ITINANGHAL na mga Pangunahing Aktres sa kanya-kanyang kategorya sina Meryll Soriano at Lovi Poe sa katatapos na ika-6 na Cinemalaya Independent Film Festival sa awards night na ginanap sa Main Theater (Tanghalang Nicanor Abelardo) ng Cultural Center of the Philippines noong Linggo.
Best Actress si Meryll para sa pelikulang “Donor” ni Mark Meily na kalahok sa Directors Showcase na seksyon, ang bagumbagong kategorya na kalulunsad lang ngayong taong ito.
Best Actress naman si Lovi para sa obrang “Mayohan” nina Dan Villegas at Paul Sta. Ana na kasali sa New Breed category, ang dibisyon ng pestibal na nilikha noon pang unang taon ng Cinemalaya.
Nagulat si Meryll nang tawagin ang kanyang pangalan kaya naman halos mabuwal sa siya kasisigaw kahit na hindi malakas habang niyayakap at pagkatapos ay binibigyang-daan ang kanyang kasintahan.
***
Samantala, Best Actor si Baron Geisler para rin sa “Donor” at nang umakyat na entablado ang aktor ay halos malunod siya sa palakpakan ng mga tao dahil sa pagdiriwang at pagkantiyaw.
Hindi nga ba’t laging may nakaambang pagdakip kay Baron dahil sa kanyang mga kasong pambabastos sa babae na ang pinakahuli ay naganap kay Julia Clarete?
Pero halatang wala nang mandamyento de aresto si Geisler dahil nakakakilos at nakakalabas na siya ng bahay.
Sinabi ni Baron na “magpapakatino na ako” na umani ng masigabong palakpakan at tawanan.
Inayudahan naman ni Jeffrey Quizon ang winika ni Geisler at sinabi ng komedyanteng “talagang magbabago ka na, huh” na sinundan din nila ng kapwa malakas na tawa.
***
Best Actor sa New Breed si John Arcilla para sa pelikulang “Halaw” ni Sheron Dayoc at napakaganda at makapanindig-balahibo ang talumpati ni John kaugnay sa kanyang partisipasyon sa Cinemalaya at sa “Halaw.”
“Bonus lamang po itong trophy na ito para sa akin. Ang mas mahalaga ay ang pagtatatag ng Cinemalaya ng festival na ito. Nang dahil po sa inyong ginawang ito, nabigyan po ninyo ng languyan ang mga alagad ng sining sa ating bansa. Mas malawak po ang languyan ngayon at nagpapasalamat ako.
“Nang gawin ko po ang pelikulang ‘Halaw,’ mas may natutunan pa akong ibang klase ng kahirapan sa ating bansa. Kung noon ay ibang kahirapan ang nararanasan ko sa mga shooting, ang kahirapan ngayon na nararanasan ko ay ibang klase rin.
“Sa Mindanao po, mas maraming naghihirap. ‘Yong kasama ko po sa pelikula na si Daying, isang bata ay isang beses lang sa isang araw kung kumain. Kanin lang po at toyo o asin ang kanyang kinakain. Ngayon, sa shooting namin, mabuti at nakakakain siya ng tatlong beses sa isang araw. Paano naman po ngayon na wala na kaming shooting?
“‘Yong isa pa po naming kasama sa pelikula, si Jahid, nangunguha siya ng mga metals sa ilalim ng dagat para kumita siya ng at least, one hundred fifty pesos a day pero tatlong kasamahan na niya ang namatay sa paglangoy sa dapat.
“Kung hindi makakapag-produce ng oxygen sa ilalim ng dagat, makakahinga sina Jahid, mamamatay sila sa ilalim ng tubig kaya delikado. Kaya nga po mabuti at may mga festival na tulad ng Cinemalaya kung saan maipapakita ang talagang tunay na kondisyon ng ating bayan, ang kahirapan sa ating bansa,” pahayag ni Arcilla.
***
Best Supporting Actress si Carla Pambid, isang bituin na madalas kaysa hindi ay nasa likod ng kamera, para sa pelikulang “Donor.”
Hindi makapaniwala si Carla na nakamtan niya ang karangalan dahil maraming magagaling na kalaban sa kategorya.
Best Supporting Actor naman si Emilio Garcia para sa pelikulang “Rekrut” ni Danny AƱonuevo.
Nagpapasalamat si Emilio sa kanyang mga kasamahang pumapel na nagsasanay na sundalo tulad nina Dominic Roco, Edgar Orgel, Joem Bascon at marami pang iba.
Bukas naman, mga kaibigan ay ihahatid namin sa inyo ang iba pang mga nanalo sa paligsahang ito para sa New Breed, Directors Showcase at Shorts at marami pang mga showbiz na showbiz na kapaganapan dahil ito ay makulay, matunggali, malalim, malawak, madrama, madula, matalinghaga at iba pang mga katangian ng buhay dahil ang showbiz ay buhay at ang buhay ay showbiz.
Star Patrol (for Saksi, July 19, 2010)
Boy Villasanta
Meryll Soriano at Lovi Poe, nagwaging Best Actress sa 6th Cinemalaya Independent Film Festival
PATULOY ang pagpailanglang ng Cinemalaya sa bansang ito.
Ngayong ika-6 na Cinemalaya Independent Film Festival ay hindi humuhupa ang interest ng publiko rito kaya naman sa malaon at madali ay lalo pang lilikha ng kamalayan sa mga mamimili ang mga pelikulang independent o ang tinatawag na indie films.
Katatapos lang ng pestibal at pati ang gabi ng parangal ay idinaos sa Main Theater, ang Tanghalang Nicanor Abelardo ng Cultural Center of the Philippines.
Kaya nga bumaha hindi lang ng tubig sa Kamaynilaan kundi ng mga bituin sa CCP kahit na masungit ang panahon ng mga sandaling ‘yon ng araw ng Linggo.
Itinanghal na mga Pangunahing Aktres sa kanya-kanyang kategorya sina Meryll Soriano at Lovi Poe sa katatapos na ika-6 na Cinemalaya Independent Film Festival sa awards night na ginanap sa Main Theater (Tanghalang Nicanor Abelardo) ng Cultural Center of the Philippines noong Linggo.
Best Actress si Meryll para sa pelikulang “Donor” ni Mark Meily na kalahok sa Directors Showcase na seksyon, ang bagumbagong kategorya na kalulunsad lang ngayong taong ito.
Best Actress naman si Lovi para sa obrang “Mayohan” nina Dan Villegas at Paul Sta. Ana na kasali sa New Breed category, ang dibisyon ng pestibal na nilikha noon pang unang taon ng Cinemalaya.
Nagulat si Meryll nang tawagin ang kanyang pangalan kaya naman halos mabuwal sa siya kasisigaw kahit na hindi malakas habang niyayakap at pagkatapos ay binibigyang-daan ang kanyang kasintahan.
***
Samantala, Best Actor si Baron Geisler para rin sa “Donor” at nang umakyat na entablado ang aktor ay halos malunod siya sa palakpakan ng mga tao dahil sa pagdiriwang at pagkantiyaw.
Hindi nga ba’t laging may nakaambang pagdakip kay Baron dahil sa kanyang mga kasong pambabastos sa babae na ang pinakahuli ay naganap kay Julia Clarete?
Pero halatang wala nang mandamyento de aresto si Geisler dahil nakakakilos at nakakalabas na siya ng bahay.
Sinabi ni Baron na “magpapakatino na ako” na umani ng masigabong palakpakan at tawanan.
Inayudahan naman ni Jeffrey Quizon ang winika ni Geisler at sinabi ng komedyanteng “talagang magbabago ka na, huh” na sinundan din nila ng kapwa malakas na tawa.
***
Best Actor sa New Breed si John Arcilla para sa pelikulang “Halaw” ni Sheron Dayoc at napakaganda at makapanindig-balahibo ang talumpati ni John kaugnay sa kanyang partisipasyon sa Cinemalaya at sa “Halaw.”
“Bonus lamang po itong trophy na ito para sa akin. Ang mas mahalaga ay ang pagtatatag ng Cinemalaya ng festival na ito. Nang dahil po sa inyong ginawang ito, nabigyan po ninyo ng languyan ang mga alagad ng sining sa ating bansa. Mas malawak po ang languyan ngayon at nagpapasalamat ako.
“Nang gawin ko po ang pelikulang ‘Halaw,’ mas may natutunan pa akong ibang klase ng kahirapan sa ating bansa. Kung noon ay ibang kahirapan ang nararanasan ko sa mga shooting, ang kahirapan ngayon na nararanasan ko ay ibang klase rin.
“Sa Mindanao po, mas maraming naghihirap. ‘Yong kasama ko po sa pelikula na si Daying, isang bata ay isang beses lang sa isang araw kung kumain. Kanin lang po at toyo o asin ang kanyang kinakain. Ngayon, sa shooting namin, mabuti at nakakakain siya ng tatlong beses sa isang araw. Paano naman po ngayon na wala na kaming shooting?
“‘Yong isa pa po naming kasama sa pelikula, si Jahid, nangunguha siya ng mga metals sa ilalim ng dagat para kumita siya ng at least, one hundred fifty pesos a day pero tatlong kasamahan na niya ang namatay sa paglangoy sa dapat.
“Kung hindi makakapag-produce ng oxygen sa ilalim ng dagat, makakahinga sina Jahid, mamamatay sila sa ilalim ng tubig kaya delikado. Kaya nga po mabuti at may mga festival na tulad ng Cinemalaya kung saan maipapakita ang talagang tunay na kondisyon ng ating bayan, ang kahirapan sa ating bansa,” pahayag ni Arcilla.
***
Best Supporting Actress si Carla Pambid, isang bituin na madalas kaysa hindi ay nasa likod ng kamera, para sa pelikulang “Donor.”
Hindi makapaniwala si Carla na nakamtan niya ang karangalan dahil maraming magagaling na kalaban sa kategorya.
Best Supporting Actor naman si Emilio Garcia para sa pelikulang “Rekrut” ni Danny AƱonuevo.
Nagpapasalamat si Emilio sa kanyang mga kasamahang pumapel na nagsasanay na sundalo tulad nina Dominic Roco, Edgar Orgel, Joem Bascon at marami pang iba.
Bukas naman, mga kaibigan ay ihahatid namin sa inyo ang iba pang mga nanalo sa paligsahang ito para sa New Breed, Directors Showcase at Shorts at marami pang mga showbiz na showbiz na kapaganapan dahil ito ay makulay, matunggali, malalim, malawak, madrama, madula, matalinghaga at iba pang mga katangian ng buhay dahil ang showbiz ay buhay at ang buhay ay showbiz.
No comments:
Post a Comment