanilang mga bansa at maging sa Hollywood dahil sa panig nina Nora, Vilma at Sharon, may mga nakakakilala rin sa kanila sa Hollywood.

Kahit na walang pelikula si Isabelle sa Hollywood, para na rin siyang aktres sa Hollywood dahil maraming may kakilala sa kanya roon at iginagalang siya.

Isa pa’y mga taga-Hollywood ang mga nakakalaban niya sa mga awards night sa France o ng kanyang mga pelikula ay nakakasali sa laban sa Oscars.

Ganyan din sina Nora, Vilma at Sharon.

Hindi nga ba’t nadala na si Aunor sa Cannes Film Festival sa France ni Lino Brocka.

Gayundin, ang pelikula ni Santos ay napanood na sa Hollywood.

Ang “Caregiver” ni Cuneta ay isinali na sa pilian sa Foreign Language Film ng Oscars at kahit hindi nakapasa, nakita ang mukha niya at pangalan sa Hollywood.

***

Para kay Martin, napakalaking karangalan ang mapasama sa pelikula na si Isabelle ang isa sa mga pangunahing tauhan.

Ito ay sa “Prey” na gagawin at ididirek ni Brillante Mendoza sa mga unang bahagi ng 2011.

Dating “Captured” ang pamagat ng obra ng 2009 Cannes Palm d’Or Best Director para sa pelikulang “Kinatay (The Execution of P).”

“Isa pong karangalan ang mapasama sa isang pelikulang kasama si Ms. Huppert,” ang pahayag ni Coco na inalingawngaw ni Mendoza.

Hindi nga ba’t si Isabelle ang naghusga sa pagsali ng “Kinatay (The Execution of P)” sa Cannes?

At gustung-gusto ni Huppert si Martin?

Puring-puri ng bituin ang batang aktor na laging nakakasama sa Cannes.

Ngayon pa lang ay nananabik na kapwa sina Coco at Isabelle sa pagsasama.

***

Sinabi ni Dante Mendoza, ang iba pang pangalan ni Brillante, na ayos na ang lahat sa pagitan niya at ni Isabelle.

“Tapos na ang negosasyon sa bayaran at ang mga condition ng paggawa ni Isabelle sa Pilipinas,” pahayag ni Brillante.

“Kaya lang, kung may producer na foreigner ang ‘Prey,’ may counterpart producer din ito sa Pilipinas. Pag nandito na ang foreign production group, may production staff din dito sa Pilipinas,” dagdag pa ni Dante.

Ganyan din naman nang gumawa sina Sam Jones ng “Flash Gordon,” Tom Cruise ng “Born on the Fourth of July,” Marlon Brandon g “Apocalypse Now” at marami pang Hollywood stars sa Pilipinas bagamat hindi coproduction na istriktong masasabi ang mga proyektong ito kundi dito lang nag-shooting at ang mga direktor nila ay mga banyaga rin.

Bastat ang mahalaga ay may pagsunod sa mga alituntunin ng wastong paggawa.

***

Ito ang pinagkakaabalahan ni Dante ngayon at si Coco naman ay magsisingit dito ng kanyang panahon mula sa mahigpit niyang iskedyul sa TV.

Makaapekto kaya ang paggawa niya nito sa pakikipag-ibigan umano kay Erich Gonzales?

O bilang mga propesyunal, mas uunahin nina Martin at Erich ang makapagpapalago sa kanilang trabaho para mas masaya at kontento sa pribadong buhay?

Malayo na nga ang nararating ni Coco mula nang siya ay madiskubre nina Deo Fajardo, Jr. at Ihman Isturco.

Boy Villasanta (for Bomba, August 7, 2010)

Pelikula nina Gina Pareño at Ralston Jover sa batang Manileño na nambabakal sa dagat, wagi sa Japan

WALA talaga kaming masabi kay Gina Pareño.

Si Gina Pareño na talagang pinag-aagawan sa lahat ng sulok ng showbiz mula sa Channel 2 hanggang sa mga produksyon ng pelikula.

Dahil magaling namang talaga si Gina at hindi lang sa Pilipinas napapansin ang kanyang kahusayan kundi maging sa ibang bansa.

Noon lamang ika-1 ng Agosto, 2010 ay nagwagi ang pelikula ni Pareño sa isang international film festival, sa ika-7 Skip City International D-Cinema Festival sa Kawaguchi, Japan.

O, di ba, sa Japan pa nakakakuha ng malalaking gantimpala ang kanyang mga pelikula pagkatapos na purihin at kumita sa Pilipinas.

Sosyal, di ba?

***

Hindi maipaliwanag ang kaligayahang nadarama ni Gina sa muling paghakot ng “Bakal Boys” ni direktor Ralston Jover ng mga premyo sa mga banyagang pagtatanghal.

Nagwagi ng Best Screenplay ang pelikula ni Ralston na kanyang sinulat kasama si Nestor Burgos sa Skip City.

Ayon kay Jover, mahigpit ang mga kalaban.

“Naku, ibang klase. Matindi ang labanan sa full-length feature. Sampu kaming naglaban at talagang wala kang itulak-kabigin sa mga naglaban. Nanliliit ako pag naaalala ko ang mga kalaban ko,” pahayag ni Ralston isang araw pagkatapos niyang umuwi mula sa Japan.

Bukod sa Japan, ang kanyang katunggali ay ang Australia, Korea, England, Iraq, Turkey, Norway at marami pang iba mula sa mga kani-kanilang kapital ng aliwan sa buong daigdig.

“Ang nakakagulat sa Japan, nagbukas pa sila ng dalawang malalaking sinehan para pagpalabasan ng mga pelikulang digital. May market na talaga ang digital films sa ibang bansa.

“Kaya nga dapat sa Pilipinas ay simulan na ang paggawa ng mga malalaking digital films o kahit na ang mga small-budget films na digital na magaganda at maipagkakapuri sa ibang bansa para kumita na muli ang pelikula natin.

“Sa Japan, welcome na welcome ang mga digital films dahil ang daming nanonood. Ang daming mga kabataan, professional, film buffs at lahat ng mga klase ng tao sa Japan, nanonood ng digital films,” pahayag ni Jover na kapatid ng dating aktres sa TV ng “Flordeluna” na si Rosanna Jover at bituin ni Lino Brocka sa “Hot Property.”

***

Bukod sa sertipiko ng paglahok at tropeyo, nag-uwi rin ng 500,000 yen sina Ralston nang magwagi ang kanilang pelikula sa kategoryang Best Screenplay.

Malaking tulong na rin ang 500,000 yen sa prodyuser na gumawa ng pelikula kahit na ito ay hindi masyadong nagkaroon ng komersyal na pagtatanghal sa Pilipinas.

Nabigyan na ng karangalan ang bansa ay nagkaroon pa ng grasya na magpapatubo o kaya naman ay puwedeng magpagawa muli ng bagong obra kung hindi man kay Ralston ay sa ibang mga direktor at filmmaker.

Tuwang-tuwa nga si Jover sa kapalarang dumarating sa kanyang pelikula.

***

Kasama ni Ralston, kilala rin sa tawag na Joel at iskriprayter din ng pamoso at premyadong direktor na si Jeffrey Jeturian sa “Kubrador” at ni Brillante Mendoza sa “Tirador” at “Foster Child.”

O, di ba, bongga talaga si Jover?

Dati siyang may kaugnayan sa premyado ring screenwriter na si Lynda Casimiro ng bantog na bantog na “Lola.”

Nakagawa na rin si Joel ng pelikula bilang direktor at ito ay sa “Marlon” na nagwagi sa 2008 Cinemanila International Film Festival ni Tikoy Aguiluz.

Kaya sanay na sanay na rin siya.

Kasalukuyang miyembro si Ralston ng Monitoring Team ng ABS-CBN, ang sangay ng istasyon na nanonood at nag-i-evaluate ng mga programang pan-TV ng lahat ng himpilan lalo na ng soap opera kaugnay sa mga kalabang palatuntunan at kung paano makapagpapaunlad ng mga produktong tatangkilik at magpapasok pa ng pera sa lukbutan ng mga may-ari ng istasyon.

***

Nagsimula ang 7th Skip City International D-Cinema Festival noong ika-23 ng Hulyo at nagtapos noong ika-1 ng Agosto, 2010 sa isang awards night sa Skip City Audio-Visual Hall na may kapasidad ani Ralston ng 500 katao at punumpuno ito.

Kasama ni Jover sa paglalakbay ang prodyuser ng obra na si Bessie Badilla, ang taga-Tondo na naging sikat na aktres at fashion model na nakaribal ni Hilda Koronel sa pag-ibig.

Talagang ang buhay ay sanga-sanga at ang mga tao ay naliliitan lang sa mundo.

Star Patrol (for Saksi, August 7, 2010)

Boy Villasanta

Pelikula ng dating karibal ni Hilda Koronel sa pag-ibig at ni Gina Pareño, wagi sa Japan

HINDI na nga maiisnab sa buong mundo ang produktong Filipino sa showbiz.

Dahil kabi-kabila ang pananalo ng mga lokal na pelikula sa pandaigdig na paligsahan ng pagandahan sa pelikula.

Kamakailan ay nag-uwi ng karangalan ang pelikula ni Gina Pareño.

No comments:

Post a Comment